"Barbie, I love you. Will you be my girlfriend?" sabi ko, habang nakaluhod.
We are here sa rooftop. Inayos ko tong lugar na ito to serve as the perfect place for the most important happening in
my life.
I hope she agrees to be my girl. I love her so much.
After I said those words, she just stared at the flowers. Hindi sya nagsasalita.
"Barbie, sweetheart? Is everything alright?" I asked her.
"Daniel... I'm sorry. Hindi kita mahal..." she said while looking in my eyes.
She stood up and left without even looking back.
I was stunned with what I heard. Akala ko mahal nya rin ako.
Napaupo nalang ako sa sahig. I don't care kung madumi to o hindi.
Her words stabbed like knife. Ang sakit marinig yun mula sa isang taong sobrang mahal na mahal mo.
I am Daniel Padilla. A guy who was left heart broken by a girl named Barbie Forteza.
A guy who gave his heart to a girl who doesn't love him in return.
A guy who's still willing to love that girl despite everything.
And finally,
A guy who's ready to do everything just to get the girl of his dreams.
LESTER'S POV
I'm Lester Giri. One of Daniel's bestfriends. I am aware of what happened to him the other day. Kaya nga willing kami
ng tropa na gawin ang lahat para bumalik na sa dati yung mokong na yun e.
Pano ba naman, laging ang tamlay tamlay. Nagiging basagulero na at pasaway. Nawala na yung Daniel na
masayahin at in love na inlove.
"Pst! Tol! Ano bang ipapagawa natin dyan kay pareng Daniel?" tanong ni Seth. Andito kasi kami ngayon sa band
room, currently planning our "Operation Daniel".
"Tutulungang magmahal ng iba." I answered.
"Whatt? Natuturuan ba ang puso? ARAY!" Pano binato ba naman ni Kats ng bote ng mineral water.
"Tol corny mo! Hahaha" sabi ni Kats. Corny nga naman ni Seth. Hahaha.
"Pero seryoso. Yun talaga papagawa natin? 'Tanong ni Seth.
"Yup. Anong gusto mo, magmukmok nalang lagi yang bro natin?" sabi ko.
"Sa bagay." sagot ni Seth.
Patuloy lang kami sa pag-uusap kung anong gagawin namin para mapatibok na ulit tong puso ng kaibigan namin.
Biglang may pumasok sa room. Kala namin kung sino, si JC at Daniel lang pala.
Si JC, ngiting ngiti. Si Daniel, wala. Pokerface pa rin. It's time para isagawa na ang plano.
"Huy mga tol! Tara maglaro!" sabi ko.
"Game! Ano?" Sabi ni JC.
"Tagu-taguan." Sagot ni Seth.
"Ah. Sige. Kayo nalang." sabi ni JC.
"Loko. Joke lang yun. Tara magrace! Dala nyo naman mga kotse nyo diba?" Sabi ko.
"Oo. Game. Miss ko na rin yun e! Tara! Kuya! Sama ka!" sigaw ni JC kay Daniel. Magkapatid kasi sila. Bale, lil bro
ni Daniel si JC.
"Nah. Pass muna ako. Kayo nalang." sabi nya while strumming his guitar.
"Asus. Wag KJ. Walang KJ sa tropa natin. Dali na uy." Pagpupumilit ni Kats.
Binitawan na ni Daniel ang guitar nya at tumayo. "Ugh. Fine."
Oh yes. The plan officially starts now.
We proceed sa racetrack. While waiting for our cars, binrief ko muna sila sa rules ng game na to.
"Alright guys. This isn't just an ordinary game. Ang matatalo dito will have to be punished." Syempre, kasama
to sa briliiant plan.
"Ano namang parusa?" tanong ni JC.
"We'll know later." sabi ko, with a smile on my face. Sorry Daniel, pero para rin sayo to.
Dumating na yung mga car namin. Bago kami sumakay, nagngitian muna kami nina Seth at Kats. Alam na! Hahaha.
Oo, may ginawa kaming masama para makasiguradong si Daniel ang makakatikim ng malupit na parusa.
Anong ginawa namin? You'll know later.
Ilang segundo nalang at magsisimula na ang race. Walang nanonood samin dahil private property to ng pamilya ko.
For leisure lang namin to actually.
Well, too much of me. D naman ako bida dito. So yun nga, nagstart na yung race.
Si Daniel, walang nakakatalo dyan ever since. Sya lagi ang nananalo pagdating sa race na ganto. Expert yun e. Kahit
sa Temple Run, panalo pa rin yun. Anong konek? Wala lang. Basta lagi syang nananalo.
Kaya nga kinailangan naming magdevise ng evil plan para matalo sya e.
Anong plan yun? O eto na.
DANIEL'S POV
Hamunin ba naman ako magrace? E alam naman nilang hindi nila ako natatalo e. Tss. Pabayaan na nga. Baka
namiss lang nila ako makabonding. Tagal ko na kasing wala sa sarili e. Dahil dun sa---PSSSH. Wag nang balikan.
Magcoconcentrate nalang ako sa pagdadrive. Baka maibangga ko pa to ng wala sa oras pag inalala ko na naman
yun.
I was about to take a turn, wheh I suddenly lost control of my car.
What dafuq. Naflat yung gulong ko.
For the first time in my life, matatalo nila ako.
I heard a gun shot. Signaling the end of the race. I just stepped out of the car and walked to the finish line. Andun
silang lahat e. Hayy. I'm ready to face my consequence.
Bumalik na kami sa band room. At nung makarating kami dun, dun na nila ako kinausap.
"Pano ba yann Daniel!! First time mo to lose." pang-aasar ni Seth.
"Shut up." sabi ko. Expression lang naman to. Hindi ako galit or anything.
"You ready to face your consequence?" asked Kats.
"Do I have a choice?" I answered.
"Well. Your consequence would be... drum roll please!" sabi ni Lester.
"Bilisan mo na nga." Irita kong sabi. Dami pang arte e.
"Init naman ng ulo mo tol! Haha. O eto na. You have to be with someone for one hundred days. And when I
say be with someone..." Lester.
"Kailangan maging MU kayo or maging kayo. Kahit magpanggap ka lang. Basta ang main idea ng game na to
ay mainlove sayo yung babae within that 100 days." sabi ni Kats.
"And after 100 days?" I asked.
"You have to break her heart..
DANIEL'S POV
"And after 100 days?" I asked them
"You have to break her heart." sabi ni Seth.
Wow. First of all, I am not a heart breaker. My heart was broken, pero never kong pinlanong gumanti by means of
hurting others.
"I can't do that. That's too much. Hindi ko ugaling manakit ng babae mga tol." sabi ko sa kanila.
"Daniel.." sabi ni Lester, sabay akbay sakin. "Ginagawa na namin lahat para makarecover ka dyan sa ginawa ni
Barbie e. Pero ikaw mismo yung ayaw gumawa ng paraan para sa sarili mo. Alam mo, marami ka pang hindi
alam sa mga babae bro." sabi nya sabay taas baba ng kilay.
"Huh? What do you mean?" tanong ko.
"For your information, bro. Yang mga babaeng yan, madalas confused. Madalas hindi talaga maintindihan
kung ano talaga ang nararamdaman nila. Sometimes, kailangan pa nilang masaktan para magising sila sa
katotohanan." sagot ni Lester. I still can't get his point.
"What's your point?" I asked.
"Slow mo talaga! E di kailangan mong ipamukha kay Barbie na may gusto ka nang iba! That simple! You'll
spend time with that girl whoever she may be. Lagi kayong magsasama. You'll give your best effort for her.
All the things na ginawa or ginagawa mo kay Barbie ngayon ay gagawin mo dun sa new girl. Pag nakita yun
ni Barbie, magseselos sya. Maiinggit. Masasaktan. And in the end? Sya mismo ang babalik sayo." answered
Lester.
Nanlaki ang mata ko dun sa sinabi nya. Tama sya. Si Barbie lang ang makakapagpasaya sakin. Wala na akong
ibang gugustuhin kung hindi sya. Sya lang at wala nang iba.
Minsan na nya akong sinaktan. Pero mahal ko sya, kaya kahit magpakatanga ulit ako sa kanya at isusugal ko na
naman ang puso ko dito sa gagawin ko, itutuloy ko pa rin to.
Kahit pa may masaktan akong iba.
"What can you say bro? Ayos ba?" sabi ni Kats.
" *hingang malalim* Just for a hundred days lang naman to diba? Or pwedeng mabawasan? Pano kung
marealize ni Barbie na mahal nya pala ako bago pa matapos ang one hundred days?" I asked.
"Well, that's the tricky part. You have to be with the girl for exactly a hundred days. No more, no less. Pero
there's always an exception. Pwedeng hindi mo matapos ang 100 days KUNG yung girl na mismo ang aayaw
sayo. Second, pwedeng lumampas kayo ng 100 days KUNG matutunan mo nang mahalin yung girl. Fair
enough?" sabi ni Lester
"Hahaha. Pwede pa yata mangyari yung less but yung more than 100? Nahh. Imposible. My heart only beats
for Barbie." sabi ko. Totoo naman e. Barbie forever and ever.
"Careful bro. Baka kainin mo yang sinabi mo someday...." sabi ni Seth.
"You want a bet? Haha. O sige, kung HINDI ako mainlove dun sa babaeng yun, you have to build me my own
mansion five years from now. Since BS Architecture, at BS Civil Engineering naman ang mga courses na
kukunin nyo. PERO, pag ako tinamaan talaga dun sa babaeng yun.. Bibigyan ko kayo ng tig-i-tigisang kotse.
Not just an ordinary car, but the most expensive car sa panahong yun. Ano, deal?" yabang ko lang. Haha.
"DEAL KAMI DYAN BRO. MAGSIMULA KA NANG MAG-IPON! HAHAHA." sabi ni Kats.
"Pero teka. Bawal kayong maginterefere sa feelings ko ha. Baka gumawa kayo ng paraan para mainlove ako
dun sa babae eh." sabi ko.
"Hindi natuturuan ang puso. Kusa yang tumitibok..." nagsalita na naman si master Seth. Hahaha.
Napatingin nalang kaming lahat sa kanya, after a few seconds, nagtawanan na kami.
"What's funny?" tanong ni Seth.
"YOU!" sabay sabay kaming apat.
"Loko. Oy. Teka. Sino na ba yung babaeng gagamitin mo ha?" tanong ni Seth.
"Oo nga kuya. Sinong gusto mo?" tanong sakin ni JC
"Si Barbie" sabi ko at agad naman akong pinukpok ni Lester ng drum sticks nya.
"Bobo ka rin noh? Malamang dapat ibang babae." sabi nya.
"Ganyan pag nagmamahal, nagiging tanga." Seth. At nag-apir pa silang lahat. OUCH LANG. Sige na, ako na
tanga.
"Pssh. Teka nga. Sino na ba kasi yung babae ha?" sabi ko.
"Ganto nalang. Kung sinong unang babaeng bumati sayo bukas sa Year Level Assembly, sya ang gagamitin
"Pano kung di naman kagandahan? Baka di magselos si Barbie." sabi ni Kats.
"Oy. Tumigil ka nga. Lahat naman ng babae maganda e. Pero yung iba, mas nauunahan ng insecurities
nila." sagot ko.
"That's mah bro! Padilla ka nga talaga! Maginoong-maginoo!" sabi ni JC.
"O sya, tama na ang dakdak. "Operation Manika" will start tomorrow" sabi nitong si Lester.
"Anong operation manika?" tanong ni Kats.
"Manika. Barbie. Hahaha. Yuck slow nyo! Haha. Tara na sa labas! Gutom na ko." sabi ni Lester.
Lalabas na sana kami, pero pansin naming nakakawang yung pinto. Sinara naman namin to ni JC nung pumasok
kami ah. Hmmm. Baka hindi lang siguro namin nasara ng ayos.
"Sht. Bukas ang pinto. Baka may nakarinig ng usapan natin." sabi ni Kats.
"Hindi yan. Wala namang pumupunta dito ng gantong oras e." sagot ko.
Nag-agree nalang silang lahat at nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen.
Pagdating namin dun may nagkukumpulan na mga tao sa may gitna.
Lumapit kami at nakita namin ang isang babaeng basang-basa ng juice.
"Sorry ate. Huhu. Dko sinasadya. Kasiii. Takbo ka ng takbo e. Sorry naaa." sabi nung maliit na babaeng
nakatapon ng juice dun sa mas matangkad. Kiray ata ang pangalan nung maliit.
"It's okay! Don't worry, kasalanan ko din naman e. Kaso wala akong pampalit." sabi ni babaeng matangkad.
Nakatalikod sya samin kaya hindi ko sya makilala.
"Naku, gusto man kitang pahiramin, pero mukhang hindi magkakasya sayo ang uniform ko e." sabi ni Kiray.
"Ah.. Sig---" magsasalita na sana yung babae, pero she was cut off by someone.
"I have extra shirt. Papahiramin nalang kita. Come with me." napatingin sakin sina Lester. Ako naman nakatingin
pa rin dun sa babaeng nagsalita. Si Barbie yung babaeng yun. Kaya naman mahal na mahal ko tong si Barbie e.
Maganda na, mabait pa. Kahit d nya kakilala tinutulungan nya.
"Ah. Thank you. Kathryn nga pala. Pero Kath nalang." ahh. Kath pala yung name nung babaeng natapunan ng
juice.
"Barbie." sabi nya at nagsmile. That lovable smile of hers.
Siniko ako bigla ni Katsumi.
"Aray!" pabulong kong sabi. Alangan namang mageskandalo ako dito.
"Makatitig ka naman kay Barbie. Tutunawin mo pre?" sabi nya. Sorry, I can't take my eyes off her eh.
Papalapit na sina Barbie dito sa may exit. Kasama nya si Kath.
Hanggang ngayon, nakatingin pa rin ako kay Barbie. Nagkatagpo ang mga mata namin, pero umiwas sya agad ng
tingin at dinaanan lang ako.
Invisible ba ko sa paningin mo, Barbie? Bakit ka ganyan?
Darating ang araw na marerealize mo rin ang worth ko.
At nararamdaman kong malapit na ang araw na yun.
BARBIE'S POV
I am Barbie Forteza. The girl who broke the heart of the famous Daniel Padilla.
Kilalang kilala sya dito sa campus. Sikat na sikat sya at ang mga kaibigan nya. Ako, may pagkasikat rin ako, pero
yung tamang sikat lang.
Mabait kasi ako kaya marami akong friends. Sabi nila, I'm fun to be with kaya laging maraming gustong
makipagkaibigan sakin. In other words, sikat ako dahil friendly ako. Unlike Daniel's group na sikat dahil gwapo,
mayaman at sila lang naman ang official band ng school.
Unang tingin mo sa kanila, snob at mga badboy. Pero looks are deceiving. Sabi nga nila, don't judge the book by its
cover.
Alalang-alala ko pa when we first met.
------------------------------------------Flashback -
Third year high school kami ngayon. Transferee ako so medyo wala pa kong alam sa mga pasikot sikot dito sa
school.
I have been going around in circles for hours already pero hindi ko talaga mahanap yung room. Good thing half day
kami ngayon. Pero pumasok pa rin ako ng maaga dahil nga alam kong I will spend a lot of time searching for my
room.
Nung napagod na ko, I decided na magtanong nalang. Lumapit ako sa dalawang babaeng nakaupo dun sa may
covered court.
"Uhm. Excuse me, pwedeng magtanong? San tong room na to?" then I showed them the paper na naglalaman
ng info about my section.
"Dun lang to sa may likod ng gym. Kung gusto mo ng shortcut, pwede kang dumaan dun sa may canteen
and then turn right." sagot ni girl number 1.
"Okay. Thank you! Uhm. Barbie nga pala." sabi ko.
"Hello Barbie! You know gurl. Ang swerte mo!" sabi ni girl number 2
"Huh? Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi transferee ka palang pero cream section ka na agad." sagot ni girl 2
"And aside from that, makakaklase mo pa ang Parking 5! OMG LANG." sabi ni girl 1. Parking 5?
"Parking 5? Ano yun?" I asked.
"Not 'ano'. Sino! Sila lang naman ang mga pinakagwapo dito sa campus! Nako, pag nakita mo si girl,
mapapanganga ka ng bongga!" sabi ni girl 1
"Ah. Ganun ba. We'll see. Haha. O sige, una na ko ha. Bye. Thanks ulit." nagpaalam na ko.
"Bye!" girl 1 & 2
Dahil sabi nung babae kanina ay may shortcut dito sa may canteen, dito ako dumaan. Lakad lang ako ng lakad
habang tumitingin kung saan saan. Hinahanap ko kasi yung way papuntang classrooms e.
At dahil nga kung san san ako tumitingin, hindi ko napansing may makakasalubong na pala ako. Kaya naman eto,
kulay brown na ang uniform ko. May hawak kasi syang Milo, kaya yun, nabuhusan ako. Napatingin ako dun sa
lalakeng nakabanggaan ko pati dun sa mga kasama nya. Hmf. Mukhang mayayabang.
"Ms! Sorry. Ikaw kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Sorry Ms." sabi nitong lalake. Taray naman neto.
Magsosorry na nga lang maninisi pa.
"Oohh. Broo. Wag kang manisi. Ikaw tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Isisisi mo pa kay Ms. beautiful
ang nangyari e sya na nga tong natapunan." sagot nung kasama nung lalaking nakabanggaan ko. "Hello ms.
Beautiful. I'm Seth nga pala. What's your name? Can I call you mine?" ay grabe. Bumanat pa si Kuya.
"Ah. Hehe. I have a name and it's Barbie. Barbie Forteza." sagot ko.
"Forteza... Hmmm. Forte---RIGHT. Classmate ka namin?? Ikaw yung transferee? Nabasa ko name mo dun sa
may bulletin board e." sagot nung isa pa nilang kasama. "By the way, I'm Lester."
"Yup. Ako yung transferee." sabi ko.
"Well. Nice to meet you! Pano ba yan, may friends ka na agad. Haha. I'm Kats by the way." sabi nung isa pa
nilang kasamang may pagkachinito.
"Uhh. Barbie. Sorry talaga ha. Hindi ko naman sinasadya e. I'm JC nga pala." sabi nung lalakeng nagtapon
sakin ng Milo.
"Haha. Okay lang yun noh. Pero shocks. Wala akong pampalit. Pano na yan, magtatime na." Huhuhu.
Mauunsama pa yata ang first day ko kaya naman napatungo nalang ako at tiningnan ang madumi kong uniform.
"Meron yung kakilala ko. Medyo magkapareho naman kayo ng built, so I think it will fit you." napatingala
naman ako sa nagsalita. Wow. As in. Wow. Ang gwapo nya. HIndi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya and
to my surprise, nakatitig din sya sakin.
"Uhh. AHEM. May tao ho dito. Earth to Barbie and Daniel. *clap* *clap* *clap*" pareho kaming nagising sa
katotohanan kaya umiwas kami ng tingin sa isa't-isa.
"Grabe lang magtitigan?! Tunawan ba to ha." sabi nung Kats.
"Tigilan nyo nga kami pare. Uhmm. Daniel nga pala. Tara samahan na kita dun sa friend ko para maihiram na
kita ng uniform. Guys una na kayo." sabi ni Daniel.
Naglakad na kami ni Daniel papunta sa isang classroom. May kinausap syang girl tapos yun, may uniform na ko.
Nagpunta na ko sa CR para magbihis. Binilisan ko kasi kailangan ko pa hanapin yung room ko. Huhu. Tanga ko lang
hindi ko pa natanong kayna Daniel kanina. Ba't kasi nakalimuntan ko pa.
Pagkalabas ko ng CR, nagulat nalang ako ng makitang naghihintay sa labas si Daniel.
"Kala ko umuna ka na?" tanong ko habang papalapit sa kanya.
"Ang rude ko naman kung iiwan kita.. Tsaka, alam ko namang hindi mo alam kung san ang classroom e.
Baka mawala ka pa kapag hindi kita sinamahan" sabi nya sakin. Grabe. Kung siguro ibang babae ang sinabihan
neto, mamamatay na sa kilig. Pero sakin, wa epek e. Medyo kilig lang. Parang natouch kasi gentleman. Yun lang.
"Ah ganun ba. Haha. Sya tara na" sabi ko at naglakad na kami pareho.
"Salamat ha." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Napatitig sya sakin ng ilang segundo. Waa. May dumi ba mukha ko? Huhu. Pero mamaya-maya, ngumiti sya at
nagsalita.
"Wala yun." at tinanggal na nya ang tingin nya sakin.
From then on, naging close friends ko na sila. Nagulat nga ako nung nalaman kong sila pala ang Parking 5! First
impression ko talaga, mayayabang tapos mahangin. Turns out, totoo pala! Hahaha. Pero in a good way. They are all
like brothers to me.
---------------------End of Flashback -
"Barbie. Barbie...... Barbie!!" ay, may tumatawag pala sakin.
"Kath! Bakit ka sumisigaw?" tanong ko.
"Kanina ka pa tulala e. Haha." sabi ni Kath.
"Ah. Ganun ba? Sorry naman. Okay ka na? Tapos ka na magbihis?" I asked her.
"Yup. Thanks talaga ha." sabi nya, then she smiled.
"No prob! Tara na? Malapit na magtime." sabi ko.
"Yes. Sure." and then we walked out of the CR and headed to our room.
I like Kath. I think we will be great friends.
( The NEXT DAY )
DANIEL'S POV
This is it! Ito na ang araw ng pagsasagawa ng Operation Manika ayon nga kay Lester.
Hayy. We're now heading sa auditorium para sa year level assembly. Whew. Goodluck sakin. Kung sino man ang
unang bumati sakin, maghanda ka na para mahalin ang isang Daniel Padilla.
Lakad lang kami ng lakad dito, pero wala pa ring bumabati sakin. Lahat hanggang tingin lang. Hayy.
"Tagal namang may bumati sakin! Hahaha. Wag na kaya natin to ituloy?" sabi ko.
"Loko ka. Wala nang urungan to!"sabi ni Lester.
"Konting hintay lang bro! Gwapo mo kasi e, mga nahihiya lang yan sayo." Kats. haha. baliw talaga tong isang
"Uy! Sorry Ms Ganda! To kasing si Daniel e." Kats. Teka, familiar tong babae. Ah tama! Sya yung kahapon! Yung
natapunan ng juice. Ano ngang name nito? Uhh Kath? Oo, Kath nga.
"Okay lang. Hehe. Uhh. HI DANIEL! Hinahanap ka nga pala ni Ms. Mendoza. Submit mo na daw yung report
mo." after she said that, nagtinginan sakin ang mga kaibigan ko. Alam na.
"Oh. Okay. Kath, right? Thank you!" Sabi ko, then I hugged her, and she hugged me back.
"Haha. No prob!" and then kumalas na sya sa hug. "I'll see you around guys! at umalis na sya.
"WOOOOOOOOOOOOOOAAAHHHH. NICE MOVE BROOOOOOOOOO." sabi ni JC.
"TALAGA NAMANNN. WELCOME BACK MR. BADBOY." sabi ni Kats.
"KAILANGAN TALAGA MAY YAKAP AGAD! YAN ANG DAMOVES MGA TOL! HAHAHA." sabi ni Lester.
Lahat sila nagsalita na, si Master Seth nalang ang walang sinasabi. Haha. Kaya naman lahat kami nakatingin sa
kanya.
"Mahirap paglaruan ang puso. Pag sya sumakay sa laro, baka ikaw ang hindi makasabay sa kanyang
pagtibok." sabi nya. Sht. Nosebleed. Haha. May pinaghugutan lang Seth?
As usual natulala na naman kami sa sinabi nya.
"BRO NAMAN. KJ LANG? Para din naman to kay Daniel e." sabi ni Lester.
"Oo na. Basta hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo." sabi ni Seth.
"Yes. Thanks bro!" at naglakad na ulit kami papunta dun sa auditorium.
Dear Ms. Kath,
Be ready to fall in love with me.
DANIEL'S POV
"So it's final, si Kath na nga ang gagamitin mo." sabi sakin ni Kats.
"Ano pa nga bang magagawa natin?!" sabi ni Lester. Bakit parang galit yata to.
"Badtrip ka 'tol?" tanong ko sa kanya.
"Crush kasi nyan si Kath." napatingin naman kami sa nagsalita. Si Seth pala.
"WEH. BRO. CRUSH MO YUN?!" pang-aasar ni Kats.
"Tssss. OO NA. Para namang makakapagtago pa ko sa inyo." sagot ni Lester.
"Ganun ba? E pano yan, sya ang unang bumati e. Gusto mo hahanap nalang ulit ako ng iba para nam---" di
na ko natapos sa pagsasalita ko.
"Sus bro. Okay lang! Crush lang naman e. Ganda kaya ni Kath kaya hindi naman malayong magkacrush sa
kanya diba? Pero hanggang dun lang yun. Bro kita kaya ikaw ang priority namin dito." sabi nya sabay akbay
sakin.
"Sabi mo yan ah. No hard feelings pag naging kami na." sabi ko.
"Oo naman! Besides, ikaw na rin ang nagsabing hindi ka mafafall sa kanya diba. Kaya kung sakali mang
lumala ang pagkacrush ko kay Kath, at least may sasalo sa kanya pag iniwan mo na sya after 100 days
diba?" sabi ni Lester.
"Tama ka dyan bro. Gimme 5!" sabi ni Kats.
Nag-apir silang dalawa. Si Seth, ayun, tahimik pa rin habang kumakain ng pancit canton. Andito kasi kami ngayon sa
bahay. Magsesleepover sila.
Mamaya-maya lang, nagsihigaan na kaming lahat. Ang bilis lang makatulog ng mga to. Palibhasa mga laging puyat.
Bago ako matulog, kinuha ko sa drawer yung picture naming barkada kasama si Barbie. Naging parte na rin kasi sya
ng tropa namin simula nung matapunan sya ng Milo ni JC nung third year kami.
Magkakapatid ang turingan naming lahat noon, hanggang sa tuluyan na nga akong nahulog kay Barbie.
Mas lalo ko pa syang minahal noong inalagaan nya ako nung mga panahong madilim ang lahat para sakin. Literally
na madilim talaga. Minsan nang nabulag mata ko. Third year high school kami noon, napasali ako sa away. Ilang
buwan din akong nacomatose dahil sa away na yun. At katulad ng sabi ko, nabulag ako. Pero meron daw nagdonate
ng mata para sakin. Hindi na namin nakilala kung sino yung taong yun. Salamat nalang sa isang nilalang na katulad
nya.
Tinititigan ko lang ang picture ng tropa at napabuntong hininga.
"Kelan kaya tayo babalik sa dati, Barbie? Kelan ka kaya babalik samin?" nakakaramdam na naman ako ng
lungkot kaya naman tinago ko na ang picture at ipinikit ko na ang mata ko.
( KINABUKASAN )
So ngayon na magsisimula ang pang-aakit ko kay Kath. Haha. Joke lang. Pero kailangang mainlove sya sakin, okay?
Humiwalay muna ako sa barkada para hanapin si Kath.
Lakad dito, lakad doon.
Napadaan ako sa music room at may narinig akong anghel. Okay, OA lang. Haha. Pero ang ganda talaga ng boses
Dahan dahan akong lumapit doon sa room na yun at nakinig lang dun sa babae.
Mayroong akong nais malaman
Maaari bang magtaong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na 'kong nahihintay
Ngunit mayroong kang ibang minamahal
Kung kaya't akoy 'di mo pinapansin
Ngunit ganun pa man, nais ko lang malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sayo.
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo and puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang magalala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako
Hindi ko alam, nakapasok na pala ako sa room, kaya naman bigla syang napatigil sa pagtugtog. Si Kath pala yung
tumutugtog. Pagkataon nga naman oh.
"D-daniel?! Kanina ka pa ba dyan?" sabi nya.
"Medyo." sabi ko habang nakangiti ng abot tenga. "Bakit ka tumigil? Ang ganda kaya."
"E nakakahiya. Hehe." sabi nya ng nakatungo.
"Sus. Ang ganda nga diba... Kasing ganda mo. Kung gano kaanghel ang mukha mo, ganun din kaanghel ang
boses mo. Baka naman anghel ka talaga? Haha" biro ko sa kanya.
"Hahaha. Joker ka, Daniel!" yan nalang ang nasagot nya sakin. Binalot kami ng katahimikan kaya nagsalita na
ako.
"Uhm. Kath... Wag ka sanang magagalit sa itatanong ko ha... May boyfriend ka na ba? " please, sana wala.
Please.
"Anong klaseng tanong yan? Haha. Wala akong boyfriend. . . . pero. . . . may mahal na ako." at parang
nalaglag naman ang puso ko dun. Don't get me wrong ha. Hindi ako nahurt. Wala naman akong feelings kay Kath e.
Disappointed lang ako na may karibal pala ako sa kanya. PANO NA ANG OPERATION MANIKA NAMIN?? Hindi ako
magpapatalo sa kung sino mang lalaking mahal ni Kath. She has to be mine.
"Ganun ba.... mahal ka ba nya?" tanong ko.
Nagsmile si Kath. A bitter smile. "No. May mahal syang iba..." Ouch. Ang sakit lang nun. Pag nalaman ko sigurong
may mahal na iba si Barbie, baka magpakamatay na ko. Haha. Joke. Pero madedepress talaga ako.
"Para sa kanya ba yung kanta mo kanina?" Nandito Ako kasi yung kinakanta ni Kath kanina. Ang kanta ng mga
sawi.
"Malamang! Hahaha. Alangan namang sayo!" sabi ni Kath habang tumatawa.
"Tss. Wag ka nga tumawa. Alam ko namang nasasaktan ka e." Niyakap ko sya. Hindi ko alam kung bakit. Bigla
nalang gumalaw ang kamay ko e. Pero pinanindigan ko na rin.
"D-daniel..."
"Sshh. Let's stay like this for a while. Naranasan ko na ring masaktan, Kath. Alam kong sobrang hirap ng
pinagdadaanan mo. Alam ko kung gano kasakit ang magmahal ng isang taong hindi ka gusto....."
"Are you okay?" tanong nya sakin, at kumalas ako sa yakap.
"I am.... now." sinabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.
Umiwas sya ng tingin. Nailang siguro. Pero hinawakan ko ang mukha nya at iniharap sakin.
"I like you Kath. Nalove at first sight yata ako sayo e." sabay hawak ng batok. "So if you'll give me a chance, I
promise you.. hindi kita sasaktan. Let's just try. Hayaan mo muna ang puso mong magmahal ng iba. Please,
Kath?" sabi ko, still looking at her eyes. Ang ganda pala ng mata nya. Para talaga syang anghel.
"Sana nga pag minahal kita, magagawa kong makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero alam
kong hindi. Alam kong hindi kasi----LKAJSHDFKJAHSKDJFHAKSJDFKAJSHF"
Ugh. Ano bayan ang ingay naman! Bigla kasing dumaan yung mga naghihiyawang mga estudyante. Hindi ko tuloy
narinig ang sinabi ni Kath.
"Anong sabi mo Kath? Alam mong hindi kasi?" tanong ko.
"Ah. Wala. Haha. Nevermind. Tara na!" Paalis na sana pero nahawakan ko agad ang kamay nya. Napalingon sya
sakin.
"I'm not going anywhere until you accept my offer. Let me love you Kath, and let yourself love me
too..." Okay, ako na makapal. But I have to do this. For my happiness. For our happiness.
Nung sinabi ko yun, nakaramdam ako ng guilt na magagawa kong saktan si Kath na isang anghel sa paningin ko.
Ganto na ba ko kasama para paluhain ang isang babaeng kagaya niya?
Siguro oo. Kasi pagdating sa pag-ibig lahat tayo nagiging makasarili.
"Kath..." hindi pa rin sya nagsasalita
Mamaya maya lang nakita kong bumagsak ang luha sa mga mata nya. Nagpanic ako kaya niyakap ko sya agad.
"Why are you crying? I'm here Kath. I'll always be by your side kahit anong mangyari. Don't cry."
She hugged me back and said
"I hope so, Daniel. I hope you'll always be by my side.... No matter what."
DANIEL'S POV
Kasama ko ngayon ang tropa. Dito na naman kasi sila magoovernight e.
"So, pare! Ano nang update sa inyo ni Kath? Kayo na? Hahaha." tanong ni Kats.
"Not yet. Syempre, liligawan ko muna diba? Teka, kelan nga pala magsisimula ang pagbibilang ng 100
days?" tanong ko.
"Magsisimula sya, pag nagsimula ka nang manligaw. So, ibig sabihin, hundred days with her will officially
start tomorrow. Okay?" sagot ni Lester.
"Okay. Tulog na tayo. Kailangan gwapo ako bukas para mainlove agad sya sakin." sabi ko.
"Goodnight mga bro! Goodluck sayo Kuya!" sabi ni JC
"GOODNIGHT!" sabi ni Kats at Lester.
Si Seth? Ayun. Tulog na. Mukhang ayaw talaga nya ng planong to e kaya pag napapag-usapan to, hindi sya
nakikisali.
Tumulog na rin ako. Kailangan kong maghanda para bukas.
(The Next Day )
Wednesday, January 11, 2012 -Day 01 of 100
So this is it. Simula na ng countdown.
Dismissal time ngayon at kasalukuyan ko na namang hinahanap si Kath. May hinanda kasi akong something para sa
kanya. Nagpunta ako sa music room baka sakaling nandun sya. Pero wala e. Pabalik na sana ako ng canteen nang
bigla ko syang nakita... kasama si Barbie. Close sila?!
Okay Daniel. Inhale exhale. Kaya mo yan. Eto na, lalapitan ko na si Kath.
BARBIE'S POV
Sabi ko naman sa inyo e, magiging great friends kami ni Kath. Madalas na kaming magkasama ngayon. Feeling ko
nga, we're sisters e. Hahaha.
Dismissal time ngayon and sabay kami ni Kath uuwi. Papalabas na sana kami ng gate ng biglang may tumawag kay
Kath.
"Kath!" si Daniel. Tumatakbo sya papunta samin.
"Uy. Hello Daniel! Bakit?" tanong ni Kath.
"Uhh. Gusto sana kitang sabayan pauwi? Kaso mukhang may kasama ka na yata?" sabi ni Daniel sabay tingin
sakin. "Hello nga pala, Barbie." sabi nya with a cold voice.
"Hello din." sabi ko at umiwas ng tingin. Naiilang ako e.
"Ah. Oo, Daniel e. Kasama ko na sina Barbie. Next time nalang ah?" sabi ni Kath.
"Ah ganun ba?" sabi ni Daniel sabay tungo. Mukhang nalungkot talaga sya. Kaibigan ko pa rin si Daniel. Hindi ko
man sya minahal ng higit dun, mahal ko pa rin sya bilang kapatid. Kaya naman ayoko nang makita syang malungkot.
"No Kath. It's okay. Kasama ko pa naman sina Kiray e. Sige na, sama ka na kay Daniel." sabi ko kay Kath.
Napaangat ang ulo ni Daniel at napatingin sakin. Akala ko magiging masaya sya pero nakakita ako ng
disappointment sa mukha nya. Bakit naman kaya?
"Talaga Barbie? Sure ka ha? Sige. Sabay tayo umuwi bukas ah! See you tomorrow! tara na Daniel!" sabi ni
Kath at sabay higit kay Daniel papalayo. Naglalakad na sila ng biglang lumingon pabalik si Daniel. Nakatingin sya
sakin. Those eyes... Kilala ko ang matang yun. Nasasaktan sya. Pero bakit? Diba kasama na nya si Kath?
DANIEL'S POV
Niyaya ko si Kath para umuwi kahit alam kong kasama na nya si Barbie. Medyo umarte lang ako na parang
nalulungkot pero expected ko naman talagang d sya makakasama sakin. Ang ikinagulat ko lang ay nung nagsalita si
Barbie.
"No Kath. It's okay. Kasama ko pa naman sina Kiray e. Sige na, sama ka na kay Daniel." sabi ni Barbie.
Napatingin ako sa kanya ng gulat na gulat. Nasaktan ako kasi parang ang dali lang para sa kanya ipamigay ako sa
iba.
"Talaga Barbie? Sure ka ha? Sige. Sabay tayo umuwi bukas ah! See you tomorrow! tara na Daniel!" sabi ni
Kath at hinila na ko papalayo. Habang naglalakad kami, lumingon ako pabalik kung nasan si Barbie. Tiningnan ko
sya sa mata at alam kong alam nya ang ibig sabihin ng tingin na yun.
"Daniel! Okay ka lang?" tanong ni Kath.
"H-ha? Ah! Oo naman! Haha. Tara na."
Nagpunta kami ngayon sa special room dito sa school. Tropa lang namin ang nakakaalam nito. Yung official band
lang kasi yung binibigyan ng special privelege. Yung special room nga pala namin, nasa pinakataas na part ng
school. I mean, kung 15 floors ang school namin, nasa 16th floor to then para makapunta sa rooftop, dito ka rin
dadaan.
Pagpasok namin dun sa special room, halatang natigilan si Kath.
Pano ba naman, todo effort lang naman ako... Okay fine. Kami ng tropa ang nag-ayos nito.
Hinawakan ko ang kamay ni Kath at hinila sya papunta dun sa table na katabi ng bintana.
"Wowwwwwww. Daniel. Anong meron?" sabi ni Kath na manghang mangha sa view.
"I just want to spend time with you." sabi ko and I gave her my sweetest smile. Nagblush sya. Haha.
"A-ahh. Haha." sabi nya ng nakatungo.
"Ang cute mo lalo pag nagbablush ka." sabi ko. Totoo naman e. Haha.
"Weh! Haha. Thank you."
Nagsimula na kaming kumain. Mamaya-maya lang, I broke the silence.
"Kath... I'm serious with what I told you yesterday. Gusto talaga kita. Please give me a chance na mahalin ka
kahit may mahal ka nang iba. Let me help you get over him." sabi ko at napatingin naman sya sakin.
"D-daniel.. I..."
I stood up at lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harap nya.
"DANIEL! Stand up!"
"No Kath. Not until you say yes."
"B-but Daniel..."
"Isang tanong, isang sagot Kath. Pwede ba kitang ligawan?" Sinabi ko yan habang nakatingin sa mata nya.
"Yes..."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. I can't believe this! Napatayo ako sa pagkakaluhod ko at niyakap sya.
"Thank you Kath! Thank you!"
Deep inside, nagpapasalamat naman talaga ako kay Kath. Pero hindi dahil binigyan nya ko ng chance to be with her.
Pero dahil binigyan nya ko ng chance para pabalikin si Barbie sakin.
"Over ka naman Daniel e. Pinayagan palang kita manligaw. Hindi pa kita sinasagot. Haha. Bumalik ka na nga
dun sa upuan mo." sabi nya sakin.
"Sorry, haha. Ang saya ko lang kasi e. Pero Kath. Nacucurious kasi ako e. Pwede pa magkwento ka tungkol
dun sa guy na mahal mo pero hindi ka mahal? Grabe. Ganun ba sya kabulag para hindi ka mahalin
pabalik?" sabi ko sa kanya. Medyo nawala ang ngiti nya nung nabanggit ko yung lalaki.
"Ayaw ko mang pag-usapan sya, pero dahil gusto mong malaman, sige. Sasabihin ko sayo. Second year high
school nung makilala ko sya. Kakatransfer ko lang din kasi sa school noon. Una ko palang sya makita,
minahal ko na sya. Ewan ko ba. Hahaha. Pero kahit anong gawin ko, ayaw talaga ng tadhanang magkakilala
kami e. Tuwing may gagawin akong move, nababale wala. Okay lang yun, sabi ko noon. Kasi single pa sya at
wala namang nababalitang babaeng nagugustuhan nya. Hanggang sa nagthird year high school kami. Sabi
ko sa sarili ko noon, 'this year will be different!' at ayun nga naging different kasi nainlove na sya. At
mukhang mahal na mahal nya talaga yung babae. Tuluyan na kong nawalan ng chance sa kanya." kwento ni
Kath. Ang sakit naman pala ng kwentong pag-ibig nya.
"E hanggang ngayon ba, mahal pa nya yung babae?" tanong ko at tiningnan ako ni Kath sa mata. May iba sa
mga tingin nya ngayon. Parang tingin na nangingilatis.
"Oo... Mahal na mahal pa nya. At sa sobrang pagmamahal nyang yun, handa nyang gawin ang kahit
ano..." Awww. Parang ako lang kay Barbie.
"E yung babaeng mahal nya, mahal din ba sya pabalik?" tanong ko at biglang nagsmirk si Kath.
"Oo, mahal din sya pabalik nung babae. Pero natatakot lang yung babae kaya hindi nya mashadong
pinaparamdam at hindi nya inaamin." at least mahal din sya nung babae. Hindi katulad ko na hindi ako mahal ni
Barbie. Pero alam kong marerealize din nyang mahal nya rin ako pag pinagselos ko na sya.
"Anong name nung lalake, Kath?"
"Haha. I can't tell. Sorry." sabi nya.
"Well, I understand. I just hope makalimutan mo sya. I will really help you Kath. I promise." sabi ko sa kanya at
napayuko sya.
"Don't make promises, Daniel. Wag mong dagdagan ang kasalanan mo sa pamamagitan ng paggawa ng mga
pangakong walang kasiguraduhang matutupad." sabi ni Kath habang nakatingin sa plato nya. Bakit tinamaan
yata ako dun?
"But I will really try my best to help you Kath. Just allow me to enter your heart." sabi ko.
She looked at me and then smiled. A sweet innocent smile.
Mas lalo tuloy akong naguilty. Ayaw kong saktan ang isang anghel na katulad ni Kath, pero kailangan.
I'm sorry Kath. I have to hurt you.
Thursday, January 12, 2012 -Day 02 of 100
LESTER'S POV
Maaga akong pumasok ngayon sa school dahil mangongopya pa ko ng assignment. Pano ba naman kasi, wala
kaming nagawa ng tropa kagabi kung hindi pagplanuhan ang panliligaw ni Daniel kay Kath.
Alam nyo, sa totoo lang. Parang naguiguilty na ko sa ginawa ko. Nung una naman kasi, mukha talagang
pinagbagsakan ng langit at lupa itong si Daniel e. Syempre, bilang kaibigan nya, gagawa at gagawa ka ng paraan
para mapabuti ang kalagayan nya. Kaya yun, naisip ko na baka kailangan lang ng konting sampal nitong si Barbie
kasi nasanay syang laging nandyan si Daniel para sa kanya. Kung magkakaron ng bagong liligawan tong si Daniel,
baka magising sa katotohanan tong si Barbs.
E kaso, malay ko bang si Kath pa talaga yung magiging kasangkapan para mangyari yun. Alam kong alam nyong
crush ko si Kath. Pero pakiramdam ko, more than crush na e. Parang nagiging stalker na nga nya ako e.
Actually, isa rin sya sa dahilan kung bakit ako pumapasok ng maaga. Kasi maaga rin sya pumasok e. Dati, lagi ko
syang tinitingnan mula dito sa upuan ko. Hanggang tingin lang ako madalas. Ewan ko ba, natotorpe ako pagdating sa
kanya.
Ngayon, eto na naman ako. Tinititigan na naman sya. Pero teka, bakit parang papalapit sya ng
papalapit?................................................................O SHT.
Naglalakad na pala ako papunta sa kanya! Langya Lester! Anong nakain mo! Bumalik ka na bago ka pa nya makita!!!
Pabalik na sana ako nang bigla nya akong tinawag.
"Lester!" sigaw nya at takbo papunta sakin.
"Uy Kath!" bati ko ng medyo nahihiya.
"Si Daniel?" tanong nya. Ouch lang.
"Ah. Wala pa e. Maaga pa lang kasi."
"Ah ganun ba..." sabi nya at parang nalungkot ito.
"May kailangan ka ba sa kanya?" tanong ko.
"Yayayain ko sana sya magbreakfast e."
"Aaaah. Edi ako nalang muna yayain mo? Habang wala pa si Daniel" Damoves ba ang tawag dito? Haha.
"Okay lang ba?" tanong nya.
"Oo naman. Tara na!" sabi ko at naglakad na kami papuntang canteen.
"Dahil ako ang nagyaya at sinamahan mo ko dito, ililibre kita!" sabi ni Kath at sabay takbo dun sa may bilihan ng
pancakes. Ako naman, naghanap ng table at umupo na dun.
Ilang minuto lang at nakabili na si Kath ng pagkain namin. Nakangiti sya habang papunta sa table. Pinagmamasdan
ko ang mukha nyang napakalambing, napakaganda at napakainosente. Isang anghel kung tutuusin. Mas lalo tuloy
akong naguiguilty.
"Uy! Tulala ka dyan? Haha. O ito na pancakes mo! Kain na tayoooo!" sabi ni Kath sabay subo sa pancake nya.
Hindi ko maiwasang hindi sya titigan. Ang amo-amo ng mukha nya. Si Kath ang isang babaeng sobrang girlfriend
material. Gago lang ang mananakit ang mang-iiwan dito. Sige, sabihin na nating gago ako dahil ako pa ang naging
dahilan kung bakit to sasaktan at iiwan ni Daniel sa huli. Bakit ko pa ba naisip yung planong yun?!
"Lester! Okay ka lang ba talaga dyan?! Bakit parang wala ka sa sarili?" tanong nya habang nakatingin sakin ng
diretso.
Those eyes..... they just melt my heart.....
"A-ah. Okay lang a-ako. H-haha." sabi ko ng nauutal.
"Hahaha. Nauutal ka pa. Akin na nga!" kinuha nya ang tinidor ko na may pancake at isinubo to sakin.
"Kakain naman ako e! Haha. Ano ko, bata?! Hahaha." sabi ko.
"E ang tagal tagal mo isubo e. Dinadasalan mo pa yata. Haha." panloloko ni Kath.
"Alam mo. Nakakatuwa ka rin pala noh! Hahaha. Kala ko may pagkaseryoso ka kasi ang talino mo." sabi ko.
"Seryoso? Hahaha. Sa kanya, seryoso ako... pero matalino? Nagiging tanga ako pagdating sa kanya
e." napatingin naman ako kay Kath nung sinabi nya yun. Nakita kong lumungkot ang mukha nya.
"Kanino?" tanong ko.
"Dun sa lalaking mahal ko..." At nalaglag naman ang puso ko. May mahal na palang iba si Kath.
"Sino sya Kath? Gusto ka ba nya?"
"Hindi e... Ang masakit pa nito, pinaparamdam nya saking meron, kahit wala naman talaga... Parang..." tumigil
si Kath at tumingin sakin.
"Parang ano?" sabi ko.
"Parang pinaglalaruan nya lang ako..." at umiwas na sya ng tingin. Bakit ganun. Parang tagos sakin yung sinabi
nya ah. I mean, you know. Si Daniel, pinaglalaruan lang sya. Teka?! Baka naman may gusto talaga to kay Daniel?
"SI DANIEL ANG MAHAL MO?" tanong ko.
"Ha? Bakit mo nasabing sya? Pinaglalaruan ba nya ako?" OOPS. WRONG MOVE. MAHAHALATA KAMI.
"Ah. Hindi. Hindi. I mean, kasi may pagkaplayboy kasi ang image ni tol e. Alam mo yun, Padilla kasi ang
tumatagaktak sa dugo nya. Kaya inisip ko na baka iniisip mo na baka pinaglalaruan ka lang nya. Pero hindi!
Faithful yun!" madali kong sabi. Huhu. Wag sana kaming mabuko.
"Ahh. Ganun ba. Haha. Faithful? Kanino?" tanong nya.
"Syempre sayo. Ikaw ang nililigawan nya e." sagot ko.
"Sakin ba talaga?" at napanganga na naman ako sa sinabing yun ni Kath.
Ngumiti nalang sya at tumayo na.
"Tara na Lester! Malelate na tayo! Haha. Bilisan mo nga! Bagal!" sabi nya at kinuha ang kamay ko.
*Dubdubdubdub*
Bakit ganto ang puso ko. Hindi ko naman first time makahawak ng kamay ng babae ah! Hinigpitan ko nalang ang
hawak ko sa kamay nya at patuloy na naglakad. Nagulat nalang kami at napatigil nung biglang may tumawag samin.
"KATH! LESTER!" napalingon kami sa boses at nakita namin si Daniel kasama ang tropa papalapit samin.
"Uy bro!" bati ko sa kanya pero hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa kamay naming magkahawak.
"Tara na Kath." sabi nya at sabay hila kay Kath.
"Galit ba yun?" sabi ko.
"Selos?" sabi ni Kats.
"Mga loko. Pano magseselos e wala namang gusto?" sabi ko.
"Baka possessive." sabi ni JC.
"E hindi naman kanya, bakit sya magiging possessive?" sagot ko.
"Alam mo. Ikaw dyan tanong ng tanong tapos kontra ka din ng kontra sa sagot mo. Kausapin mo na nga lang
sarili mo!" sabi ni Kats.
"To naman! Di mabiro." sabi ko.
Naglalakad na kami papunta sa classroom ng biglang magsalita si Seth.
"Nagsisimula na..." Seth.
Napatigil kami sa paglalakad at napalingon kay Seth.
"Ha? Ang alin? Flag ceremony?! Loko ka tol! Wala pa namang 7 e!" Kats
"Basta hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo...." pagkasabi ni Seth nun, tumingin sya sakin at naglakad
na papalayo.
"Nung nakain nun?" tanong ni JC.
"Ewan. Tara na nga!" sabi ko at naglakad na rin kami papunta sa classroom.
DANIEL'S POV
Nakita kong magkahawak ng kamay si Lester at Kath. Ewan ko pero nainis ako. Kaya naman hinila ko nalang palayo
si Kath.
"Daniel! Ano ba." si Kath.
"Bakit ba kasi kayo magkahawak ng kamay ni Lester?" sabi ko, naglalakad pa rin.
"Hinila ko lang naman sya dahil ang bagal bagal nya." tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"E bakit parang ang higpit ng pagkakahawak nyo sa isa't isa?" sabi ko. Waa. Hindi ko alam kung bakit to
lumalabas sa bibig ko!
"Nagseselos ka ba?" tanong ni Kath. Nagulat ako dun sa tanong nyang yun kaya hindi ako nakasagot.
"..."
"Nagseselos ka nga..." Kath.
Nagseselos nga ba ako?
"Hindi ko alam. Basta naiinis lang ako na may iba kang kahawak ng kamay." sabi ko.
"Daniel, hindi pa tayo pero ganyan ka na agad?" sabi ni Kath.
"Oo. Kasi hindi pa man tayo, naaagaw ka na agad sakin."
Napatahimik dun sa sinabi ko si Kath.
"Sakin ka nalang please? Diba ako nga ang tutulong sayo para kalimutan yung lalaking gusto mo na may
gustong iba? Ugh. Ang haba naman ng description nya. Tawagin nalang natin syang Blind man."
"Blind man?"
"Kasi bulag sya para hindi makita kung gano ka kalaking kawalan sa buhay nya..." sabi ko sabay hawi ng
buhok nya. Isinipit ko ito sa likod ng tenga nya para mas lumantad ang mukha nyang tunay na napakaganda.
Tinititigan ko lang sya sa mata nya at narealize kong unti-unti ko na palang linalapit ang mukha ko sa mukha nya.
Para may isang force na humihila sakin papalapit.
Sobrang lapit na ng mga mukha namin. Yung malapit na talaga magdikit ang mga labi namin. Konting konti nalang...
"Daniel! Kath!" panira lang yung tumawag.
Pagtingin namin dun sa babaeng sumigaw, nanlaki naman ang mata ko.
Si Barbie.
"Uhhm.. Magtatime na kasi e. Pinapahanap na rin kayo ni Ms. Santos. Tara na!" sabi nya at nagmadaling
tumakbo papalayo.
Selos? I HOPE SO.
SETH'S POV
I am Seth Gothico. Daniel's friend and adviser. Parking Five's most matured member.
Loko loko rin ako tulad ng iba kong mga kaibigan. Pero ibahin nyo ako. Kasi ako? Iniisip ko muna ang mga
mangyayari bago ako gumawa ng isang bagay.
Simula noong isinagawa nila yang "Operation Barbie" na yan, hindi na ko masyadong nag-i-i-imik tuwing
magkakasama kami ng tropa. Para san pa? Hindi rin naman sila nakikinig sakin.
Kaya tuloy ngayon, nagsisimula na ang mga delubyong hatid ng plano nilang yun. At hindi ako sigurado kung
kakayanin nila yung lahat.
Si Lester. Kung nakita nyo lang kung gano kaginhawa ang mukha nya kanina habang kahawak ang kamay ni Kath.
As Lester's friend, alam kong lumalalim na ang nararamdaman nito kay Kath. Pero halata kong pinipigilan nya to
dahil gusto nyang maging masaya si Daniel. At alam naman nating magiging masaya lang si Daniel pag nakuha na
nya si Barbie. At si Kath ang paraan para magawa nya yun.
Eto namang si Daniel, bigla nalang hinigit si Kath noong makita nyang magkaholding hands sila ni Lester. Tingin nyo
ba, para lang yun sa wala. Tingin nyo ba, arte lang nya yun? Hindi mga bregs. Kilala ko si Daniel at alam ko kung
kelan totoo ang pinapakita nya at kung kelan hindi. Feeling ko nga nalilito na to sa nararamdaman nya para kay Kath
at para kay Barbie. Hindi nga lang nya magawang aminin sa sarili nya dahil masyado syang bulag.
And speaking of Barbie. Nakita ko sya kaninang nakatitig lang kay Kath at Daniel. Ramdam kong may iba sa mga
tingin na yun. Mukhang umeepekto nga ang plano nitong mga loko kong kaibigan.
At dahil umeepekto na nga. Ayan, nagkakagulo na.
Kaya kayo. Makinig kayo sakin.
Hindi tamang paglaruan ang puso.
Kasi, kapag ang puso natutong maglaro, baka ikaw ang hindi makasabay sa kanyang pagtibok.
Friday, January 13, 2012 -Day 03 of 100
BARBIE'S POV
Balisa ako ngayong araw na to. I don't know why I acted so weird yesterday when I saw Kath and Daniel so close to
kissing.
Parang kinuryente ang puso ko.
This can't be! Wala akong feelings kay Daniel diba? Pero bakit ganto ako kaaffected?
While I was thinking of the reason, my fone suddenly vibrated.
1 new message from : JC
Goodmorning Barbs! Ingat ka papunta sa school! See you later. :D
Si JC lang pala. Pero alam nyo, lagi akong tinetext ni JC ng ganto. I mean, diba sa girlfriend lang to ginagawa? Pero
erase! Close lang siguro talaga kami.
Nagprepare na ko for school. In 10 minutes, tapos na ako. Nagpaalam na ako kay mommy at saka naman ako
umalis.
Pagdating ko palang school, nakita ko na agad magkasabay pumasok si Kath at Daniel. Napatigil ako sa
kinatatayuan ko.
What's wrong with you Barbie? So what kung may something between your closest friend and your ex suitor na
binasted mo?
Wala diba? Haay.
I'm in the middle of my daydreaming when someone covered my eyes.
"Guess who" said the mysterious guy. I know this voice.
"JC.."
He removed his hand and I faced him.
"Hey." I greeted him.
"Hey." He answered.
After those "hey's", An awkward silence followed. I decided na mauna nang magsalita.
"So... How are you. Kayo?" Wala na rin kasi akong masyadong balita sa kanila ever since that... you know.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom.
"Okay lang kami... Ikaw?" tanong nya.
"Okay lang din. Minsan, namimiss kayo..." I admitted. They are all like little brothers to me. I miss their craziness.
"Miss na din kita..." JC. Napatingin ako sa kanya nun.
Did I hear that right?
"I mean. Namin. Miss ka na namin. Wala kaming ate e."
"Ahh. Kala ko naman... Haha."
"Kelan ka ba babalik samin?" He asked. I was caught off guard.
I just looked at him, and he did the same thing.
"Things are not the same anymore, JC. We can never bring back our old ways again." Lumihis ng tingin sakin
si JC at yumuko. Nasaktan ko sya. Sa lahat ng members ng P5, sya ang pinakasweet sakin. Oo, nanliligaw sakin si
Daniel dati pero iba ang pagkasweet ni JC e.
Nandito na kami sa may tapat ng room namin. Bago pa makapasok si JC, hinawakan ko ang kamay nya at pinigilan
sya.
"I'm sorry JC." pumunta ako sa harap nya at niyakap ko sya. Niyakap rin nya ako pabalik.
"You don't have to be sorry." sabi nya.
"Ehem!" napabitaw kami sa yakap namin ng makita namin yung umubo.
Si Daniel, kasama si Kath. Papasok rin sila ng classroom.
"Hello Barbie. Hello JC!" Masayang bati ni Kath.
"Hello Kath! Hello Daniel." binati ko rin sila. Pagtingin ko kay Daniel, nakatingin lang sya kay JC. At ganun din si JC
sa kanya. Parang nag-uusap ang mga mata nila. Parang may tensyon.
Mamaya-maya lang ay pumasok na si Daniel sa classroom, hawak nya ang kamay ni Kath. That was supposed to be
my hand... WAIT. What am I thinking?! Napatingin ako kay JC and nakatingin rin pala sya sakin.
"U-uhmm. Pasok na tayo?" And then I went inside the room to see Daniel and Kath both laughing. They are so
happy. I should be happy too, right? Kasi parang nakakamove on na si Daniel sakin? But no.
Napaupo nalang ako, and then I started clearing out my feelings.
KATSUMI'S POV
Katsumi Kabe is the name. Ang pinakaloko sa banda namin. Pero kahit gano pa ako kakwela, marunong din ako
magseryoso.
Lunch time ngayon. Magkakasama kami ng tropa. At syempre, nandito kami sa tambayan namin.
"Oysst. Pareng Daniel! Parang unti-unti nang nagtatagumpay ang plano ah. Kita mo ba si Barbie kanina?
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nung nakita kayo ni Kath!"
"Oo nga e. Kahapon nga din. Nung malapit na kami magkiss ni Kath, bigla nya kaming tinawag." Daniel.
"MAGKISS?!" sigaw ni Lester.
"Oo. Ano namang nakakagulat dun? Nililigawan ko naman sya e. Ikaw tol ha. Umamin ka nga, nagseselos
ka?" tanong ni Daniel kay Lester.
"H-hindi ah. Nagulat lang ako. Parang ang b-bilis kasi." nauutal na sabi ni Lester. Halata ka na tol.
"Well. Ganun talaga. Tingnan mo oh. Effective naman. Mukang natatauhan na si Barbie. Haay. Excited na
kong bumalik sya satin." nakangiting sabi ni Daniel.
Pagkasabi nun ni Daniel, bigla namang hinagis ni Seth yung librong hinahawak nya dun sa table. Lahat kami
napatingin sa kanya.
"TOL NAMAN! WAG KA NAMAN MANGGULAT! KALA KO NAMAN MAY NAGBARILAN NA DITO!" sigaw ko. E
nakakagulat talaga e!
"Sorry ha. Nakakatamad kasi tumayo e. Hinagis ko nalang." Seth.
"Hay. Seth talaga. Ay nga pala mga repa. May interview tayo mamaya. Para daw sa school paper." sabi ni
Lester habang tinitingnan ang lumang school paper.
"Ano daw oras?" tanong si Seth.
"Oo." sagot ni Lester. Anong konek?!
"Anong oo?! Lutang ka tol? Tinatanong kung anong oras!" sabi ko.
"H-ha? Ah! Hahaha. Sorry. 4pm daw." sagot ni Les.
"Ano ba kasing tinitingnan mo dyan at parang nawala ka sa sarili?" tanong ni JC.
"W-wala! Haha. Tara na nga!" sabi ni Lester habang crinucrumple yung paper at shinoot sa basurahan.
Nagtayuan na kaming lahat at lumabas na sa room. Pero may gagawin muna ako.
"Ah guys! Una na muna kayo. Sunod nalang ako. May nakalimutan lang ako sa loob." sabi ko at tumakbo
pabalik sa room.
Pumunta ako sa may trash can at kinuha ang linukot na papel ni Lester. Inayos ko ito at nakita ko ang napakalaking
picture ni Kath na nasa isang article dun sa paper.
Sinasabi ko na nga ba. In love na tong si Lester.
LESTER'S POV
Nakarating na kami dito sa venue ng interview. HANEP LANG. Ang daming tao! The Buzz lang? Ganto ba talaga
kami kasikat?
Nung naglakad na kami papunta dun sa harap ng camera, GRABE. KASIRA NG EARDRUMS ANG MGA SIGAWAN
NG MGA BABAE AT BAKLA DITO.
Lakas talaga namin makagwapo.
Naupo na kami sa may sofa at di nagtagal ay nagsimula na ang live interview. Bukod sa gagawan kami ng article sa
school paper, ipapalabas din pala to ngayon. As in right at this moment sa lahat ng TV dito sa campus. Langya lang.
E-Live ba to?
"So, dahil mga fourth year na kayo ngayon.. Anong balak nyo for college?" host.
"Ahmm. Balak po namin mag-engineer lahat. Pero iba iba naman pong field." sagot ni Seth.
"San nyo naman balak magcollege?" host.
"Hindi pa po namin alam e." sagot ni JC.
"Ako po, gusto ko sa UP." sagot ni Kats.
"Bakit naman?" host
"Balak ko po kasi sumali sa Oblation Run." pagkasabi nya nun, isang nakakabingi at nakakabulabog na sigawan
ang umugong dito sa venue.
"AHHHHHHHHHH! DUN NALANG KAYONG LAHAT!"
"SUPORTAHAN NYO SI KATS! SALI DIN KAYOOOOOOOOOOOOOO. OMGEEEEEEEE."
" KELAN BA OBLATION RUN ?NGAYON PALANG ICACANCEL KO NA APPOINTMENTS KO!!!"
Hanep ah. Pagnasahan ba naman kami! Hahaha.
"Ay. Wag po kayo maniwala dyan kay Kats. Malakas po ang paniniwala kong hindi sya papasa ng entrance
test ng UP. Hahaha -ARAY!" suntukin ba naman ako sa braso!
"Kapal mukha mo Lester ha." sabi ni Kats.
"Hahaha. Nakakatawa talaga kayo. Pero teka lang. May mga tanong dito ang fans nyo e. Okay lang sagutin
nyo?" Host. Wow lang. Feeling ko pwede na kaming mafeature sa Push.com.ph
"Okay lang po." sagot ni Daniel.
"Sino sa tingin nyo sa banda nyo ang pinakagwapo?" host.
"Tinatanong pa po ba yan? Malamang-lamang po, si Daniel. Habulin talaga yan e. Dami na nga pong
nadadapa sa kahahabol dyan." sagot ni Kats.
"E sino naman sa inyo ang pinakamatakaw?" host.
"Ah! Si Seth po! Kaya po nyang ubusin ang dalawang kalderong pansit canton ng hindi humihinga." sabi ko,
at binatukan naman ako ni Seth dahil dun.
"Nagsisinungaling po si Lester. Sya po talaga ang sugapa sa pagkain. Caveman po kasi yan. Halata naman
po oh. Mukhang hindi naliligo." sabi ni Seth.
"Hahahahaha." Nagtawanan lang naman ang mga kaibigan kong traydor at nag-apir pa tong si Daniel at Seth.
Trayduran pala to ha!
"Haha. Grabe. Nakakatuwa talaga. Pero enough of those questions, let's talk about your love life. Nakailang
girlfriends na kayo?" Host.
"Lahat po kami, never pang nagkagirlfriend, maliban kay Seth na nakatatlo na." sagot ko.
"Wow. Talaga? Bakit naman kaya ganun?" Host.
"Matinik po kasi tong si Seth e. Ewan ko lang po kung anong pinapakain nyan sa mga babaeng napapasagot
nyan. Ayaw po kasing ishare samin e. E di sana naipakain ko na din dun sa babaeng gusto ko." Kats.
"Ohh. So, may special someone kayong lahat ngayon?" Host.
"Hindi naman po siguro mawawala yung magkaron kami ng crush." Ako.
"Sino ba sa inyo ang pinakamagaling manligaw?" Host.
"Si JC po. Mr. Loverboy po yan e. Haha. Ewan ko nga lang kung bakit mas nauunahan pa sya ni Seth na
magkagirlfriend." sabi ni Kats.
"E pano kasi magkakagusto na nga lang yang si JC dun pa sa gusto din nung... Oommph." biglang napatigil si
Seth sa pagsasalita nya. dahil tinakpan ni JC ang bibig nya. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Uyy. Sino yunnnnn? Pwede ba namin malaman kung sino ang mga special someone nyo ngayon? " Host.
"Hindi po pwede. Secret po yun." sagot ni Kats.
Napatingin ako sa audience at nakita ko si Kath. Pang-asar lang? Nabanggit lang ang "special someone" tapos bigla
ko naman syang nakita.
"Ikaw Lester, pwede mo ba sabihin samin ang sayo?" Host.
Nakatingin lang ako kay Kath, at nakatingin rin sya sakin. I'm so lost. Aamin na ba ako?
"Si....." Ako. Habang nakatingin pa rin kay Kath.
"Si?" Host.
"Ah! Ako nalang po ang aamin. Sasabihin ko po ang special someone ko." bago pa ako makapagsalita,
inunahan na ko ni Daniel.
"Oh. That's good. Sino ba ang nagpapatibok sa puso ng isang Daniel Padilla?"
Nag-iiritan ang mga tao sa paligid. Yung iba halos himatayin na.
"Si Kathryn Bernardo po. Sa kanya ko napatunayan na totoo pala ang "love at first sight" Inaamin ko po,
matagal ko na po syang kaklase. Pero hindi ko pa po sya napapansin noon. Pero nung araw na napansin ko
sya, hindi ko na po matanggal ang mga tingin ko sa kanya. Parang lagi na po syang hinahanap hanap ng
puso ko."
And again, nagsigawan na naman ang mga tao dito. Mga kinikilig. Si Kath naman nakasmile. Hay. Kung alam nyo
lang. Gawa-gawa lang yan ni Daniel.
Pero kung ako ang magsasabi nyan, sinisigurado ko sa inyo, nanggaling talaga yun sa puso.
Pagkasabi nun ni Daniel, may nakita kaming isang babaeng tumatakbo palayo.
Si Barbie.
BARBIE'S POV
Bakit ganun? Trinaydor ako ng luha ko. Bigla nalang akong napaiyak dun sa sinabi ni Daniel. Nagseselos ba ko? O
baka naman hindi lang ako sanay na may gusto syang iba?
Dumiretso ako sa field. Wala namang tao dito kaya dito nalang ako umiyak ng umiyak.
Nagulat nalang ako ng biglang may nagback-hug sakin.
Bago ko pa magawang tingnan sya, bigla nalang syang nagsalita.
"I'm sorry..."
JC'S POV
Pagkasabi ni kuya nung message nya kay Kath, may nakita kaming isang babaeng tumakbo papalayo dito.
Kilala ko ang babaeng yun. Si Barbie.
Kahit na nasa kalagitnaan kami ng interview, tumayo ako at akmang aalis. Pababa na ko sa stage pero tinawag ako
ni Kuya.
"JC!" Nakatayo rin sya at masama ang tingin sakin. Alam kong gusto rin nyang sundan si Barbie, pero hindi nya
magagawa dahil masisira ang plano.
Sorry kuya, pero kung hindi mo kayang icomfort ngayon si Barbie, ako na muna ang papalit sa lugar mo.
Tiningnan ko nalang din si Kuya at tumakbo na ako papalayo para sundan si Barbie.
Dumiretso sya sa field, at doon, umiyak na talaga sya ng todo-todo.
Lumakad ako papunta sa kanya at dahan-dahang niyakap sya.
"I'm sorry" Pagkasabi ko nyan, napatingin sya sakin.
Gulat ko nalang nung humarap sya sakin at niyakap ako. Nilagay nya ang ulo nya sa dibdib ko at pinagpatuloy lang
nya ang pag-iyak nya. Niyakap ko nalang rin sya pabalik.
"I'm sorry Barbie. Sorry kung umiiyak ka ng ganto dahil sa kuya ko. Just be strong. Magiging okay din ang
lahat."
"I don't think magiging okay pa ang lahat. May mahal ng iba si Daniel. Bakit ba kasi ang bobo ko? Bakit
tinanggihan ko pa sya? *sob* *sob* *sob*"
"Pwede pang maging okay ang lahat. Pinapangako ko sayo... maghintay ka lang."
"Hindi na JC. Lalayo nalang muna ako. Mukhang masaya na sila e..." sabi nya at kumalas sya sa pagkakayakap
nya sakin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapatid ko si kuya at dapat ko syang tulungan... pero pano naman ako? Pano
naman ang puso ko? AY. ANO BA YAN. Nahahawa na ko sa kacornyhan ni Seth!
Pero seryoso. Pwede bang unahin ko muna ang sarili ko bago ang kapatid ko?
"Barbie..." napatingin sya sakin habang pinupunasan ang luha nya.
"If you'll tell me na mag---" I cut her off.
"I'm here Barbie..." I held her face. "Andito pa ko... Imbes na saktan mo ang sarili mo sa paglayo kay Kuya,
bakit hindi mo nalang ako subukang mahalin? Kahit pa panakip butas lang ako... Ayos lang. At least alam
kong kahit papano, nagkaron pa rin ako ng lugar dyan sa puso mo."
I'm sorry, Kuya. May puso din ako.
Nilapat ko ang noo ko sa noo ni Barbie. Hindi sya umalis, instead, she just closed her eyes.
"Let's just try JC. Just try." Pagkasabi nya nun, I hugged her, and to my surprise, she hugged me back.
Magkayakap kami habang magkadikit pa rin ang mga noo namin.
I am JC Padilla. I was a good brother and a great bestfriend to Daniel Padilla. Yes. WAS. Hindi ko kasi alam kung
may karapatan pa ba akong tawaging ganun ang sarili ko dahil ginagamit ko ang sariling plano ng kuya ko para
makuha ang babaeng gusto ko... At yung babaeng yun? Yun din ang babaeng gusto nya.
Sorry kuya, pero pagbibigyan ko muna ang puso ko ngayon.
DANIEL'S POV
Nakauwi na kami from school. Nakakapagod lang tong araw na to. Pagkatapos kasi ng interview namin, nagdate pa
kami ni Kath, tapos hinatid ko pa sya sa kanila. Kaya naman ngayon lang ako nakauwi.
Pagpasok ko ng bahay, andun na sina Mama kasama si JC, Carmela at Magui sa lamesa. Kumakain na.
"O ginagabi ka yata ngayon!" Mommy Karla ko.
"Sorry Ma. May hinatid lang." sabi ko habang papalapit sa table.
"Sino? Si Barbie?" Napatingin ako kay Mama sa sinabi nyang yun.
"Mommy, don't you know? They already broke up. I heard kuya crying dati. Before nga nung tumabi kami ni
Carmela sa kanya, he was sleep talking. He was saying Ate Barbie's name."
Gustong-gusto kong pasakan ang bibig ni Magui para hindi na nya maituloy ang sinasabi nya. Pero hindi ko abot e.
Kaya naman I just gave her my famous death stare.
"What? Why are you looking at me like that Kuya? Totoo naman ang sinasabi ko e. Dibuuhhh. Ayaw mo pa
kasi umamin kay Mommy e. Mom oh. Kuya's keeping secrets sayo!" pagkasabi nya nun, binelatan nya ako.
ABA'T TONG BATANG TO! Humanda to sakin mamaya. Mapapatay ko sya.
Sa kiliti.
"How true is that Daniel?" sabi ni Mommy.
"Wala yung katotohanan ma."
"SUCH A LIAR KUYA!!" Magui.
"Ikaw Magui ha! Dami mong alam! Ma! Hindi yun totoo kasi hindi naman naging kami. Niligawan ko lang si
Barbie dati..."
"And?....."
"BASTED SYA MOM! HAHAHA. BAST---WAAAAAAAAAAAA" Napatigil si Magui sa sasabihin nya kasi tumakbo
na sya papalayo. Ako naman, hinabol sya. Daming sinasabi nitong batang to e. Babalutan ko muna ng masking tape
ang bibig nito. Hehe. Joke lang.
"KUYAAAAAAAAAAAAAAAA STOPPPPPPP NAAAAAA. WAHAHAHAHAA. KUYAAAAAAAA. HUHUHUHU.
WAAAAAAAAAAAAAA." Parang baboy na kinakatay lang tong si Magui. Kinikiliti ko kasi.
"DANIEL! Tama na! Bumalik na kayo dito. Kitang kumakain e." Tawag ni mama.
Kinarga ko na pabalik si Magui at inupo sya sa upuan nya.
"Kaya ka lumolobo Ma e. Puro pagkain nalang in--*PAK* ARAY MA NAMAN!" Batukan ba naman ako!
"Hay nako. Pwede ba. At least maganda ako. Pero teka nga, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Barbie ha?
Pansin ko nga hindi na yun dumadalaw dito."
"Like what I've tol---" Magui
"O SASABAT PA E. BAKA GUSTO MONG!!" Ako.
"NO KUYA. HIHI. I'M JUST KIDDING. SIGE NA KWENTO KA NA."
"Yun nga ma. Nanliligaw ako. Pero basted. Noon. Noon lang yun. Sooner or later, magiging official na kami
ng soon to be daughter in law nyo, diba JC!" sabi ko, sabay tingin kay JC
"H-ha? A-Ah. O-oo. Yes. Haha. Soon." nauutal na sabi ni JC. Problema nito?
"Ohh. Okayy. E ikaw naman Carlito? Ano nang balita sa lovelife mo? Lumablayp ka naman anak! Sayang
naman ang face mo!" Tanong ni Mama kay JC.
"Ah. Ma. Haha. May nililigawan rin po ako ngayon e. Secret nalang po muna. Malapit nyo na rin sya
makilala." JC
"Well that's good!"
"What about me, mom? Di nyo ko tatanungin?" Napatingin kaming lahat kay Magui.
"What?! I'm 10 years old already noh. Hmf."
Haha. Landi nitong kapatid ko. Pero wag kayo. Love ko yan.
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa kwarto namin ni JC. Share pa kasi kami ngayon habang inaayos
yung CR ng room nya.
"Oy, Bro. Ikaw ha may nililigawan ka na pala, sino!" Tanong ko kay JC.
"Secret nga muna kuya." sabi nya.
"Pssh. Arte. Pero teka, sinundan mo kanina si Barbie diba? Anong nangyari?"
Mukhang nagulat si JC sa tanong ko. Hindi agad sya nakasagot e.
"Ahm.. Ano. May nakalimutan daw kasi syang isubmit. Kaya yun, nagmadali syang umalis. Deadline na daw
kasi kaninang hapon e." JC
"Ahh. Pero may nababanggit ba sya sayo? Tungkol sakin?"
"Wala naman."
"Ah. Okay. Ge bro. Tulog na tayo." Sabi ko.
Pinatay ko na ang ilaw at humiga na. Haay Barbie. Sana wag ka na maging bulag.
Saturday, January 14, 2012 -Day 04 of 100
Time check : 10 am.
Waa. Ang boring. Naisipan kong yayain ang tropa na lumabas ngayon. Mag-mall. At naisipan ko ring isama si Kath.
Payag naman ang tropa kaya eto na. Nagbibihis na ko papunta dun sa meeting place namin.
"JC! tol! Tara na!" To kasing kapatid ko e, tagal magbihis.
"Sandali lang. Andyan na." Sabi nya habang pababa ng hagdan.
"Where do you think you're going?" Napatingin kami sa nagsalita.
Kung inaakala nyong si Mama yan. Pwes. NAGKAKAMALI KAYO.
"O bakit Magui? Inggit ka kasi hindi ka kasama?" Pang-aasar ko.
"Anyenyenye. Pasalubong ko okay!" sabi nya at umalis na. Bratinela talaga tong kapatid ko. Tss.
Umalis na kami ni JC papunta dun sa meeting place. At ayun, nandun na silang lahat.
"O. Ayan na ang mga early birds!" sigaw ni Kats.
"Aga nyo ah! Nahiya naman kami." sabi ni Lester na katabi si Kath.
"To kasing si JC e. Bagal kumilos... Hi Kath!" Ako.
"Hello." and then she stood up and gave me her sweetest smile. Haay. Kath. Ba't ba hindi nalang ikaw ang mahalin
ko?
Tumayo na silang lahat, at ready nang umalis. Lumapit sakin si Kath at nginitian ulit ako.
"Hindi ka naman na-OP sa tatlong to?" tanong ko at sinamaan ko ng tingin sina Seth, Lester at Kats.
"OY TOL. Sama ugali mo ha. Hindi na-OP si Kath noh. In fact, ang sarap nga nya kausap e. Nu nga
Lester!" Sabi ni Kats at sabay tingin kay Lester. Anong meron?!
"H-ha? Ah! OO! Hahaha." Lester.
"Kainlove noh!" Hirit na naman ni Kats.
"A-ah. Haha. O-Oo. Kaya nga nafall dyan si Daniel e. Diba tol?" sabi ni Lester ng nauutal. Seriously, anong
meron?
Magsasalita na sana ako, pero naunahan ako ni Seth.
"Tulak ng bibig. Kabig ng dibdib." Lahat kami napatingin sa kanya.
"Pre, ano na namang nakain mo? Bakit ganyan na naman tabas ng dila mo?" Kats.
"Wala naman. Alam mo ba kung anong favorite shape ko?" tanong ni Seth kay Kats.
"Uhm... Heart?" Kats.
*PAK*
"Aray! Joke lang! Ano?" Haha. Loloko-loko kasi, nabatukan tuloy.
"TRIANGLE." sabi ni Seth sabay tingin sakin, kay Kath at Lester.
"Bakit naman triangle?" tanong ni Lester.
"Kasi yun ang nagpapatunay na hindi fair ang buhay. Tatlo ang sides ng triangle. Kahit baliktarin mo man
ang mundo, laging may isang naiiwan. May isang masasaktan. Yung dalawa, masaya.. pero yung isa
maiiwang luhaan."
At napanganga naman kami sa sinabing yun ni Seth. Nabitawan pa ni Kats yung hawak nyang baso. Nabasag tuloy.
At dahil sa pagkabasag na yun, nagising kami sa katotohanan.
Pagtingin ko sa mga kasama ko, lahat sila inaalog-alog ang ulo nila. Parang lahat natameme sa sinabing yun ni
Seth.
"Tara na." Sabi ni Seth at naglakad na papalabas.
Kami, eto. Tulala pa rin habang naglalakad. Malay ba namin kung san hinuhugot yun ni Seth.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa mall. Napagdesisyunan muna naming kumain kaya dumiretso kami sa KFC.
Dun gusto ni Kath e.
Magkatapat ang upuan namin ni Kath, habang katabi naman nya si Lester. Katapat naman ni Lester si Seth. Tapos si
JC at Kats ang magkatapat.
Habang kumakain kami, napansin kong may dumi sa mukha ni Kath. Pupunasan ko na pero naunahan ako ni Lester.
"Ang dungis mo Ms. Bernardo! Hahaha." sabi nya habang pinupunasan ni tissue ang gilid ng labi ni Kath.
"Hahaha. Sorry na Emps!. Hahaha." Tumatawang sabi ni Kath. At Emps?
Ah Ehem. May tao po dito.
"Ehem" kunwaring ubo ko.
Napatingin sila sakin at natigilan sa ginagawa nila.
"Ahm. CR lang ako." At tumayo na si Kath.
"Sama ako." sabi ko at tumayo na rin. Lahat sila nakatingin sakin.
"MagC-CR lang din!" sigaw ko. Mga lumot kasi utak ng mga to e.
Naglakad na kami ni Kath papalabas ng KFC.
"Close na talaga kayo ni Lester ha." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Ha? Hindi naman masyado. Masarap kasi kausap ni Emps e." Emps talaga. Pssh.
"Emps?"
"Wala lang. Pang-asar lang. Hahaha." Tawa na naman sya ng tawa.
"Pssh." Yan nalang nasabi ko. Bakit ba parang nagseselos ako? Hindi, pride lang siguro to.
Naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Pagtingin ko, si Kath pala. I looked at her, then she smiled at me.
Damn it. That smile. I can't help but smile back.
I intertwined our fingers habang patuloy lang kaming naglalakad.
"Kath mahal mo pa ba sya? Si blind man?" sabi ko ng hindi na naman sya tinitingnan.
"Let's not talk about him. Ang importante ay yung ngayon." At naramdaman kong mas humigpit ang hawak nya
sa kamay ko.
I looked at her and then I smiled.
Hindi ko mapigilang hindi maguilty.
God forgive me... for I will soon make your angel cry.
LESTER'S POV
"Uh. Guys, saglit lang ha. may imemeet lang ako. I'll be back." Sabi ni JC, at umalis na.
"Haay. Tagal naman nila. Atat na ko---UY CHIX!! Wait lang mga bro. Sundan ko lang ha. Text nyo nalang ako
pag aalis na. Geh." Sabi ni Kats at sinundan na yung magandang babae.
Naiwan kami ni Seth dito sa KFC. Magsasalita na sana ako, pero naunahan nya ko.
"Masakit ba?" tanong nya.
"Ang?"
"Ito." sabi nya at tinuro ang kaliwang dibdib ko.
"Ha?! Hahaha. Bakit naman? Wala naman akong sakit sa puso e." sabi ko.
"Wala ka ngang sakit sa puso, pero hindi mo maitatanggi na may sakit na nararamdaman ang puso mo."
Okay. Muntik ko lang naman maibuga ang iniinom ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo Seth?" tanong ko.
"Anong pakiramdam maging isang side ng triangle?" sabi nya sabay tingin sakin.
Alam ko na to. Alam ni Seth ang nararamdaman ko kay Kath. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Seth, sa halip, iniwas
ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling dun sa escalator.
Sakto namang nandun sina Kath at Daniel, pababa at pabalik na dito. At alam nyo ba? Magkaholding hands pa sila.
"Pano kung yung triangle na yun, isosceles triangle pala. Pano kung yung dalawang side lang yung equal, at
yung isa hindi nila kapareho. Pano kung ikaw yung side na yun, yung side na walang kapartner? Anong
mararamdaman mo?" Sabi ni Seth at napatingin na naman ako sa kanya. Natigilan ako kasi tagos yung mga
sinasabi nya.
Binalik ko ang tingin ko kay Daniel at Kath na papasok dito sa KFC. Nagtatawanan sila. Masaya. Magkaholding
hands pa.
Napayuko nalang ako at biglang lumabas sa bibig ko ang salitang sa tingin ko, nanggaling sa puso ko.
"Masakit."
And with that, tinapik ni Seth ang likod ko. Napatingin ako sa kanya at nakangiti sya.
"Buti naman, naamin mo na. Kasi kung hindi mo papansinin ang isang sugat, patuloy lang yun kikirot."
Napangiti nalang ako at ibinalik ko ang tingin ko kayna Kath at Daniel na nakaupo na sa mga upuan nila.
Siguro nga tama si Seth. Kung sasarilinin ko lang to, baka sumabog ako sa sakit.
Sige na. Oo na. I admit it.
I think I'm in love with Kathryn Bernardo.
Sunday, January 29, 2012 -Day 19 of 100
DANIEL'S POV
Andito kami ngayon sa simbahan. Linggo kasi ngayon e, kakatapos lang namin magsimba.
Nakaupo lang kami dito sa may bench sa labas ng simbahan habang hinihintay si Mama. NagCR kasi e. Etong
dalawa kong kapatid, nagkukulitan. Si JC, tahimik lang. Ako naman, palingon-lingon kung saan saan.
Pagtingin ko sa may bandang kanan, nakita ko si Kath. Almost 3 weeks na nga pala akong nanliligaw sa kanya. At sa
loob ng 3 weeks na yun, parang unti-unti nang nagbabago ang tibok ng puso ko. PERO HINDI PWEDE. Hindi ako
pwedeng mainlove sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin at nagsmile sya sakin. Nagsmile din ako syempre. Hindi ko talaga mapigilang hindi
ngumiti pag nakikita sya e. Madalas natutulala ako pag nakikita ko yung ngiti nyang yun.
Kaya nga hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa tabi ko.
"Hello Daniel."
"Uy Kath." Sabi ko at napatayo ako sa pagkakaupo ko.
"YIIIEEEE. Kuya who is she?" Tanong ni Magui na may tonong pang-aasar.
"Si K---"
"KUYA HAS A GIRLFRIEND ALREADYYYY. YIIEEEE--Ooompphh." Lokong bata to. Tinakpan ko nga yung bibig.
Ipagsigawan ba naman.
"Hey! DANIEL! WHAT ARE YOU DOING?!" O isa pa tong si Mama, parang nakalunok ng megaphone. May
pinagmanahan talaga tong si Magui.
Tumakbo si Magui papunta kay Mama na papalapit dito.
"Mom! Kuya's bullying me because I found out na he has a girlfriend na." Sumbong ni Magui kay Mama.
Napatingin si Mama sakin na parang naguguluhan, pero nung napatingin sya kay Kath, napaltan yung naguguluhan
nyang mukha ng ngiti.
"Uhh. Ma. Si Kath nga pala." Pakilala ko.
"Hello po." Sabi ni Kath kay Mama.
"Hello. Ang ganda mo naman. Bagay na bagay kayo ng anak ko. Hihi. I'm so kilig." Sabi ni Mama habang
pinagdidikit kami ni Kath.
"Uy Ma! Mahiya ka naman. At tsaka hindi ko girlfriend si Kath noh."
"Ahh. Oo nga pala, Barb--"
"MA!" Sumigaw na ko para patigilin si Mama sa pagsasalita. Naman. Kung ano-ano lumalabas sa bibig nito e. Baka
masabi pa nito na si Barbie talaga ang gusto ko.
"Ano? Akala ko ba si Bar---"
"Ma. Nililigawan ko si Kath"
Napatigil sa pagsasalita si Mama at ngumiti ng nakakaloko.
"Ohhhhhhhhhhhhhh... So, iha. I'm Tita Karla nga pala. This is Magui, that is Carmela and I think magkakilala
na kayo ni JC"
"Yes po. Kathryn Bernardo nga po pala." Sabi ni Kath ng nakangiti.
"Ang ganda naman ng smile mo. No wonder nahulog sayo ang anak ko. Pero alam mo, mas love ko ang eyes
nya?
"A-ah. Haha. Salamat po." Yan nalang ang nasabi ni Kath kay Mama.
"H-hello. A-ate." Nagulat kami sa nagsalita. Si Carmela pala. Karga-karga sya ni JC.
"Hello baby." Sabi ni Kath.
Umakto si Carmela na parang gusto nyang magpakarga kay Kath. Kaya naman ibinigay sya ni JC kay Kath..
"Ate. Ang ganda-ganda mo po. Pwede ikaw ate din po kita?" Sabi ni Carmela sabay kiss sa cheeks ni Kath.
"AWWWWWWWWWWWWWW!" Sabi ni Mama at Magui. Grabe. Manang-mana.
"Ang cute mo naman, baby. Wala din naman akong kapatid e. Sure. Ate mo nalang ako" Pagkasabi nun ni
Kath, niyakap sya ni Carmela.
"Awwwww. Naiiyak ako. Alam mo ba, iha. Socially awkward yang si Carmela. Mahiyain yan. Baby pa kasi.
Pag may bisita kami, hindi yan nagsasalita. Kahit pa mga kamag-anak namin. Pero nakakapagtaka, kasi ikaw
na ngayon lang nya nakita, sobrang comfie na sya. Awwwww. Boto na talaga ako sayo. Pakasal na kayo ni
Daniel! Haha. Joke lang."
"MA!"
"Hahaha. Mom. Tama na. Look at kuya. Super embarassed na sya. Harhar." Arte talaga nitong kapatid ko.
"Isa ka pa Magui!" sabi ko sa kanya at binigyan sya ng famous death glare.
"ATE. LOOK AT KUYA OHHHHHHHHHH!" Sabi nya at tumakbo papunta kay Kath.
"AWWWWWW. ANG CUTE NILA. DANIEL PUMUNTA KA NGA DUN SA TABI NI KATH. DALI. Picturan ko kayo.
Ang cute cute!" Sabi ni Mama. Sumunod naman ako at pumunta dun sa tabi ni Kath.
"Wow. Kuya! Para kayong pamilya! Pwede! Haha." JC.
Binaba ni Kath si Carmela at pumunta to sa gitna namin.
"Smile! 1-2-3" *click*
"Tingnan nyo oh. Bagay na bagay!" Sabi ni Mama.
Kinuha ko ang camera at tiningnan ito. Wow. Para nga talaga kaming pamilya. Bagay nga kami ni Kath. Napatingin
ako sa kanya at napatingin rin sya sakin. Ayan, nagtutunawan na kami.
"AHEM!" Sabay sabay na sabi nina Mama, Magui at JC.
"Ahm.. Una na po ako. Baka hinahanap na po ako nina Mama. Nice meeting you po." Sabi ni Kath.
"Sige, anak. Ingat ka ha." Mama.
"Bye Ate! Let's bond sometime, okay?" Sabi ni Magui sabay yakap kay Kath.
"Ba-bye, Ate." Sabi ni Carmela.
Lumuhod si Kath at kiniss si Carmela. "Bye Baby. Bye din Magui and sure, bonding tayo sometime" Napangiti si
Magui sa sinabi ni Kath.
Tumayo na si Kath at tumingin sakin.
"Bye Daniel. See you sa school." Sabi nya sabay kiss sa cheeks ko. Umalis na sya agad pagkatapos.
"Kuya you're blushing!" Sigaw ni Magui.
Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa ginawa ni Kath. Totoo ba to? Bakit?
"Hoy Daniel! Ikaw ha! Umamin ka nga. Nagtu-two time ka ba? Huli kong balita sayo, si Barbie ang liligawan
"Wag ka nga sumigaw Ma! Kakahiya. Andito pa tayo sa simbahan oh. Basta nililigawan ko si Kath. Yun na
yun."
"Tandaan mo Daniel. Hindi dapat pinaglalaruan o ginagamit ang mga babae. Lalo na si Kath. Tingnan mo
naman, parang anghel. Subukan mo lang gaguhin yun, itatakwil kita." Sabi ni Mama.
Nagkatinginan kami ni JC. We exchanged guilty looks.
"Yes kuya, I will takwil you if you hurt Ate Kath. I like her to be my sister so do your best para sagutin ka nya
okay." Magui.
"K-kuya. Si A-te Kath nalang. Wag na si A-te B-barbie. Gusto ko si A-te Kath." Sabi ni Carmela.
Ano ba to! Boto ang pamilya ko kay Kath. Huhu. Ano nang gagawin ko.
"O ikaw, JC, wala kang speech dyan?" Tanong ni Mama kay JC.
"Uh. Kuya. Bagay kayo. Wag mo na pakawalan." JC.
Haay. Hindi ko akalaing magiging ganto kahirap tong "Operation Barbie" na to.
Pagkatapos ng mahabang diskosyunan, umuwi na kami sa bahay. Nandito rin ang buong tropa para pag-usapan
itong "O.B" na to.
"Wag na kaya natin ituloy?" Sabi ni Lester.
"Ano ka. Ikaw dyan magsusuggest nito tapos ikaw din ang uurong." Ako.
Napabuntong-hininga nalang si Les.
"Ano na bang balita kay Barbs?" Kats.
"Sa totoo lang, wala akong balita. Hindi ko na rin sya napapansin sa school e. Sa totoo lang, sa 3 weeks kong
panliligaw kay Kath, para bang sa kanya na umiikot ang mundo ko. Hindi ko na naiisip na ginagamit ko lang
sya." Ako.
"Masama na yan tol! Mukhang naiinlababo ka na!" Kats.
"HINDI PWEDE." Lester.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"I mean. Syempre. Diba, Barbie ka lang tol? Sabi mo diba?" Sabi sakin ni Les.
"Oo naman tol. Siguro masyado ko lang naseseryoso tong fake kong panliligaw. Pero Barbie pa rin." Sagot
"Teka, parang tahimik ka dyan JC."
"H-ha? Wala. Inaantok lang ako. Hehe." Alam nyo, ramdam ko. Parang may bumabagabag dito sa kapatid ko.
Ayaw lang sabihin sakin.
Biglang tumayo si Seth at pumunta sa kitchen.
"Problema nun?" Kats.
"Baka nauhaw lang." Lester.
"Puntahan ko muna" Ako.
Pumunta ako sa kitchen para kausapin si Seth. Nakita kong nakaupo lang sya dun sa may dining table habang
umiinom ng tubig.
"Seth."
"Kumusta na? Nagkakagulo na ba?" Tanong nya sakin.
"Ha? Ang alin?"
"Puso mo at utak mo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nyang yun.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nakakalito noh? Hindi mo alam kung anong susundin mo. Ang mas mahirap pa dito, yung dating laman ng
puso mo, napromote at lumipat na sa isip mo. At habang lumilipat sya sa isip mo, unti-unting napapaltan ng
laman yang puso mo."
"Seth! Ano bang pinagsasasabi mo?!"
Nagulat nalang ako ng bigla nyang binuhos sakin yung tubig na laman nung pitchel.
"Bakit mo yun ginawa?!" sabi ko sabay tayo. Basang basa ako.
"Hoy anong nangya---" JC.
"Uy! Bakit dyan ka naligo! May CR naman kayo ah!" Kats. Loko talaga to.
"Si Seth e, binuhusan ako ng tubig" sumbong ko.
"Ha? Seth bakit mo yun ginawa?!" Lester.
"Para magising sya sa katotohanan. Kaso hindi pala yun sapat. Kailangan mo na yata magpa-opera na ulit ng
mata. BULAG KA KASI DANIEL. BULAG NA BULAG"
Pagkasabi nya nun, lumabas na sya ng bahay. At kami, naiwang tulala.
Bulag ba talaga ako?
Wednesday, February 1, 2012 – Day 22 of 100
DANIEL‘S POV
Pagkatapos ng pagwawalk-out ni Seth sa bahay 3 days ago, hindi na ulit namin sya nakausap ng tropa. Hindi na sya
pumupunta sa tambayan. Hindi rin sya nagrereply sa mga text namin.
Habang hinihintay ko sina Lester, tumambay muna ako dito sa may waiting area sa parking lot ng school. Gulat ko
nalang nung paglingon ko sa kanan, nakita ko sina Seth at Kath na magkausap.
Lumapit ako dun sa kung nasaan sila. Pero nagtago ako para hindi nila malaman na nakikinig ako sa usapan nila.
.Kaya mo pa ba? Masyado ka nang nasasaktan dyan sa blind man na yan.. Seth.
.Kakayanin. Mahal ko e.. Kath.
Nung marinig ko yun, biglang sumakit ang puso ko. Nagseselos ba ko? HINDI. Hindi pwede.
Pero bakit ako nasasaktan? Ano naman sakin diba? Ano naman sakin kung mahal pa rin ni Kath si Blind man?
.Sshh. Wag ka na umiyak. Dadating din yung panahon na magiging okay ang lahat. Pero sana Kath,
matutunan mo rin mahalin ang sarili mo.. Pagkasabi nun ni Seth, niyakap nya si Kath.
Hindi ko alam kung bakit pero kumikirot ang puso ko pag nakikita kong umiiyak si Kath. Ayoko syang nakikitang
ganun. Nasasaktan din ako.
Pero how ironic kasi kailangan ko syang paiyakin pagtapos ng 100 days. Pero mangyayari ba yun? E mukhang hindi
sya makagetover sa Blind man na yun e.
At tsaka parang nagiging walang kwenta na rin to kasi parang hindi rin nagiging affected si Barbie. Well, speaking of
Barbie, hindi ko na sya masyadong napapansin. These past few days kasi puro na talaga kay Kath nakatuon ang
atensyon ko.
Tiningnan ko ulit sina Kath at Seth. Pinapatahan pa rin ni Seth si Kath. Dapat ako ang nandun diba? Dapat ako ang
nagpapatahan sa kanya. Pero eto ako, nakatanaw lang sa malayo.
Napagdesisyunan ko na umalis nalang. Naglalakad na ko palayo ng may mabangga akong isang babae.
.Sor—Barbie?!.
.D-daniel….
Walang nagsasalita samin. Nagtititigan lang kami. Gusto ko syang yakapin pero hindi makagalaw ang katawan ko.
.C-can we talk?. Sabi nya.
Nag-nod nalang ako and then we started walking hanggang sa nakarating kami dun sa may waiting area. Nakaupo
na kami at lahat lahat pero wala pa ring nagsasalita samin.
.Kumusta ka na Daniel?.
.O-okay lang. Buhay pa rin. Ikaw?. Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
.Okay lang din. Kumusta kayo ni Kath?. Napalingon ako sa kanya dahil dun. Hindi sya nakatingin sakin.
Pokerface din sya kaya hindi ko mabasa kung ano talaga ang nasa isip nya.
.Masaya.. Sabi ko.
.M-mahal mo ba talaga si K-kath. Napasmirk ako sa tinanong nya. Mukhang nagseselos nga ata talaga to.
.Kailangan ko pa ba sagutin yan?. Napatingin sya sakin sa sinabi kong yan. Nakita ko sa mga mata nya ang
lungkot at pagkagulat. Positive, nagseselos to.
Tumayo na sya at akmang aalis na, pero tumingin muna sya sakin.
.I-im happy for y-you. Sige, una na ko.. At umalis na sya.
Diba dapat masaya ako? As in yung halos magpaparty na sa tuwa. Pero hindi e. Masaya ako pero siguro 70%
happiness lang. Yung 30% na natitira, sama-sama dun ang guilt at ang lungkot na nararamdaman ko para kay Kath.
Napapikit nalang ako dito habang nag-iisip.
.BRO!!!!!. Halos mahulog na ko sa kinauupuan ko nung marinig ko yung sigaw na yun. To talagang si Katsumi!
.Mga tol! May kwento ako..
.Okay. What‘s your chikka sister?.
*PAK*
.Ouch sister ha!. Katsumi
.KELAN KA PA NAGING BAKLA?!. Tanong ko.
.Hehe. Joke lang tol. E kasi para kang babae nung sinabi mo na .Uy! May kwento ako!. Hahaha. Chikadora
ka na ngayon?.
.Loko. Magkekwento na ko. Alam nyo ba.. Sabi ko habang nakangiti. Pero sa likod ng ngiting to, nandun ang guilt
at lungkot na tinatago ko.
.Hindi pa. Bilis! Excited na ko.. Kats.
.Magkasama kami ni Barbie kanina…. Napatingin silang lahat sakin at ngumiti ng nakakaloko. Pero si JC, parang
malungkot ang mukha.
.And then? Anong nangyari?. Lester. Aba. Bakit pag si Barbie pinaguusapan, good mood to. Pag si Kath,
nababadtrip.
.Ayun, tinanong nya ko kung mahal ko si Kath. Obvious na mga bregs. Nagseselos talaga. Kung makikita
nyo lang ang mukha nya kanina. Epic mga tol!. Ako.
.Congrats tol! Kaso, pano yan 88 days pa ang titiisin mo bago kayo tuluyang magkasama ni Barbs.. Kats.
.Ayos lang yan. Konting panahon nalang din naman yun. Besides, hindi pa tuluyang umaamin si Barbie.
Kailangan ko pa syang pagselosin. At tsaka diba ang deal kailangan kong mapainlove si Kath? E mukhang
hindi pa sya inlove sakin e. Sakto lang ang 88 days..
.E pano kung kalagitnaan palang ng 100 days, bumigay na si Barbie? Pano na si Kath? Pano kung sa
panahong yun, in love na sya sayo?. Kats.
Akala ko madali kong lang masasagot ang tanong na yan. Pero bakit nahihirapan ako? Diba dapat Barbie all the
way? Bakit ganto? Parang nagiging mahalaga na rin ang nararamdaman ni Kath.
.Bakit di ka makasagot kuya? Sino ang pipiliin mo, ang babaeng minsan ka nang sinaktan pero bumabalik
sayo o ang babaeng minahal ka kahit wala syang kaalam-alam na sasaktan mo rin sya sa huli?.
Aaahhh. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit ganto?! Barbie lang dapat diba? Pero bakit walang lumalabas sa bibig
ko? Mukhang tama nga si Seth. Nagsisimula na kong mailto.
.S-si…. Ako.
.Sino?. Sabay na sabi ni Lester at JC.
.Uyy. Nagpractice kayo? Sabay talaga. Hahaha---UY PARENG SETH!!!! AMISHOOOO!. Sabi ni Kats sabay
takbo papunta kay Seth na kasama si Kath.
Napatingin kaming lahat sa kanila. Si Seth, napatingin rin samin pero ngumiti lang sya. Tapos, umalis na.
.Anyare dun Kath?. Tanong ni Kats kay Kath na iniwan ni Seth.
.Bad mood?. Kath.
.Hmmm…. Kats.
.Alam nyo, umuwi na tayo. Mukhang uulan na oh. Halika na Kath, hatid na kita.. Ako.
.Sige, tara.. Kath.
Nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Kasabay namin ni Kath si JC. Malamang, pareho kami ng bahay e. Third wheel
muna sya samin ngayon. Haha. Wala pang girlfriend e.
Nakalabas na kami sa gate ng school. Dito namin hihintayin sina kuya. Oo, magkaiba pa kami ng sasakyan ni JC.
Hindi naman kasi kami lagi magkasabay umuuwi. Pero shoot. Malas ko lang, naiwan ko yung phone ko sa loob ng
school.
.Kath and JC! Wait lang. Balik muna ako dun sa loob. Naiwan ko phone ko sa locker ko.. Sabi ko at tumakbo
na ko pabalik sa loob. Kailangan kong magmadali, mukhang uulan na talaga.
Wala pang 5 minutes, narating ko na yung locker ko at nakuha ko na yung phone ko.
Time check: 5:00 pm
Argh. Pag minamalas ka nga naman. Pag kasi 5pm, nagsasara na yung gate na pinaglabasan namin kanina nina
Kath. Kailangan ko pa tuloy umikot at dumaan dun sa gate B.
Eto na tumatakbo na.
Pagdating ko dun sa gate B, talaga namang pinagbagsakan na ko ng lahat kamalasan ng mundo. Umuulan na. At
ang lakas pa. Wala pa naman akong payong.
Pero habang papalapit ako ng papalapit dun sa gate, may napansin akong isang babaeng basang basa sa ulan.
Walang masisilungan. Walang malalapitan. Ay loko. Napakanta na ko.
Pero seryoso. Teka. Si Barbie ba to?
Lumusong na ko sa ulanan at nakita kong si Barbie nga yun.
.Barbie!. Napalingon sya sakin at nakita kong malungkot talaga sya.
.D-daniel?.
.Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagpapaulan?.
.W-wala pa kasi ang s-sundo ko e. . Grabe. Nanginginig na sya.
I just gave her a backhug para hindi na sya ginawin.
.A-anong g-ginagawa mo? B-baka may makita tayo ni K-kath..
.Ssh. Bakit. Dati naman nayayakap kita ah. Bakit ngayon bawal na? Porket may nililigawan na kong iba,
bawal na kitang yakapin? I‘m still your friend..
.S-sorry.. Sabi nya ng nanginginig ang boses. Niyakap na rin nya ako pabalik.
.I missed you…. Waa. Bigla nalang yan lumabas sa bibig ko.
.Namiss rin kita, Daniel..
Tinext ko si Kuya at sinabi kong dito na ko sunduin sa gate B. Kasama naman ni Kath si JC, I’m sure isasabay sya ng
kapatid ko.
Pinasabay ko na sakin si Barbie at hinatid sya sa bahay nila. Pagkatapos, umuwi na rin ako.
Pagdating ko sa bahay, gulat na gulat sina Mama kasi basang-basa ako.
.DANIEL! WAG MONG SABIHING NAGLARO KA NA NAMAN SA ULAN! TANDA TANDA MO NA!. Sigaw ni
Mama sabay bato ng tuwalya.
.Ma. Hindi noh. Nakita ko kasi si Barbie kanina, walang payong. Kaya yun, napasugod na rin ako sa ulanan.
Hinatid ko na rin sya pauwi..
.Barbie? Teka. Hindi ka na bumalik dun sa Gate A?. JC.
.Oo. E giniginaw na si Barbie e. Kailangan na nyang makauwi, baka lagnatin pa yun..
.Ha?! E hinihintay ka ni Kath dun sa Gate A e! Wala pa naman yung payong! Malamang basang basa na rin
yun kuya!.
.Ano?! Bakit di mo sya sinabay sayo?!.
.E sabi nya hihintayin ka daw nya e. Akala ko naman babalik ka agad kasi kukunin mo lang naman yung
phone mo e..
WAA. Anong gagawin ko?!
*PAK*
.Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan?! PUNTAHAN MO NA SI KATH!!!!. Sigaw ni Mama. Hindi rin halata na
boto talaga to ke Kath noh?
Dali-dali akong nagpahatid kay Kuya sa school. Hindi na ko nagpalit ng damit. Kahit basang-basa ako, sumugod na
Sht. Ang lakas talaga ng ulan. Kath. Please. Sana nakauwi ka na.
Di kinalaunan ay nakarating na kami sa Gate A.
Pero wala na dun si Kath.
LESTER‘S POV
Nauna nang umalis sina JC Daniel at Kath. Nagpaiwan muna ako dito ngayon sa may waiting area. Magpapakaemo
lang. De joke. Wala. Mag-iisip-isip lang.
Gulat ko nalang nung may tumabi sakin.
.SETH! HUHU. MISS NA KITA.. Di ko na napigilan ang kabaklaan ko. Hehe. Joke. E kasi, miss ko na talaga tong
lokong to. Tagal nang hindi nagpaparamdam. Oo, matagal na ang 3 days. Haha.
.Kayo kasi e.. Okay. Ano na naman pinagsasasabi nito.
.Ayan ka na naman.. Sabi ko. Magsesermon na naman to e. Huhuhu.
.Sawa ka na ba? Sawa na ba kayo sa pagpapaalala ko sa inyo kung ano ang tama? Kung sawa na kayo, ako
hindi pa..
.Seth.. Ano bang—.
.Ilang beses ko na kayo binalaan. Pero ano. Pinagtatawanan nyo lang ako. Hindi kayo nakikinig sakin. Ano
nang nangyari ngayon. O diba, kagulo na ang buhay nyong lima..
.Lima?!.
.Kung ako sa inyo, ititigil ko na to habang maaga pa. Habang wala pang masyadong nasasaktan. Wag nyo
nang paabutin sa panahong kailangang may pumili at may pagpilian..
.Para naman to kay Daniel e. Tingnan mo, bumabalik na sa kanya si Barbie..
.At sa tingin mo ganun lang yun kasimple? Pag bumalik sa kanya si Barbie magiging okay na ang lahat?.
.Ano ba talaga ang gusto mong iparating Seth?.
.Gamitin mo ang puso mo, Lester. Wag ka sanang maging kasing bulag at manhid kagaya ni Daniel. Sana
magawa mong saluhin ang isang bagay na hindi nya kayang saluhin. Kasi yung bagay na yun, malapit nang
mabasag. Kasi tuwi nalang mahuhulog sya, walang sumasalo sa kanya..
Pagkasabi nya nun, umalis na sya. May pagkamisteryoso talaga tong si Seth noh?
Napagdesisyunan kong magpasundo na. Dun na ko sa Gate A magpapasundo.
Time check: 4:55 pm
Yes bukas pa yun.
Pagdating ko dun, wow. Ang lakas ng ulan. Pero hind yung ulan yung napansin ko e. Yung isang babaeng basangbasa
at nakatayo lang dun sa may labas.
.Kath.. Sabi ko habang papalapit sa kanya. Napalingon sya sakin.
.Lester! Pumasok ka na! Mababasa ka oh!. Hindi ako nakinig, lumusong pa rin ako sa ulanan kahit mababasa
ako.
.Kath ano ka ba? Bakit di ka pa umuuwi? Basang-basa ka na oh!. Hinubad ko ang jacket ko at isinuot ito sa
kanya.
.Hinihintay ko pa si Daniel. Sabi nya, babalik sya.. Kumirot ang puso ko sa narinig ko. Yinakap ko nalang sya.
.Sumabay ka na sakin pauwi. Padating na yung sundo ko. Wag mo nang hintayin si Daniel… hindi na sya
dadating..
Hindi na nagsalita si Kath. Nakaub-ob lang ang ulo nya sa dibdib ko. Nanginginig na rin sya. Malakas ang
pakiramdam kong magkakasakit to.
Sa wakas, dumating na rin ang sundo ko. Pinapatay ko ang aircon kasi sobra na talagang nanginginig si Kath. Yakap
yakap ko lang sya sa buong byahe. Dko namalayan, nakatulog na pala sya.
Hinawi ko ang buhok nyang basang basa. Nakita ko na naman ang mukha nyang mala-anghel.
.Sorry Kath. Dahil sa deal na to, nahihirapan ka ng ganto. Wag kang mag-alala. Makikinig na ko kay Seth
ngayon. Kung mahuhulog ka man kay Daniel at hindi ka nya masasalo kasi iba ang inaabangan nya...
Hinalikan ko sya sa noo at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
… Ako ang mag-aabang dun sa paghuhulugan mo para saluhin ka.”
Thursday, February 2, 2012 – Day 23 of 100
DANIEL‘S POV
Another regular day. Pero absent ngayon si Kath at Lester. Tinetext ko, pero hindi naman sumasagot. Wala ding may
alam kung bakit sila wala.
Lunchtime ngayon at lalabas na sana ako ng room. Pero hindi ko yun nagawa kasi nakita ko si Barbie na namumutla.
Nilapitan ko sya at hinawakan ang noo nya.
.Barbie, ang taas ng lagnat mo.. Ang init nya. Sinasabi ko na nga ba. Magkakasakit to dahil naulanan kahapon.
.Ba‘t ka pa pumasok ngayon?. Tanong ko pero hindi sya sumasagot. Mukhang nanghihina na talaga sya kaya
naman kinarga ko na sya, bridal style para dalhin sa clinic.
Habang naglalakad kami sa hallway, di ko maiwasang marinig ang mga comments nung mga nadadaanan namin.
.Si Barbie ba yun? Akala ko ba si Kath ang nililigawan ni Daniel?”
“Diba nililigawan nya dati si Barbie tapos binasted lang? Baka rebound lang si Kath, tapos ngayon okay na
ulit si Barbie at Daniel”
“O? Kawawa naman pala si Kath kung ganun…”
O? Kawawa naman pala si Kath kung ganun…
O? Kawawa naman pala si Kath kung ganun…
Bakit ganun, nasaktan ako nung marinig ko yun? Why do I care about her feelings so much? Maybe because I’m
guilty. Yes. That’s it. I’m just guilty.
Finally, nakarating na ko sa clinic. Sabi ng nurse, kailangan na daw maiuwi ni Barbie para maalagaan sya ng
maayos. Kaya naman kumuha na ko ng admit pass sa Principal para payagan akong maghalf day. Buti nalang
malakas ako dun.
Hinatid ko na si Barbie sa kanila. Nakatulog sya sa byahe kaya naman kinarga ko sya papasok sa bahay nila. As
expected, wala dito ang parents nya. Busy kasi sa work. Puro mga yaya lang ang nandito. E ayoko namang iwan
lang basta si Barbie kaya nagstay nalang muna ako at inalagaan sya.
.Yaya. Padala naman ng mainit na tubig at towel dito sa kwarto please. Salamat..
Inihiga ko na si Barbie sa kama nya at pinunasan sya gamit yung tuwalyang pinadala ko kay yaya.
.D-daniel…. Gising na pala sya.
.Sshh. Matulog ka lang dyan. Dito lang ako..
Pagkasabi ko nun, ngumiti sya at pumikit na.
Pinagmasdan ko lang sya the whole time. Hanggang sa makaramdam ako ng antok.
.87 days nalang… at sana sa 87 days na yun, bumalik ka na samin..
Then I dozed off.
BARBIE‘S POV
Pagmulat ko ng mata ko, gabi na at nandito ako sa kwarto ko. Teka, pano ako napunta dito? Nasa school lang ako
kanina nung sumama yung pakiramdam ko tapos kinausap pa ko ni Dani—
Tama. Si Daniel.
Nagulat nalang ako nung paglingon ko sa may kaliwa ko, andito si Daniel. Nakaub-ob sa kama habang hawak ang
kamay ko. Nakatulog siguro sya sa pagbabantay sakin.
.Daniel…. Sabi ko habang tinatapik-tapik sya.
.Daniel, gising na…. Gumagalaw na sya kaya tumigil na ko sa panggigising sa kanya.
.Barbie… Kumusta ka na? Okay ka na ba?.
.Okay na ko. Salamat ha..
.Wala yun. Bestfriend kita e. Bestfriends naman tayo diba?.
Bestfriends… Kung sana hindi lang ako nagpakatanga noon. Sana hindi lang kami bestfriends ngayon.
.Oo naman. Bestfriends.. Sabi ko sabay ngiti.
.Wag mo na kaming iiwasan ha. Bati na tayo.. Sabi nya ng nakangiti. Oh how I missed this smile.
.Oo na. Haha. Miss ko na rin kayo e.. Pagkasabi ko nyan, niyakap nya ako. Niyakap ko na rin sya.
.Ahm. Daniel. Gabi na oh. Uwi ka na kaya. Baka kung mapano ka pa.. Ako.
.Yie. Concerned bestfriend ko. Haha. Opo uuwi na ko. Pagaling ka ha. Bye..
Kiniss nya ko sa noo pagkasabi nya nun. Tapos lumabas na sya ng kwarto. Di ko maiwasang kiligin sa mga
pangyayari. Pero mali ito.
May nililigawan na sya. Si Kathryn. Close friend ko pa. Alam ko namang may minahal na noon si Kath. Nakwento nya
sakin yun. Yung lalaking mahal nya pero may mahal na iba.
Tapos yun daw babaeng mahal nung lalaking yun, naguguluhan pa kung mahal rin daw nya yung lalaki o hindi kaya
itong si lalake umaasa pa rin.
Kitang-kita ko talaga kung paano nasasaktan si Kath tuwing kinekwento nya yun. Kaya nga hindi ko na inoopen yung
topic na yun e.
Pati kasi ako naiinis dun sa lalaki at dun sa babae. Bah. Kung hindi nya talaga mahal yung lalaki. Pakawalan na nya.
Para makamove on na yung lalaki. Malay natin magustuhan pa nya si Kath diba.
Pero alam nyo ba, simula nung manligaw si Daniel kay Kath, pansin kong lagi na syang nakangiti at masaya. May
pagtingin na nga kaya ang close friend ko sa best friend ko?
Ayaw kong sirain ang kasiyahan ni Kath. Kaya susubukan ko talaga ang lahat para magawa kong mailipat kay JC
ang nararamdaman ko kay Daniel.
Friday, February 3, 2012 – Day 24 of 100
DANIEL‘S POV
Ang ganda lang ng gising ko ngayon. Kaya naman maganda rin ang mood ko ngayon. Lahat ng makakasalubong ko
binabati ko. Lahat ng magpapapicture, pinagbibigyan ko. Haha.
Masaya ako e.
Okay na kami ni Barbie. Konting pagpapaselos nalang, bibigay din yun at marerealize nyang hindi lang kami
pangbestfriends.
Speaking of pagpapaselos. Absent pa rin ngayon si Kath, pero nandito na si Lester. Since half day lang kami ngayon,
napagdesisyunan ng tropa na tumambay nalang ngayong hapon sa private room namin.
Kaya eto ako, papunta na dun. Pagpasok ko sa room, andun na silang lahat. Si Kats, si JC at si Lester. Si Seth? Hay.
Wala pa rin.
.Mga bregs! Kumusta kayo!. Bati ko ng masaya.
.Good mood yata tayo ngayon!. Kats.
.Oo nga e. Kanina pa yan paggising namin. Sya pa nagluto ng almusal.. JC
.Haha. Masaya ako e. Saka ko na kekwento sa inyo. Uy Lester, tahimik ka yata dyan..
.Ha? W-wala. Haha. Uy. Una na ko sa inyo ha. May aasikasuhin lang ako. Geh.. At dali-dali na syang lumabas
ng room.
.Nung problema nun?. Ako.
.Ewan. Baka busy lang talaga..
.YES!.
Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni JC. Anong meron?
.Huy. Share naman dyan.. Kats.
.Kasi pumayag syang makipagdate sakin.. JC
.Sino?. Ako.
.Yung nililigawan ko. Basta soon. Makikilala nyo sya.. JC.
.Naglilihim na sakin ang kapatid ko ha. Basta ba papakilala mo samin yan ha..
.Oo naman. Sana walang magbago pag ginawa ko yun.. JC
.Ha? Ano namang magbabago? Hahaha..
.Wala-wala. Hehe..
.Kainggit kayo ha. Kainis.. Kats.
.Pumorma ka na kasi. Yung seryoso. Puro ka chix ng chix. Ako.
.Psh. E sa hindi ko pa nakikita ang girl of my dreams ko e..
Binato ko sya ng unan pagkatapos nya sabihin yun.
.Yuck. Haha. Corny mo. Para ka nang si Seth.. Ako.
.Kakamiss din yung lokong yun ha. Hindi na nagpaparamdam.. JC.
.Oo nga e. Hayyyyy.. Kats.
.Teka nga, CR lang ako.. Sabi ko at lumabas na sa room.
Papasok na sana ako ng CR pero may tumawag sakin.
.Uy Barbie.. Oo, si Barbie.
.Salamat ulit kahapon ah..
.Wala yun. Okay ka na ba talaga ngayon?. Tanong ko.
.Yup. E si Kath, kumusta na?.
.Si Kath?.
.Ha? May sakit din sya. Kaya kahapon pa sya absent.. ANO DAW?!
.May sakit si Kath?!.
.Oo. Hindi mo alam? Ang balita ko, naulanan din daw sya nung isang araw kaya nilagnat rin sya. Akala ko
alam mo.. Barbie.
.H-hindi….
.Puntahan mo kaya sya ngayo---.
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Barbie kasi nagmadali na kong tumakbo papunta sa parking lot.
.Kuya, kayna Kath tayo..
Sht. Bakit hindi ko man lang alam to? Bakit wala man lang nagsabi sakin? Kath. Sorry.
Nakarating na kami sa bahay nina Kath. Pinagbuksan ako ng gate nung yaya nila. Wala daw ang parents nya dahil
may business trip daw ang mga ito. Next week pa daw ang uwi.
Kung ganun, sinong nag-alaga ay Kath?
Nagmadali na kong pumasok ng bahay nila, at nagulat naman talaga ako sa nakita ko.
Si Kath at Lester.
.D-daniel….
Kath.
.Pare..
Lester.
May hawak na soup si Lester at sinusubuan nya si Kath. Mukhang matamlay pa rin si Kath pero ang saya-saya nya.
Ang saya-saya nila.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, masaya akong okay na kami ni Barbie diba? Pero bakit ganun?
Bakit nasasaktan ako ngayon?
Tag der Veröffentlichung: 11.09.2015
Alle Rechte vorbehalten
Widmung:
Ngayon, mulat ka na sa katotohanan and you decided to let go of me. Ngayon, bulag pa rin ako, so I just let you
let go of me.
I used to be sure with what I really feel. Now I don't know anymore.
Who would have thought that I will doubt everything I believed in...
After spending a hundred days with you.