Cover

Chapter 1

Once upon a time, in a kingdom far far away, there lived a princess who cleaned her closet. Ooopps... corny. Wala kaming kingdom, at hindi rin whatever once upon a time. It's modern day. And fairytales, don't come true in real life. Right now, the closet part was true. I'm cleaning my closet and my drawers.

Ito yung binigay sa akin na relo ni Daddy nung nagpunta siya ng Canada. Hindi ko naman na ginagamit so might as well, isama ko na lang doon sa sako.

Crap.

Ito kayang bag na regalo naman sa akin ni Mommy nung nanalo ako sa Declamation ko? Marumi naman na so, wala na rin siyang kwenta.

Crap.

How about itong stuff toy na... Fine.. fine!! Bakit ba ako nag-aabala na tanungin pa yung sarili ko kung alam ko naman na yung mga nandito sa drawer eh yung mga hindi ko na ginagamit. Mostly, crap for me... not for others.

Bumaba ako sa hagdanan namin at dumeretso ako doon sa mini-office ni Daddy sa bahay. As usual, nakalatag na naman ang iba't ibang papel sa harapan niya at nakasalamin pa siya.

"Hey Dad, I need a ride sa Hand-me-down Shop!"

"Ok honey!" tapos winave lang niya yung kamay niya ng hindi man lang lumilingon sa akin.

Wala na naman yatang pakialam sa mundo itong Daddy ko. Workaholic kasi yan. Kapag nawala siguro yung work niya sa buhay niya, baka suki na siya ng mga psychiatrist. Ang mean ko no? Totoo naman kasi. Dati nga bakasyon namin sa probinsiya para mag-beach, may dala ba namang tatlong suitcase at may gagawin daw siya.

And my Mom? She's in the kitchen. Baking. She loves to bake. Unfortunately, wala pa siyang nape-perfect. As for me, wala rin akong talent. Or maybe I do, hindi ko lang alam. But lately, sinusubukan kong mag hang-out sa kitchen para matuto magluto. Ayun, wala pa ring nangyayari. Cooking is a talent right? Err.. I don't know.

Nung nakalabas ako sa garden namin, mukhang walang tao. Hindi ko makita kung nasaan yung driver namin. Hindi naman ako marunong mag-drive. O siya, maglalakad na lang ako hanggang makarating doon sa Shop. Mas mahilig naman ako doon.

Nag-sneak ako lumabas nun dala-dala ko yung malaking sako na pinaglagyan ko nung mga gamit na ayaw ko na. Nung nasa labas na ako ng bahay, tumakbo na ako. Mamaya may makakita pa sa akin.

Nakita ko na naman ang kagandahan ng village namin. Sa sobrang ganda at sa sobrang tagal na namin dito, hindi ko pa rin alam yung pangalan nung matandang lalaki na nakatira sa tapat ng bahay namin. Yung nasa kanan naman eh alam ko ang pangalan pero hindi ko pa nakikita. Maganda nga yung village, weird naman lahat. Hindi normal.

Ang daming sasakyan nun na nag-pass sa akin. Mausok nga eh kaya nag-cough pa ako. Naglakad lang ako ng naglakad at saglit lang din eh nasa harap na ako ng shop. Nakaupo doon si Mr. Ferol, yung may-ari ng shop.

"Hi Mr. Ferol!" tinaktak ko naman ng daliri ko yung glass window niya.

"Oh.. hija nandito ka na naman uli. May ibebenta ka uli?"

"Opo. Itong nasa sako." tapos inabot ko sa kanya yung mga gamit ko.

I've been in this shop for a couple of times. Pero hanggang ngayon, wala pa ring masyadong pagbabago maliban na lang sa mga nakasabit na tinitinda. If you get the idea of hand-me-down shops, then wala na pala akong problema i-explain sa inyo. If not, consult a doctor. I mean, someone who knows all about it.

"One thousand one hundred pesos."

Nagulat naman ako. P1,100? Para doon sa mga ayaw ko na?

"For real? Hindi ko naman po inaasahan."

"Naku hija, sa pinambili niyo dito, ilang P1,100 na." inabot niya sa akin yung pera. "May quality naman talaga yung binebenta mo sa akin. May balak ka na naman sa pera?"

Dahil nga iniikot-ikot ko yung paningin ko sa shop, isang minuto pa siguro yung nakalipas bago ako sumagot.

"Opo. But, it's not something for me. For.. somebody else."

Ngumiti lang si Mr. Ferol.

"Anong taon ka na pala sa pasukan?"

"Uhmm.. 4th year po." tapos yumuko ako.

"Doon ka uli sa private school?"

"I think so. I don't know, ayoko kasi doon eh." napatingin ako doon sa labas at nakita ko si Roland na nakatingin din dito sa loob, "Sige po Mr. Ferol aalis na ako. Nandito na yung isa sa action figures ng Daddy ko."

Lumabas na ako nun sa shop at syempre hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Roland.

"Mam naman. Bakit po kayo lumabas ng hindi nagsasabi? Papagalitan po kami niyang ng Daddy niyo eh."

Huminto naman ako, humarap at nilagay ko yung isang kamay ko sa balikat niya.

"Roland, I hate to say this but... I'm already 15. Turning 16 this year. I'm a teenager. I'm still young, but I can handle myself. Eh yung Daddy ko? He's in his late 40's. Old enough! Kaya dapat, sa kanya ka lagi nakadikit." tapos dumeretso na uli ako ng lakad.

"Pero papagalitan po kami nun. O kaya ikaw rin."

Tumawa naman ako.

"Ako papagalitan ni Daddy?" tinuro ko pa yung sarili ko at nakangiti... "You're right." tapos bigla akong sumimangot. "Pero sasabihan ko lang yun ng I'm sorry hind na mauulit Dad wala na uli yun. It always works for me! You should try it."

"Magwo-work lang yun kung tatay ko siya. Kaya nga ang kaibahan natin ngayon, Daddy mo siya, boss ko siya. So.. uuwi na tayo."

Hinila naman niya ako kaya lang pinigilan ko siya.

"Roland, saglit lang." tapos tinaas ko yung sobre doon na hawak ko, "Kailangan ko lang ibigay ito doon."

"Magdo-donate ka na naman doon sa school?!?"

Tumingin ako sa gilid at tinakpan ko yung bibig niya.

"Shh! Huwag ka ngang maingay. Nobody knows it's me. Gusto ko lang mag-donate doon sa school para, para ma-improve nila yung mga bagay-bagay. In my school, lahat may gumagawa para sa amin. You don't have to do anything but to bug your teacher. Pero diyan sa public high school? It'll help alot of them. Please!"

"All right!"

This time, sumakay kami ng kotse na dala ni Roland at dumeretso kami doon sa school. Hindi na ako bumaba at tinulak ko siya na lumapit doon sa babae na nag-aabang ng donation. May inabot naman na papel tapos dinala niya sa akin.

Nilagay ko yung pera doon sa loob. Hindi naman ganun karami pero, at least meron. Nakalagay yung amount doon sa labas, tapos name ng nag-donate. As usual dahil ayokong may makaalam na ako yung nag-donate, nilagay ko na lang yung madalas kong nilalagay. 'A.L.' Initials ng pangalan ko.

Umuwi na kami ng bahay pagkatapos nun. Sinermonan ako ng Daddy ko na delikado daw yung ginawa ko. Syempe, oo na lang uli ako ng oo.

"Sinabi ko naman sa iyo na may fund tayo para sa donation na gusto mong ibigay bawat school! Ano pa bang gusto mo? May program na tayo para doon. Tapos ngayon tumatakas ka pa?"

"Dad! I've been in this program since I was 5 years old! And thank you sa pag-oorganize ng program for donations. Pero alam mo kung anong gusto ko? Magdo-donate na lang din ako eh galing sa akin. Magdo-donate ako ng hindi nila ako kilala! Hindi dahil magdo-donate ako for publicity! So people would think I'm really kind! No way!"

"But you are kind! Kaya nga nagbibigay ka sa kanila ng donations 'di ba? Don't you want them to know that you are 'A.L.'?"

"No Dad. Kaya ko nga ginawang ganun para hindi nila alam." Tumingin ako doon sa mga kasamahan namin sa bahay na nakapalibot sa amin. "Nobody knows except everyone in this house! No one would talk about my name and 'A.L.'!"

Nagdabog naman ako at umakyat ako doon sa hagdan namin. Hindi pa ako nangangalahati eh tinawag na naman ako ng Daddy ko.

"Anak, 4th year high school ka na sa pasukan.. then college. Naisip ko lang.."

"Dad, wala akong oras para dito."

"Ayos yung school na iyon anak. Nanduon ka na nga buong high school life mo.."

"Yeah! That's the point. I've been there 3 years of my high school life and I still feel that I am not one! Ayoko nang bumalik doon."

"You're going back in that school you hear me?!?" dinire-diretso ko lang paglalakad ko, "You're going back to that school with that Wesley guy!"

Nung binanggit ng Daddy ko yun, napahinto na talaga ak ng tuluyan. Nasa pinakataas na ako ng hagdan nun.

"Who?!?"

Mommy ko naman ang sumagot.

"Wesley. Yung nag-iisang anak ng mga Garcia."

Nagalit talaga ako nun. Gusto nilang bumalik ako sa school na iyon para magkasama kami nung Wesley Garcia? I don't even know him. Alam ko na kung bakit. Dahil may kumpanya sila. Syempre yung Daddy ko, gusto lang na magkagusto ako doon din sa may pera na. Kaya nga niya ako inenroll sa private school na yun 'di ba?

"I hate you guys." yun na lang ang nasabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Dumapa ako doon sa kama ko. Parang lahat na lang ng kilos ko, planado. Parang lahat ng kilos ko, kailangan tanungin ko pa sa kanya. Hindi ba ako pwedeng magdesisyn para sa sarili ko?

I've never been on a date in my entire life. Hindi dahil sa walang nagyayaya sa akin kundi dahil ako lagi yung tumatanggi. Makikipagdate ka na lang, may action figures pa na nakabantay. Makikipagdate ka na nga lang, yung mga jackass spoiled rich kids pa makakasama mo. So what for?

Have you ever felt like your life is in a music box? Iikot mo yung key, tutunog. Iikot mo uli, tutunog. The same music over and over again. Nakakasawa na. It's not funny at all. It is not.

For once, I wanna' do something for myself. Gagawin ko hindi dahil gusto ng Daddy ko, kundi dahil gusto ko.

Tumakbo ako doon sa kwarto ng Mommy ko at kumatok ako doon.

"Mom!" binuksan naman niya. Huminga ako ng malalim, "I'm enrolling myself in a public school."

Tumingin lang siya sa akin. Tapos yumakap sa akin.

"Go for it anak. Ako na ang bahala makipag-usap sa Daddy mo."

Ngumiti naman ako. I have plans. Different ones. And if my Dad can't accept my own conditions, I'm not going to school... ever. Why bother going to school if everything's planned for me? Gusto ko mag-plano para sa sarili ko. And experience the other side of everything.

This time...

I'm the going in the real world. ***2*** Hindi naman na ako nagtaka nung nalaman ni Daddy yung tungkol doon sa plano ko. Sa bahay naman, siya lang ang mahilig kumontra sa akin.

"Public School? Alam mo ba yung sinasabi mo?!?" ang aga-aga high-blood na naman yata.

Hindi ko nga sinagot.

"Hindi mo ba alam na ibang-iba yung environment doon sa public school. Iba yung mga bata, yung mga classrooms, mga pagkain.."

Napikon talaga ako nun.

"Tao rin sila Dad! Tao rin ako! What's the difference? If they can do it, I can!" binagsak ko yung kutsilyo ko saka yung tinidor, "I'm not going to school kung babalik na naman ako doon. You want me to go with that Wesley guy? I don't know him!"

"Nag-iisang anak yun ng mga Garcia. Papasok na siya sa school mo. Nagkausap na kami at bigyan lang daw sila ng tawag ok na. Why don't you give him a chance? He's probably a nice--"

"Yeah right Dad. You only care about yourself. Sa pagkakaalam ko, hindi mo naman concern na pumunta ako sa school na yun. You're so desperate to keep your company up that you are trying to set-up your own daughter with some spoiled rick kid she never met! And FYI Dad, I want a change in my life. It's MY life. I didn't say OUR life."

Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun, tumakbo na naman ako sa taas at doon na naman ako nag-iiiyak. Binuksan ko naman yung TV ko at nilipat-lipat ko yung channel. Wala pa rin akong makita. Wala kasi ako sa mood.

May kumatok naman sa labas ng kwarto ko. Nung tinignan ko, si Tilly pala yun. Nanny ko since bata pa ako.

"Hi Tilly, kukunin mo yung laundry?" tinanong ko naman siya.

Instead, umupo siya sa edge ng kama ko at inakbayan ako.

"Anak ko, alam ko na nahihirapan ka rin." hay, nandito na naman siya para i-point out yung ginawa ko, "Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

"Opo. Kung hindi lang din siya papayag, tatanda ako sa bahay na ito." ngumiti naman ako.

"Alam mo ba, maganda na ipinaglalaban mo yung gusto ko. Pero minsan, dapat mo ring isipin yung magkabilang side na pinagpipilian mo. Maraming pwedeng mangyari. Hindi mo alam kung lahat ba kakayanin mo.." I hate it when she's always right, "Kaya dapat, ready kang harapin lahat yun."

"Hindi ako sigurado kung kakayanin ko lahat. Yun nga yung challenge 'di ba?!? Pero ang alam ko, ready naman ako eh."

Bigla na lang may kumatok uli sa pintuan ko. This time, it's my real Mom. Nakangiti naman siya sa akin at nakatayo lang siya doon sa pintuan.

"Anak, I think you're in luck. I talked to your Dad.. kahit na hindi pa rin siya ganun ka-approve, pumayag na siya. But with certain conditi--" tumalon ako nun sa kama ko.

Nag-kiss lang ako kay Mommy na nakatayo doon sa pintuan at mabilis naman akong tumakbo sa hagdanan. Paalis na papuntang office yung Daddy ko. Muntik pa akong madapa sa carpet pero wala akong pakialam. Tinalon ko naman yung 7 steps sa front door namin at hinarangan ko yung kotse niya na paalis kaya napahinto yung driver namin. I mean, napa-break ng de-oras.

Binuksan naman ng Daddy ko yung pintuan niya sa likod.

"Thanks Dad! Thanks alot!" yumakap naman akosa kanya.

Yumakap din naman siya sa akin.

"We'll talk about it later. Anak, mala-late na ako."

Humiwalay na ako sa Daddy ko. Wala pa akong slippers na suot nun. Sumakay na siya uli at ako pa yung nagsara nung pintuan nung kotse. Dahil nga sa sobrang saya ko, sumaludo pa ako sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay namin eh nagsasasayaw pa ako. Wala lang, I never felt so happy for the last few days... or years.

***

Nag-doorbell naman kami doon sa bahay nila. Maliit lang kung ikukumpara sa bahay namin, pero pakiramdam ko, masaya pa rin ako.

May nagbukas naman ng pinto. Nung makita niya kami eh..

"AAAAAAAHHHHHHHH!!!!" tapos sinara niya yung pinto. After 2 seconds, binuksan niya uli at nakangiti na siya, "I mean, good evening cousin! Good evening uncle.. and auntie.. and everyone!"

Pinapasok naman niya kami. Nagulat lang siya at nadayo kami dito sa lugar nila. Hindi kasi kami madalas pumupunta dito.

Inexplain namin sa kanya at sa family niya yung plano. Anong yung plano? Kasama ko yung cousin ko na papasok sa school. Siya ang magbabantay sa akin. Yung cousin ko? Si Kaylie. Kay for short.

"Mag-eenroll ka sa public school? Napaka--"

Alam ko hindi maganda yung sasabihin niya kaya ako na yung nagtuloy. Baka magbago bigla-bigla yung iniisip niya.

"--gandang opportunity naman yun 'di ba Kay?"

Tumingin lang sila Mommy at Daddy sa akin. Ayon sa usapan namin, dito muna ako sa bahay nila titira ng isang araw. Pagkatapos, magmo-move kami ni Kay sa isang boarding house malapit sa school. Malayo kasi yung bahay nila eh. Ayaw ng Daddy ko na biyahe daw ako ng biyahe at yung mga driver daw eh hindi niya pinagtitiwalaan.

"Titira tayo sa boarding house? Tayong dalawa lang?" mukhang excited din siya.

"Yeah." tumango naman ako.

"Ang saya nun!"

Syempre bago pa umalis yung Daddy ko kasama si Mommy, Tilly at yung action figures niya, kung anu-ano pang paalala yung binigay niya. Kesyo siya daw ang magbabayad doon sa boarding house, na wala daw ako dapat kalokohan, tumawag daw kung may kailangan, sabihin ko daw kung nagbago na yung isip ko.. mga ganun.

Pero sorry na lang, hindi nagbago yung isip ko.

Doon na ako natulog sa kanila. Within three days, pasukan na namin. Enrolled na si Kay, ako hindi pa. Pero dahil nga yung Daddy ko eh maraming nagagawa, hindi na problema kung late man ako sa enrollment o ano.

Dinala namin yung bags ko nun hanggang sa taas. Si Tilly eh umiyak pa dahil hindi daw niya ako makikita ng ilang buwan. Si Roland din eh yumakap sa akin. Ka-close ko yung mga yun eh.

"Wow! Ang dami mong gamit! Branded pa lahat!" tinignan niya yung laman ng bag ko.

"Gusto mo yung mga yan? sa 'yo na lang."

"Hindi nga?!? Hindi ako tatanggi!"

Mukhang ang saya-saya niya nung makuha niya yung mga damit na binigay ko. Kung magpapakanormal high school student ako, e di lubus-lubusin ko na. Simulan sa damit.

Nag-move kami kinabukasan doon sa boarding house na tinutukoy. Sabi ni Daddy eh ako daw ang pumili. Pagpasok na pagpasok namin sa loob, ang dumi-dumi doon. Hinatid kami nung babae sa isang room. Kabubukas pa lang eh panay alikabok na kaagad yung bumngad sa amin at may ipis pa na lumipad.

Tinignan ko si Kay. Iba na yung itsura niya. Umiiling-iling pa siya na hindi namin kukunin yung room.

Ako naman eh humarap doon sa landlady.

"Considering na panay alikabok yung kwarto at may ipis ako na nakikita.."

Tumango na naman si Kay at nakiki-agree sa akin.

"We'll take it."

Tumango pa siya ng isang beses tapos tumingin sa akin.

"What?!?" tumingin siya sa landlady, "Excuse me lang po ah," hinila niya ako sa gilid, "Ang dumi-dumi ng kwarto na yun doon tayo?"

"Konting linis lang yun ayos na! Maganda naman yung kwarto eh.. malinis. Isa pa, nasa harap ng pintuan natin yung CR ng mga babae..."

Biglang may pumasok na lalaki na teenager doon sa CR at nagkamot pa ng ulo at mukhang hindi kami napansin. Napataas yung kilayko.

"At lalaki."

Ganun na nga ginawa namin. Nilinis muna namin yung kwarto bago namin nilagay yung mga gamit namin. Wala pa lang aircon doon kaya ayun, pawis na pawis ako. Pero natuwa pa rin naman ako dahil hindi pa ko naglinis ng totoo. Hindi ko nga alam gumamit ng mop nila kaya nagbaha pa ng tubig doon sa loob.

In the end sa sobrang pagod namin, nag-hire na lang kami ng babae na pwedeng magtapos nung sinimulan namin. Kami eh nag-shopping ng pwedeng gamit sa loob.

After that day, nag-move na kami. Maganda na yung room. Nung nag-shopping kami, kinuha ko eh yung mga plain bedsheet para simple lang. Gusto ni Kay nun eh yung may design. Hindi naman ako pumayag.

After two days, ang aga-aga kong nagising at sinubukan kong maligo doon sa CR na marumi na nasa harapan namin. Buti na lang tiles siya. Hindi naman pala ganun kasama. Nagdala pa man din ako ng pang bubble bath kaya lang wala pa lang bathtub dito. At kung meron man, hindi siguro ako gagamit dahil public toilet 'to.

Ginising ko pa si Kay nun. Late na nga siya bumangon at mukhang wala siyang balak pumasok sa school. Mabuti na lang mas mabilis siyang kumilos sa akin. Sabi niya, excited naman ako masyado sa pagpasok.

Mukhang alam na niya kung saan kami pupunta. Unlike sa school ko before na alam ko na kung saan ang room ko, dito naman sa kanila eh nakalista yung names sa labas ng classroom at ikaw pa ang maghahanap. How, unusual.

Konti lang din yung lockers nila. Kaya magkasama kami ni Kay sa iisang locker.

"Alam ko hindi ka sanay sa ganito, pero ganito talaga sa school na ito. Shared lockers, maduming restrooms, may vandalism.."

Umupo naman ako kasama niya dahil nasa baba yung locker namin sa hallway. Inayos ko naman na yung gamit ko. Iniwan niya ako nakaupo at tumayo siya malayo doon sa akin at tinitignan niya yung mga dumarating. Ang gulo nga sa school nila pero.. mas masaya ito. Kaysa naman organize na organize, nakaka-depress lang.

Hindi ko maipasok yung binder ko dahil hindi na yata kasya. May narinig naman akong ingay kaya lang hindi ko na lang pinansin. Kaya lang narinig kong sumigaw si Kay.

"Hey.. hey hey.. ingat!"

Tinakpan ko yung ulo ko at napayuko ako. May nakita akong rubber shoes sa gilid ko na nakatiptoe para pigilan na tumumba sa akin. Nung tumingala ako, nakahawak na siya sa gilid at mukhang muntik na talaga siyang matumba sa akin.

Lumapit si Kay sa akin. Akala ko kung anong sasabihin nung lalaki.

"Zup?" tapos umalis na siya kasama nung dalawang lalaki.

Nung nakalayo na siya, tumabi sa akin si Kay.

"Oh My God! Muntik na siyang matumba sa iyo. Hindi niya nakita na nasa baba ka pala!"

Mukhang excited na excited naman yung cousin ko. Who the heck is that guy?

"Narinig mo yung sinabi niya sa iyo? Zup? Hindi nga ako kinakausap nun eh!"

"Sino naman yun?"

"Siya?" ngumiti siya sa akin, "That's Jasper Morales, #1 prankster namin.. pero smart."

Parang hindi nagma-match ang prankster at smart ah! Usually smart, ibang issue yung pagiging prankster.

Nagtaka lang ako sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay ko.

Dumiretso kami doon sa dulo ng hallway para hanapin yung room namin. Nung makita na namin yung names namin sa pinakadulo na room, nandun yung tatlong lalaki kanina.

"4th year din sila?"

"Oh yeah! Classmate ko na naman siya!"

Hindi na lang ako nagsalita. Unlike her, I don't know everyone.

Nakatingin sila sa akin nun. Bago pa kasi ako. Iniwas ko na lang yung tingin ko at napatingin ako doon sa building sa labas. Nakita ko yung name ng building. A.L. Building #1.

A.L.??

"Hey Kay, who's A.L?"

"Oh that? Siya yung nagdodonate lagi dito. Pinangalan na sa kanya yung buildings dito. Wala ngang may kilala sa kanya eh. Ang bait niya no?"

"Ilan ang building dito na pinangalan sa kanya?"

"7."

Seven?!?

Tumingin uli ako doon sa classroom at nakita ko yung Jasper na naglalagay ng glue doon sa isang upuan. Paano kung may naupo doon eh di malalagyan ng glue.

Hindi ko natiis, tumayo ako at inagaw ko yung glue sa kanya.

"What are you doing? Paano kung may naupo diyan?" nilayo ko yung glue sa kanya.

"Yun nga yung masaya doon! May mauupo diyan, didikit siya."

"No way! Masisira yung first day of school niya."

Napansin ko na nakatingin na naman sila sa akin. Did I miss anything?

"In this school, masaya ito. Kaya akin na yang glue.." hindi ko pa rin binigay. "Bago ka dito no?!?"

"How did you know? I.. i mean.. Oo." bakit ba nage-english ako? Normal kid. Right.

"Miss, Jasper nga pala. Sanay na mga tao sa akin sa ganito so... ibigay mo na yung glue." hinawakan ko pa rin.

Lumapit naman si Kay at hinila ako.

"Pasensya na, bago lang yung pinsan ko dito eh. Sa school kasi niya, walang ganito."

Tinignan ko ng masama si Kay.

"Syempre meron! Ahh..." inabot ko uli yung glue, "Sige lang!"

Hindi ko alam na yung ganito, normal lang sa kanila. First day pa lang.. I blew it!

Tumalikod na ako.

"Hey Miss! Anong pangalan mo at saan ka transferee?"

Nagtinginan kami ni Kay.

"Galing siya sa priv--" siniko ko naman siya kaya natigilan siya.

"Galing ako sa probinsiya. School ko eh..." tumingin ako sa gilid, "Jose Rizal uhh... National High School."

"Probinsiyana ka pala." tapos binuhos na niya ng tuluyan yung glue.

Bumulong naman si Kay sa akin. 'Probinsiyana? Ikaw?'

"Yeah... probinsiyana nga ako kaya hindi ko pa alam yung mga bagay-bagay dito. My name is, Szarielle (she-ree-yel) Madrigal Lopez.."

Tumingin uli yung Jasper sa akin.

"Ok. Transferee ka galing ng JRNHS.. probinsiyana ka.." halata kong confused na yung itsura niya...

"She--- What now?" sabi ko nga hirap na naman sila sa pangalan ko. ***3*** Lagi na lang ganun. Nagkakamali sila sa pangalan ko.

"Szarielle." inulit ko uli sa kanya.

"Anong spelling?" pinunasan naman niya yung kamay niya doon sa polo nung kasama niya.

That is so rude.

"S-Z---" hindi ko naman natapos yung pag-spell ko ng pangalan ko dahil pinigilan niya ako...

"Whoa.. whoa.. whoa.. simula pa lang mukhang mahirap na. SZ??" tumingin siya sa kisame.. "Since your name is She-whatever.. I'll call you..."

Kinabahan ako nun. Not Arielle.. not Arielle... not Arielle..

"Riel (ree-yel)"

Tumango na lang ako. It's better than I expected. Ayoko maging Arielle na naman ang nickname ko. Sa bahay at sa dati kong school yun ang gamit ko. Baka magkaroon pa sila ng idea na A.L. stands for Arielle Lopez.

May pumasok naman na teacher at may kasama siyang isang lalaki na nakasalamin. As in yung salamin niya, makapal na.

Tinuro nung teacher yung upuan sa likuran na nilagyan nung Jasper ng glue. Napatingin ako doon sa lalaki. Kawawa naman siya. Nagpipigil pa ng tawa yung Jasper saka yung dalawa pa niyang kasama. Gustung-gusto ko sanang sabihin na mali yun, kaya lang bago ako dito. Ayokong mag-focus sa akin yung spotlight.

Lumapit na sa likuran yung lalaki. Plantsadong-plantsado yung buhok, may hawak na libro, makapal na salamin... I know.. you get the idea.

Uupo na sana siya nun sa upuan kaya lang hindi ko mapigilan yung sarili ko.

"Hey wait!" sabi ko naman kaya natigilan siya, "You can have my seat."

Alam kong nagtinginan silang lahat sa akin. Pati si Kay eh nagtataka kung ano daw ba ang ginawa ko.

Tumayo lang ako sa gilid nun. Hawak-hawak ko yung binder ko at nangongopya nung requirements. Napansin din naman ako kaagad nung teacher.

"Uhmm.. Miss--?" tinuro niya ako.

"Riel."

"Riel. Miss Riel. Bakit ka nakatayo eh may upuan sa tabi mo?" tinuro niya yung upuan na pinangpalit ko.

"Ok lang po, ayos na akong nakatayo. There's.. something."

Hindi naman nakuntento yung teacher kaya lumapit nun. Tinignan naman niya yung upuan. Nagsalubong yung kilay niya at tumingin sya doon sa likuran.

"Mr. Morales, sa guidance office!" pinalabas niya yung Jasper, "Ms. Riel, you can have his seat."

Nakangiti pa yung Jasper na lumabas ng classroom. That is so odd. Masaya pa siya na in-touble siya. Tumingin ako kay Kay nun.

"Was that supposed to be 'cool'?"

Tumango lang siya sa akin. Sabi ko nga eh, cool yung ginawa niya.

Inayos ko naman yung binder ko doon sa desk ko. Saglit lang, may kumakausap na sa akin.

"Thank you nga pala sa ginawa mo sa akin ha.." napatingin ako doon sa direksiyon nung lalaki kanina, "Ronnie nga pala."

Nakipag-kamay naman ako sa kanya. First day of classes, may friend na ako.

"Riel." natapos na kami magshake-hands, "Bago lang ako dito."

"Pansin ko nga eh."

Nakopya ko na lahat nung requirements na dinikit nung teacher doon sa board. Saglit lang din eh, pawis na pawis na ako. Mabuti na lang eh may dala akong hanky sa bag ko. Ang init pala dito.

"Arielle!" this time si Kay naman ang tumawag sa akin, "Pawis na pawis ka na ah. Ayan kasi hindi sanay sa--" tinignan ko nga siya ng masama, "I mean, cousin.. RIEL! Sanay na sanay sa init."

Nag-sign naman siya sa akin sa pisngi ko.

"What?!?"

"Kanina pa namumula."

Bumalik naman na yung teacher at yung Jasper na nagpunta doon sa Guidance Office. This time, tinignan lang niya ako at siya naman yung tumayo doon sa tinayuan ko kanina. Nakataas yung kanang paa niya para gawin niyang desk habang nagsusulat siya.

Nag-physics kami susunod nun. Ayos lang naman pala ang orientation nila. Nakakailang lang, nasa gilid ko yung Jasper.

May tumunog naman na bell sa kanila. Bell? That's... odd. Hindi alarm? Or intercom?

"Bakit nakatingin ka sa kisame?"

"Wala lang. May napasin lang ako."

Naglakad kami nun papunta ng cafeteria. Habang papunta na kami, panay na ang turo ni Kay sa akin sa mga buildings. Hindi rin nagtagal, alam ko na yung A.L. Building 2-7. Kung alam lang niya siguro.

Sabihin ko kaya? Huwag na lang.

Pagpasok na pagpasok namin doon sa cafeteria nila at sobrang dumi talaga, bigla na lang may dumikit sa blouse ko na sobrang lagkit. Paghawak ko..

"Sago? Eew."

Tumingin ako sa gilid ko nun. Nakita kong may hawak na baso yung Jasper at nakatingin sa ibang direksiyon. Kung hindi ko lang alam, siya ang may gawa nun.

Eksakto namang lumingon siya. Kumaway pa sa akin. Inirapan ko lang.

Naupo kami ni Kay doon sa isang bakanteng upuan.

"Bakit siya ganun?" tinanong ko naman siya.

"Si Jasper?" tinuro pa niya, "Sanayan na lang yan. Makulit talaga yan. Pero yun nga sinabi ko, matalino."

"Matalino pero napupunta sa Guidance?"

"Sabihin na lang nating ganito.." nag-lean siya sa table, "Na-meet mo si Ronnie 'di ba? Top 2 ng klase namin yun. Matalino, pero.. geek type of guy. Si Jasper, Top 1 namin. Matalino, pero cool. Gets mo? Tingin ko ginagawa lang niya yan para mawala yung impression na nerd yung mga matatalino. Last year, 7 times siyang napunta sa guidance in one day. Pinalakpakan pa siya nun. In short... yung trouble sa kanya eh wala lang."

"Hindi siya naki-kick out ng school?"

"Oh please! Dahil naglagay siya ng glue sa upuan o nanunulpit ng sago? What kind of reasoning is that? Simula first year kami ganyan na yan."

Kumain lang kami doon. Nung una pa lang, tinignan ko lang yung binili ni Kay para sa akin. Ayoko pa sanang kainin nung simula, pero di nagtagal.. masarap din pala.

Wala yung teacher namin after breaktime kaya wala kaming ginawa. Nakipagkilala lang ako at sinabi nga ni Kay na pinsan niya ako. Napunta na naman sa Guidance yung Jasper. Hindi ko na lang pinansin.

Nung natapos naman na yung umaga, lunch na daw sabi ni Kay. Hindi pa naman ako nagugutom nun dahil parang hindi pa bumababa yung kinain ko. Ang sama nga ng pakiramdam ko nun eh, pakiramdam ko magsusuka ako.

Nagpaalam ako kay Kay na babalikan ko na lang siya sa room at gagamit muna ako ng restroom. Di gaya uli sa room ko sa dati kong school, may toilet bawat classroom.

Pumasok ako doon at kumuha ako ng paper towel. Dahil ayoko nga yung amoy nung bowl nila, doon ako nag-lean sa lababo. Parang babaliktad yung sikmura ko. Saglit lang din, I threw up.

Nagulat na lang ako nung may gumalabog sa pintuan. Kinabahan tuloy ako. Tapos narinig kong bumukas tapos sumara uli ng malakas. Nung tinignan ko..

"AAAAHHHHHH!!!" tumigil din ako nung nag-sink na sa utak ko, "What're you doing here?"

"What do you think I'm doing?" naka-lean siya doon sa pintuan.

"I don't know. Kaya nga tinatanong kita. This is the girls bathroom. You're a guy.." tapos ini-scan ko siya mula ulo hanggang paa, "Baka naman gusto mo lang makakuha ng eyeful dito.. or.. you're gay."

"Excuse me Miss, kung papipiliin mo ako doon sa dalawa, mas gusto ko na yung nauna kaysa sa pangalawa. But either way, hindi yun ang reason ko."

"Then what?!?"

Parang ayaw pa niyang sabihin nung una, pero sumuko rin.

"Fine. Nagtatago ako." tapos diniinan niya lalo yung pinto.

"Bakit?"

"Eh kasi po, binuksan ko yung sprinklers sa garden. Nabasa lahat ng mga babae doon. Ngayon, hinahabol nila ako."

"Ok." pinunasan ko yung bibig ko nun at tinapon ko sa trash can.

Nakakuha naman siya ng kahoy at gnawa niyang lock.

"Hey, lalabas na ako."

"Hindi pwede Miss. Kapag lumabas ka, papasok sila.. patay na ako. So mamaya na lang kapag pagod na silang lahat."

Naglakad naman siya doon sa restroom ng mga babae.

"Ganito pala ang itsura ng bathroom ng mga babae.." tapos tumingin-tingin siya sa gilid, "Ang daya bakit may vending machine kayo! Wala kami niyan ah!"

Lumapit naman siya doon sa tinatawag niyang vending machine.

"Oh.. gross."

Napansin niya kung ano yung laman sa loob. Mga pads.. para sa you-know-what.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" ako pa ang tinanong!

"Girls bathroom? Hello?"

"I mean.. anong talagang ginawa mo? Number 2 no?" inasar pa ko.

"Hindi no! Number 2 ka diyan!" umatras naman ako.

"Paano mo nalaman yung tungkol doon?" nagtaka naman siya sa akin.

"Saan?"

"Number 2? Lahat ng girls na lumalabas ng CR at tinatanong ko sa number 2, laging sinasabi nila.. ano yung number 2. Ikaw lang yung may alam."

"So what? It's common."

"No it's not." tapos tumingin siya sa akin, "Namumutla ka. Anong nangyari sa iyo?"

"Uhmm.. medyo.. naghalu-halo lang siguro yung kinain ko."

"Yung sopas pa sa cafeteria?" ngumiti siya, "Masarap naman ah!"

Hindi ko lang masabi sa kanya na hindi ako sanay kumain ng ganun, pero nakinig siya doon sa pintuan.

"Pwede na akong lumabas?"

"Sorry, hindi pa." tumayo siya sa harapan ko.

"Pero hinihintay ako nung cousin ko."

"Nah-uh." umiling siya sa akin. "Sorry, mapapahamak ako kapag lumabas ka. Unless.."

Ayoko yung tingin niya sa akin nun. Biglang napatngin ako sa bintana na tinititigan niya.

"Gusto mo bubuhatin kita doon ka lalabas sa binatana. Ako naman, dito lang muna."

"No way!" tinalikuran ko nga, "Ako aakyat sa bintana? Eh kung pinapalabas mo na lang ako eh no!"

"Sorry ka. Hindi pwede. Magdasal ka na lang na mawala yung tao sa labas..."

Nag-isip naman ako nun. Ayaw talaga niya akon palabasin.

"Amen!" sabi ko na lang. "Wala nang tao sa labas. Alis na kasi."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Hellelujah!" tinaas pa niya yung kamay niya, "NO."

Tumahimik na lang ako at naupo ako doon sa may lababo uli. Siya kasi eh nakabantay doon sa pintuan. Walang nagsalita sa amin.

"Alam mo, for a new kid, you seemed to be everywhere."

Nagsalubong naman yung kilay ko.

"I mean, parang nakikita kita kung saan ako magpunta. Sinusundan mo ba ako?" siya susundan ko?

"Ikaw nga yung pumasok dito sa girls bathroom tapos ako yung sumusunod sa iyo. you wish."

Bigla na lang may kumatok ng malakas doon sa pintuan. Nagulat pa nga ako kaya napatalon ako at tumakbo din ako.

"Hey couz! Nandiyan ka ba sa loob?!?" si Kay!

"Kay nandito--" tinakpan naman niya yung bibig ko.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ako o ano.

"Riel? Ikaw ba yan?"

Hindi na ako makasigaw nun dahil tinakpan niya yung bibig ko. Narinig ko namang umalis na si Kay.

"Ano ka ba! Ang laki-laki naman ng problema mo! Kung ayaw mo lumabas, ako gusto ko na ok? Ang init-init dito!"

"Mainit? Hindi naman mainit!" nakipagtalo pa siya.

"Kaya pala pinagpapawisan ka!" tinulak ko siya, "Tabi nga!"

Ayaw talaga niyang umalis doon. Kinuha ko tuloy yung hose doon.

"Hndi ka aalis, mababasa ka!"

"PUT-THAT-DOWN."

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Hindi ko naman siya makuhang basain dahil naka-uniform siya. Kaya lang inagaw niya sa akin at ako yung binasa niya.

"Why did you do that?!?"

"Eh babasain mo ko eh!"

"No!" sa sobrang inis ko eh kinuha ko yung tabo doon sa malaking drum at binasa ko rin siya.

Unfortunately, para kaming naligo na dalawa.

Siguro sa sobrang ingay namin doon, may nakarinig sa aming teacher. Dahil nga teacher yun, binuksan din ni Jasper yung pintuan at lumabas yung tubig doon nung binuksan niya.

"Anong nangyari dito? Bakit baha na?"

"Siya nagsimula!" nagturuan pa kami.

Tinignan kami nung teacher. Basang-basa kami parehas.

"Pumunta kayo sa nurse at humingi kayo ng mga extrang damit tapos dumeretso na kayo sa cafeteria."

Whoa! Walang parusa?!?

"Ganun po ba? Thank you."

"Anong thank you? Pagkatapos sa cafeteria, dumeretso kayo sa Guidance." hinawakan niya si Jasper sa tenga at ako eh sa collar ko, "Nagsasayang kayo ng tubig hindi naman kayo ang nagbabayad niyan!"

"Ow.. ow.."

Hindi na lang ako nagsalita. First day, first punishment. Tapos ganito pa itsura ko.

Ang masaklap pa sa lahat...

Kasama ko siya sa punishment... ***4*** I can't believe it. I have never been in any trouble at my school, my entire life. Pero ngayon, first day? Imagine.. first day! Pwede namang second day.. bakit kailangang yung una pa!

Sinunod na lang namin yung sinabi nung teacher na hindi ko naman kilala at pumunta kami sa nurse at humingi ng t-shirt. Hindi naman masyadong nabasa yung skirt ko kaya ok lang kahit malamig-lamig. Ang laki nga nung t-shirt na puti na binigay sa akin eh. Hindi naman pala masama.

Pagtingin ko doon sa t-shirt nila, may nakatatak na name ng school then donated by A.L. Ano ba naman yan! Wala na bang ibang nagdo-donate dito maliban sa A.L. na yun? Teka, ako nga pala si A.L. Dapat hindi na nila pinangalan sa akin. Isa pa, hindi naman ako ganun katagal nag-dodonate dito ah. Simula 5 ako nagbebenta na ako ng laruan ko eh! Which means.. I've been donating money here for almost... 11 years? Whoa. Pero noon wala pa namang A.L thingy akong naiisip. Seven years old ako nung nagsimula akong maglagay ng so-called 'Anonymous' name.

"Hindi ko isusuot yan! Itsura niyan!" may hawak na shorts yung nurse at inaabot doon kay Jasper. "Ayos lang po ako. Nakat-shirt na ako. Yung pants ko medyo basa pero ok lang po talaga. Kaya ko pa namang tiisin." tapos tumingin siya sa akin pero masama, "Salamat sa ibang tao diyan ang galing umasinta!"

"Compliment ba yun o insult? Well, tatanggapin ko na lang na compliment so.. thank you. Dapat iwork-out mo yung aim po para sa susunod, ako rin basang-basa na." free lessons from Arielle!

Tumingin ako sa wall clock doon sa clinic nila at napansin ko na 10 minutes before 1 na. Hindi na nga siguro ako makakakain ng lunch. Kanina lang hindi ako gutom, pero ngayon pa yata kung kailan kami dapat pumunta sa Guidance Office.

Nauna akong maglakad sa kanya. Siya naman eh nasa likod ko at sumusunod lang. Hindi talaga kami nag-usap. Nakita ko na yung sign sa taas.. 'Guidance Office.' Oh great! Kinabahan ako nun. Tumayo lang ako doon sa labas.

"Tabi nga.." sinagi niya ako pero hindi naman malakas, "Tatayo ka lang ba o papasok ka?" sabay binuksan niya yung pinto.

"Sorry, first time ko mapunta ng Guidance ok?"

"Get over it. You're here already." yeah! and it's your fault!

Binuksan naman niya yung pintuan at pumasok siya sa loob. Hindi man lang ba siya kakatok at maghintay na papasukin siya sa loob? Ako naman, kumatok pero pumasok din ako kaagad.

Nakita ko siyang umupo doon sa isang upuan. Tingnan mo, hindi pa nga pinapaupo naupo na?

"Upo ka na Miss Lopez." sabi nung babae na nasa harap ko. "Sanay na kami kay Mr. Morales kaya may sariling upuan na siya dito. Siya pa ang nagdala niyan."

Tinignan ko nga si Jasper. Akala mo bahay niya yung Guidance dahil nakataas pa yung paa niya.

"Mr. Morales, pwede bang ibaba mo yung paa mo?" binaba naman niya. "Thank you."

Inayos naman niya yung papel niya sa lamesa niya tapos tumingin sa amin.

"Ngayon, sinabi sa akin ni Ms. Elgar na kayo daw dalawa ang dahilan kung bakit nagbaha doon girl's restroom.."

Bigla namang nagsalita kaming dalawa.

"Hindi ko naman po talaga kasalanan yun!"

"Siya ang nagsimula, hindi ko naman talaga siya gustong basain!"

"Binasa niya ako ng hose kaya binasa ko rin siya ng tubig sa drum!"

"Hindi siya tumigil kaya hindi rin ako tumigil..."

"Kaya nagbaha doon sa---" napatigil naman kami.

"STOP! Both of you." naupo naman ako. Saka ko lang napansin na nakatayo na pala ako. "Let's settle this." mahinahon na yung boses niya, "Sino sa inyo ang nagsimula ng bathroom fight?"

Nagtinginan kaming dalawa.

"Siya." tinuro ko siya at tinuro naman niya ako.

Dahil naghihintay ng sagot yung Counselor at mukhang walang aako talaga sa amin, naisip ko na kausapin muna siya.

"Pwede pong pag-usapan lang namin saglit?" tumango naman yung Counselor.

Nag-lean naman ako sa direksiyon niya para makabulong ako.

"Hey, ganito na lang. Sasabihin mo ikaw ang nagsimula, sasabihin ko ako ang nagsimula. In that case, hindi nila alam kung sino talaga. Ok ba sa iyo yun?"

Hindi naman siya nagsalita. Nakiayon na lang din sa akin.

"Ok. Ready na kayo magsabi ng totoo?" sabay kaming tumango, "Sino yung nagsimula ng basaan?"

Parang nag-rewind yung kanina at nagtinginan kami uli.

"Ako/Siya." tinuro ko yung sarili ko at tinuro din naman niya ako.

Oh no he didn't!

"Miss Lopez, ikaw ang nagsimula ng away?" on the spot na ako nito.

"Pero--"

"Considering na nagsasayang ka ng tubig.."

"Pero--"

"Ikaw ba?"

Cornered naman na ako. Bakit pa kailangang itanggi? May kasalanan din naman akong maituturing.

"Opo."

Tumayo naman si Jasper nun. Nakangiti na siya at dumiretso doon sa pintuan.

"Siguro naman tapos na ako dito. Wala naman akong kasalanan. Umamin na.." tapos hinawakan niya yung doorknob.

"Not so fast Mr. Morales." tinuro niya yung upuan niya uli, "Kailangan mo pang i-explain kung anong ginagawa mo sa Girls Bathroom in the first place."

"Teka, ang kaso dito eh yung may kasalanan sa pagbabaha nung tubig.. hindi yung reason kung bakit ako nanduon!" nakatitig sa kanya yung counselor, "Fine. I'm hiding in there."

Ibubuka na sana nung counselor yung bibig niya para magtanong uli, kaya lang pinigilan siya ni Jasper.

"Oopps opps.. huwag nang magtanong uli. Kapag nagtanong ka, lalabas yung reason kung bakit ako nagtatago. At kapag lumabas yung reason kung ano yung ginawa ko at bakit ko ginawa yun, magiging mountain lang lahat ng ginawa ko so.. punish me."

Sabi ko nga chain-chain na lahat ng ginagawa niya. Narinig naman na namin yung bell at mukhang time na yata para sa klase.

"Kayong dalawa, lilinisin niyo yung banyo mamayang uwian." tumayo na rin siya, "Sige, pumasok na kayo sa klase niyo."

Naunang lumabas si Jasper katulad kanina na siya ang naunang pumasok. Ang bilis niyang maglakad at nakita kong dumiretso siya doon sa bandang kaliwa eh samantalang yung pinanggalingan namin eh sa kanan.

"Ikaw may kasalanan nito eh.." sabi ko habang nakasunod ako sa kanya, "Sabi ko sabay tayong aako nung kasalanan tapos tinuro mo rin pala ako. You horrible traitor!" sabi ko naman yun pero hindi naman ako galit na galit.

"You know what Miss?"

"Riel."

"What?" mukhang naiirita na siya. Tapos naintindihan din niya, "Ang tagal-tagal ko nang napaparusahan sa lahat ng ginawa ko dito pero never na bathroom ako na-assign! Alam mo kung bakit? Iniiwasan ko yun dahil ayoko. Tapos ngayon maglilinis ako doon kasama ka? That's worse than having a nightmare!"

"Alam mo rin? Never pa akong napunta ng Guidance at never pa akong nagli--" natigilan naman ako at nagsimula na akong maglakad. "Never mind."

"Ano bang problema mo? Eh kung maglinis ka man ng banyo hindi naman problema sa iyo yun 'di ba? Ang mga probinsiyana, sanay magtrabaho!" tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Kung hindi mo nga sinabi sa akin na probinsiyana ka, hindi ko iisipin dahil hindi bagay."

Iniwanan naman niya ako at dumiretso na naman siya maglakad.

"Hoy! Saan ka pupunta?!?"

Humarap siya sa akin at magkasalubong na yung kilay niya.

"Sa cafeteria saan pa ba?"

"Pero sabi pumasok na daw sa klase ah!" inayos ko naman yung sapatos ko dahil nadumihan.

"Di pumasok ka nagugutom ako eh!"

Tumakbo naman ako sa kanya.

"Sama ako!"

***

Bumalik din naman kami sa classroom nun. Nagtinginan pa nga sila dahil bukod sa sabay na kami, parehas pa kami ng suot na t-shirt.

"Walang magsasalita sa inyo ang magkamali.." ewan ko kung treat ba yun pero nagtawanan naman yung mga tao sa loob.

Nagklase lang kami doon. Si Kay naman eh inulan ako ng tanong at ano daw ba ang nangyari sa akin at hind niya ako makita. Ako naman eh todo-explain sa kanya na ayaw akong palabasin nung tao na yun.

"No!" sabi niya tapos tinakpan niya yung bibig niya.

Nakakaloko nga eh, natatawa ako sa kanya.

"Oo no!" tapos naisip ko naman yung mga sumunod na nangyari, "Tapos binasa niya ako nung tubig galing sa hose!"

"No!" inulit na naman niya yung sinabi niya.

"Oo ulit! Kaya binasa ko rin siya. Nagbaha tuloy doon sa bathroom." tumingin ako sa direksiyon nung Jasper. "Kaya kami napunta sa Guidance."

"No."

"Oo! For the first time!" naglabas na ako ng gamit ko, "Ayun, naparusahan kami na maglilinis kami mamayang hapon. Huwag mo na akong hintayin. Mauna ka na sa boarding house." sinulat ko yung nasa board, "Pagkatapos nun, sinabihan niya ako na mas worse pa raw sa nightmare na maglinis siya ng banyo kasama ako!"

"NO HE DIDN'T!" sabi naman ni Kay uli.

"I know! Ang sama niya no!"

"Right. Kung alam lang niya na ikaw ang pinaka-worst kasama dahil hindi ka marunong maglinis ng banyo!" binatukan ko nga siya.

"Sira. Akala ko pa naman nasa iisang ship tayo, nilubog mo yung akin!"

Nakinig na lang ako sa klase nun. Lalo akong nainitan dahil bukod sa tanghaling tapat na, malaki pa yung t-shirt na suot ko. Pero habang tumatagal, naiisip ko na kaya ko rin naman pala dito. Sa school ko dati, pagkatapos ng klase eh susunduin na ako. Kung hinid man at maisipan naming mag-mall, kasama ko naman palagi si Roland. Balewala rin. Parang hindi ako libre.

Nung breaktime naman, tumayo yung Jasper at nag-lean sa desk ko. Nagulat pa ng ako dahil hindi ko naman alam na nandun siya sa harapan ko.

"Hey longsilog girl sa lunch!" tapos tumawa siya, "Mga probinisiyana talaga iisa lang ang alam kainin!" bigla siyang lumabas ng classroom.

Buti na lang talaga hindi ko siya sinagot.

"Ano naman yun ngayon?" nagtaka naman si Kay.

"Paano sa cafeteria kanina nung sabay kaming kumain, hindi ko alam ang kakainin ko. Kaya binasa ko yung nasa menu, sabi ko 'Longsilog'. Tumawa yung babae saka siya, sa umaga lang daw yun. Kaya ginaya ko yung order ni Jasper. Malay ko bang chili yun. Ang anghang!"

Tumawa naman ng tumawa si Kay nun.

"Not helping Kay!" tumigil din naman siya, "Pwede bang i-explain mo kung ano yun?"

Inexplain naman ni Kay sa akin yung mga pagkain sa cafeteria. Kung ano yung pang-umaga, ano yung sa lunch at ano yung snacks. At least, alam ko na yung mga bagay-bagay. Sa positive side, akala ni Jasper eh hindi ko alam ang mga pagkain dito dahil nga probinsiyana ako. Pero ang hindi niya alam, hindi ko talaga alam yung pagkain dito dahil iba yung sineserve sa school namin.

Ang sakit ng katawan ko nun. Ewan ko ba kung bakit. Nag-bell naman na at sinabihan ako ni Kay na mauuna na siyang umuwi dahil nga maglilinis pa ako. Tinanong niya ako kung magiging ok lang daw ba ako, naki-oo na lang din ako.

Kami na lang ni Jasper ang natira doon sa loob. Tumingin lang siya at sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Kukuha lang pala ng mga panlinis sa stockroom.

"Gloves mo!" inabot niya sa akin yung pink na gloves, "Ako mag-mop, ikaw may-scrub."

"Ok, kaya ko yun!" nakatayo lang ako doon sa labas ng pintuan at hinihintay niya ako.

"Kumuha ka na ng pang-scrub mo!"

Tumingin naman ako doon sa loob. Ang dumi tapos ang lamok pa. Nakita kong mag-brush doon sa baba. Pagkakuha ko dun sa isa, sakto namang may nakadikit na gagamba.

"AAAAAAHHHHHH!" binitawan ko naman at lumabas ako.

"Ano?!?"

"May gagamba." nanginginig pa ako nun.

Yumuko naman siya at kinuha niya yung gagamba. Pinagapang pa niya sa braso niya.

"Para ito lang eh." lumapit siya doon sa railings at nilagay niya yung gagamba doon, "He's scared of you more than you are scared of him."

What's that supposed to mean? Na ako ang monster dito?

Parang nabasa niya yung iniisip ko kasi bigla ba naman niyang sinabi..

"Ibig kong sabihin, malaki ka, ang liit niya. Apakan mo lang siya, patay na siya." sinara na niya uli yung pintuan, "Pero hindi mo naman siya papatayin 'di ba? Tumutulong siya kumain ng insekto."

Ni-hindi ko nga mahawakan iisipin pa niyang patayin ko yun?

Dumeretso na kami doon sa CR ng girls. Grabe, basa pa rin yung sahig. Kitang-kita na konti na lang yung tao sa school at kadalasan pa eh yung mga nagpa-practice.

"Oh, simulan na natin 'to. I-scrub mo ng sabon, ako na bahala i-mop." tumayo siya doon sa pintuan at hinintay ako.

Tinignan ko yung liquid soap na binigay niya sa akin at yung blue na pang-scrub. Dahil nga tiles na maliliit yung nandun, pinatakan ko ng sabon yung unang tile at iniscrub ko. Nung maputi na at kontento na ako, nag-move na ako sa sumunod na tile, pinatakan ko uli at iniscrub ko ng ini-scrub hanggang sa pumuti rin.

Pinagpawisan naman ako kaagad.

"Nasaan na yung natapos mo?" lumapit siya sa direksiyon ko.

"Ayan tapos na ako diyan." tapos tinuro ko yung dalawang tiles na maliliit na natapos ko.

"Saan?!?" tapos yumuko siya doon sa ilalim nung lababo at nakita niya yung dalawang tiles na malinis. "Is this some kind of a joke?"

Napikon naman ako.

"Ano! Nilinis ko na nga eh! Nasa pangatlong tiles na ako ano bang problema mo?!?" at least I'm trying here!

"Alam mo ba kung ilang tiles meron dito sa banyong ito? Marami. Hindi ko rin bilang lahat. At kung iisa-isahin mo na ganyan yan, baka bukas pa tayo matapos." inagaw niya yung sabon sa akin. "Kung ganito, mas mabilis."

Ini-squeeze niya yung liquid soap kaya kumalat doon sa sahig. As in, kumalat.

"Ngayon, tumayo ka na diyan at i-scrub mo kahit saang direksiyon basta makita mong nasabunan lahat. Ok?!?"

Actually, may point siya!

Tumayo naman ako at inapakan ko na lang yung scrub. Mas madali kasi kapag ganun. Saglit lang din sa pagtayo ko, nadulas ako kaya bumagsak ako paupo sa sahig. Grabe ang sakit nun!

"Anong nangyari sa iyo?"

"Wala po sir natumba lang."

"Anong tawag doon?!?" sabi niya sa akin.

"Accident?!?" asus nanghula pa.

"Nope. The Big 'T' sa tagalog and big 'S' sa English." tapos ngumiti siya at ini-offer niya yung kamay niya.

Naintindihan ko na naman yung insulto niya kaya oras na nahawakan ko yung kamay niya na ini-offer niya para makatayo ako, hinila ko rin siya para matumba siya.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Anong tawag doon?" inulit ko pa yung dialogue niya.

"Doing things in purpose?"

"Nope. Karma. This time, galing sa ininsulto mo."

Inagaw niya uli yung sabon at ini-squeeze niya doon sa ulo ko. Dahil nga panay tubig naman yung sahig eh ginamit ko yung scrub at in-splash ko sa direksiyon niya.

Ewan ko ba, parang walang gustong magpatalo eh. Nalagyan pa nga ng sabon yung mata ko kaya nahirapan pa akong idilat. Pero naging ok din naman kahit medyo mahapdi. Siya naman eh napasukan yata ng tubig yung tenga niya.

Ang tagal-tagal naming nagbabasaan ng maruming tubig at sabon doon sa loob. ILang beses din siyang nadulas at ganun di naman ako. Huminto lang kami nung may nagsalita galing sa labas.

"Kayong dalawa diyan sa loob, tapos na ba kayong maglinis? Mag-iisang oras na kayo diyan."

Nag-panic kaming dalawa kaya kinuha ko yung scrub at binilisan ko yung kilos ko. Siya naman kahit na nadudulas, nag-mop din siya ng mabilis.

Bigla na lang may pumasok doon sa loob at tumakbo siya sa tabi ko. Umakbay pa nga siya at nagpanggap kami na friends kami. Nakapekeng ngiti kami nun.

"Ano na namang nangyari dito?" tinignan niya yung salamin na panay sabon na rin.

"Naglilinis po kami.. right?!?" hinigpitan niya yung paghawak niya sa balikat ko. Bumulong pa siya sa akin. "Ngumiti ka lang."

"Opo. Hindi pa nga lang po tapos."

Ewan ko ba, ang galing-galing naming umarte na dalawa at nag-panggap na friends kami at nagtutulong sa paglilinis doon. Sa totoo lang, baka nga paniwalaan pa kami na naglilinis talaga kami doon at hindi kami nag-exhibition na naman.

Pero may ginawa yata kaming mali dahil hinawakan na naman si Jasper sa tenga niya at ako naman eh sa sleeves ng t-shirt ko.

Ngayon, nandito na naman kami sa room na ito. Nakaupo, at basang-basa pa dahil sa sabon.

"Siya nagsimula!" Yep, Guidance Office again! ***5*** Umuwi na nga yung nurse nun kaya pagkatapos naming i-explain uli yung nangyari eh lumabas kami na ganun yung itsura. Wala naman na kaming pampalit. Mabuti na lang talaga at uwian na. Sana lang walang makakita sa akin na ganito yung itsura ko.

Nasa labas naman ng room yung mga bag namin kaya kinuha na ko na lang yung akin at naglakad na ako. Siya rin naman eh naglakad pero hindi na ako kinausap. Ang lalaki nga ng mga hakbang niya kaya hindi rin nagtagal eh malayu-layo na siya sa akin.

Lumiko ako sa kanan dahil sa direksiyon sa kanan yung papunta ng boarding house. Nakita ko na naman yung likod niya na naglalakad din. Basang-basa din pala siya. Sabi ko nga eh malaking damage din yung nagawa ko sa kanya.

Binilisan ko naman yung lakad ko. Napansin ko na lumiko uli siya sa kaliwa at sa kaliwa rin ako lumiko. Bigla na lang siyang lumingon sa akin.

"What's the matter with you?" humarap siya sa akin.

"I'm sorry?!?" yun na lang yung nasabi ko dahil nagulat ako.

"Bakit mo ko sinusundan?"

Natawa naman ako sa kanya nun. Siya sinusundan ko? Ang kapal talaga ng mukha. Teka, hindi ko naman siya sinusundan ah!

"Hindi no. Talagang dito lang yung daan ko."

"Dito? Parehas?!?" tinuro niya yung daan.

"Not here! Over there!" tapos naglakad na ako.

Bakit ko ba kailangan i-explain sa kanya kung saan ako pauwi?

Naglakad lang ako ng mabilis. Hindi rin nagtagal nakita ko na yung boarding house. Nakasarado yung gate at nakita ko na hindi naman naka-padlock. Umakyat na ako doon sa stairs at hinawakan ko yung bakal para buksan ko na kaya lang may pumigil sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" yung itsura niya nun eh nagtataka na.

"Kasi nakatira ako dito." bubuksan ko na uli kaya lang pinigilan na naman niya.

"No.. no.. I live here. Ikaw, bumalik ka na sa bahay niyo. Kina-Kay ka nakatira di ba?"

"Nakatira rin si Kay dito. Now, if you don't mind, nangangati na ako dahil sa sabon." tinulak ko naman siya at binuksan ko yung main gate ng boarding house.

Umakyat ako doon sa hagdan. Tumingin ako at umaakyat din siya.

"Ikaw yata ang sumusunod sa akin eh."

"Hey girl, huwag kang mangarap. Nakatira ako sa second floor."

Ang sakit nun ah! Fine, walang pansinan.

Tumakbo ako paakyat nun. Siya naman eh hindi tumakbo pero padala-dalawa yung hakbang kaya naabutan pa rin niya ako.

"Saan kayo?"

"Huh?!?" lumingon ako sa kanya pababa.

"Sabi ko, saan kayo? Hindi naman nakatira si Kay dito before. Kailan pa kayo lumipat?" huminto siya doon sa tapat ng isang room.

"Nung weekend lang. Third floor kami." tinuro ko yung sumunod na floor sa kanya, "Mag-isa ka lang?"

"Nope. Tatlo kami. Hati-hati kami sa rent." binuksan na niya yung pinto at pumasok na siya.

Hindi man lang nag-bye o ano? Ang sama ng ugali.

Sabagay, lalaki naman siya. Iba lang siguro talaga ang takbo ng utak niya.

Umakyat na ako sa taas nun. Isususi ko na sana kaya lang sakto namang binuksan ni Kay. Nagulat pa nga siya sa itsura ko.

"Ano nangyari sa iyo?"

Ni-roll ko lang yung mata ko at kinamot ko yung batok ko.

"Wrestling sa school restroom." pumasok lang ako at kumuha ako ng malinis na damit, shampoo at sabon, pati na rin yung kung anu-ano na kailangan para maging malinis ka sa katawan. "I really really need to take a bath."

"Yeah.. I noticed."

***

Naramdaman ko naman na may yumuyugyog sa kama ko. Nung dinilat ko yung mata ko, si Kay pala yun at nakatayo na siya doon sa gilid.

"Rise and shine sleeping beauty. May pasok pa tayo." tinignan ko naman siya at nakita kong ready na siya at nagsusuklay na lang, "Oo nga pala, ring ng ring yung phone mo kagabi. Sinagot ko.. si uncle pala. Hindi ka man lang daw tumawag or something para magbalita." tapos nanlaki yung mata niya sa akin, "Paano kung nalaman ng Daddy mo na in-trouble ka sa school! Ooh.. hindi yun maganda!"

"He wouldn't bother to come at school. Alam ko na magagalit yun kapag nalaman niyang pinaglinis ako ng banyo at ididiscuss yung second punishment ko ngayon, pero sinabi ko sa kanya na i-keep niya yung distance niya." inayos ko naman yung bedsheet ko.

Lumapit naman si Kay sa akin dahil yung pag-aayos ko ng kama eh kaparehas sa comforter namin.

"Dito sa amin kapag nag-aayos ka ng kama, hindi uso yung ganyan.." tapos tinanggal niya at tiniklo naman niya ng square. "Dapat matutunan mo yun." binagsak niya doon sa unan ko. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na anak ka ni Mr. Lopez. Tiyak yun mahihiya silang bigyan ka ng punishment or something."

"Kaya nga hindi ko sinabi kasi magiging ok yung treatment nila sa akin. Nakikita mo ba yung difference? Kapag hindi nila alam, binibigyan ako ng punishment. Eh paano kung alam nila? Lagi akong ligtas?" hinawakan ko yung likod ko, "Ang sakit ng katawan ko."

Kinuha ko uli yung towel ko at yung mga naka-ready ko na damit. Nasa likod ko si Kay at tinutulak niya ako papunta ng bathroom at baka ma-late daw ako sa school. Pumipikit-pikit pa yung mata ko nun.

"Arielle, Riel," pinalitan naman niya kaagad, "Ang ganda nung design ng bra mo na nasa bag mo nung isang araw."

"Yung bra na yun? Hindi ko pa nga yun--" natigilan naman ako kasi may nag-lean doon sa gilid.

"Yuck. Ang aga-aga, pwede bang huwag niyong binabanggit yun bra?!?" at anong ginagawa niya sa third floor?

Nag-good morning lang sa kanya si Kay at sinara na niya yung pinto.

"Eh ano naman, parehas kaming babae." wala pa ako sa sarili ko nun at inaantok talaga ako.

"Yung boarding house na ito eh wholesome. So yung usapang bra eh sa loob lang ng kwarto niyo." nagising naman yung diwa ko nung bigla-bigla siyang sumigaw, "Carlo! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mong iiwan yung boxers mo dito!"

Bigla siyang tumingin sa akin. Yung itsura ko nun eh ako naman yung nandiri. Huwag daw pag-usapan yung bra pero siya sinigaw niya sa hallway yung boxers nung kasamahan niya.

Lumapit naman yung Carlo at mukhang nairita din.

"Bro, hindi sa akin yun. Si Kevin ang may-ari." napansin naman niya ako, "You're rude. May babae sa harapan mo." ini-stretch niya yung kamay niya, "Hi Riel, Carlo nga pala."

Nakipagkamay lang din ako at umalis na rin yung Carlo. Ako naman eh nakatayo pa rin doon sa harap ng banyo kasama itong tao na ito. Humarap naman siya sa akin.

"That's a differen't story." ngumiti naman siya at binuksan niya at humarap sa banyo.

"Hey, nauna ako dito. Maliligo ako pwede?"

"Ako na nga yung papasok ng banyo sasabihin mo ikaw yun nauna?"

Ako naman talaga yung nauna doon. Kaya ang ginawa ko eh hinila ko siya para makapasok ako sa banyo.

Hindi rin nagpatalo. Inikot niya yung kamay niya sa waist ko at binuhat ako patalikod. Bigla siyang tumakbo ng mabilis.

"Sorry, nauna na ko." sinara niya ng malakas yung pinto.

Dapat ba akong mainis doon? Siguro. Pero kahit papaano, hindi ko na lang pinansin. Hindi na kakayanin ng utak ko magkaroon pa ng isang bathroom fight. Saka hindi na ako nakatira sa bahay namin, sharing the bathroom is one of the top lists in this boarding house.

"Ni-hindi ka nga naligo dito kahapon tapos dito ka gumagamit!" yun na lang ang sinigaw ko.

"Hindi mo alam na dito ako gumamit kahapon kasi naligo na ako naghihilik ka pa lang!" nag-echo naman yung boses niya galing sa loob.

"Hindi ako naghihilik baka ikaw!"

Hindi ko alam kung sinadya ba niya o ano pero ang tagal-tagal niyang gumamit ng banyo nun. Kaya nga nung lumabas siya hindi na lang ako nagsalita. Baka nga sanay ang siya na ganun katagal maligo.

Hinintay naman ako ni Kay sa labas nun. Nung natapos ako eh nagsuklay na lang ako habang naglalakad kami. Wala na kasing time nun eh. Mala-late na kami sa school.

Medyo masakit pa rin yung katawan ko. Mawawala rin naman siguro yun.

"Hey couz, anong tingin mo kay Jasper?"

"What do you mean? As a classmate, as a troublemaker, the so-called prankster or what?"

"As a person. In general."

Tinignan ko naman siya ng may meaning. Bakit niya ako tinatanong? Naging defensive naman siya.

"Alam mo na, one day pa lang kayong magkakilala pero nakasama mo na mas maraming beses pa kaysa sa mga girls na nakasama niya more than 3 years." inayos niya yung backpack ko.

"So? Sa kanila na siya." yun na lang ang nasabi ko.

"Hindi nga couz, anong tingin mo sa kanya?"

"Bakit naman? Hindi ko nga siya kilala eh. Para sa isang tao na naglalagay ng glue sa upuan, nanulpit ng sago sa blouse ko, binasa ako sa CR, sinama ako sa trouble, nakipag-wrestling sa akin sa banyo at sinabihan na huwag akong magoopen ng topic tungkol sa bra, sa tingin mo anong alam ko sa kanya?" nilagay ko naman yung suklay ko sa maliit ng pocket ng bag ko.

"Yeah, I see your point."

Nanahimik naman si Kay nun. Tinignan ko naman siya. Hindi ko alam kung anong nangayari sa akin kaya lang nagtanong pa rin ako.

"Ano bang alam mo sa kanya?"

"Ikaw ha.. curious ka!" inasar pa ako, "Ang alam ko nakatira na siya dito sa boarding house na ito kasama si Carlo 3 years na rin. Simula nung nag-high school sila."

"Magkapatid sila?"

"Nope. Best buds." tumingin siya sa akin tapos dumiretso uli ng tingin, "Alam ko lumipat sila dito kasi yung bahay nila malayo. About 1 hour 30 minutes sa school. Eh syempre nakakapagod naman na travel ng travel, kaya nag boarding house na sila. At ang pinaka-cool pa sa lahat, nagtratrabaho sila para pambayad nung rent nila dito."

"Whoa... may part time job sila? Saan?" naging interesado naman ako.

"Bakit naman?"

"Siguro pwede tayong magtrabaho." nakangiti pa ako nun.

"Ang galing ng joke mo ah! Ang benta!" tinulak pa niya ako, "Daddy mo na nga nagbabayad nung rent, magtratrabaho ka pa? Para saan pa?"

"Ang plano ko, yung pocket money na binibigay sa atin ni Daddy, ido-donate ko. Yung pera na kikitain natin, yun yung gagamitin nating panggastos."

Tumingin siya sa akin na talagang litong-lito na sa mga pinagsasasabi ko.

"Donate for what?!"

Siguro nga sabihin ko na sa cousin ko. Hindi naman siguro makakasama. Isa pa, pinsan ko siya.

Huminga ako ng malalim. May kinuha ako sa bag ko na sobre at yung bracelet ko.

Una kong pinakita yung bracelet ko. Nagandahan pa siya at mukhang hindi niya na-gets na A.L. yung nakalagay. Then sumunod, inabot ko sa kanya yung sobre na idodonate ko uli.

Umatras siya sa akin.

"IKAW SI A.L.?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

"Yeah."

"No... seriously?" hindi pa rin siya naniniwala.

"I'm serious."

"So all these years sa school ko ikaw yung nagbibigay ng donations?" sa pisngi naman niya ako hinawakan.

"Yep."

Napaupo na lang siya doon sa gilid at pinaypayan niya yung sarili niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na yung pinsan ko pala yung role model ko nitong mga huling taon!" yumakap siya sa akin, "I admire you girl."

"Everytime na may gamit ako na ayoko na, or extra money na regalo sa akin, dinodonate ko."

"Arielle Lopez. Hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba yung tao na iyon ikaw pala. Tapos sa iyo rin pinangalan yung ibang buildings sa school!"

Yumuko naman ako nun.

"Yeah. Sana nga hindi na lang eh."

"Hintayin lang nila na malaman nila sa Guidance! PInaparusahan nila si A.L!"

"Hey.. hey hey! No! A.L.'s anonymous! And I like to keep it that way. Wala akong balak na sabihin sa lahat maliban sa iyo, saka sa mga kasamahan ko sa bahay. Ok ba yun?"

Nawala naman yung ngiti niya. Tapos nag-isip din.

"Sure, hindi ko sasabihin." ngumiti na naman siya uli, "Kakausapin ko si Jasper kung may openng doon sa part-time nila."

Dahil nga nasa gilid na kami ng school nun, tumakbo na kami nung maring namin yung bell nun. Tiyak din naman eh late na kami.

At dilang anghel nga ako. Late na kami. Tinignan lang kami nung teacher pero hindi naman kami pinansin.

Dahan-dahan kaming umupo doon sa upuan namin sa bandang dulo at tinignan ko muna yung upuan ko at baka may kung ano. Pero nung napansin ko na wala naman at safe na naupo na rin ako at nakinig doon sa homeroom teacher namin.

Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Siguro nga sa pagod na rin siguro. Ni-hindi ko nga na figure-out kung anong subject siya.

"Anong class yun?" tnanong ko si Kay nung lumabas yung teacher at may pumalit naman.

"TLE, electricity and woodshop."

Umayos naman ako ng upo ko at tinigna ko yung teacher sa harapan ko. Hindi naman siya nagsayang ng oras at may sinulat siyang malaking words sa board. Physics.

"Ok class, nagkakilala naman na tayo kahapon.. siguro mag-lesson introduction na tayo." umikot-ikot siya sa harapan, "Now, who can tell me.. what is Physics?!?"

Nanahimik yung klase. Wala man lang nagtaas ng kamay nila o ano. Ako naman eh alam ko yung sagot kaya tinaas ko yung kamay ko bigla-bigla. Dahil nakatalikod yung teacher, hindi pa niya ako nakikita.

May nagsalita naman sa likod ko.

"Physics is our natural science. It concerns on the basic principles of the universe and our natural world." tumingin naman ako sa kanya sa likuran.

Hindi siya nakatingin sa teacher o sa board. Instead, naka-lean yung ulo niya doon sa desk na akala mo eh tinatamad sa klase.

Hindi man lang siya nagtaas ng kamay niya. Nag-nod sa akin yung teacher at saka ko lang napansin na nakataas pa rin pala yung kamay ko.

"Uhmm... it also deals with the analysis of systems, laws in the most precise and simplest explanation and formulation." tapos tumingin uli ako kay Jasper, "--and, what he said."

Ngumiti yung teacher sa akin. Nagsulat uli siya sa board.

"Among the branches of Classical Physics, which one deals with matter, force, motion.." hindi pa tapos yung tanong eh nagtaas naman na ako uli ng kamay ko.

Kaya lang...

"Mechanics." napalingon na naman ako.

Hindi pa rin siya nakatingin. Nakikinig lang siya sa boses nung teacher pero parang wala lang sa kanya yung pagsagot niya.

Hndi ba pwedeng magtaas naman siya ng kamay niya?

"Definition of Acoustics." lumingon sa ibang student yung teacher.

Hindi na ako nagtaas ng kamay ko.

"Branch of physics that studies sounds."

Nung lumingon ako sa likod, tinayo na ni Jasper yung ulo niya. Nagtaka rin siya sa akin.

"An acoustician studies gases, liquids, solids and also waves." dinagdagan pa yung sinabi ko!

Humarap naman siya sa akin at humarap din ako sa kanya.

"Thermodynamics is the science of heat." ngumiti siya ng nakakaloko, "Chill out Riel."

Aba, ako pa ngayon yung hot? Eh siya nga ang may tingin na competition ito!

"Optics is the branch of physics that explains the behavior of light.." ngumiti rin ako ng nakakaloko, "Sanay ka ba na nasa iyo lagi yung spotlight, o hindi ka sanay na mag-share?"

Lumapit yung teacher sa amin at pinigilan kami. Baka kasi kung anong mangyari na naman.

"Congratulations."

"For what?!?" sabay pa kaming sumagot.

"Captain kayo ng Physics team ng Science Club."

Nagtinginan kaming dalawa.

Umiling lang yung Jasper.

"Yung meeting eh every Monday morning. Bago magsimula yung klase." pumunta uli sa harapan yung teacher.

"Makakasama ko na naman yan?!?"

Hindi ko na lang pinansin. Baka mag-resulta pa sa away lalo.

"Yeah, magkasama kayo after niyong mag-cafeteria duty mamayang hapon."

Isa na naman yun sa ikinagulat ko.

"For what?!?" nagsabay na naman kami.

"Binaha niyo ng sabon uli kahapon yung CR ng girls kaya hanggang ngayon wala pa ring makagamit." ngumiti pa rin siya, "Class, palakpakan natin yung dalawang captain."

Nagpalakpakan naman at may asaran pa. Imbis na matuwa ako, hindi rin nangyari. Sa school ko dati, science club president ako. Tapos dito, may kasama ako?

Lumabas naman yung teacher at may kinausap.

"Congratulations.. RIEL." may halong pang-aasar pa yung sinabi niya at inextend niya yung kamay niya para makipagshake-hands sa akin.

Nakipag-kamay na lang din ako. Si Kay eh nakangiti pa sa akin at narinig kong may tinanong siya kay Jasper.

"Oo nga pala Jasper baka hindi na kita makita mamayang hapon, saan ka nga pala kayo ni Carlo nag part time?"

"Sa grocery store."

"Really? May vacancy kaya?" tinanong naman ni Kay.

"Interesado ka malaman?"

"Yeah. Meron ba?"

Nag-isip naman yung Jasper. Tapos hindi ko na lang tinignan. Narinig ko yung sagot niya.

"Oo. Meron, isa lang. Lumipat na kasi yung isang kasama namin na taga-ayos doon eh."

"Oh great thanks!" tapos tinawag ako ni Kay, "Oh couz, may vacancy daw."

"Ikaw yung mag-aapply? Akala ko ikaw?" tinuro niya ako, then si Kay.

"Dapat dalawa kami, kaya lang isa lang pala yung bakante. Gusto niya mag part time job."

Nilingon ko na uli yung Jasper. Nginitian ko ng totoo. As in, totoong friendly na ngiti.

"I really need a job. Part time?"

Tinaas niya yung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya.

"Sorry walang vacant." iniwas niya yung tingin niya.

"Kasasabi mo pa lang na meron ah!"

"Kapag ikaw, wala." yun lang ang sinabi niya.

"Fine, pupunta ako doon at yung may-ari na lang ang kakausapin ko."

"Si Mang Ramon? Close kami nun! Kapag sinabi kong huwag kang kunin, di ka kukunin."

Wala talaga akong choice kung hindi mag-beg pa.

"Please, kailangan ko lang talaga."

"O sige, lumuhod ka sa harapan ko tapos mag-please ka.."

Tumayo naman ako sa upuan ko at pumunta ako sa harapan niya. Nakalingon siya sa kanan niya at kausap niya ung Carlo na nakaupo na sa kabilang row.

Uupo na sana ako sa harapan niya kaya lang napatingin siya sa akin.

"Hoy! Niloloko lang kita luluhod ka talaga?!?" katulad kahapon, ini-offer na naman niya yung kamay niya para makatayo ako.

Tumayo naman na ako nun. Sa totoo lang, kukunin ko lang naman yung ballpen ko nun at hndi ako luluhod. Nahulog kasi eh.

"O sige na nga sasabihin ko kay Mang Ramon na tanggappin ka... pero sa isang kondisyon..." tumawa naman siya nun eh wala namang nakatatawa.

"Ano naman?"

"Tara, lapit ka dito ibubulong ko."

Nakatingin naman yung ibang tao sa amin at alam ko na curious din sila. Tiyak naman kung anong kondisyon ito eh kalokohan lang ito. So ire-ready ko na yung pag-hindi ko.

May minumble naman siya sa tenga ko. Lumayo ako ng kaunti.

"HECK NO!" yun na lang yung nasabi ko.

Binatukan ba naman ako.

"Wala pa nga akong sinasabi humihindi ka na! Saka madali lang naman yun eh." tapos nag-lean siya para ibulong uli sa akin.

Nakinig naman ako. Malay ko ba kung ano yun. Saglit lang eh narinig ko na siyang magsalita.

"Oo ka muna saka mo na lang malalaman."

Tinignan ko nga ng masama.

"Bakit naman ako o-oo kung hindi ko alam." mapanigurado ito!

"Sorry ka. Oo ka muna."

No choice naman eh. Pagbigyan na nga. HIndi naman siguro mahirap yun.

"Ok fine. Oo na!" nilakas ko pa yung pagkakasabi ko, "Ano pala yun?"

"Basta pumayag ka na ah!" nag-lean na naman siya para ibulong na talaga kung ano man yun.

Hinihintay ko siyang magsalita. Ang tagal. Naiinip na ako.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Naiinip na ako. Kapag tinagalan mo pa yan ayoko na."

"Wala na pumayag ka na eh!" sabi niya sa akin.

"Ano na nga yun?"

"Oh sige huwag kang tatawa. Sasabihin ko na..."

At iyon nga tinotoo na nga niya... huminga pa siya ng malalim at nagre-ready daw siyang sabihin. Siraulo!!!

"Secret!"

***5*** Nung nag-uwian ng hapon din nun eh sinamahan na ako ni Kay para tignan yung sinasabi nilang Grocery store kung saan daw ako magwo-work.

I can't believe it. Yung word na 'AKO' at 'WORK' sa isang sentence? Nah, hindi pa nangyayari buong buhay ko. And all I can say is that.. it's so COOL. Huwag lang sanang malaman ng Daddy ko dahil kung hindi, baka hindi pa ako nagsisimula mag-work eh ipatanggal na niya ako sa trabaho.

"Cousin, sigurado ka ba talaga na magwo-work ka?" mukhang mas kabado pa sa akin si Kay.

"Oo naman. New experience right? Saka kapag bumalik na ako sa amin, for college I'm sure, pwede ko na ipagmalaki kina-Mommy na.. nag-work ako. I'm going to work in an ordinary local shop! It's really good isn't it?!?" todo talaga yung pagngiti ko nun.

"At happy ka talaga na magwo-work ka?" nakataas naman yung kilay niya sa akin.

"Yeah! Bakit ikaw hindi ka masaya?"

"Trust me.. I don't want to work. Masaya ka lang kasi excited ka sa simula. Alam mo na, almost 16 years ka namang may nanny! May gumagawa ng bagay-bagay sa iyo. ANo ba ito, nag-iipon ka ng new experiences?"

"Nope." nakangiti na ako nun at nakatingala doon sa grocery store na maliit lang, "Well.. err.. kind of."

Pumasok kami sa loob at tinuro ni Jasper yung table nung Mang Ramon. Dapat may cafeteria duty kami today para doon sa kasalanan namin sa banyo kaya lang na-move na tomorrow dahil maagang umalis yung cafeteria lady.

Tumayo lang ako doon at nagtingin-tingin. Nag-good afternoon lang kami sabay-sabay.

"Kailangan ko po ba ng resume or something?"

Nagulat naman ako nung sabay-sabay silang tumawa lahat. Bakit, may nakakatawa ba sa tanong ko?

"Something wrong?"

"Resume?!?" tumawa pa rin si Jasper nun, "Good one Riel."

Hindi naman ako tumawa nun. Seryosong-seryoso yung mukha ko. Saka lang siya tumigil nung napansin niya na hindi ako nakikitawa.

"Oh.. oh... you mean, you're serious?"

Tumango lang ako.

"No. Helper lang tayo. Hindi na kailangan nun." tapos pumasok siya doon sa loob na maraming boxes kasama yung Carlo.

Naupo naman si Kay doon sa dulo since hindi naman siya kakausapin. Ako naman eh nanatiling nakatayo doon.

"Ginulat mo ko at nandito ka sa maliit na tindahan ko Miss Lopez," napatingin ako doon sa Mang Ramon, "o kung tawagin nga ni Jasper, 'grocery'."

"Ok nga po eh. Ang cute nga po ng tindahan niyo." nag-sign siya na umupo ako kaya umupo naman ako, "Uhmm, maasahan po ninyo ako sa pagtratrabaho!" tama ba yun?!?

"Oo nga eh, napansin ko... MISS LOPEZ."

Napansin ko naman na laging Miss Lopez ang tawag niya sa akin. Masyado namang formal.

"Please, Riel na lang po." tumingin naman siya sa akin.

Nag-lean siya sa table para katapat ng mukha niya yung mukha ko.

"Saan ka nag-stay dito?"

Napaatras naman ako ng kaunti.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nakakapagtaka naman itong matandang ito.

"Kung sa public school ka nag-aaral, siguro may lugar ka kung saan ka nakatira. Malayo yung bahay niyo dito sa school 'di ba?" tapos ngumiti siya.

Kinabahan ako nun. Paano niyang nalaman na... na ako eh.. AKO?

"Alam niyo po?" bumilis yung tibok ng puso ko.

Tumango-tango lang siya sa akin. Inangat niya yung local paper doon. Tapos sa pinakagilid at halatang pinilit pa talaga, picture ko.

Ayoko yun. Dati-rati kasi gusto nila akong kunan ng picture, ako lagi ma ayaw. Unfortunately, meron akong isa. Yung 3 months ago na issue.

"So, anong balak mo dito sa neighborhood dito? Ang alam ko hindi naman dito ang nakasanayan mo." mahinahon naman siyang magsalita.

"Ah.. opo. Gusto ko lang po ng... change. Something new." yumuko ako nun pero 'di ko napigilan eh tumayo na ako at humawak sa dalawang balikat nung Mang Ramon, "Hindi niyo naman po sasabihin yung secret ko 'di ba? Please? Nakikiusap po ako!"

"Hija, wala akong sinabing babanggitin ko. Kung mas komportable ka na hindi nila alam, hindi ko sasabihin."

Napangiti ako nun at yumakap ako doon sa matanda.

"Thank you.. thank you.. thank you po talaga!"

Saka naman lumabas si Jasper at may buhat-buhat na karton.

"Pwede ba huwag mong harasin si Mang Ramon!" saka lang ako humiwalay nun.

Bigla namang nag-ring yung phone ko. Narinig ko sa bag ko. May kumakanta na. Nagtinginan kaming lahat kung kanino nanggaling yun. Ewan ko kung ano na ang expression ng mukha ko.

"Kanino yun?" nagtanong naman yung Carlo.

Kinuha ko kaagad yung bag ko at hinila ko si Kay palabas.

"Kay.. yung CELLPHONE mo." kaya sinamahan niya ako lumabas.

Tumakbo naman kami doon sa gilid na hindi na kami naririnig. Sinagot ko naman yung phone ko. Sino pa nga ba?

"Oh hi.. Dad." wrong timing naman oh!

"Anak, hindi ka pa tumatawag kahapon pa. Ano nang nangyayari sa iyo diyan? Sabihin mo lang kung may problema at aayusin ko.." yun na naman yung offer niya.

"Everything's great Dad!" kunwari eh tuwang-tuwa pa ako.

"Oo nga pala, kinukumusta ka ng Mommy mo, saka ni Tilly at Roland."

"Pakisabi po miss ko na rin sila!" yun na lang yung sinabi ko, "Sige Dad, I'm kinda' busy."

"Teka lang anak, bakit ba nagmamadali ka masyado?" sus nakahalata rin pala, "Oo nga pala, nakabili na nga pala ako ng 20" flat screen TV para mailagay niyo sa room niyo. Ayos ba yun.."

"You WHAT?!?" bakit naman siya bumili nun? "I.. I mean.. cool."

"O sige pala anak, kinumusta lang kita. Sabihin mo lang kung gusto mo nang bumalik.. ayos lang sa amin. Sige anak.. Bye."

"Bye Dad. I love you po." tapos sinara ko na yung flip phone ko.

Pagkababang-pagkababa ko nung phone, humarap ako kaagad kay Kay nun. Yung itsura niya eh halatang clueless na clueles sa mga nangyayari. Siguro nga, dapat na akong magsalita.

"We have a major problem.." pambungad ko pa lang yun sa kanya.

"Ano naman?!"

"Dad bought a 20" flat screen television. Maliit lang since it's room size." umikot-ikot naman ako dahil hindi ako mapakali.

"I can't see the reason why that's a major problem."

"ARE YOU KIDDING ME?!?" napatras naman si Kay, "Kapag dinala yun sa boarding house at dinala sa kwarto natin, makikita ng mga tao. Anong iisipin? 2 ordinary high school students, one from a province and one local, bought a flat screen tv! Paano natin ieexplain kung paano natin nabili yun?!?"

"Flat screen TV? Ayos nga yun eh. I think it's a--" tumingin ako ng masama sa kanya, "BAD IDEA." tumingin din siya. "It's not like we won that TV or something.." sabi pa niya na wala lang sa kanya.

"That's it! Oh my God that's it! Kay, you're a genius!"

"Sus... matagal na." nagbiro pa.

"Pwede nating sabihin nanalo tayo sa kung saang raffle. In that case, mas kapani-paniwala." tapos nabaling yung atensiyon ko sa phone ko, "One more. Anong unit ng phone mo?"

"Hindi kami mayaman so.. 3315 lang po."

"Perfect."

"Perfect ka diyan!" tinignan niya ako ng naloloka-ka-na-ba-look, "Ewan ko cousin ha, pero parang yung mga taste mo sa bagay-bagay eh somewhat 'abnormal'. No offense. Tingin mo mas maswerte ako sa iyo kahit na ikaw yung mayaman dito, gusto mo sa public school kaysa sa private, gusto mo ma-experience na magtrabaho, ayaw mo ng flat screen tv, tapos ngayon perfect pa yung Nokia 3315 eh ikaw nga itong mayroong Motorola V3??"

"It's yours."

"At alam mo ba.." tumingin siya sa akin na nagulat, "What?"

"It's yours. Mag-swap tayo ng phone. Except sa sim card ok?" syempre naman no!

"Eh paano ko naman ieexplain kung paano ako nakabili nito?"

"From your Mom and Dad. At least sila nakatira dito, eh mas masaklap naman kung ako mag-eexplain kung saan ko nakuha yan." kinuha ko yung phone niya at tatanggalin ko na yung sim card.

Hindi ko pa nabubuksan yung likod eh may sumigaw naman doon sa gilid.

"Hoy kayong dalawa! Bumalik na nga kayo dito! May kakausapin lang sa phone ganyan pa kalayo!"

Bumalik naman na kami at hawak-hawak pa rin ni Kay phone. Ako naman eh binulsa ko yung 3315. Nakita ko na nakatayo si Jasper at Carlo doon sa pintuan. Nilalabas na niya yung mga de-lata galing sa box at natigilan naman siya...

"Wow! RAZR?" tumingin siya sa pinsan ko, "Ang cool ng phone mo Kay!" tapos tinignan naman niya, "Gusto ko nga bumili ng ganito eh, kaya lang mahal walang pambili. Pero ayos din yung Motorolla L7. Sa ngayon, mag-stick muna ako sa Nokia. After 10 years siguro makakabili na ako niyan." tinuro niya yung phone ko, este phone ni Kay, at nilabas naman niya yung kanya... Nokia 2100. "Patingin nga ako."

Lalo akong kinabahan nun. Please naman huwag siyang madayo sa messages! Please huwag naman. Sim card ko pa yung nanduon sa loob. Please naman...

Pindot siya ng pindot doon. Tapos saglit lang, inabot niya na uli kay Kay.

"Cool."

Nagkamot lang ako ng ulo ko nun. Si Mang Ramon eh nakangiti pero umiiling lang. That was close.

Nagpaalam na kami kay Mang Ramon at sinabi niya na pwede daw akong magsimula sa Thursday since bukas eh may cafeteria duty kami.

Bumalik din kami kaagad sa boarding house. Dahil pakiramdam ko eh pagod na ako nitong mga huling araw, nakatulog din naman ako ng mabilis matapos naming maagpalit ng Pj's.

***

Maaga akong nagising kinabukasan. This time, hindi ko kailangang makipag-unahan sa banyo nun. Si Kay din eh maaga kong ginising kaya wala pang 6:30 eh bihis na kaming dalawa. Nagluto lang siya ng itlog saka hotdog doon sa kalan na kasama na sa room kaya nakapag-breakfast din naman kami.

Dahil nga may extrang pera ako ngayon, nagtawag ako ng bata at siya yung inutusan ko na magdala nung sobra doon sa donation box. Ayaw naman kasi ni Kay at baka isipin na siya pa yun.

Dahil nga almost 7 o' clock nama na, ang daming tao doon sa corridor. May mga kumpul-kumpol na tao sa tapat ng Bulletin Board at Club audissions na rin pala. Dahil busy naman kami ni Kay, hindi na muna namin pinansin.

"Anong sasalihan mo?" tinanong naman niya ako.

"Hmmm.. wala muna siguro. Teka, meron na rin pala. Remember yesterday, captain thingy ng physics thingy ng science club thingy?"

Tumingin naman si Kay sa akin tapos tumawa.

"Oh right.. that THINGY."

Dahil nga dulo pa yung room namin eh kitang-kita na dito na may mga nakaupo doon sa benches sa labas. Isa na sa mga yun eh si Jasper, Carlo at yung isang lalakin na kasama rin nila pero hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon.

"Kita mo yung tatlo na yun? Kapag nakaupo sila sa bench at sama-sama, nag-iisip yung mga yan ng gagawin nila para mamaya."

"Ganun? Hindi naman siguro. Mukhang naguusap-usap lang sila kasi tinginan mo, nagbuhbulungan tapos tatawa."

Dumaan lang kami doon sa locker sa hallway at dumeretso na kami doon sa room namin. Dahil nga madadaanan namin yung tatlong kolokoy, narinig din namin yung ingay nila.

"Ang galing! pwede na rin!" tapos tumingin si Carlo sa amin.

Hindi na lang namin pinansin ni Kay.

"8 kaya ayos na ayos eh!" sabi nung isa na hindi ko kilala.

"8 din tama ka diyan!" sabi naman nung Carlo.

Si Jasper naman eh inaayos pa yung rubber shoes niya kaya nakayuko siya.

"9 dude."

Napataas na lang yung kilay ko nung naghi-5 pa sila pare-parehas. Tawanan ng tawanan na parang mga baliw. Tapos nagsasalita na naman yung Carlo.

"10 siguro pwede na." sabi naman niya tapos tawa rin ng tawa.

"I'm cool with that.. 9 ako."

Tumingin si Kay sa akin at medyo naguguluhan din siya gaya ko.

"What's up with the numbers?" binulong ko na lang sa kanya.

Nung tapos na mag-ayos ng rubber shoes si Jasper, tumayo na rin siya.

"6." yun na lang yung sinabi niya.

"Lol dude seriously? 6?" tapos binatukan siya nung dalawang kasama niya.

Binilisan na lang namin yung lakad namin. Parang mga baliw na sabi ng sabi ng numbers.

Ang ingay-ingay nilang tatlo. Hanggang sa makapasok kami ng loob ng room naririnig mo pa rin sila.

"Yuck dude! Si Ms. Elgar yun! Iba na lang! Sa susunod niyan yung librarian na!"

Ano daw?!?

Nag-bell naman na at tumayo na sila doon sa bench para pumasok sa classroom. Tawa pa rin sila ng tawa at si Jasper naman eh seryoso.

"Siya nga lang binigyan mo ng 9 eh! yung iba nga hindi pa nakaka-8!" sabi na naman ni no name.

"Oo nga napansin ko yun bro!" inakbayan siya tapos ginulo yung buhok, "Ikaw ha!"

"Stop that!" tapos inayos niya yung buhok niya dahil naguluhan, "Just leave it to the pro. I have my own ways."

Inasar pa siya lalo nung dalawa. Nung nagulo yung buhok niya, tumingin pa siya sa direksiyon namin tapos naupo na naman uli doon sa likuran. Hininaan niya yung boses niya pero dinig ko par in dahil nasa likod ko siya.

"Hey Carlo! Ayus-ayusin niyo yung reasons niyo..." tumawa siya uli.

Kaya lang ayoko yung naring kong sumunod.

"Hindi kayo makatotohanan mag-score ng babae eh!" ***7*** Tumingin ako sa kanya sa likuran nun. Yung itsura ko siguro nun eh medyo naiinis na hindi ko maintindihan.

"Bakit niyo nira-rate ang girls? Yun ang idea niyo ng games?"

Tinignan lang niya ako na parang nagulat.

"Oo. So? Bakit nakikialam ka? Trip lang naman yun." gusto ko siyang suntukin nun, pero 'di ko ginawa.

"Ano namang mararamdaman mo kung girls naman ang gumawa nun sa guys?"

"Wala! Ok? Wala. Game lang naman yun kung anong tingin mo sa isang tao." tinignan niya ako na parang nagtataka, "Common na yun sa mga tao dito. Huwag mong sabihing hindi mo pa nasusubukan yun? Saang planeta ka ba galing at yung mga bagay-bagay dito parang bago sa iyo?!?"

"Sinabi ko na nga 'di ba? Sa probinsiya." tapos dumeretso na ako ng upo para hindi na niya ako tanungin.

Kaya lang mapilit eh, nag-lean doon sa sandalan ko para magtanong.

"Saan?" bakit niya ako tinatanong kung saan? Aba malay ko!

Napansin naman ni Kay na wala na akong maisagot. Kaya ayun naman siya, to the rescue.

"Sa.."

Ini-stop naman siya ni Jasper. Sa akin uli siya humarap.

"Saan?" inulit niya uli yung tanong sa akin.

Province.. province... saan ba kami nagbabakasyon nun?

"Zambales." yun na lang yung unang pumasok sa isip ko.

"Talaga lang? Yung uncle ko doon nakatira. Saan sa Zambales?"

Ano na nga ba yung isang lugar dun? 'C' ang simula.. letter 'C'. Cadungan?

"Cadangan? Cabungan?" hininaan ko yung boses ko para hindi niya mahalatang nanghuhula na ako.

"Cabangan?"

"Yun! Tama." yun nga ba yun? Hindi ko na matandaan. Basta 'C' ang simula.

Sa wakas eh sumandal na siya sa upuan niya. Sana lang hindi na siya magtanong dahil baka hindi ko naman masagot patay na ako.

"Ibig sabihin marunong kang gumawa ng mga farm work?"

"Oo naman. Marami kaming chicken, may baboy, may pato.." inisa-isa ko lang yung mga hayop na maisip ko. Ano na nga ba yung details sa 'Old McDonald'?

"Lumaki ka sa probinsiya? Sigurado ka?"

Sumabat naman na si Kay.

"Eh bakit ba tanong ka ng tanong eh paulit-ulit naman. Syempre isasagot na naman niya Oo. Tanong mo ulit saang probinsiya. We get it ok? May iba pa ba?"

Tinignan ko ng masama si Kay. May iba pa ba? Mas ok na nga yung paulit-ulit yung tanong kaysa naman magtanong siya uli na hindi ko naman alam ang sagot.

"Marunong kang sumakay ng ka--" hndi na niya natapos yung sasabihin niya dahil pinutol ko.

"--bayo? Kabayo? Oo naman. Ang dali lang kaya." marunong talaga akong sumakay ng kabayo. Bumili kasi yung Daddy ko ng kabayo nun eh.

"Sasabihin ko sana eh kalabaw. Pero dahil nabanggit mo naman, may kabayo kayo?"

"Uh.. mmm.. hiniram. Sa kabilang farm." tumingin na naman si Jasper sa akin, "Bukid."

Kasi naman nangunguna sa mga bagay-bagay!

"Sabi mo eh!"

Nakinig na lang ako sa teacher ko nun. I swear! Kailangan ko talagang mag-research ng bagay-bagay tungkol sa pagiging province girl!

***

Nag-bell na ng uwian nun. Ewan ko ba, sinimulan na naman akong kabahan. May cafeteria duty kasi kami eh. Ok lang naman sa akin yun at least mararanasan ko, ang problema lang eh baka may mga bagay doon na hindi ko alam gamitin.

"Basta yung malambot, sponge? Ok?" binatukan ko nga si Kay, pati ba naman yun?

"Hindi naman ako inosente no! Baka lang may kung ano doon na hindi ko alam yung tawag o kung paano gamitin. Details nga!"

Nag-isip naman siya. Sabi niya, wala naman daw kakaiba doon dahil maglilinis lang kami ng tables, punas-punas, hugasan yung pinggan, pupunasan.. ganun lang naman. Walang mahirap at walang kakaiba. Kakayanin ko naman na siguro.

Ngayon naman, si Kay na ang nag-prisinta na hihintayin daw niya ako hanggang matapos kami ni Jasper doon. Baka daw kasi gabihin eh mabuti na raw na kasabay niya ako dahil siya daw ang pinagkatiwalaang magbantay sa akin. Kung si Jasper daw kasi ang kasama ko, hindi daw niya pinagtitiwalaan. In the sense na, prankster. Baka may kung anong kalokohan na plano.

Nag-stay siya doon sa classroom at ako naman eh pumunta na sa cafeteria. Hindi kasi ako hinintay ni Jasper at nauna na siya doon. Ang sama nga naman ng ugali!

Wala naman ng tao doon sa loob maliban doon sa cafeteria lady, si Jasper at syempre.. ako nung dumating ako. Kapapasok ko pa lang eh may binato na sa aking tela. Kakaiba pa nga yung amoy nung tumama sa mukha ko.

"Tama yun ibato mo sa akin.." tapos tinignan ko yung tela, "Ano 'to?"

Tinignan niya ako ng anong-klaseng-tanong-ba-yan look.

"Apron! Ano pa ba?" tapos tinuloy na niya yung pagpunas niya sa table.

"Ibig kong sabihin, ano ito?" hinawakan ko naman yung bilog doon sa gilid.

"Butones!" huminto na talaga siya, "At kung magtatanong ka uli doon sa design sa baba, beads po iyon na may rose at dahon. Yung kulay ng apron? White and red na checkered." talagang inisa-isa pa niya sa akin. "May tanong ka pa.. RIEL?"

Alam ko naman na butones yun. Kaya ko lang naman siya tinanong eh nagtataka lang ako kung bakit may butones doon eh hindi mo naman kailangang ibutones ang kung ano. Siguro nga, style. Mali lang kasi yung style nung pagtatanong ko. Dapat, ni-rephrase ko.

Sinuot ko na yung apron at sinimulan ko rin na magpunas ng table. Pinili ko pa yung may lemon scent kaysa yung plain na bleach.

"Anong amoy yun?!?"

"Lemon! Ano pa nga ba?" ako naman yung nagsabi sa kanya, "At kung magtatanong ka uli, sprayer ito, at yung kulay sa loob eh yellow." akala niya siya lang ang marunong mag-ganun ah!

"Alam ko na yellow yan! Tinanong ko lang kung ano yung amoy?!? Bakit yan pa yung pinili mong i-spray! Ang tapang.. ang sakit sa ilong. Nakakahilo pa."

"Ang bango nga eh!" binasa ko pa yung nakadikit doon na brand.

"Oo na.. pare-parehas naman yung mga babae. Mahilig sa mga..." nag-boses babae siya, "Lemon, strawberry, cherry, apple.. kasi ang bango eh!" bigla siyang tumigil, "Oh please!"

Pagkatapos naming mag-linis ng tables at nailagay yung mga kalat sa trash can, kinuha ko naman yung walis nila at yung dustpan nila na kakaiba yung itsura. Mahaba yung handle tapos may gulong pa. Nasa loob nga ako nun at sinusubukan kong alamin kung paano gamitin, kaya inabot pa siguro ako ng 10 minutes bago lumabas. Pawis na pawis na ako.

"Nawalis ko na yung buong cafeteria ngayon ka lang lumabas kasama ng walis mo saka dustpan?"

"Sorry ka hindi ko mahanap!"

"Isa lang yung shelf dito. Dalawa lang ang walis tambo, isa ang dustpan. Tapos hindi mo mahanap?!?"

Nainis naman ako. Sabagay, hindi naman niya alam.

"Ayan na yung dustpan mo." tapos binato ko sa kanya.

Eksato naman nung binato ko, may laman pala sa loob yun kaya natapon pa yung nasa loob.

"SORRY!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko, "My bad."

Halata mong gusto niyang gumanti, pero hindi niya ginawa. Nakakapagtaka nga eh. Nung nasa banyo kami nun, madalas gumaganti. Pero ngayon, wala talaga siyang ginawa. Mas ok na rin yun kasi ayokong maging suki ng Guidance Office.

Pumasok na uli ako sa loob at sinimulan ko na yung pagbabanlaw doon sa mga pinggan at ako na yung magsasabon. Si Jasper na lang ang magbanlaw at tagapunas. Siguro naman balance na iyon.

Hindi katulad dati, nakikita ko na si Tilly gumawa nito kapag nakikipag-usap ako sa kanya sa kusina sa bahay namin. Kaya sa ganitong bagay, may alam naman na ako.

Pinuno ko ng tubig yung kabilang lababo para doon na ang banlawan. Nakakadiri nga yung mga pagkain at malay ko kung sino yung mga ngumuya niyan. Ngayon mas na-appreciate ko na kapag kakain ako sa cafeteria na ito, linisin na kaagad. Kawawa rin pala yung mga cafeteria lady na gumagawa nito araw-araw. Mabuti na lang may gloves doon sa gilid na pwedeng gamitin.

Pumasok naman si Jasper at nagka-cough pa siya nun. Aba, tingnan ako ng masama at dala-dala niya yung dustpan at nilagay niya doon shelf.

"Pumasok lahat ng alikabok sa lungs ko.. thank you very much!" tapos sinara niya yung shelf.

Katulad ko, nagsuot din siya ng gloves at tumabi doon sa akin pero sa kabilang lababo siya. Sinimulan na niyang magbanlaw doon at nilagay niya sa gilid yung mga natapos na niya.

"I wonder kung makakatagal ako kung ganito ang maging trabaho ko balang araw.."

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ako.

"Ako for sure hindi ako--" napaisip naman ako, wrong dialogue yun kung itutuloy ko, "--hindi ako... magrereklamo. Ok naman maging trabaho ito ah." sasabihin ko sana eh, hindi ako makakatagal.

"Hindi naman sa ayoko, kaya lang.. gawaing babae ito! Bakit ko naman gagawin?" siraulong ito ah! Hindi lang naman babae ang tagahugas ng pinggan.

"Kaya naman ng mga lalaki ang maghugas ng pinggan ah.. kagaya ng mga babae. Ang dali-dali lang naman." Oo nga madali pero hindi ko ito ginagawa dati.

Napaisip naman ako. Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa utak ko para itanong ko yun.

"Naramdaman mo na ba na parang magkaroon ka ng normal na pamilya, talagang normal, yung tipong, yung tatay ang nagtratrabho... nanay yung tinatawag na 'housewife'. Simple lang. Parang.. yun yung hinahanap mo sa buhay? Tatay ang nagtratrabaho, nanay ang gumagawa ng ganito."

Tumingin siya tapos binalik niya yung tingin niya doon sa pinggan na binabanlawan niya.

"No and Yes." dalawa yung sagot niya?

"Huh?!?"

"No kasi hindi ko naramdaman magkaroon ng normal na pamilya. Lumaki ako sa uncle ko. Yes sa pangalawang tanong mo. Simpleng pamilya."

"Sa katunayan, yun ang ambisyon ko sa buhay." tumingin ako sa ceiling.

"Ang alin?"

"Magkaroon ng simpleng pamilya, para sa sarili ko syempre."

Nakatayo lang siya doon. Napansin ko na umapaw na yung lababo kaya pinatay ko yung tubig.

"Hoy, umapaw na kaya patayin mo na yung gripo." kinuha ko uli yung isang pinggan na marumi para masabunan ko, kaya lang may A.L na nakatatak sa gilid. "Nyay!" muntik ko nang mabitawan, sinalo lang ni Jasper.

"Dahan-dahan ok?" tinignan niya yung ikinagulat ko, "Yeah, ayun na naman yung AL guy."

"Ano?" hndi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Si AL. Yung nagdodonate dito. Idol ko yung guy na yun."

Parang gusto kong tumawa nun. He thinks I'm a guy?

"Nababasa mo ba? It's A dot L. Not AL." tama yun, akala niya AL ang basa.

"Siya pa rin yung tinutukoy ko." tapos inabot niya uli sa akin, "Ang tiyaga niyang mag-donate dito para sa lahat tapos hindi siya nagpapakilala. Yun ang totoong tumutulong. Hindi mahalaga na makilala siya o ano." napansin naman niya ako, "Anong nginingiti-ngiti mo?"

"Wala. Natutuwa ako sa pinggan." tinignan ko rin siya, "Bakit naman tingin mo lalaki sya?"

"Sa name? AL."

"It's A.L." ang kulit paulit-ulit na lang! "Paano kung babae siya?"

"Kung mami-meet ko siya, hihingi pa ako ng autograph. Kung matandang lalaki siya, Idol ko siya. Kung matandang babae naman, idol ko pa rin siya. Kung 'man' naman, mid 40's, role model ko. Kapag 'woman' naman na mid 40's, mother-like tingin ko. Kung lady naman siya or so-called guy na nasa 20's, I can say I like them." huminto naman siya, "Pero kung boy, teenager, he's a bro to me. Kung girl naman siya, teenager..."

Hindi naman niya tinapos yung sinabi niya. Nakakainis naman.

"Ano? Bakit naman iba-iba yung tingin mo in certain ages? And gender?"

"Wala lang. Mas mataas lang siguro magiging tingin ko kung teenager siya. Kasi naman sa panahon ngayon, ilang teenager ba ang nag-aabala na mag-donate sa isang school? Mas iba ang tingin ko sa lalaki kaysa sa babae. ngumiti naman siya. "Bro ang magiging tingin ko sa kanya kung lalaki siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin, I like him. Baka isipin bading ako. Sa isang case naman kung babae siya..." ngumiti siya uli.

"I admire her." pagkatapos nun, nabitawan ko na talaga yung pinggan. ***8*** Nagulat din siya nung nakabasag ako. Na-shock din ako eh kaya yumuko ako kaagad.

"May rayuma ka ba or what? Lagi ka na lang nakakabitaw ng pinggan." yumuko rin siya.

"Ako na.. kaya ko na ito. Ako naman nakabasag. Magtrabaho ka na doon."

Tinignan naman niya ako na nagtataka.

"Excuse me? Tinutulungan kita hindi dahil nagpapakabait ako sa iyo. Tinutulungan kita para mabilis kang makabalik doon. Ayoko ngang magsabon at magbanlaw! Sinuswerte ka naman!" sabi ko nga eh, hindi siya concern.

Kinuha niya yung mga kumalat na glass. Kahit na nakakainis siya, meron din pala siyang sinasabi na ok din naman pala sa pandinig.

Dahil nga marami yung pinggan na hinugasan namin, nangangawit na yung braso ko nun. Pagkabanlaw ko nung kamay ko, nakita kong kulay pula na. Saka ko lang napansin..

Nasugatan ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman?

Tinignan ko naman yung index finger ko. Ang haba nung cut. Tumigil naman ako at nung tumingin si Jasper, nilagay ko sa bulsa ko yung kamay ko.

"Ok ka lang?" pinupunasan na rin niya yung kamay niya.

"Oo. Sus! Paghuhugas lang ng pinggan! Sanay na sanay na.." tapos tumalikod ako sa kanya sabay yumuko ako.

Saka ko naramdaman na mahapdi na siya. Tinanggal na niya yung apron niya. Nagtataka na rin siya sa akin. Tinalikuran ko uli siya.

"Ayos ka lang? Ang weird mo."

"Kulit mo ah! Oo nga!" tapos hininaan ko yung boses ko, "Ow!"

Tinanggal ko na rin yung apron ko gamit yung kaliwang kamay ko. Ayaw ko kasi malagyan ng dugo eh. Nagulat na lang ako nung lumapit siya sa akin.

"Meron ka ba ngayon?!?" nagulat din siya sa tanong niya, "Huwag mo na sagutin. Kakakilabot."

"Wala no! Sira!"

"Eh bakit may blood stain ka sa damit mo?"

Huh? Meron?

Tinignan ko yung damit ko sa gilid. Siguro napunas ko kanina. Ano ba naman yan! Nakakahiya. Iba iniisip niya.

"Wala ako ngayon o-k??" kainis.

"Kunwari pa." nang-asar pa tapos inalis niya yung polo niya, "Oh pantakip mo."

Kahit na isang napakabait na move yun, medyo nainis pa rin ako.

"Nah.. keep it. Wala ako ngayon. Kadiri.."

"Ganyan naman mga girls eh, halata na.. deny pa."

Grrr! Ang kulit.

"Wala ako ngayon! Nasugatan ako ok?" tapos pinakita ko yung daliri ko.

Lumapit naman siya sa akin.

"Eh bakit hindi mo sinabi?" sinuot niya uli yung polo niya at inabot naman niya eh yung scarf niya na kulay black, "Pantali mo. Kapag hindi tumigil dumugo yan, magkaka-hemorrhage ka."

Iniwas ko naman yung daliri ko sa kanya.

"Hindi na. Hindi naman masakit."

Dahil nga ayaw kong iabot sa kanya, inagaw naman niya ng mabilis at hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Diniinan naman niya.

"Masakit yun ah!" sinuntok ko siya sa braso niya.

"Sabi mo hindi masakit 'di ba?" binitawan din niya yung kamay ko tapos binato niya yung scarf sa akin kaya tumama sa mukha ko, "Itali mo."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh lumabas na siya at hindi man lang nag-bye sa akin o ano.

Oh well, ang bango naman ng scarf niya para malagyan lang ng dugo. Sabi naman niya eh!

That guy... is abnormal. What I mean is.. different.

Prankster na smart? Rude pero minsan mabait? Seryoso pero minsan loud?

Isa lang ang name para sa taong ganun...

Jasper.

***

Nasanay na rin naman na ako nung mga sumunod na araw. Yung mga room by room sa school eh saulo ko na. Akalain mo yun, mas masaya naman na ako ngayon dito. For the first time in my life, nararanasan ko na ang totoong high school life.

Ngayon eh weekend na. Nasa 'grocery' ako ngayon gaya nga ng tawag ni Jasper. Madali lang naman yung trabaho eh, ilalabas nila Jasper at Carlo yung boxes, ako naman eh aalisin ko yung dusts at iaayos ko yung mga paninda. May mga cute pa nga na tinda doon eh.

Nung natapos magbuhat yung dalawa, naupo sila at naglabas ng baraha. Tawa sila ng tawa at naglalaro sila ng game. Hindi naman yata sila nagsusugal, kasi walang involved na pera.

Tama yun, maglaro sila at ako dito eh mag-isang nag-aayos.

Tumingin si Carlo sa akin.

"Riel! Hindi ka ba sasali sa amin?" tinanong pa ako? Obvious ba na may ginagawa?

"Hindi na. Busy eh.." tapos nilagay ko uli sa shelf.

"Tulungan mo!" tapos tinulak siya ni Jasper.

"Pinapabili mo nga ako ng ulam diyan sa kanto tapos ngayon tutulungan ko siya? Isa lang ako Jas!"

Inangat ko naman yung ulo ko. Mag-uusap na lang din sila yung naririnig ko pa.

"Pwede pakihinaan niyo yung boses niyo, naririnig ko eh!" tumawa sila parehas, "Thank you."

"E di huwag kang makinig problema ba yun?" inayos na nila yung cards sa harapan nila at tinulak na naman niya si Carlo, "Alis na! Bilihin mo na yung pinapabili ko."

Dinaan lang sa ngiti ni Carlo tapos binatukan naman niya si Jasper. Lumabas na siya ng shop at ewan ko kung saan pupunta yun.

"Bakit ganun mo na lang siya inuutusan?"

"Sumusunod naman eh. Isa pa, tabla lang kami. Ako naman nagluto kagabi." tumayo siya sa pagkakaupo niya.

"Nagluluto ka?"

"Ako?" tinuro niya yung sarili niya, "Kailangan eh. Unfortunately. Ikaw? Kayo ni Kay? Sinong nagluluto?"

"Si Kay." totoo naman eh.

"Hindi ka marunong magluto?"

"Eh kasi yung.. ah.. nanay ko ang nagluluto dati. Ako lang tagahiwa.. mga ganun." si Tilly yung tinutukoy ko, hindi yung Mommy ko.

"Ikaw taga-hiwa? Eh basag na pinggan nga nasusugatan ka na kutsilyo pa?"

"Marunong ako no!" sa kitchen kasi namin noon sa bahay, naghihiwa rin ako. "Tapos na ba yung ginagawa niyong pagbubuhat ng boxes?"

Inayos niya yung pants niya dahil nadumihan.

"Hindi."

"Eh bakit naglalaro na kayo hindi pa pala?" asar! hindi pa pala sila tapos may paupo-upo na?!?

"Gusto namin eh! If you don't mind my dear boss RIEL," nang-asar pa lalo, "Papasok na po ako sa loob at bubuhatin ko na yung boxes at ilalabas ko na. OK?"

"Ok. Dapat kanina mo pa ginawa."

Pumasok na siya sa loob at ako naman eh tumayo sa pagkakaupo ko habang nagda-dust. Ang sakit ng likod ko at ang dumi na ng damit ko. Feeling ko nalanghap ko na lahat ng alikabok galing sa box.

Eksakto namang pagtingin ko sa labas, may nakita akong 'di kaaya-aya na tumitingin sa loob at may nagtuturo. Oh my God.

Classmates ko yun sa dati kong school. Nakita nila yung maliliit na keychain sa loob at nakangiti pa sila parehas.

This is not good.

Sinubukan kong tumakbo papunta ng likod kaya lang nabangga ako sa dala-dalang box ni Jasper.

"Mag-ingat ka nga!"

Pumasok na sa loob yung dalawa. Lumapit sila doon sa nakasabit sa harapan.

"Excuse me!" tinaas naman niya yung kamay niya, "Magkano yung keychain niyo dito?"

Hindi naman ako sumagot. Kinakabahan na naman ako. Tumingin si Jasper sa akin at magkasalubong na yung kilay niya.

"Pwede ba i-assist mo yun?" ini-incline niya yung ulo niya.

Tumawag uli yung isa sa classmate ko.

"Hey.. Miss!"

Wala na talaga akong magagawa nun. No-choice na talaga ako.

"Akin na nga yan.." tapos inagaw ko sa kanya yung dala-dala niyang box.

Hindi naman niya binitawan kaya nung hinila ko, kasama siya.

"Ano bang ginagawa mo?!?"

"Ibigay mo na yung box at ako na yung magbubuhat!" inagaw ko pa lalo.

"Mabigat ito hindi mo kaya!" hinila niya yung box.

"Ibigay mo na para walang masaktan!" ako pa yung nag-threat! Akala mo naman totoo..

"Ang hirap mong intindihin!"

"Tinutulungan na nga kita, ibigay mo na yung box." please ibigay mo na para matakpan ko yung mukha ko.

"Fine kung yun ang gusto mo!" tapos tinulak niya ng malakas yung box sa tiyan ko.

Ang bigat nga.

"Never mind! Hindi na namin gusto! Ang cheap pala ng material!" tapos lumabas naman na silang dalawa.

"Ok!" sumigaw naman ako, "Don't come again!" hininaan ko yung pagkakasabi ko.

Dahil nga ang bigat-bigat nung buhat-buhat ko at nakatingin sa labas si Jasper, nagbago na yung isip ko.

"Never mind na rin!" tapos tinulak ko rin sa tiyan niya yung box.

Ang sama ng tingin niya sa akin nun.

"Rich kids.." tapos umiling-iling siya.

"Huh?!?" napatingin ako sa kanya, "Anong sabi mo sa akin?"

"Hindi ikaw!" sinigawan ako, "Yung mga pumasok."

Tumango-tango naman ako.

"Oo nga, rich kids." tumabi ako sa kanya at nakinood umalis nung mga classmate ko.

Lumuhod naman siya para ibaba yung box.

"Pumasok dito, titingin-tingn pero hindi naman pala bibili. Tapos lalaitin pa yung paninda."

"Oo nga. Dapat sa mall sila pumupunta."

"Ang dami nilang pera.. I wonder how they live their life.."

"Tama ka diyan. Swerte rin sila no? Dapat nagdo-donate na lang sila.." nakatingin na ako doon sa laman ng box.

"Yeah. Dapat nga." tumingin siya sa akin, "At least nag-aagree tayo na yung mga mayayaman, kadalasan publicity lang yung alam. Magdo-donate for publicity. Spoiled brats."

"Oo nga tama ka uli."

"And I'm not afraid to say that I hate rich people in general... they suck.."

Tumango-tango uli ako. Agree na lang ako ng agree sa kanya.

"Oo nga tama ka---" saka ko narealize yung sinabi niya.. "Anong sinabi mo?!?" ***9*** Nasaktan naman ako doon sa sinabi niya. Bakit naman nilalahat niya? Oh well, siguro nga kapag sinasabi nga nila na may pera ka, nasa iyo na ang lahat ng mga bagong bagay. SPOILED BRATS? Probably. Siguro nga isa rin ako doon eh. Kasi noon, nakukuha ko rin naman yung gusto ko, although, hindi ko naman hiningi sa kanila.

"Ano yung sinabi mo?" inulit ko yung tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin ng nagtataka.

"Sabi ko, generally, I hate rich people. Bingi ka ba?" aba, inakusahan pa ako na bingi.

"Of course not. Narinig ko nga yung sinabi mo. 'They suck.' " unfortunately tumatak sa akin yun.

"Narinig ko naman pala eh, bakit pinaulit mo pa sa akin!" sinisigawan ako? "Iba ka rin no?"

"Pinaulit ko kasi sinisigurado ko yung narinig ko.. baka mali."

"Hindi ka naman bingi bakit mo pa papaulit. Sigurado yun."

"Paano naman ako magiging sigurado eh nanggaling sa iyo yung opinion? Kung opinion ko yun sigurado ako." ano ba itong pinag-uusapan namin?

"Just stick to your senses OKAY??!" nasanggi niya yung de-lata sa gilid, "Mas madalas na tama yun!"

"Bakit napunta na tayo sa senses?"

"Bakit hindi ka ba nag-aral ng Biology nung 2nd year ka?" tingnan mo, Biology naman ngayon?

"Nag-aral ako ng Biology no! At alam ko ang nervous system." Na-realize ko rin na walang connection yung mga pinagsasasabi ko at lalung-lalo na yung pinag-uusapan namin, "Teka nga, bakit ba ang gulo! Inulit ko lang yung tanong ko nasa Nervous System na tayo?"

"Ikaw ang nagsabi ng Nervous System hindi ako. Ikaw ang magulo sa ating dalawa." inayos niya yung natumba niya.

"Ikaw ang magulo. Pinapahaba mo yung usapan." tinaas ko naman yung kilay ko.

"Ikaw nga yung nagsalita ngayon, eh di ikaw yung nagpapahaba."

"Ikaw yung nahuli ngayon kaya ikaw yung nagpapahaba.."

Tumingin lang din siya sa akin. Alam niya kapag nagsalita siya ibabalik ko lang sa kanya yun.

"Wala ngang sense. Huwag ka na nga magsalita."

Hindi ko na sinagot. Akalain mo yun? Ok na sana yung idea na nag-uusap kami. Pero yung may sense naman sana.

Nagulat naman ako sa kanya nung bigla siyang tumawa mag-isa at sumandal doon sa shelf. Nakatingin siya sa akin.

"Ganyan ka ba makipag-usap?" tinanong naman niya ako.

"Na walang sense?" umiling ako, "Not really."

"Nah, kakatuwa nga eh. Tell me something I don't know.."

Nag-isip naman ako. Napaka in-general naman ng tanong niya.

"Hmmm... capital ng South Korea eh Seoul."

"Not that!" binato niya sa akin yung stuff toy sa gilid, tumingin siya sa kisame, "Anatomy came from the greek words, 'ana' and 'tomy', which means apart and to cut."

Tumawa naman ako sa kanya. Binato ko naman pabalik yung binato niya.

"Ano ba ang gusto mong malaman?"

"I don't know, kaya nga magsabi ka ng kung ano."

"Hndi ko alam sasabihin ko eh.." ano ba yan, wala pala talaga akong kwenta kausap.

"O sige na nga ako na magsisimula..." tumingin siya doon gilid, "Nung bata pa ako mahilig akong kumain ng butong pakwan."

Nagtaka naman ako sa kanya. Sa dinami-dami naman ng sasabihin yung hindi pa mahalaga.

Nakatingin lang ako. Wala rin siyang reaksiyon. Hinihintay ko na dagdagan niya yung sinabi niya.

"Ano na?" sabi niya sa akin.

"Anong.. ano?"

"Hindi mo man lang ba itatanong sa akin kung bakit ako mahilig kumain ng butong pakwan?" bakit ko naman itatanong yun?

"Itatanong ko pa yun? Syempre isasagot mo either favorite mo.. o dahil masarap."

"Itanong mo lang..." talagang mapilit.

"Ok.. bakit ka mahilig sa butong pakwan?"

Ngumiti naman siya tapos tumingin siya sa rubber shoes niya.

"Eh kasi, walang anak yung uncle ko."

Ano daw?

"Anong connection?" abnormal naman yata itong tao na ito.

"Connection? Simple lang. Sinusubukan kong pasayahin siya." ngumiti siya uli.

"Sa pagkain ng butong pakwan?"

"You don't get it do you?"

"Hindi."

Tumawa na naman siya ng tumawa.

"Paniniwala ko kasi nung maliit ako, kapag may nilunok ka raw na buto, tutubo raw sa tiyan mo. Naisip ko na kapag kumain ako ng butong pakwan, tutubo sa tiyan ko yung pakwan."

"In short naniniwala ka na tutubo yung pakwan sa tiyan mo?" that's odd, "At related sa uncle mo by what?"

"Kapag tumubo yung pakwan sa tiyan ko, bibilog yun. Para akong buntis. Naisip ko ganun yun.."

"Magkaiba pala tayo ng paniniwala eh. Ako kasi ang alam ko--"

Tinakpan naman niya yung bibig ko ng kamay niya.

"Please do not go down there..." tapos yung expression ng mukha niya eh nandidiri.

Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.

"First of, nagbuhat ka ng mga karton kaya madumi yang kamay mo. Second, ang sasabihin ko eh ang paniniwala ko nun, kapag nag-kiss daw kayo yun na." tumingin ako sa kanya at ako naman yung nandiri, "Ikaw yung iba ang iniisip. AND PLEASE, DO NOT GO DOWN THERE. Yuck."

Tumahimik kami saglit nun. Hindi rin nagtagal, dumating na si Carlo dala yung pinabiling pagkain ni Jasper kanina.

Tumayo kaagad si Jasper at mukhang kakain na yata. Sa may likuran kasi nung shop, may table doon at upuan. Binuhat ko naman yung isang karton dahil nakakalat doon.

Naunang pumasok si Carlo sa pintuan kaya hindi ko na siya nakita. Si Jasper eh sumunod naman kaagad. Akala ko eh bubuksan niya yung pintuan para sa akin dahil dala ko yung malaking karton kaya lang hindi niya ginawa.

Oh great!!! Ang bait niya masyado. Eh yung Homo Erectus yata eh mas may sense na buksan yung pintuan.

Hahawakan ko na sana yung door knob kaya lang bigla niyang binuksan.

"Hindi mo naman siguro kailangan na buksan ko yung pinto para sa iyo 'di ba?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Ay hindi po!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko.

"Ok." tapos sinara niya uli.

Arrrgghh! Grabe naman! Binaba ko yung karton at binuksan ko yung door na hindi niya binuksan.

Hindi ko na lang pinansin. Pumasok na ako sa loob at hindi ko alam kung makikikain ako. Nakakahiya naman kasi. Isa pa, hindi naman ako nagpabili.

Naupo si Jasper doon sa isang upuan at tinaas niya yung paa niya. Tama ba yun?

"Ano? Kakain ka ba?" tinuro niya yung isang upuan.

Tinuro ko yung sarili ko.

"Ako ba?"

Tumayo siya at nilagpasan ako. Nung tinignan ko siya, nakikipag-usap siya sa WALA naman sa likod ko.

"Makikikain ka? great?" tapos tumingin uli siya sa akin, "HELLO? Sino pa bang kausap ko. Ikaw lang nakatayo diyan." bumalik siya uli sa pagkakaupo niya.

"Riel, sa iyo ba itong phone na ito?" tapos nakita ko yung 3315 na hawak ni Carlo.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Err yeah. Saan mo nakuha?"

"Doon sa likuran. Baka nahulog mo."

"Thanks." nilagay ko na ng maayos sa bulsa ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun. Pagkatapos kasi nilang maghugas ng kamay nila, naupo na sila doon at kinuha yung kanin. Ginaya ko na lang yung ginawa nila.

"Tara na kain na..."

"Teka lang, hindi kayo magkukutsara or something?"

"May kamay ka naman 'di ba?"

"Uhmmm.. oh... right." tinignan ko lang tapos hinawakan ko uli, "Ayos ah."

"Galing mo rin magpatawa ha! Kung hindi siguro kita kilala, maniniwala na ako na hindi ka marunong.." tapos kumuha siya ng kanin at kumain na siya talaga.

Ganun pala yun? Nakitawa naman ako pero pilit lang. Kumain naman ako at nakailang subo na rin ako nun. Kakaiba pala sila kumain kapag normal day. And oddly, I feel ok.

Nakatingin si Carlo at si Jasper sa akin. Saka ko lang napansin na tumigil sila sa pagkain.

"What?!?" nahiya tuloy ako ng bahagya, "May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala." ngumiti si Carlo, "Ang cute mo kumain."

"Paki-elaborate naman.." sumubo ulit ako.

"Di gaya nung mga nakasabay ko na girls kumain dati, ang bagal mo kumain." huh? Ako mabagal?

"At masama yun?"

"Hindi. Hindi no." pero hindi na niya sinabi kung bakit naman kakaiba yun.

Marami namang tao sa mundo na mabagal kumain.

Tumayo naman siya at tapos na yata siyang kumain. Si Jasper naman eh nakatingin pa rin sa akin. Nailang naman ako.

"Hanggang ngayon ba nagulat ka pa rin at mabagal ako kumain?"

Saka lang siya tumigil nun at tumingin sa kinakain niya.

"Anong lasa?"

Nagulat naman ako sa kanya.

"Anong lasa ng... alin? Ulam?" tinuro ko yung nasa pinggan ko.

May kinuha siyang chocolate sa harapan niya. Lush yata yun eh.

"Kainin mo." tinignan ko lang siya

"Bakit ko naman kakainin yan?" siraulo?

"Basta kainin mo."

Kinuha ko naman yung chocolate sa harapan niya at kumagat naman ako. Dahil maliit lang yun, nawala rin kaagad.

"Ngayon sabihin mo sa akin kung anong lasa.."

"HIndi ka ba nakakain ng chocolate? Eh di chocolate."

"Elaborate." yun din yung dialogue ko kanina.

Dahil mukhang mangungulit lang siya, nag-isip naman ako.

"Matamis... kakaiba yung lasa. Kumbaga sa vocabulary, bago sa list mo. Pero sa akin, matamis pero... iba. Ang hirap i-explain eh. Bakit ba?"

"Thanks sa pagsagot." tumingin siya uli sa akin, "Bakit kita tinanong? Curiousity."

Tinuloy na niya yung pagkain niya at nakadalawang-subo lang siya eh tumayo na siya kaagad.

Magtatanong na sana ako uli kaya lang pinigilan na naman niya ako..

"You heard me.. curiousity." ang... gulo!

"Okay.." yun na lang ang sinabi ko. "Bakit ka curious?"

Lumingon siya pero hindi masyado.

"Gusto ko lang malaman kung anong lasa ng chocolate.."

"E 'di ito tikman mo.."

"Hindi yun.. hindi yun ibig sabihin ko." Dumeretso siya ng tayo, "Gusto ko malaman yung lasa ng chocolate... sa panlasa mo."

"Bakit?"

"It's a symbol. Sinabi sa akin ng friend ko, kapag na in-love ka daw, pwede mong ikumpara sa candy. Particularly, chocolate." hindi ko na nga ipu-push. Hindi naman maliwanang yung mga sagot niya eh! "Gusto ko lang malaman sa girl's point of view. Girl's taste."

Ganun? Ok...alright..

"Ikaw, anong panlasa mo sa chocolate?"

Saka lang siya tumingin sa mata ko.

"When it happen to me..."

"I'll let you know." bakit ba ang layo ng sagot niya lagi?

Umuwi na lang ako pagkatapos nun. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa sinabi sa akin ni Kay dati. Dati siguro naniniwala ako sa pagiging prankster niya, pero lately yata mas nagiging in-touch siya sa.. oh well.. ano bang tawag dun? Poetic side? Ewan ko ba. May term ba dun?

Sinalubong ako ni Kay kaagad at dumating na yung flat screen tv namin. As usual, hinila ko kaagad siya sa loob at mukhang masayang-masaya pa siya. Pinagsabihan ko nga ang bruha na hindi dapat ipagmalaki yun kundi, nanalo lang talaga kami sa raffle.

Hindi ko alam na kapag naiba pala ang social status mo sa nakasanayan mo eh kumplikado. Lalo pa ngayon. Ssusubukan mong makisama, magiging ok, tapos may darating na pro-prpblemahin mo. Parang yung mga bagay sa mundo eh... sunud-sunod na lang na darating sa iyo.

Oh.. yuck. Am I getting in touch on my poetic side too?

"Hoy ano ka ba!" shinake naman niya yung katawan ko.

"What?!?" nairita pa ako nun sa ginawa niya dahil nag-iisip ako bigla na lang na-interrupt.

"Tumutunog po yung phone mo, este phone ko pala kaya lang nakipagpalit ka... kanina pa! Baka gusto mong tignan yung mga text messages mo insan!"

Tinignan ko lang siya ng masaya. Pagod kasi ako kaya medyo nairita nga ako. Nakita ko naman yung phone... ko. 3 messages received.

Yung una, galing sa provider so wala lang kwenta yun. Yung dalawang messages naman eh hindi naka-store sa inbox ko.

'cge pla, kta n lng tau bukz. =)'

Maikli lang yung message. Yung isa naman ganito lang..

'....'

Nagtaka naman ako. Hindi ko naman siya kilala bakit naman ako makikipagkita sa kanya. Nag-abala pa akong mag-reply nun. Instead na unahin ko yung 'who are you?' na tanong, sa iba bumagsak.

'do i know u?'

Wala pa sigurong 5 minutes eh tumutunog na naman yung phone ko. Syempre tinatamad-tamad pa akong nagpipipindot nun.

'dis s janice ryt? si ian 2.'

Excuse me? Matagal na akong nabinyagan at alam kong hindi Janice ang pangalan ko. As far as I know, Szarielle a.k.a. Arielle a.k.a A.L and right now a.k.a Riel. But never Janice.

And the bottomline of it is...

'sori, i dn't know a guy named ian. u got d wrong #'

At yun nga, panay naman ang sagot niya. Mayaman yata sa load eh. Sinasayang lang yung oras ko.

'oh sori po ha.' hindi pa ko nagrereply, pumasok na uli yung text niya, '.....' ganun na naman.

'ng-uubos k lng b ng load?' parang ganun kasi yung lumalabas eh, sino bang matino na magse-send ng panay dots lang?

'medyo...'

Ay ang sipag sumagot. Sulit naman talaga yung text message niya.

'nd, nghhnp ng kausp. sungt m nga eh, bbae k no?'

Nung nabasa ko yung text na yun, napatingin na lang ako doon sa phone na akala mo eh nakikita ko yung kausap ko. Siraulong ito?!?

'un4tun8ly, ba2e nga ako.' tinatamad na ako makipag-usap nun.

Nilagay ko yung phone ko sa gilid. Kung hindi ko lang alam, sinadya lang niya na mawrong-send para naman magkaroon siya ng textmate. Sorry na lang siya, hindi ako mahilig sa ganun.

'so... what?!'

Katulad kay Kay, nairita din ako sa text niya. Bakit ako yung tinatanong niya eh samantalang wala akong time na kausapin siya?

'wat do u mean, what..'what?'

'i mean.. so what if ur a girl. wud dat mke u better dan any1?'

Hindi ko alam kung bakit o dahil sa pagod na rin siguro, naiinis talaga ako sa kanya. Kung sa text pa lang ganyan na siya, paano pa kaya kung personal?

'bye.. ayaw na kita kausap.'

'owkei sabi mo eh!' then pinindot ko yun send.

Tumunog na naman yung phone. Arrrghhhh!

'OO!!'

'akala ko ba bye ka na?'

'u r 1 of the mst annoying guys i have ever met!'

'na-meet mo na ko? cool! anong impression mo?'

Pilosopong ito? Feeling naman niya ha!

'ur rude.'

'ako rude? bka nga kpg ikw nkita k, my impression n kagd ako.'

Hindi ko na talaga siya sinagot. Tumingin lang ako sa kisame. Si Kay naman eh hindi na ako pinapansin dahil busy siya sa panonood ng tv. Hindi naman nagtagal, tumunog na naman yung phone ko.

Gaano ba ka-desperado itong tao na ito ng kausap?

'gus2 m mlmn impression k sau s txt? hnd n kta ggluhin.'

Dahil nga sinabi naman niya na hindi na niya ako guguluhin kapag sinabi kong gusto kong malaman, tinanggap ko na.

'fine. ano ung impression m?'.

Medyo matagal-tagal bago siya nag-reply di gaya nung mga nauna niyang messages. After 10 minutes or more, pumasok na yung text niya.

'u wud say 'do i know u' dan 'who r u' ' now how did he know that?

Hindi ko alam kung anong meron sa message na yun, pero sinave ko siya sa inbox ko.

That made me smile...

Chapter 2

"Shup up!" sumigaw si Kay sa akin dahil nagulat siya.

"Oo nga ano bang nakakagulat doon?"

"Hello? Ilang tao ba ang nagbibigay ng first impression sa text? Impression.. mas maganda kung nakikita mo." nakangiti pa siya sa akin.

"Sabi ko nga sa 'yo eh retarded siya."

"No way!"

"Way." tinaas ko yung kilay ko.

Naupo kami doon sa isang bakanteng stall sa cafeteria. Ang dumi-dumi nga nung table at panay tulo pa ng ketchup. Kumuha pa kami ng tissue para lang maalis yung mga dumi doon.

Si Kay na naman ang nagsabi na siya na daw ang bibili ng pakain namin at kapag ako eh disaster ang kinalalabasan. May umupo din doon sa stall sa likuran namin at nadaganan pa yung buhok ko. Ang sakit nga eh.

"Excuse me lang yung buhok--"

"Hey Riel stah na?" narinig ko naman yung boses ni Jasper.

Lilingon sana ako kaya lang narinig ko naman yung binulong niya.

"DONT YOU DARE!" tapos dumeretso ako ng upo, "Hindi nila dapat malaman na kausap kita."

"Oo nga eh kaya pwede.. yung buhok ko?"

Hindi siya gumalaw. Bakit ba kasi napunta pa yung buhok ko sa kabilang side eh.

"You owe me."

"Wala akong utang sa 'yo."

"Hindi naman pera eh!" sinubukan kong tumayo kaya lang hinawakan niya yung blouse ko sa likuran. "The 'I'll help you with the hiring if you said YES' day??? "

Naalala ko naman yung araw na iyon. Natahimik naman ako.

"Yun nga naisip ko eh, maalala mo." kung kaharap ko lang siya siguro ngayon, tinignan ko na siya ng masama.

"Siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak diyan.."

"Hindi naman, madali lang. Kayang-kaya mo nga siguro eh.." tapos narinig kong tumawa siya, "First of dahil isa itong secret movement, kailangan mo ng codename.. at kailangan ko rin."

"Siraulo ka naman pala eh. Codename pa.. just get to the point."

Hinigpitan niya yung paghawak niya sa blouse ko para mapalapit yung likod ko sa kanya. Tapos narinig kong hininaan niya yung boses niya.

"You'll be the new San Juanico Bridge." ano daw?

"Ano?!?"

"Codename mo, San Juanica. Codename ko, Nemesis guy."

"You mean NEMESIS GAY."

"Hindi mo kinakausap yung boss mo ng ganyan alam mo yun?" pakiramdam ko lukot na yung blouse ko.

"Ano bang gagawin dito sa San Juanico thingy?"

"Simple. Just put on a good word for me sa isang babae."

Tumawa naman ako nun. As in, tumawa talaga ako.

"Narinig ko ba yun ng tama? Good word? Ikaw?" pinalo ko siya sa likuran.

"Tama na ang panlalait."

"Sino naman yung malas na girl?"

Hindi naman sumagot kaagad si Jasper dahil dumating naman si Kay nun dala-dala yung pagkain namin. Naramdaman ko na sumandal siya lalo.

"Aray ko masakit ha!"

"Ano yun?"

Pineke ko naman yung ngiti ko kay Kay para hindi niya mapansin.

"May kumagat na LANGGAM.. sa likod ko."

"Ok." tumingin siya sa table, "Nalimutan ko yung kutsara saka tinidor. Babalik lang ako.."

Umalis uli si Kay. This time, humarap na ako kay Jasper.

"Ang sakit nun ha! Baliw ka ba o ano?" nagsimula na akong magdaldal.

"It's her."

"Tapos ngayon kung makatingin ka akala mo ikaw na masusunod!"

"Bahala ka na. Sige." tapos tumayo na siya at lumabas na ng cafeteria.

"Loko ka nilukot mo yung blouse ko." tapos diniretso ko yung ulo ko at sinundan ko ng tingin si Jasper nung nasa labas.

Hey wait..

"Si Kay?!?" ***11*** Kaya pala San Juanico este, San Juanica ako? Magiging tulay ako sa kanya at kay Kay? Ayos lang namang maging tulay, pero bakit siya pa? Hello? Mahal ko kaya ung pinsan ko. Hindi ko lang naman siya irereto sa 'kung sinu-sino' lang.

At yung 'kung sinu-sino' na iyon eh si Jasper.

May gusto pala siya kay Kay no? Sa totoo lang, hindi naman halata. Sa itsura kasi niya, parang yung pagloloko lang niya sa mga tao ang mahalaga sa kanya. Girls? That's a whole new world.

"Hoy, bakit tulala ka sa labas?" napansin ko na dumating na si Kay.

"Wala lang. May siraulo kasi kanina sa labas."

Kumain naman ako nung kinuha niya. Pancit naman daw yun. Masarap naman eh, kahit papaano naenjoy ko. Kumain na rin kasi ako nun before.

Nung nakapagisip-isip naman na ako, naisipan ko naman magtanong sa kanya. Better yet, simulan ko na rin siguro.

"Ei Kay, anong tingin mo kay Jasper?"

Tumingin naman siya sa akin. Puno pa yung bibig niya nung nagsalita siya.

"Morales?" lukaret na ito! Sino pa nga ba?

"Ay hindi, yung friendly ghost."

"Hindi ba Casper yun?"

Naku, pasalamat siya pinsan ko siya..

"Si Jasper po.. Morales. 'Di ba crush mo yun?"

Tumawa naman siya sa akin.

"Si Jasper?" tumawa siya ng tumawa ng malakas. Naku ha, papahiya naman ako nito eh. "Nakakatawa ka naman insan." tinuloy pa rin niya yung pagtawa niya tapos bigla siyang nag-seryoso. "Oo. Dati."

"Dati? You mean hindi na?"

"Err.. medyo. Pero obvious naman 'di ba, may crush yata sa 'yo yun eh."

Na-choke naman ako nun kaya nag-panic si Kay. Uminom ako nung soda sa harapan ko.

"Nah-uh. Never."

"Huwag ka nga nagsasalita ng tapos. Madalas na nga yata kayo nagkakasama eh. Kanina lang magkatalikuran kayo."

Umilng-iling naman ako sa kanya.

"Trust me. He doesn't like me."

Masyado namang kumplikado sa simula. Tingnan natin kung ano sa tingin ko ang nagyayari at ang sa tingin ko eh hindi.

Si Kay, may gusto kay Jasper dati pero si Jasper naman eh hindi namin alam. Dumating naman ako sa eksena kaya iniisip ni Kay na may gusto si Jasper sa akin kahit wala. Nawala yung crush niya kay Jasper, si Jasper naman gustong magtulay ako sa kanya. Ngayon naman si Kay hindi na gusto si Jasper dahil sa akin.

Ano bang dapat sabihin ko?

HELP?

***

Maaga akong dumating sa classroom kinabukasan para bigyan ko ng lesson si Jasper kung ano ba dapat ang gawin niya kay Kay. Hindi ko naman kasi makukumbinsi ng ganun-ganon na lang si Kay kung wala rin naman siyang action.

"Ano na?" ang galang niya masyado.

Umagang-umaga yun ang tanong niya sa akin.

"Wala man lang ba na good morning or anything?" tinanong ko naman siya.

"Bakit naman? Teacher ba kita?"

"You mean sa teacher ka lang nag good morning? Ang plastic mo tsong!" tinapik ko siya sa balikat niya.

"Hindi. Magalang ako sa matatanda." ngumiti siya sa akin tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya napakunot-noo ako, "Fine. Good morning."

Parang napilitan lang yata eh!

"Anyways.." umupo ako doon sa tabi niya pero hindi naman kami magkalapit masyado, "Anong plano mo?"

"Hoy hoy hoy.. ako ang boss dito. Ako ang nemesis guy, ikaw si San Juanica. Ikaw ang mag-iisip ng plano. Isa pa, umoo ka sa akin."

"Hoy hoy hoy ka rin. Hindi ka ba nag-iisip?" tinuktukan ko naman siya sa ulo niya, "Kahit anong kumbinsi ko sa pinsan ko, kung wala naman siyang gusto sa iyo at wala ka namang action na ginagawa.. wala rin alam mo yun?!? Unang-una sa lahat. Kailangan may action ka. Kailangan mapansin ka niya. Gets mo?"

"Magpapapansin ako? Sa kanya?" tinuro niya yung sarili niya kaya tumango ako, "Nah-uh."

"Doon ka naman magaling eh."

"Pasakit ka alam mo?!?"

"No pain no gain?" ngumiti ako, "Anong balak mo sa step number 1."

Nag-isip naman siya nun tapos ngumiti sa akin.

"Ok, may naisip na ko. Later."

"Jasper!" lumingon siya, "Siguraduhin mong maayos yan ha!!"

Kinabahan talaga ako sa kanya nun. Baka naman kung anong idea niya ng pagpapapansin ha. Nung nag-alarm naman na, tumayo na ako sa upuan sa likuran at lumipat lang ako sa kabilang row.

Nagsi-upuan na rin yung mga classmate namin. Medyo late lang ng kaunti yung teacher namin ng first period kaya ok lang nung na-late si Jasper dahil lumabas siya.

Umupo naman si Kay sa tabi ko nun. Dati kasi si Ronnie doon eh. Ok naman si Ronnie at siya naman yung naupo sa upuan ni Kay.

Nag-klase naman na kami. Hindi nga ako nakapag-concentrate kasi panay ang sipa ni Jasper ng upuan ko. Hindi ko nga pinapansin nung simula pero hanggang second period, sipa pa rin siya ng sipa.

"WHAT?!?" napalakas yung pagkakasabi ko kaya nagtinginan sa amin.

"May itatanong ako hindi ka lumilingon."

"O-K. Lumingon na ako. Now what?!?"

"Pwede bang manghiram ng white-out?" ngumiti siya ng nakakaloko.

"Bwisit ka!"

Tumawa lang si Kay nun. Laking tuwa ko nga talaga nung nag-alarm na para sa breaktime. Hindi naman ako nagugutom nun kaya ssi Kay lang ang umalis papuntang cafeteria.

Nag-stay ako sa labas ng classroom dahil sobrang init doon sa loob. Dumaan naman si Jasper kasama na naman si Carlo. Inirapan ko nga.

"Ang taray mo naman."

"Kailangan ba mabait ako sa iyo?"

Tinulak naman ni Carlo si Jasper.

"Talo ka bro, binabara ka lang."

"Tatanungin sana kita tungkol doon sa balak ko kanina. Hindi ka naman lumilingon. Palusot ko lang yung white out kasi nakatingin si Kay."

"Ok, nakatingin na uli ako sa iyo. Ngayon?"

"Ang sungit mo uli." tapos ngumiti siya, "Ganito yung naisip ko para mapansin niya ako. Kunwari papaupuin ko siya sa teachers table pero yung upuan na nilagay ko eh yung sira na tatlo lang yung paa. Kaya matutumba siya. Tatawa kami."

"Anong sabi mo?!?" nagulat naman ako sa kanya, "Kapag natumba siya, patalikod yun. Baka mabagok siya. Tatawa ka? Mapapahiya siya. In the end, alam mo kung saan ang tuloy natin? Hindi magandang idea yun. Hindi ka ba matino?"

Naglalakad naman yung second period teacher namin.

"Ewan ko sa 'yo. Sabi mo magpapansin. Nung nakaisip ako ng idea, ayaw mo naman."

"Hindi ka pa ba nanligaw before?"

Tumawa ng malakas si Carlo.

"Shut up Carlo baka bukas lang disabled ka na."

Natawa namana ko nun. Ibig sabihin wala pa siyang experience. Kaya pala siya walang kwenta magpapansin.

"Ikaw rin huwag kang tumawa." tapos tumingin siya sa rubber shoes niya, "If I know hindi mo alam ang salitang 'date'."

Nawala yung ngiti ko nun. Masyado namang tagos yun.

"Excuse me! Huwag ka ngang nagsasalita as if kilala mo ko dahil hindi mo ko kilala!"

"Sinabi ko bang kilala kita? Nagsabi lang ako nung unang pumasok sa utak ko.." tapos nang-aasar na yung tingin niya, "Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakikipag-date?"

"Feeling mo naman expert ka eh sa ating dalawa ikaw nga itong nangangailangan ng tulong ko!"

"Hey guys.."

"Umoo ka kaya ibig sabihin nun pumayag ka!"

"Pinaoo mo ko kahit hindi ko alam. Kung alam ko lang na may kinalaman pala sa pinsan ko, hindi ko na ginawa!"

"Hey guys..."

"Buti nga nagbibigay pa ako ng sarili kong idea!"

"Eh wala ngang sense yung idea mo! Magpapapansin ka na lang din, yung upuan pa na matutumba yung uupo?!? How lame is that?" bigla kong tinakpan yung bibig ko sa huling sinabi ko.

"Guys.."

Kanina pa tumatawag si Carlo sa amin kaya tumingin kami sa kanya.

"Ano ba?" nagsabay pa kami.

"Si Mam Amy pumasok sa loob, at mukhang uupo siya doon sa upuan na nilagay mo..." nag-panic kami ni Jasper.

"Ano?!?"

"Bakit 'di mo sinabi kaagad?!?"

"Kanina ko pa kayo tinatawag.."

Tumakbo kami doon sa tapat ng pintuan. Dahil nga may hinahanap yata yung teacher namin na naiwan niya, nandun lang yun upuan.

"Mam Amy.. huwag po kayong uupo!!!"

"Oo nga po! Huwag po sa upuan na iyan. Special po kayo eh. Dapat sa golden chair."

"Ano ba kayong dalawa.. para uupo lang--" tapos bigla siyang umupo.

Katulad nga nung inaasahan, bumagsak siya doon sa silya. Tumingin ako kay Jasper at nagsimula na siyang tumakbo.

"KAYONG DALAWA!!!"

"Wala po akong kinalaman diyan, si Jasper po!"

"Ako? Bakit ako na naman?!?"

"Go!"

"Where?"

"Miss Lopez... saan pa? Kung hindi kayo makuha sa Detention dapat siguro pumunta kayo sa Principal's office."

"Principal's OFFICE???"

Galit na galit yung teacher namin sa amin.

"At ang pinakamaganda sa lahat.." tumayo siya at hinawakan niya yung likod niya, "Tatawagan ko parents niyo."

Nakangiti lang si Jasper.

"Ok lang. Wala naman na parents ko. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Halelujah!"

"We'll call your uncle Mr. Morales.." tumingin sya sa akin, "As for you Miss Lopez, tatawagan namin yung parents mo."

Oh no.. this isn't happening. ***12*** Oh no she didn't!!! Tatawagan niya parents ko? Paano kung nalaman ng Daddy ko yun? Mahigpit sa ganyan yun eh. Baka hindi pa umaabot ang bukas eh naka-enroll na ako sa ibang school. Kung kailan pa naman naeenjoy ko na lahat, tapos saka pa mawawala? It sounds cheesy, but true.

Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaya lang naunahan ako ni Jasper.

"Hindi niyo po matatawagan yung uncle ko kasi hindi naman siya dito nakatira. Isa pa, dalawang oras yung biyahe. Papagurin niyo pa siya?"

Parang wala lang sa kanya lahat. Ako naman eh kinakabahan na nun. Paano kaya kung malaman nila? Ano kayang reaksiyon ko?

Gusto ko sanang sabihin yung palusot na ginawa ko dati. Sasabihin ko sana na taga-probinsiya yung parents ko at walang telepono doon. Kaya lang nga, pumasok na sa isip ko yung idea na hindi ko alam kung sino ang kinausap ni Daddy na i-enroll ako dito, lalo pa yung idea na baka kapag sinabi ko yun, lalo akong maging in-trouble kapag nalaman nila na nagsisinungaling ako. Too much risks... wala naman akong lakas ng loob mag tip-toe sa line.

"Please po Mam, huwag niyo na pong tawagan yung parents ko. Madidisappoint po sila sa akin eh..." yun na lang yung nasabi ko at alam ko naman na hindi rin naman yun magwo-work.

Nanahimik lang din si Jasper. Si Mam Amy naman eh tinignan lang ako.

"Kayo kasing mga bata kayo, wala na kayong galang sa nakakatanda. Saka niyo naiisip na mali yung ginawa niyo kapag nandiyan na..."

Mukhang hindi siya makikinig sa akin. This is hopeless.

"Pero--" hindi naman siguro masamang mag-try kahit papaano.

"Go." sabi nung teacher namin at tinuro niya yung direksiyon papunta ng Principal's Office.

"Pero po--"

"Just GO Miss Lopez!" nagtaas na siya ng boses niya kaya napaatras ako.

Nakangiti naman si Jasper at parang lalo pa niya akong inaasar. Hindi ba siya problemado? Ako lang ba yung talo dito? Kung sabagay, sanay na siya.

"Oo nga ang kulit mo naman San Jua-- este Riel, 'JUST GO' daw. Hindi ka ba nakakaintindi ng French?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi na nga maganda yung pakiramdam ko nanloloko pa.

"Ikaw rin Mr. Morales kasama sa office. Tatawagan namin yung uncle mo, at kaming bahala sa punishment mo. Sobra na. Hindi ka na nadadala." this time, ako naman yung tumawa kay Jasper.

"Pero--"

"Pumunta na kayong dalawa." inalis na nung teacher namin yung sirang upuan at nilagay niya sa gilid.

"Pero po--"

"Expulsion Mr. Morales?"

"Principal's Office here I go!!!" nakapekeng ngiti pa si Jasper nun.

Alam ko naman na hindi totohanin nung teacher namin yung expulsion na sinasabi niya. Ginawa lang niya yung para mapapunta niya si Jasper kagaya ko sa office. Masyado kasing makulit eh. Basta nakaisip siya ng alibi na pu-puwede, sasabihin niya... gagawin niya.

Sumabay naman siya maglakad sa akin. Hindi naman kalayuan sa classroom namin yung office. Hindi ko siya kinausap dahil galit ako, basta gusto ko lang manahimik. Baka nga last day ko na ito sa school na ito, hindi ko alam. Sino bang makakapagsabi?

"May problema ka ba?" tinanong naman niya ako dahil nakatingin lang ako sa black shoes ko.

"Wala."

"Eh bakit ang tahimik mo?" sinsabi ko na nga ba uulanin na naman ako ng tanong nito.

"Gusto ko lang."

"Bakit mo naman gusto?"

"Kasi wala lang." ang kulit naman niya. "Pwede ba huwag ka muna magtanong? Iniisip ko pa yung problema ko ok?"

"Galing ko talaga. Eh di may problema ka pala?"

Naisip ko rin naman yung sinabi ko. Dahil nga makulit naman siya, hindi ko na lang sinagot.

Nakarating kami kaagad sa tapat ng Principal's Office. May benches sa tapat ng office kung saan pwede kang maghintay kapag hindi mo pa turn. Bigla na lang niya ako hinawakan sa balikat ko.

"Mauuna na ako sa loob para tapos na. Pagkatapos ko, saka ka pumasok. Ayaw niya ng sabay-sabay sa loob eh. Baka lumala pa yung sabihin nila sa uncle ko."

Pumasok naman siya sa loob pagkatapos kung tumango sa kanya. Naupo naman ako doon sa bench at naghintay na lang ng turn ko. Tatawagan nga nila yung Daddy ko. Kung Mommy ko man lang sana ang nasa bahay ok lang kahit papaano ang kalalabasan. Kaso malaki yung possibility na Daddy ko.

Nag-alarm naman na at ibig sabihin eh time na namin para sa second period. Hindi naman ako kinabahan para sa late ng klase. Kung tutuusin, wala nga akong pakialam eh. Mas namromroblema pa ako sa maaaring mangyari ngayon.

Nag-alarm na naman. Natapos na yung next two periods. Absent na kami ni Jasper. Ang tagal-tagal nga niya sa loob eh. Hindi ko alam kung bakit ganun. Ano bang ginagawa nila? Ano bang pagtawag ang ginagawa? Hindi ba kinakausap ka lang naman sa loob, tapos tapos na?

Pumasok naman si Mam Amy sa loob at tumango lang din sa akin as a sign na nakita niya ako. Hindi katulad ni Jasper, lumabas din siya kaagad.

Alarm na naman. Nagsisimula na akong mainip sa labas kakahintay doon. Nagsisilabasan na rin yung mga estudyante para sa lunch break nila.

After 10 minutes or so, finally, lumabas na rin si Jasper. Tumingin lang siya sa akin, tapos dumire-diretso na umalis. Ano na naman yun? Wala man lang good luck or bye or anything?

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Mabuti pang malaman ko na yung simoy ng hangin dito.

Lumingon yung Principal nung pumasok ako sa loob. Nakangiti pa siya sa akin.

"Can I help you... Miss Lopez?" kilala niya ako?

"Uhmmm.. kakausapin niyo po ako right? Sa punishment ko?"

Nagulat naman siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Punishment? Anong sinasabi mo?"

"Yung sa upuan po ni Mam Amy. Sinabi po kasi niya pumunta daw dito at tatawagan daw yung parents ko."

Umupo siya sa upuan niya at ngumiti sa akin.

"Hindi na kailangan yun Miss Lopez. Sinabi na sa amin ni Mr. Morales yung totoo.."

Ngayon naman, ako yung nagulat sa kanya.

"Teka.. ano po? Anong totoo?"

"Na wala kang kinalaman doon sa upuan. Kaya sa ngayon, siya lang yung mabibigyan ng punishment. Tinawagan na namin yung uncle niya, at magkamag-anak nga sila. Tawa lang ng tawa yung uncle niya na parang wala lang at may kalokohan yung pamangkin niya."

"Pero po, ako po yung nagsabi sa kanya na..." hindi ko tinuloy yung sinabi ko. Ako yung nagsabi sa kanya na magpapansin. Although idea niya pa rin yun, may kinalaman pa rin ako.

I'm off the hook. Just like that?!? I think I deserve something. Anything. Pero kapag wala, parang hindi ako panatag.

"Inako na niya yung kasalanan."

"Oo nga po eh.. pero.."

"Gusto mo ba maparusahan din?"

"Hindi po pero--"

"E di ano pang problema?" oo nga naman anong problema.

"Wala naman po. Medyo.." nag-isip isip naman ako. "Ano po bang parusa yung binigay niyo sa kanya? Ma-expel po ba siya or something?"

"Expel? Hindi no."

Ano ba namang klaseng tanong yan Riel?

"Ilang beses na naming pinarusahan si Mr. Morales pero parang hindi rin nadadala. From cafeteria duty to bathroom cleaning.. wala pa rin. So binigyan namin siya ng activity na wala sa interest niya."

"Activity? Akala ko po punishment?"

"The same thing. He doesn't like one activity, then it's like a punishment na pinipilit namin siyang gawin yun."

Gusto ko sanang itanong kung ano. Kaya lang masyado naman na akong insider kaya hindi na rin.

Nagpaalam ako sa Principal at hindi ako makapaniwala na wala akong parusa. Hindi nila tinawagan yung parents ko. Higit sa lahat, mag-stay ako dito.

Pero bakit parang hindi pa rin ako ok?

Nakita kong hindi pa nakakalayo si Jasper kaya tumakbo ako para mahabol ko siya. Akalain mong inako niya yun?

"Jasper!" sumigaw ako doon sa hallway kaya nagtinginan sila sa akin.

Wala naman akong pakialam.

"Jasper!"

Lumingon naman siya?

"What?!?" hindi naman siya galit. Malakas lang yung pagkakasagot niya.

Ngumiti naman ako nun. Sumabay ako maglakad sa kanya.

Saka naman siya nagsalita.

"Parang kang ewan alam mo yun?"

Tumingin ako sa kanya.

"Ano na naman ginawa ko?"

"Yung mukha mo kasi.." tapos tumawa siya.

Hinawakan ko yung mukha ko. Tapos may dinagdag siya.

"Hindi, wala kang dumi sa mukha. Mukha kang ewan kasi..." huminto siya saglit, "Bakit ka nakangiti?"

Yun lang pala yun. Siguro nga tama siya. Nakangiti ako pero hindi niya alam yung dahilan.

"Sinabi kasi nung principal na hindi na ako mapaparusahan. Ni-hindi nga daw nila tatawagan yung parents ko."

"Really?!?" kunwari nagulat pa siya.

"Yeah. Hindi pa nga niya alam nung simula kung bakit ako nandun."

Nanahimik naman siya. Ako naman eh tumingin sa kanya kasi nakatingin na siya ng diretso.

"Baka sinabi ni Mam Amy na wala kang kasalanan.. ganun.."

"Siguro..." ayaw niyang sabihin sa akin na inako niya? "So.. ano namang punishment mo?"

"It's terrible."

"May mas masama pa ba sa paglilinis ng banyo?"

Nakasimangot na siya.

"Oo naman no! It's that stinking Theater Club na walang naman member!"

Tumawa ako ng malakas nun. Theater Club?

"Hindi mo ba interest yun?"

"Yuck. That's so gay.." mukhang punishment nga yung sinasabi ng principal.

"Anong gagawin mo doon? Aarte ka?"

"Ewan ko. Baka gagawin yung 'Romeo oh Romeo' " nagboses babae siya.

"Hindi ka bagay mag-Juliet."

Tapos tumingin naman siya sa akin.

"Hey.. I just got an idea.."

Napakunut-noo ako sa kanya.

"Tama!"

"Alin ang tama?"

"Pwede bang---"

"Pilitin mo mag-lead si Kay kasama ako?" pwede bang ibang tao na lang??? ***13*** Nakakainis naman itong tao na ito. Sa lahat naman din naman ng TORPE, siya na ang PINAKA. Teka, torpe naman ang tawag doon 'di ba? Hindi naman siya makaamin. At take note, wala siyang experience sa bagay na ganito.

WEIRD.

"Hindi ko gagawin yun no!"

"Bakit naman?" nagtaka naman siya sa akin.

"Syempre, hindi naman interest ni Kay ang theater. Buti sana kung makinig sa akin yun. At kung interested man siya sa Theater, e di sana noon pa siya ng sign-up sa club. Kita mo namang hindi.." binilisan ko na naman yung lakad ko.

"Dali na kasi." hindi ko pa rin siya pinansin at dire-diretso lang ako, "Sige naman na! Kayang-kaya mo naman yun eh! Pinsan mo kaya siya!"

"Pinsan ko nga siya pero hindi naman laging nakikinig sa akin yun no!" tinakpan ko naman yung tenga ko.

"Riel naman!" humabol pa talaga sa akin yan..

Lalo kong tinakpan yung tenga ko.

"Blah.. blah.. blah.. hindi kita naririnig! Beh.. beh..beh..." nakatingin ako sa itaas, "La...la...la..."

"Sige naman na oh! Szarielle naman may tiwala ako sa iyo! Kaya mo yun!"

"La..la la.." napahinto naman ako, "Anong sabi mo?"

Huminto rin siya nun at parang ewan yung expression ng mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin.

"Na kayang-kaya mo yun?" parang wala siya sa sarili niya.

"Hindi, bago pa yun..."

"Na may tiwala ako sa iyo?" ako pa ang tinanong.

"Nope.. before that."

Nainis naman siya sa akin dahil hindi na rin niya maalala.

"Ewan ko! Di ko na matandaan."

"You called me Szarielle.."

Tumingin-tingin siya sa gilid niya at lumapit sa akin para bumulong.

"Bakit bawal ba yun?"

"Tangek!" binatukan ko nga ng malakas. "Hindi no." tumigil ako ng kaunti, "It's just that, hindi mo ko tinatawag sa buo kong pangalan. And you got it right." sumabay na uli siya maglakad.

Kakalakad namin nun, nakarating din naman kami sa classroom. Ewan ko ba kung bakit sadyang big deal sa akin na tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Siguro nga mas sanay lang ako ng Arielle, Riel, A.L., or even San Juanica.

Eksakto namang pagbalik namin eh palabas na para sa lunch si Kay. Ewan ko ba, coincidence na rin siguro na lumabas siya, at nagkataon namang sinisiko-siko ako ni Jasper.

Si Carlo naman eh tumatawa sa amin dahil alam niya na nasa trouble kami. Siya kasi pinaka-witness ng nangyari kanina.

"Oi bruha ka! Saan ka nanggaling? Pinapakaba mo ako ah!" halata mong para akong sinesermonan ng pinsan ko.

"Sa office." sabi ko naman.

"PRINCIPAL's.. to be precise." dinagdagan pa ni Carlo.

"Shut up Carlo!"

Nanlaki yung mata ni Kay sa akin at humawak sa magkabilang balikat ko.

"PRINCIPAL's OFFICE?? ANONG NANGYARI?"

Napaka-OA naman talaga ng pinsan ko. Si Jasper naman sumabat.

"Alam mo Kay, yung mga magagaling umarte tulad mo, katulad ngayon.. pwedeng-pwede sumali sa--" tinignan ko siya ng masama, "Mamaya na lang Kay!"

Humarap ako kay Kay.

"Sabi nila tatawagan yung parents ko.."

"WHAT?!? Anong sabi ng DADDY mo?"

Binigyan ko siya ng 'tumahimik-ka-nga-or-else' look.

"I mean, TATAY mo?"

"Walang sinabi kasi hindi naman tinawagan tatay niya. Ako lang in-trouble.." siya na sumagot sa akin, "So what do you say kung sasali ka sa Theater Club?" "Theater Club?" tumingin naman si Kay sa akin, "Anong meron?"

"Aarte.."

Tinaas ko lang yung dalawang balikat ko na parang sinasabing, 'Ewan.'

"Sure."

Bigla akong na-choke nun. Kanina lang sinasabi ko kay Jasper na hindi niya interest yun tapos ngayon ganun-ganon na lang siya umoo?

"Sure, as in YES sasali ka?" mukhang excited naman siya.

"Yeah. Of course. Kung sasali si pinsan ko, sasali ako."

Biglang humarap si Jasper sa akin at tinitigan talaga ako sa mata.

"Syempre sasali si Riel. HINDI BA RIEL???" inemphasize niya yung tanong niya.

"Ako?" tinuro ko naman yung sarili ko. "Ayoko nga."

Parang naiinis na si Jasper sa akin nun. Totoo naman eh, ayokong sumali. Kanina lang si Kay ang gusto niyang kausapin ko, ngayon sa akin pa rin pala babagsak yung pangungulit niya.

"Ayoko nga ang kulit mo!"

Tumalikod uli si Jasper tapos humarap kay Kay.

"Ok, umoo na siya."

"Hindi ako umoo!"

"Cool." sabi naman ni Kay.

Kaya pala ang sarap nilang pagsamahin na dalawa eh no? Kung alam lang nila...

"Ano ba yung story?" hindi naman ako nakikinig nun.

"Beauty and the Beast. You know the rest."

Akala ko ba hindi ako nakikinig? Eh bakit narinig ko yata yun?

"Beauty and the Beast? Sabi mo Romeo and Juliet?"

"I'm speaking in general. Kapag sinabi mong Romeo oh Romeo, anong pumapasok sa utak mo? Theater right? So get over with. Kasali ka na."

"Wow! So it'll be musical?"

"Yeah."

"I'm in!" nakangiti naman si Kay.

Tumingin si Jasper kay Carlo.

"Ikaw?"

"Sige. Supporting role na lang." tatahi-tahimik naman si Carlo.

"Ok. It's settled then." tuwang-tuwa naman si Jasper.

"Ayos. Ngayon lang ako makakasali sa Theater, musical pa." tumabi si Kay sa akin at humawak sa kamay ko, "You'll do fine couz. I'll be the TEAPOT."

"Oo nga naman..." nagbuild-up pa si Jasper.

Kaya lang, parehas kaming nagulat ni Jasper.

"Hey WHAT?"

"I'll be the teapot! Sabi ko kasali ako, it doesn't mean I'm the lead role right?" tinulak pa ako ni Kay, "You're the lead."

"Pero ikaw dapat--"

Tumingin ako ng masama kay Jasper nun. Bwisit talaga!!!

"Hoy, wala akong kasalanan!"

"You horrible BEAST!!!" yun lang ang unang pumasok sa utak ko.

"Oh hey hey hey.. hindi mo naman siguro ineexpect na irereturn ko yung insult at i-address kita ng BEAUTY?"

Nanlilisik na siguro yung mata ko nun.

"I'm out."

"Huh?" nagulat si Kay, "Kung ayaw mo, ayoko na rin."

"Oh come on!" nakapekeng ngiti si Jasper at umakbay sa akin, "She's in."

Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa balikat ko kaya napalapit ako sa kanya.

"Right, BEAUTY??" sarcastic smile pa yun.

***

Tinulak ko nga siya ng malakas. Feeling close masyado. Selfish pa. Iniisip lang yung sarili niya. Ang sama ng ugali. Masyado!

"Ayoko nga!"

"KJ nito."

"KJ na kung KJ.. basta ayoko.." dumikit naman ako kay Kay.

Tumingin si Jasper sa akin na nakakaloko.

"Alam ko na!" sabi niya parang nang-aasar, "Alam ko na kung bakit ayaw mong sumali."

"Kapag nalaman mo pwede pakisabi sa akin?!?"

"Alam ko na kung bakit. Huwag ka na sumali. 'Di namin kailangan mga walang talent sa pag-arte."

Ang yabang naman nito. Selfish na nga, mayabang pa.

"Excuse me?!?" syempre ipagtatanggol ko naman yung sarili ko, "Feeling mo naman wala akong talent sa pag-arte. Hindi ako pro, pero hindi naman ako mulala sa ganyan."

"Then prove it."

"FINE!!"

Pagkatapos kong sinabi yung eh nag-wave na siya sa amin ni Kay at dumire-diretso kung saan man siya papunta ng lunch. Siraulo yung tao na yun, pinag-iinit yung ulo ko.

Nakatingin pa rin kami ni Kay sa kanya kahit nakalayo na siya. Narinig ko na lang nagsalita yung pinsan ko.

"Pinsan uto-uto ka alam mo?" sabi naman ni Kay sa akin.

"Huwag mong sabihin ikaw rin kaparehas nung taong yun?"

"Hello? Hindi naman sa nilalait kita, pero uto-uto ka nga." tinap niya ako sa balikat ko, "Narinig mo na ba yung term na, 'reverse psychology?' "

"Of course."

Umakbay siya sa akin na para bang kino-comfort niya ako. Isa pa itong pinsan ko, hindi mo maintindihan ang takbo ng utak.

"I'm sorry couz, pero nauto ka lang ni Jasper."

Mukhang totoo naman yung sinabi ni Kay. Nauto nga siguro ako ni Jasper, pero hindi naman ako basta-basta na lang aatras sa mga sinasabi niya. Syempre, ako pa?!? Competitive ba ako masyado? Hindi naman. May gusto lang ako i-prove sa sarili ko, hindi kay Jasper.

Gusto ko i-prove sa sarili ko na... na may nagagawa rin naman akong ibang bagay.

"Ei, dumating na yung pera galing sa dad mo ah, anong balak mo?"

"Idodonate." nilabas ko yung sobre sa bag ko na pera galing kay Daddy, "Tara lagay na natin doon."

"Idodonate mo talaga? Hindi ka man lang mag-shopping or anything? Kasi alam mo..."

"Mas kailangan ng school kaysa sa akin. Saka yung kisame yata sa science lab nabalitaan ko medyo..." hindi ko naman natapos yung sinasabi ko dahil napigilan naman ako.

"Eh ikaw rin naman kailangan mo ah! Marami ka na kayang nadonate dito. Give it a break." tingnan mo, parang nanay ko no? "Isa pa, ngayon mo ilalagay yan sa donation box? Eh kung may makakita sa iyo?"

"Ito na naman yung issue?"

"Oo. Pinapagod mo lang sarili mo para magtrabaho tapos may pera ka naman. Lukaret ka!" binatukan pa ako.

"O sige, 1 month akong walang gagawin, walang idodonate. Pero last na muna ito, please naman!" ewan ko ba, di ko mapigilan yung sarili ko, "Saka lunch break na, tiyak siguro wala naman makakakita sa akin."

"Mamayang hapon na lang. Tapos magbihis ka ng walang makakakilala sa iyo pwede?"

Dahil hindi na naman ako manalo kay Kay, pumayag na ako sa kanya na mamayang hapon na lang at uwian na ako magdo-donate. Sabagay, may point din naman siya. Kung ngayon ko dadalhin yung pera, baka nga may makapansin sa amin. Mahirap na mag take ng chances.

Kumain kami nun sa cafeteria. Si Jasper nun eh nanulpit na naman. Nakakainis na nga yung tao na yun eh. Syempre pinagalitan siya ni Kay, pero tiyak gustung-gusto niya yun dahil napapansin siya kahit pagalit.

Nagklase kami nung hapon. First period namin ng afternoon classes eh inaantok-antok pa talaga ako. Pero yung second namin eh Calculus kaya medyo nabuhayan yung dugo ko at ang hirap-hirap naman pala nun.

"Ano daw?" tinanong ko naman si Ronnie dahil siya yung katabi ko.

"Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin."

"Ooh.. gee thanks Ronnie." tapos sumandal uli ako sa desk ko.

Naramdaman ko naman na may nag-lean doon sa upuan ko. Hindi na ako lumingon dahil nakakatamad. Isa lang naman yung tao sa likod ko eh.

"Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin..." inulit naman niya yung sinabi ni Ronnie.

"Ano na namang drama mo Morales?"

"Wala bang thank you??" bakit naman ako magtha-thank you sa kanya?

"Bakit naman? May naitulong ka ba?"

Nag-snap siya doon.

"Sayang naman." hindi pa rin siya tumatayo doon sa pagkakaupo niya, "So anong next step mo maliban sa pagpapansin?"

Dahil nga ang kulit-kulit at wala ako sa mood, tumayo na lang ako nun at iniwan ko siya. Sinabihan ko siya na kakain lang ako sa labas at mamaya na lang siya mangulit.

Nasa labas si Kay nun at nakikanta doon sa mga taga ibang section na may hawak ng gitara. Hindi naman talaga ganun kagaling si Kay sa pagkanta, pero maganda rin ang boses niya. Hamak naman sigurong mas ok kaysa sa boses ko. Honestly, hindi pa ko nakakakanta ng public except sa banyo namin. Ewan ko, mahiyain lang siguro ako pagdating sa ganyan.

Tumayo naman ako doon sa gilid nila at nakinig ako. Tumigil sa pagtugtog yung lalaki na hindi ko kilala at nag-acapella nal ang sila. Kinanta nila yung 'Fallen' ni Janno.

Ayos nga eh, nakaka-relax.

"Wow couz, galing natin ah!" pinuri ko naman siya nung natapos yung kanta.

"Ikaw nga?!? Matagal na kitang di naririnig kumanta."

"Ayoko.. saka na lang."

"Dali na.." siniko naman niya ako.

"Chorus lang ha!" tapos sinabi ko doon sa lalaki yung kanta para tugtugin niya sa gitara. Chorus lang naman yung gusto ko para maikli.

Syempre, nahihiya pa ako nung simula, at nahihiya pa rin ako nung talagang kumanta na ako. Ewan. Ang gulo ko.

"Ang pag-ibig kong ito. Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo Kaya't sa Maykapal tuwinay dalangin ko Sana'y, kapalaran ko ay magbago."

Pagkatapos nung chorus na parang napadaan lang eh tumigil na ako.

"Ayoko na. Yun na yun."

"Ayos nga eh." tapos napansin kong biglang tumawa si Kay at nakatingin sa likuran ko.

Nanlaki yung mata niya sa akin na parang may sinasabi siya sa akin na nasa likod ko. Syempre, alam kong may tao doon. Alam ko namang gugulatin lang ako kung sino man yun....

Kaya ang ginawa ko... nag-turn ako.

I didn't know that... that was a very bad move. Hindi dapat ako nag-turn. Ano bang word na pwede kong i-describe sa naramdaman ko? Scared? Mortified? Stupified? Petrified?

Yep.. petrified. It was horrible. Saka lang ako napaatras nun. Nawala na ako sa sarili ko.

"OH MY GOD! Nag-kiss kayo?" nagulat lahat ng nasa hallway kaya nagtinginan lahat sa amin.

Ako naman eh parang shocked pa rin sa mga nangyayari. Hinawakan ko yung lips ko. Hindi ko talaga inaasahan yun. Nasa likod ko kasi siya at balak niyang tusukin sana ng daliri niya yung pisngi ko kapag lumingon ako. Pero dahil hindi pa nga siya nakaayos... masama yung naging turn ko..

Eksakto.

"I.. uh.. h-hindi." nag-deny pa ako.

"Nakita kaya namin yun!" tapos tumingin siya sa gilid at nakitango lang yung iba.

Parang nakakatawa lang sa kanila yun. Ako naman eh.. ewan. Nanginginig na yung buong katawan ko.

"H-hindi ko naman sinasadya. Akala ko.."

"That was.... that was.." si Jasper eh nakatayo lang doon sa harapan ko. "That was just.. uh.. just..."

"Siraulo ka Jasper! Ikaw kasi eh."

"Bakit ka kasi bigla-bigla na lang lumilingon?" sinabi niya sa akin.

"Eh bakit naman kasi nasa likod ka niya?" tapos lumapit sa akin si Kay at bumulong, "Couz, first mo yun?"

Dahil nga hindi na ako makapag-isip ng tama, hindi na rin ako sumagot.

"That was very disturbing!!!" hindi mo maintindihan yung expression ng mukha niya.

Tawa ng tawa si Carlo nun sa gilid. Namumula na yung mukha niya at hawak niya yung tiyan niya.

"Manloloko lang sana si Jasper, palpak pa!"

"Carlo... ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo yung salitang SHUT UP?"

Dahil ayoko naman na mukha akong ewan doon, mabuti na siguro na magsalita ako na parang walang nangyari. Bakit ba kasi ako lumingon.

BWISIT!!! First kiss? Nasayang. Inimagine ko pa man din na ayos yung first kiss ko.. HINDI SA HALLWAY!!!

Mabuti na sigurong maging mahinahon ako.

"BADTRIP KA NAMAN KASI JASPER EH!!!" tinulak ko siya, "BAKIT KA KASI NASA LIKOD KO!" tinulak ko uli, "ALAM MO NAMAN NA MAY POSSIBILITY NA LUMINGON AKO TAPOS YUNG MUKHA MO ILALAPIT MO PA!!! BWISIT!! ASAR! KANIS!! ARRRGGGHHH!" ewan ko ba, asar na asar talaga ako. Siguro ganun lang talaga kapag awkward yung pakiramdam.

"First kiss yata ni Jasper yun eh!!" inasar naman si Jasper ni Carlo.

"Cousin?!? Ikaw rin 'di ba? Wala ka namang binabanggit."

"Iba na ito! Next level na!" tapos inakbayan lumapit siya kay Jasper, "Binata na si Jasper, may first kiss na." nakangiti pa siya,"First kiss niyo ang isa't isa?" tumawa naman si Carlo.

"Oo nga, namumula si Riel!!"

Nag-step ako papalayo at nag-step din papalayo si Jasper sa akin. Nagtinginan kaming dalawa nun.

"SIYA?" tinuro ko siya at tinuro niya ako, "FIRST KISS KO?"

Sabay pa kaming sumagot.

"HINDI NO!!!" tapos iniwas niya yung tingin niya. ***14*** Wala pa rin ako sa sarili ko hanggang sa makauwi kami ng hapon ni Kay. Hindi ko naman kasi masyadong inaasahan yung mga nangyayari. Bakit ba naganap yun? Super duper badtrip talaga. Tapos ngayon medyo naiilang pa akong makita si Jasper.

Sino ba namang hindi kung sa iyo naman nangyari yun? Kanina nga binabrainwash ko yung sarili ko na, 'Accident yun' o kaya naman, 'Friendly kiss?', or just simply, 'Kalimutan mo na lang.'

Unfortunately, walang nag-work.

Katulad nga nung sinabi ko kay Kay kanina, nagbihis lang ako nun sa room namin at nanguha ako ng sumbrero at shades. Mahirap na magbaka-sakali. Ayoko na rin kasing mag-utos ng bata at baka makilala rin ako, kapag nangyari yun... lagot na.

Kinuha ko yung P3,000 galing kay Daddy at nilagay ko sa sobre. Naglagay lang ako ng maliit na note sa loob: 'Science Lab', tapos sinara ko na at nilagyan ko ng maliit na A.L. doon sa gilid.

Lumakad ako ng mabilis sa school. Natural lang ang ginawa ko para hindi halatang may agenda ako. Pagkatapos nun eh nasa tapat na ako ng gate. Nabasa ko na yung DONATION BOX at bago ko pa ihinulog, tumingin-tingin muna ako sa gilid para walang makakita.

And the coast is clear. Hinulog ko yung sobre sa loob.

Dahil nga naisipan kong kumain, dadaan sana ako doon sa Ice Cream Parlor malapit sa school. Ewan ko ba, napaka-uneasy ng pakiramdam ko. Kaya ayun, lumingon ako sa likuran ko at feeling ko may nakatingin sa akin. Walang tao. Kinilabutan tuloy ako.

Naglabas naman ako ng pera at binilisan ko yung lakad ko. At yun nga, pakiramdam ko naman may sumusunod sa akin. Lumingon uli ako sa likod ko pero wala pa rin. Tumakbo na ako nun. Saka ko narinig na may ingay sa likod kaya napatunayan ko lang na may sumusunod talaga sa akin.

'MISS! SANDALI LANG!'

Hindi talaga ako lumingon. Hingal na hingal na ako nun. Liko dito at liko doon ang ginawa ko. Ang layo ng direksiyon na napuntahan ko sa Ice Cream Parlor. Tumingin ako sa gilid kung may sumusunod pa rin. Wala na yata....

saka naman...

"AHHHHHHHHHH!!!" nagulat ako nung biglang nag-ring yung phone ko.

Text lang pala ang OA ko naman.

'uwi k n nga gabi n' si Kay lang pala.

Pagkatapos kong binasa yung text niya, napahawak na lang ako doon sa dibdib ko.

PHEW! That was close.

***

"Hoy!" narinig kong sumisigaw si Jasper doon sa bintana galing sa labas. "Pssst! Hoy!"

Nagsusulat naman ako nun at wala ako sa sarili ko. Pakialam ko ba kung sino tinatawag niya.

"Ito kamo mapili! Gusto pa niya BEAUTY pa itawag. PSSST!! BEAST!"

Ako pala tinatawag niya?

"Siraulong 'to, ikaw ang Beast sa ating dalawa." sumandal ako sa upuan ko, "Ano na namang kailangan mo Morales?"

"Bakit ba pinipilit mong sanayin ang sarili mo na Morales ang itawag sa akin? Jasper name ko."

"Name mo rin naman yung Morales eh."

"Pasaway ka? First name ibig sabihin ko!"

"Liliwanagin mo. Di mo sinasabi kung anong klase ng name..may surname, first name at nickname." tumawa ako, "So what now.. BEAST?"

Nakatingin siya sa akin parang gusto niya akong asarin pero hindi niya ginawa.

"Marunong ka ba kumanta?" tinanong niya ako, "Kasi Musical yun. Kapag napahiya ka..." huminto siya, "MAPAPAHIYA KA."

Hinampas ko nga sa braso niya.

"Aray ko masakit yun ah!" hinawakan niya yung braso niya.

"Akala ko pa man din sasabihin mo, kapag napahiya ka, dadamayan mo ko."

"Bakit naman kita dadamayan? E di napahiya rin ako?" ni-rub pa rin niya yung braso niya, "As I was saying, marunong ka ba kumanta?"

"Sa banyo.. oo." totoo naman eh.

"Kailangan mo kumanta bago ka pumunta doon. Baka sabihin nagre-recruit ako ng talent na walang kwenta.." ang sakit magsalita nito ah! "Kanta na.. kahit ano."

"Bakit ako kakanta?"

"Basta kumanta ka!" sinisigawan ako?

"Fine!" tapos huminga ako ng malalim, "Old Mcdonald had a farm.."

Binatukan ba naman ako.

"Pwede yung hindi naman pambata?"

"Sabi mo kasi kahit ano eh!" tinulak ko siya at inayos ko yung buhok ko.

Nag-isip naman ako ng kanta.

"It's been quite a while You've really kept me wanting you You've got some style, it's so unique So beautiful, so warm so deep." Seryoso lang siya doon at wala namang masamang comment sa kanta ko kaya dumeretso na ako.

"Stay with me tonight Let me know what kind of love That will remain, forever be A dream that had become reality" Tumingin na lang ako sa desk ko. Acapella kasi, kaya nakakahiya.

"Loving you, ooh. Is such an easy thing to do No you, never know It's driving me crazy coz it grows and grows No I won't let it stop No I'm not giving up Lovin' you.. just a bit too much." huminto na talaga ko ng tuluyan, "Ayun na!"

Nakatingin lang siya nun at nakakunot na yung noo niya. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Ang awkward naman.

Nag-snap ako sa harapan niya.

"Baka gusto mo magsalita? Comments? Suggestions?" tapos narealize ko yung sinabi ko, "Huwag na pala suggestion. Comment na lang."

Yung itsura niya nun eh parang natauhan. Tapos nakatitig sa akin.

"WOW."

WOW? Nagustuhan niya? Wow as in, wow ang ganda ng boses mo? Wow as in ang galing mo?

"Really?"

"Yeah. Wow." ngumiti naman ako, "That was awful." tapos tumawa naman siya.

Hinampas ko talaga siya ng malakas nun.

"Alam mo hindi ako madalas kumanta, pero at least 'di ba dapat mabait ka sa akin kaso hindi eh.." tumayo na ako sa upuan ko.

"Bakit ba siniseryoso mo lagi sinasabi ko?"

"Eh kasi seryoso ka tapos---" tumingin ako sa kanya, "Biro mo lang yun?"

"Oo na bahala na.." yun lang sinabi niya, "Pwede ka na rin pag-tiyagaan."

"Ang sama mo no?"

"Oo nga eh." naki-ayon pa sa akin.

Papalabas na sana ako ng classroom nun at si Jasper naman eh nakaupo pa rin doon sa upuan na katabi nung sa akin.

"HEY RIEL!!"

"WHAT?!?" yung boses ko nun parang naiirita.

"Bakit ba ang sungit mo? Ang bata-bata mo pa para kang nagmemenopose na matanda!"

"Oo na oo na." tumingin uli ako kanya, "Ano na nga uli?"

"Kahapon.. alam mo yun... ahh.." hindi siya tumingin sa akin, "May nakita ka ba dito sa school kahapon?"

"What do you mean? After school?"

"Oo."

"Umuwi kami ni Kay ng maaga eh." na-curious naman ako sa kanya, "Bakit mo natanong?"

"Remember nung may cafeteria duty tayo, napag-usapan natin si A.L.?"

Kinabahan naman ako nun. 'Di kaya siya yung sumunod sa akin kahapon?

"Err.. oo."

"Tingin ko tama ka. Tingin ko babae siya." seryoso talaga siya nito at bihirang mangyari yun.

"Paano mo naman.. n-nalaman yun?"

"Kahapon kasi may nakita akong babaeng naghulog ng sobre sa donation box. Eh wala namang masyadong nagdodonate doon maliban doon sa A.L. It could be her.. right?"

"HINDI KAYA! Malay mo.. malay mo ibang tao."

"Siguro nga. Sinundan ko nga sya eh." sinasabi ko na nga ba siya yun, "Kaya lang ang bilis tumakbo. Naka sumbrero siya saka naka-shades."

Oh my God! Mabuti na lang nakaganun ako.

"I wonder what she looks like.."

"Naku hindi ka nagwo-wonder I'm sure."

Tumingin siya sa akin.

"Matangkad nga siya eh.. about.. your height."

Tumawa namana ko nun pero peke lang.

"Talaga?" naku ibahin mo na yung usapan, "Lalabas lang ako ah.."

"At yung buhok niya medyo mahaba... parang sa iyo."

"Grabe naman no? O sige labas na ko ah.."

"And yung body built niya... teka.."

Tumingin siya sa akin at tinitigan ako.

"Same height, same hair, same body built..." nagtataka na siya nun..

Kinakabahan na ako. Tapos sinabi niyang...

"Don't tell me kamag-anak mo siya?" sus akala ko pa naman!!!! ***15*** Nawala yung kaba ko nun. Nakangiti lang si Jasper pero biglang nagseryoso.

Matalino ba ito o ano? Eh ang lakas ng tama sa utak. Pero mabuti na rin na hindi niya tinanong kung ako ba si A.L. dahil hindi ko rin ma-take na sumagot sa mga tanong niya.

Tapos tinitigan na naman niya ako. Then, umiling lang siya. Bigla ring tumawa.

Siraulo?

"Ano na namang nangyari sa iyo?" nakakapagtaka na itong tao na ito.

"Nah.. hindi pwedeng ikaw." titingin siya uli sa akin, tapos iiling.

Tumalikod na ako nun. That's it ARIELLE LOPEZ. Li-lo ka muna. Huwag ka muna magdo-donate sa school. Tama si Kay, makikilala ka nila. Mabuti siguro na hindi muna.

"Sige pala! Labas muna ako!"

Alam kong nakakahalata na siya nun. Hello? Ganun ba kahalata para malaman niya? Pero I'm sure, maiiisip din niya na hindi nga ako yun kasi S ang alam niyang simula ng name ko, hindi A. Nakatulong din ang pag-disguise ng name.

Tumakbo talaga ako ng malayo at gusto kong hanapin si Kay. Grabe, kailangan ko talaga ang pinsan ko.

"KAAAAYYYY!" nakita kong nandun siya sa kabilang dulo.

Nagtinginan yung mga nasa hallway. Wala akong pakialam. Basta gusto kong sumigaw. Si Kay naman eh tumakbo rin sa direksiyon ko.

Nung nakalapit na siya, bumulong naman sa akin.

"Cousin, narinig mo na ba yung salitang: 'Mahinhin?' "

"Anong koneksiyon nun sa pagsigaw ko?" isa pa ito magulo rin, "Anyways.. we have a very big problem."

"Ano?!?" parang siya kinabahan din.

"Tingin ko nakakahalata si Jasper na ako si A.L."

"Anong problema doon? Eh ikaw naman talaga si A.L." tapos tinalikuran ako. "Big shocker there!"

Tinignan ko sya ng masama. Akala ko pa man din iko-comfort ako.

"Ok fine. Ano balak mo?"

"I don't know.."

"Paano niya nalaman?"

"Sinundan niya ko kahapon!" tumingin ako sa paanan ko.

"Oo nga pala maiba ako, may practice daw mamaya."

Nagulat naman ako sa kanya. Practice ng alin?

"Ng ano?"

"Theater!" binatukan na naman ako, "Lola ka na ba at nagiging makakalimutin ka?"

Tumingin si Kay doon sa relo niya. Hindi ko rin alam kung anong oras na.

"Oops,... my bad. Yung MAMAYA pala na tinutukoy ko eh ngayon na. Tara na sa taas.." tapos hinila niya ko.

"KAAAYYY! Ayoko na. Backout na ko. Ayoko na!"

Hinila niya ako ng hinila hanggang sa makarating kami sa auditorium. Ang dilim na naman doon sa loob maliban sa ilaw sa stage. Ang maganda lang dito, aircon eh.

May mga tao naman na doon sa stage at hindi ko kilala yung karamihan. Si Carlo eh nakaupo doon sa isang sulok at si Jasper eh nandun na rin.

Ang bilis niya no?

"Late kayo! Alam niyo ba na ang kanina pa ang Calltime? Anong oras na?"

"8:04?!?" sumagot naman si Kay.

"Exactly!!!" sabi niya tapos tinuro kami parehas, "4 minutes late kayo."

Biglang may babae naman na dumaan sa gitna. Yung theater instructor.

"Ok tama na yan Mr. Morales."

"Sorry po Mam."

Sabi ko na nga ba eh feeling president na naman itong tao na ito.

"Ladies lumapit kayo dito.." nag-signal naman sa amin.

Parang ang bigat ng mga hakbang ko hanggang sa makarating ako sa stage.

"Oo nga lumapit kayo dito.." inulit niya yung sinabi.

Umupo naman kami doon sa stage kasama nung ibang mga students na hindi namin kialala. Tama nga sila, konti lang ang member ng theater club. Kung wala pa siguro kaming apat dito, ilan-ilan na lang silang maiiwan.

"Ngayon, orientation lang tayo. Characters, and script." tapos huminto yung teacher, "So liwanagin muna natin ah. Ang magiging Beast natin eh si Mr. Morales?" tumango sya kay Jasper.

"Syempre po eh!"

"At si Belle eh si..." lumingon siya sa akin, "Miss Lopez?"

Ayoko pa sana nun. Pero hindi na lang ako nagsalita.

"Si Carlo daw si Gaston!"

Pangiti-ngiti lang si Carlo pero wala namang sinabi.

Ayun nga, wala naman kaming ginawa kundi i-assign yung mga characters namin. Unlike doon sa movie, konti lang kami at yung main lang talaga ang ginawa. Yung iba nga, dalawa pa ang role.

Binasa namin yung script. At sa lahat naman ng characters, si Jasper naman ang walang kakwenta-kwenta. As in, babasahin na nga lang... basa pa talaga!!! At nung sinabihan siya na ayusin daw niya, ang sagot ba naman eh masyado lang daw talagang natural yung talent niya.

Kung ako siguro yung teacher, nainis na ko sa kanya.

Nung breaktime naman eh pumunta ako doon sa gilid at nagtetetext ako.

Saglit lang, may nagtext na naman na nakakabwisit.

"muzta k n?"

Yung abnormal na naman na ka-text ko dati.

"nu na naman kelangan mo?" sabi ko doon sa reply ko.

"alm m s txt p lng suplada k."

"so?"

"alm k kng nsan k."

Kilala ba ako nito?

"what do you mean?"

"nsa theater k d ba?"

"err.. yeah." batrip to ah!

"kilala kita no.. intentional text ko dti"

"loko ka! cno ka?"

Hinintay ko yung text niya.

"lst na txt k n 2, lngon k s likod mo.."

Dahil nga nandun ako sa stage, lumingo na naman ako sa likod ko. Kialala pala ako! Bwisit.

"CARLO!!! GRRR!" ***16*** Asar na asar talaga ako kay Carlo nun. Siya pala yung nagtetext sa akin. Nasa likod ko kasi siya nun eh. Tapos tumatawa. Kausap niya kasi yung isa sa mga Theater club member. Tumingin lang siya sa akin, tapos kumaway.

"Eh kung sipain kaya kita?" yun talaga yung unang sinabi ko sa kanya nung makalapit ako.

"Huwag naman! Masakit yun!"

"Gaano ba kalaki ang problema mo at ang lakas mong mang-trip?" tapos tumingin ako doon sa phone, "San mo nakuha yung number ko?"

"Ako?" tinuro niya yung sarili niya.

"Oo, ikaw lang naman kausap ko."

"Nung nasa shop tayo, remember inabot ko sa 'yo yung phone at sinabi kong nahulog mo yata?!? Tinignan ko kasi yung phonebook mo, tapos nandun yung number mo... kaya ayun." nagpaalam siya saglit doon sa kausap niya, "Bakit bawal ba?"

"Hindi. Pero nakakainis lang."

Dumating naman na si Kay nun at may dala-dalang siopao. May drinks din siya na nasa tray kaya lang halatang nahihirapan siyang magbuhat. Para sa lahat na yata yung binili niya eh.

Si Jasper naman eh pumasok at nag-chewing gum pa. Kaway pa ng kaway sa labas at nakangiti na akala mo naman eh artista. Tingnan mo nga naman itong tao na ito, may gusto na nga lang din sa pinsan ko hindi pa alam kung kailan ang tamang oras para tumulong o hindi.

Kaya ang ginawa ko, tumakbo ako doon sa pintuan na kinatatayuan niya.

Bumulong naman ako sa kanya para walang makarinig.

"Hoy, bobo ka?!?" ay ganun talaga yung dialogue ko! "Nag-iisip ka ba?" hinampas ko siya doon sa braso niya.

"Ano na namang ginawa ko? Ikaw nagiging hobby mo na yang pananakit. Mag-collect ka na lang selyo ng sobre para 'di mo ko hinahampas lagi..." hinimas na naman niya yung braso niya.

"Kita mo yun?" tinuro ko si Kay, "Dala-dala niya yung tray ng siopao na marami. Dahil marami, mabigat." inisa-isa ko talaga sa kanya para maintindihan niya, "Kita mo naman 'to?" tinuro ko yung mga iced tea doon sa table, "Siya rin nagdala niyan."

"O ngayon?" inosente pa yung itsura niya.

Hahampasin ko na sana siya uli kaya lang umatras siya.

"Hello? Para mapansin ka niya in a good way, kailangan tulungan mo siya!"

"Alam ko yun!" kunwari pa nagpalusot.

"Fine!" sinigawan ko uli, "Pero huwag mo muna ihahatid ngayon baka makahalata na sinabi ko sa iyo. Hintayin mo muna na makaupo ako sa stage kasama nila, at kapag nakita mong balak niyang bumalik dito, pipigilan ko siya at ituturo kita na dinadala mo. In that way, may entrance ka naman!"

"Ok. Got it... " nagpa-cool effect pa siya.

Tumakbo naman ako papuntang stage at si Jasper eh naghihintay doon ng signal ko kung kailan niya dadalhin yung tray na panay iced tea. Katulad nga ng hinala ko, balak na ni Kay bumalik uli para kunin yung tray, kaya lang nag-sign na ako kay Jasper na dalhin na niya.

Naglakad naman ang mokong at todo-ngiti pa talaga yan papunta sa stage kung saan kami nakaupo nila Kay. Si Kay naman eh napansin na dala-dala na niya kaya sinabi niya na ang bait naman daw ni Jasper.

See? My plan's working.

Habang papalapit siya nun, nakakatuwa rin tignan na gentleman effect ang drama niya. This will work out well...

Kaya lang nung malapit na siya sa amin, napansin ko na nanginginig yung kamay niya. Ano ba naman yan?!? Para si Kay lang kailangan pa ba niyang kabahan?

Umakyat siya doon sa hagdan at hindi rin nagtagal...

SPLAASSSSHHHHH!!! Natapon lang naman yung mga inumin. At ang jackpot sa lahat at dahil katabi ko si Kay, ako yung napuruhan. Basang-basa ako nun. Si Kay hindi masyado.

Tinignan ko lang si Jasper. Anak ng tinapay!!!

"Sorry!!! Pasensya na!" nilabas niya yung panyo niya, "Kay, gusto mo gamitin yung panyo ko?"

Ako kaya yung basang-basa dito.. pero ayos lang magpakabait siya sa pinsan ko. Kailangan niya talaga!

"Thanks."

Tumingin si Jasper sa akin na akala mo eh hiyang-hiya. Iniwas niya yung tingin niya.

"Riel, may towels sa clinic." ang sama ng ugali! "As for me, bibili na lang ako uli ng bago."

Nag-step forward naman si Carlo.

"Bro, ako nal ang bibili para sigurado. Pera mo nga lang!" naka-spread naman yung kamay niya sa harapan ni Jasper.

Narinig naman nung teacher yung nangyari. Pero syempre, wala na siyang magagawa. ACCIDENTS DO HAPPEN. At kapag mamalasin ka lang din naman, sa akin pa bumabagsak yung kapalpakan niya. Una yung upuan muntik na tawagan yung parents ko, ngayon naman basa ako ng iced tea? Ano kaya sa susunod?

"Okay lang yan Jasper! Hindi mo naman sinasadya eh.." sabi nung isang babae sa likuran.

Baling naman yung atensiyon niya doon sa babae.

"Tama ka diyan di ko naman sinasadya," tumingin siya uli sa akin tapos sa babae doon uli, "Sino ka naman?"

Tama bang ganun ang itanong? It's kinda' rude. Pero syempre si Jasper siya, expect the worst..

"Mandee Vargas nga pala." tapos kumaway lang siya.

"Pleasure!" tapos sumaludo naman.

Naupo naman siya doon sa bandang gilid. Kaya lang, sinita siya.

"Siguro naman tama lang na samahan mo si Miss Lopez sa clinic dahil ikaw naman ang may gawa niyan.." tinuro niya yung basang uniform ko.

"Naku hindi na po!"

"See? Ayaw niya. Isa pa, kaya naman ni Riel yan. Macho yata ang dating!"

"Ito gusto mo?" nagclose-fist ako sa kanya, "Macho ha!"

"O sige na Miss Lopez, dumeretso ka na sa clinic at maglinis ka doon.."

"Maglinis ka nga doon!" inulit niya uli yung sinabi ng teacher gaya dati. Tumingin yung teacher sa kanya, "Kasama ako!" natakot yata eh.

Syempre dahil nga basang-basa ako at wala ring magagawa si Jasper, sumunod na lang siya hanggang doon sa clinic. May towels nga doon at shirt ng school. At syempre, suot ko na naman yung A.L. shirt. Hangga't maaari nga ayoko. Nakakahalata na nga si Jasper, ganito pa yung shirt ng school.

Tumingin siya sa t-shirt nun tapos sa akin. Hindi na lang siya nagsalita dahil iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

Please lang.. huwag naman niyang isipin na ako yun!!!

Si Kay naman eh tawa ng tawa nung makabalik kami sa auditorium. Nanloko pa na ang ganda raw ng shirt ko. Bagay na bagay sa akin.

"A.L. shirt pa ang suot! Naks naman!"

"Please lang... la namang ganyanan. Nakatingin nga si Jasper kanina.. feeling ko talaga may hinala na siya eh.."

Umupo si Jasper doon sa gilid at nagsimula na ring kumain. Sabay-sabay kasi kaming lahat. Yung teacher eh nakaupo doon sa armchair na nasa gilid. Nagtaas ng kamay si Jasper nun.

"Ano yun Mr. Morales?!?" nakita niya yung kamay ni Jasper na nakataas.

"Mam may tanong lang ako.." nagtinginan kami lahat sa kanya, "What do you think of A.L.?"

Nanlaki yung mata ko kay Jasper nun. Sinasadya ba niya na iparinig sa akin?

"A.L.? Well, kung sino man siya tingin ko napakabuti niyang tao.."

"Kaya nga po 'di ba Mam?!? Eh kayo, tingin niyo rin ang bait niya 'di ba?" tinuro niya yung ibang mga nasa gilid.

Tumango naman yung iba at naki-ayon.

"Ikaw Kay, anong tingin mo kay A.L.?"

Na-choke naman si Kay nun.

"Pakiramdam ko, para ko na siyang kapatid!" siniko ko nga bigla, "Aray ko naman!" sabi niya pero mahina lang.

Ngumiti lang si Jasper.

"Riel yung sauce ng siopao mo malapit nang tumulo," napatingin ako sa siopao ko kaya kinain ko na rin, "Riel, anong tingin mo kay A.L.?"

"Uhmm ah..." hindi ako makatingin sa kanya, "I think she's nice." hindi na ako makapag-comment.

"SHE???" oh my god. "Paano mo nalaman na babae siya?"

"S-sabi mo kasi nakita mo siya 'di ba?" ano ba naman yan Riel!! "Nag-assume lang ako."

Napansin naman ni Kay na nalulunod na ako nun. Kaya tama lang na i-rescue niya ako.

"Bakit ikaw Jasper ano bang tingin mo sa kanya?"

"Hmm.. ako?" tumingin siya sa kisame, "I think she's kind. Ang tiyaga niya.. she's nice and all that. Pero sana magpakilala siya 'di ba? I think everyone will love her.."

Nung natapos magsalita si Jasper, nagsalita na naman yung Mandee kanina.

"Wow Jasper, flattered naman ako sa sinabi mo.."

Hey what?!? Hindi ko yata na-gets yun.

"Excuse me? Flattered saan?"

Nagtinginan kami ni Kay nun.

"Care to explain?"

"Di ba sinabi mo na she's kind and nice and all that. At sinabi mo na magpakilala na KO.."

"You liar!"

"Shhh!" sinabihan ko si Kay.

Nagtinginan kaming lahat sa kanya dahil nanahimik kami.

"Ako si A.L."

Walang makapagsalita nun. Long pause talaga. Tumingin si Jasper sa akin, tapos sa kanya.

"Ikaw?"

Ewan ko ba, ayaw kong malaman nila na ako si A.L. pero di ko makuhang umamin ngayon. Kung nagke-claim siya na siya si A.L...

Then who am I?? ***17***

Hindi na lang ako nagsalita nun. Instead, yumuko na lang ako. Alam na alam ko sa sarili ko na ako si A.L., pero bakit naman sinasabi niya na siya eh.. AKO?

"Gusto mo upakan ko na ito?!?" sabi ni Kay na halatang asar na asar din naman.

"Ano ka ba... okay lang. Malay mo may reason--"

Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko, nagsalita na uli si Kay.

"Reason reason! Bwisit! Ang kapal naman ng mukha niya! Bakit nangunguha siya sa credit ng hindi naman kanya?" hinawakan ko na si Kay dahil baka ano mang oras eh sumugod na rin siya.

Pinatahimik ko na lang si Kay at baka may makarinig pa. Yung iba namang kasama namin doon sa auditorium eh nabaling na lahat ang atensiyon kay Mandee. Ako naman eh tumingin sa kanya, pero hindi na masyado.

"Ikaw pala hija si A.L.?" tumayo naman yung teacher namin at yumakap sa kanya, "Naku, eh kay bait mo naman palang bata ka!"

Yung iba naman eh nag-cheer pa kay Mandee. Nakatodo-ngiti lang din siya. Dahil nga nakabili na rin si Carlo nun ng iced tea, tinaas pa namin yung mga baso namin para sa kanya.

Ewan ko kung anong pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Basta ang alam ko, nakikisabay na lang ako sa kanila. Si Kay halata mong nagpipigil na rin. Hindi rin nagtagal, nagkwento rin yung Mandee.

"Matagal na akong nagdo-donate eh. Ayun, ayoko kasi na ipaalam dahil 'di ba hindi naman kailangan malaman kapag nagdo-donate ka? Supposed to be dapa anonymous, kaya lang laging pinag-uusapan." yun yung sinabi niya.

Parang kwento ko yun ah?!?

"Tapos, hilig ko lang talaga tumulong. Nakakagaan kasi ng loob eh.."

Yung iba naman eh tuwang-tuwa sa kanya.

"Talaga lang!" sarcastic pa yung pagkakasabi ni Kay.

Tumingin si Jasper sa kanya saglit tapos binalik niya yung tingin niya kay Mandee. Hindi tulad kanina, seryoso na talaga siya.

"Kung ikaw talaga si A.L., ano namang ibig sabihin ng A.L.?"

"Oo nga! Ano bang ibig sabihin ha... Mandee Vargas?" halatang hinuhuli siya ni Kay.

"Uhmm.. ahh.. actually, I just made it up. Yung A, for Andee.. galing sa Mandee. Tapos yung L.. uhmm.. galing sa bestfriend ko. Lovely name niya. Magkasama kasi kami dati na nagdo-donate."

Narinig kong bumulong si Jasper sa gilid.

"Andee Lovely?" mahina lang kaya napatingin ako sa kanya, "It's... weird."

"Weird talaga!"

"Hay naku hija, huwag kang mag-alala, ipapaalam ko sa office yung mga pinaggagagawa mo dito sa school at para mabigyan ka naman ng Award." sabi nung teacher namin.

"Hindi na po kailangan!"

"Deserve mo naman."

Pagkatapos naming kumain lahat nagsimula na uli yung practice namin. Wala nga ako sa mood nun eh. Hindi katulad nung unang practice namin na medyo ganado pa ako, ngayon talaga walang kabuhay-buhay. Si Kay nga din eh sinabihan ako kung ano daw ba problema ko, pero syempre.. nahulaan niya rin.

Si Mandee naman eh parang hinakot naman lahat ng kasiyahan sa mundo. Lagi nga siyang kinakausap ni Jasper nun.

Nung pinayagan kami na magpahinga uli at ipasaulo yung lines, gumilid lang ako. Si Kay eh nandun sa kabilang dulo dahil hindi raw siya makapag-concentrate magsaulo ng lines kapag maingay daw sa paligid. Yung iba rin eh kanya-kanyang upo sa auditorum.

Doon ako sa stage naupo. Sinusubukan kong magsaulo pero walang pumapasok sa utak ko. Saglit lang din, may narinig akong nag-uusap sa backstage. Boses ni Jasper at ni Carlo.

"Si Mandee si A.L.?" narinig kong sinabi ni Carlo.

Ano ba yan Riel, huwag ka ngang nakikinig sa usapan ng may usapan!

Pero syempre, hindi ko rin mapigilan yung sarili ko.

"Yeah.. sinabi na nga niya siya yun eh. I thought it was.." humina yung boses niya.

Sino daw yung akala niyang si A.L.?

"Si RIEL?!?" ang lakas ng pagkakasabi ni Carlo kaya napaatras ako.

"Sshh.." pinagbawalan pa siya ni Jasper, "It's a stupid hunch. Kaya nga kanina sinusubukan kong i-corner siya. I mean... gusto ko lang malaman kung siya. Pero hindi rin pala.."

"Paano mo naman naisip na si Riel yun?"

"Ewan ko. Siguro dahil parehas sila nung girl na sinundan ko kahapon. Pero kung titignan mo si Mandee, malayo naman eh. Sabagay, hindi ko rin naman sigurado kung sino nga yung nakita ko.. maybe.. it's just some girl."

"Some girl? Ano bang itsura?"

"Mahaba ang buhok.. about this height..." hindi ko alam kung may hand gesture ba siya, "Slim.. basta.."

"Parang si Riel nga.. pero marami namang magkakahawig sa mundo." huminto lang sila saglit kaya tumingin ako sa papel ko in-case na lumabas sila, "Ano bang tingin mo kay Mandee?"

"Ewan ko ba. Remember sinabi ko sa iyo na.. idol ko kung sino man yung A.L.? Iniisip ko pa nun na lalaki. Then I found out she's a girl, now alam ko na kung sino. Sinabi ko rin kay Riel nun na 'I admire her' or something like that nung hindi pa ko naghihinala sa kanya..." tapos umingay doon sa gitna dahil may bumagsak, "--pinsan niya si Kay. But I think Mandee's got something special. Baka.. alam mo na..."

Hey.. hey.. what about Kay? Hindi ko yata narinig yun?

"Oo nga bro.."

Lalo lang gumulo yung utak ko nun. Bigla-biglang lumabas si Jasper nun sa likod at ako eh umayos na ako ng pagkakaupo. Nakatingin pa siya sa akin nun, kaya kunwari eh ngumiti na lang ako para hindi halatang narinig ko yung pinag-uusapan nila.

Tinapik niya sa balikat si Mandee.

"Good job.."

"Thanks." tapos tumingin din siya kay Carlo at parang nag-eexpect na may sasabihin din.

"What he said." tinuro niya si Jasper.

Pinilit ko mag-focus nun pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Ganun pala talaga kapag yung mga nangyayari eh fresh pa sa utak mo at marami kang iniisip. Mahirap palang gawin yung pagsasaulo ng lines kapag ganun.

Tumabi din si Jasper sa akin pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Ba't ganyan itsura mo? Parang ang tahimik mo ngayon?"

"Wala."

"Okay fine.. sorry kanina. Alam ko medyo pinapahiya kita... pero sorry. Ganun talaga ako. What can I say!" tinaas pa niya yung dalawang kamay niya.

Natawa naman ako pero hindi masyado.

"Ayun si Kay oh!" tinuro ko si Kay na seryoso sa piece niya.

"Yeah.. so?"

"Are you kidding me? Wala ka man lang bang move na hindi naman palpak?"

"Gaya ng?" talagang sa akin pa niya itatanong?

"Hmm... yung.. kausapin mo. Company. Minsan kasi gusto rin naming mga babae ng kausap. At minsan kapag at-ease kami sa guy, nakakapag-open kami sa kanila."

"Nakapag-open ka na ba sa isang guy?"

Napatingin ako sa kanya.

"Not really.. hindi. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Para kasing ang seryo-seryoso mo minsan. Si Kay kasi madalas maingay.." tinignan ko ng masama, "--in a good way." dinagdag niya. "Gusto mo ako mag-open sa iyo? Baka kasi tawanan mo ko."

"Sus.. may nakakatawa ba sa buhay mo?"

"Wala." tumingin siya sa rubber shoes niya, "I uh.. my parents died when I was 3. Yung bro ko when I was 7. Then.. lumaki ako sa uncle ko. Bago ako mag high school, lumipat na ako sa boarding house para hindi malayo sa school." ngumiti naman siya.

"Ang lungkot pala.."

"Ang saya nga eh!"

"Maiba nga pala ako.." tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, "Bakit wala kang alam sa panliligaw?"

"Walang experience eh."

"Bading ka ba?"

Tumawa naman siya ng malakas.

"Ako bading? Mukha ba akong bading?"

"Bakit, may mga bading naman na ngayon na mga cute ah."

"Ibig sabihin cute ako.."

"Kapal mo." sumimangot ako, "Yun lang yung word na unang pumasok sa utak ko."

Nag-uusap lang kami ni Jasper nun nung bumalik yung teacher namin galing sa office. Yun pala eh ipapaalam lang yung awarding daw na plano para kay Mandee. In the end, hindi rin ako nanghinayang. At least ako, hindi nanloloko.

Lumapit naman si Mandee sa akin habang nag-uusap kami ni Jasper.

"Excuse lang ha.." tapos humarap siya sa akin, "Uhmm Riel right? Hindi kasi kilala name mo eh.. anyways.." insulto ba yun? "Alam kasi namin na hindi ka interested sa main role as Beauty, so ako na ang papalit sa iyo."

Umupo ng maayos si Jasper.

"Says who?"

"Si Mam."

"Sure."

"Sure?!?" parang naiirita si Jasper, "Hindi ba masyado namang rude yun? Nasa kanya na yung role papaalisin niyo?"

"Ok lang. Ayoko naman talaga ng lead. You can have it."

"Great. Sa props ka na ngayon, saka ikaw na din taga hila nung curtain."

"Tagahila ng curtain? That's unfair."

"Pero yun yung sinabi eh.."

"Yun ba?" parang ewan na yung itsura niya, "Then.." tumingin siya sa paligid niya, "CARLO! Ikaw na yung lead!"

"Ako?" tinuro ni Carlo yung sarili niya.

"So, minor character na lang ako.. kahit papaano.." tumingin siya sa akin..

"Sasamahan kita sa backstage.." he did what? ***18*** Wala akong ginawa kundi tumingin lang kay Jasper nung sinabi niya yun. Hindi ko rin naman inaasahan na gagawin niya yun. Syempre sinabihan ko siya na ok lang ako at hindi naman na niya kailangang samahan niya ako sa backstage, pero mapilit eh. Si Mandee naman eh mukhang nakasimangot na, tapos nung humarap si Jasper sa kanya eh saka lang siya ngumiti.

Umuwi na kami nun ni Kay at pagod na pagod kami. Ewan ko ba kung bakit sadyang nakakapagod yung araw eh wala naman kaming ginawa kundi magbasa ng lines, magsaulo at i-try yung ibang parts. Pero dahil ngayon at wala naman na akong part sa play, hindi naman na siguro ako masyadong mapapagod dahil sa props section na lang ako.

Nung gabi naman eh nagtext uli si Carlo sa akin. Syempre, sinave ko na yung number niya. Dati kasi binubura ko lang lahat ng messages niya eh. Yung unang-una nga niyang text nun na hindi ko pa siya kilala eh hindi naman ako nag-abala na i-save pa yung number niya.

"Anong balak mo kay Mandee?" tinanong ako ni Kay nung parehas na kaming nakapag-bihis.

"Anong balak? Eh di wala. Meron ba dapat?"

"Hindi ka ba naiinsulto nun? Ikaw yung naghirap sa lahat-lahat! Tapos siya yung mabibigyan ng award?" tinaas niya yung isang paa niya.

"Kind of. Pero naisip ko naman, it's her problem.. not mine. Isa pa, li-lo nga si A.L. this month 'di ba? Which means, hindi muna ako magdodonate. It's up to her na pangatawanan niya." tumingin ako kay Kay, "Mayaman ba si Mandee?"

"Anong malay ko? Close ba kami? Eh sa ugali pa lang niya mukhang hindi na kami magiging close eh!" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Para saan naman yang ngiti na iyan?" nagduda kasi ako sa kanya.

"Hindi ba sa tagahila ka na ng curtains?"

"Yeah.. ngayon?"

"Tapos si Jasper nagpalipat din sa backstage.." tumawa naman siya, "WEIRD."

"What so weird about that?"

"Lahat ba ng lalaki gagawin yun para lang samahan yung isang girl sa backstage?"

"Ewan! Matulog ka na nga!" sinigawan ko nga.

"Asus! Kung hindi ko lang alam, kilala ko na kung sino ang gusto ni Jasper.."

"Oh talaga lang? Pakisabi sa akin kapag sure na sure ka na ah!" inasar ko nga rin.

Natulog na kami ni Kay nun. Ako kasi eh kung anu-ano yung pumapasok sa utak ko nun kaya madaling araw na yata ako nakatulog. Nung ginising ako ni Kay at baka ma-late daw kami, hirap na hirap akong bumangon at idilat yung mata ko.

Nung kinuha ko yung tuwalya ko at papalabas na ako ng kwarto namin, nauntog naman ako. May kasabay pa akong nagsabi ng 'Aray', kaya yun.. si Jasper lang pala na hindi rin tinitignan yung dinadaanan niya.

Pumasok na kami ng maaga sa school. Dumaan lang kami nila Kay sa room para mag-report sa adviser namin na may practice kami sa Theater. Este, sila lang pala. Yung Science teacher namin eh pinagalitan ako, at si Jasper dahil ilang weeks na raw kaming hindi umaattend ng so-called Science Club. Remember naging kasali kami nung nagsagutan kami sa Physics?

Right now, nasa auditorium uli kami at inaantok pa talaga ako.

"Ok, so nagpalit na si Carlo at si Jasper ng role. Si Jasper pwede nang maging Gaston at props. Si cousin ko eh.. curtain and props."

"Miss Lopez.."

Hindi naman ako nakikinig nun pero alam kong tinawag yung pangalan ko. Nagsalita ng nagsalita yung teacher namin pero wala naman akong naintindihan. Oo na lang din ako ng oo at tango ng tango kahit hindi ko naman alam yung sinasabi niya.

Nagulat na lang ako nung tumayo silang lahat at ewan ko kung ano yung napag-usapan. Nasa harap ko naman si Jasper nun.

"Tara na.." sabi niya sa akin.

"Huh? Saan?"

"Hindi ka kasi nakikinig eh!" binatukan ako pero hindi malakas, "Oo ka lang ng oo. Pumayag ka kaya na tayo ang bibili ng props sa mall!"

Yun pala yun. Okay fine! Kulang kasi ako sa tulog kaya ganito yung pag-iisip ko.

Hindi ko na rin namalayan hanggang sa nakasakay na kami sa jeep nun. Konti lang yung tao sa jeep kaya ang sarap ng hangin. Medyo malayo yung mall kaya matagal yata kaming sumakay doon.

Ewan ko na nga ba kung anong nangyari. Hindi nga rin ako nagbayad eh. Nagulat na lang ako nung ginigising na ako ni Jasper.

"Oi! Dito na tayo.." napataas naman yung ulo ko.

Nakasandal na pala ako sa balikat niya. Nagulat nga rin ako kaya tumama yung ulo ko sa bakal.

"Ok ka lang? Parang wala ka sa sarili mo.."

"Kulang kasi sa tulog eh.."

"Halata nga."

Una naming pinuntahan yung National Bookstore kasi merong mga kung anu-ano doon na pwedeng gamitin as props. Ewan ko ba kung may pera bang dala si Jasper o pera ba yun sa Theater. Ayan kasi hindi nakikinig eh!

"So anong kukunin natin?" sa akin siya nagtanong.

"Siguro.. yung pwedeng ilagay sa mga damit. O kaya kuha tayo nung makintab.. nalimutan ko na yung tawag.. para pwede sa crown. Yung iba.. hanapin na lang natin kung anong pwede." tumingin ako sa kabilang direksiyon.

"Hey saan ka pupunta?" humihiwalay na kasi ako sa kanya.

"Titingin ng materials ano pa ba? Kung magkasama tayo baka wala tayong matapos eh!"

"Yeah right! As if may alam ako sa pagdedecide ng designing! Babae ba ako?"

"Homosexual ka naman 'di ba!" inasar ko naman siya.

"Ikaw ha sumosobra ka na! Kahapon ka pa!" mukhang nainis din siya sa akin.

"Sungit nito! Basta bahala ka na!"

"Yeah right bahala ka na rin!"

Dahil hindi ako nakatingin sa likuran ko, bigla na lang akong may tinamaan na kung sino. Ako nga yung napatumba eh. Tapos nakita ko may matanda na sa harapan ko at nahulog yung binibili niyang kung ano.

"Naku sorry po! Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." nakipulot naman ako doon sa nahulog ko.

Lumapit din si Jasper at nakipulot din. Tinulak ko nga sya kaya napatungkod yung isang kamay niya sa gilid.

"Ang sama nito!"

"Tutulong ka pa eh ikaw naman may kasalanan.." teka.. parang mali yung statement ko ah?!?

"Ikaw nga yung bumangga eh.."

Ini-offer ni Jasper yung kamay niya doon sa matanda para makatayo. Kasi naman eh padalos-dalos masyado Riel! Hindi tinitignan yung dadaanan.

"Sorry po talaga ha.. kung nasaktan ko po kayo, sabihin niyo lang.. sorry po."

Tinitigan naman ako nung matandang lalaki. Tapos napakunot-noo siya. Nung una, kinabahan pa ako nun. Tapos hinawakan niya ako sa pisngi ko. Grabe naman itong matandang 'to.. close kami?

"Mam Arielle?" sabi niya sa akin tapos inalis na niya yung kamay niya sa pisngi ko.

"I'm sorry? Magkakilala po ba tayo?"

Si Jasper naman eh lumapit pa lalo. Mukhang interesado naman siya sa naririnig niya.

"Mam?"

Pineke ko naman yung ngiti ko at tinulak ko si Jasper.

"Eh kasi magalang lang siya.. ano eh.. magkasama kami sa pinagtratrabahuhan ko dati..."

Halata kong hindi naniniwala si Jasper nun. Yung matanda naman eh hinila ko sa gilid para hindi marinig yung sasabihin.

"Kilala niyo po ako?"

"Hindi ba anak ka ng mga Lopez?"

"Uhmm.. opo." kinabahan naman ako nun.

"Naku!" tuwang-tuwa naman siya, "Kay ganda mo namang bata ka! Dati akong nagtratrabhao sa Daddy mo kaya lang lumipat na kami ng asawa ko. Kilala ka ng anak ko, sa katunayan gandang-ganda nga siya sa iyo eh. Si Dayday?"

Wala talaga akong matandaan sa sinasabi niya.

"Excuse me lang po ah.." nakialam na si Jasper, "Kaanu-ano niyo po si Riel?"

"Si Mam Riel?"

"Magkasama nga kami sa trabaho!!!"

"Shhh.." tapos humarap siya doon sa matanda, "Kaanu-ano niyo po siya?"

Oh please.. don't tell.. don't tell.. please! Don't tell HIM!!!

"Eh kilalang-kilala ko itong bata na ito eh. Syempre nagtrabaho ako sa kanila dati.."

"Nagtrabaho?"

"Bakit hindi mo ba alam na anak siya ni Sir.. Lopez?"

"Oh yeah.. tatay ko. Lopez apelyido!" hinila ko si Jasper, "Tara na.. bibili na tayo ng gamit."

"Saglit lang.." ang lakas niya kaya nag-stay siya doon, "Ano po yun uli?"

"Nagtrabaho ako sa tatay niya sa farm nila sa Zambales.. ako pa nag-alaga nung kabayo nila.."

Phew! That's much better.

May tumwag naman doon sa matanda na matandang babae rin at pinapalabas na siya. Walang magawa si Jasper kundi hayaan na umalis na lang yung matanda.

Sinuswerte lang ako.

Tumingin si Jasper uli sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko.

"Are you hiding something?"

"Wala!" yun na lang yung sinabi ko.

"Eh bakit ganyan ka kumilos?" seryosong-seryoso siya.

Umatras siya uli, iniwas yung tingin tapos binalik niya uli sa akin.

"Kung may gusto kang sabihin, pwede naman sa akin eh." hindi sya mapakali, "You can trust me. At kung ayaw mong may makaalam, hindi ko sasabihin. You can take my word to it."

Nag-isip naman ako. Mukhang totoo naman yung sinasabi niya.

Should I tell him? Right now?

*** Nakatingin lang siya sa akin nun at naghihintay ng sagot ko. Kahit ako nalilito rin nung mga oras na iyon. Sabi naman niya eh mapapagkatiwalaan ko siya. Siguro nga... seryoso kasi siya masyado.

Kaya ang ginawa ko, binalik ko yung tanong sa kanya.

"Tingin mo ba may tinatago ako?" hindi ko kasi masagot eh.

"Oo! err.. No.. yes.. NO. Ano?!" medyo nalilito rin siya, "Bakit ako kailangan sumagot niyan?"

"Eh sa ating dalawa ikaw lang naman ang nagdududa.."

"Yeah right!" nagisip-isip din siya, "Never mind. Nilito mo lang ako lalo. Hanapin na nga natin yung materials."

Nauna siyang naglakad kaya sinundan ko lang siya. Nakatingin lang ako sa likod niya. Palingon-lingon siya doon sa mga stall kaya nakikita ko yung mukha niya ng sideview.

Hindi ko nga sinabi sa kanya yung totoo. Bakit? Ayoko. Ayoko pa. Siguro kung may balak man akong sabihin yung totoo, malalaman nila dahil naramdaman kong tama na yung time para doon.. hindi dahil tingin nila dapat ko nang sabihin.

Siguro nga mali ako, pero naniniwala ako na hindi lahat ng DAPAT ay TAMA. Dahil kapag lagi kang sumusunod sa iniisip mong DAPAT, hindi ka magiging masaya. Yung nagpapasaya sa iyo, kahit na sa tingin ng iba eh HINDI DAPAT, yun ang TAMA.

Magulo ba? Ngayon kasi, parang yung sinsasabing DAPAT eh sabihin ko na sa kanya yung totoo. Pero yung isang side ko, huwag ko munang sabihin sa kanya yung totoo. Bakit? Dahil sa tingin ko kapag isa ako sa mga "typical kids" mas maeenjoy ko ang lahat. Kapag may social status na, para akong nasa gitna at may malaking pader na nakapalibot sa akin. Siguro nga mahirap intindihin, pero... hindi talaga eh.

"Ito pwede ba?" tinaas niya yung malaking board.

Tumango na lang ako.

In the end, bumili na lang kaming dalawa na sa tingin namin eh makakatulong kahit na hindi naman namin talaga talent ang props ng theater.

Ang dami-rami na naming dala nun. Si Jasper ang nagdala nung mabibigat at medyo malalaki samantalang ako eh yung mga magagaan at maliliit lang. Tawa nga ako ng tawa sa kanya kasi nasa harapan niya yung malaking board kaya hindi niya masyadong nakikita yung dinadaanan niya at kung may tatamaan niya. Kaya ang ginawa namin, ako yung nasa harapan niya at ako yung nag-guide sa kanya.

So far, it worked.

Bumalik na kami doon sa school at dumeretso na kami sa auditorium. Nakita namin yung iba na nagre-rehearse na sila ng lines nila at yung iba naman eh kumakanta. Nung makalapit kami eh narinig naming kumanta si Mandee.

"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to sell.." tapos nilakihan niya yung boses niya, "SELL!!" eh hindi pa rin kumbinsido yung teacher kaya niliitan naman niya, "sell.."

Tapos huminto siya dahil nakatingin lang sa kanya yung teacher at nakahawak sa ulo niya.

"Sabi ko sa iyo Mandee, yung sell pataas.." nakita na niya kami ni Jasper, "Kanina pa kami sa song na yan hindi pa rin niya makuha-kuha. Tatlong kanta na nga lang ang gagawin sa play, paano pa yung iba kung simula pa lang hindi na makuha?"

"Ano po yung mga kanta na pinili niyo?"

"Yung 'Belle', 'Beauty and the Beast', saka yung 'Something There' " tinaas niya yung pinagbibibili namin, "Sumasakit na nga yung ulo ko eh..."

Si Mandee eh hindi naman naririnig yung sinasabi nung teacher dahil busy siya sa pagkanta niya.

"Ev'ry morning just the same Since the morning that we came..." paulit-ulit yung pagkanta niya.

Napatingin lang si Jasper sa akin at napalunok.

"That's awful.."

Tinignan ko rin siya. Napailing na lang ako.

"Yan din yung sinabi mo sa akin nung kumanta ako alam mo yun?"

"But you know I'm joking right?"

"HINDI!" sinigawan ko nga.

"Kumakanta ka?" inabot niya sa akin yung lyrics, "Try mo ito."

Hindi ko alam yung kanta nun kaya pinarinig pa nila sa akin yung tape para malaman ko kung paano. Then, sinubukan kong kantahin.

"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to sell Ev'ry morning just the same Since the morning that we came To this poor provincial town" kaya ayun.. huminto na rin ako.

Nakatingin lang si Jasper at yung teacher sa akin. Nailang tuloy ako. Hindi ko alam kung ano na ba...

"VARGAS!!" tinawag niya si Mandee na nasa stage, "You're fired. Ikaw na uli ang Belle Riel. Backstage ka na Mandee, kasama mo si Jasper."

Akala ko man din eh ligtas na ako at hindi ko na kailangang magsaulo ng mga lines. Ngayon naman, binalik pa sa akin yung role. Ang gulo no? Si Carlo naman, narinig ko na ring kumanta. Nag-practice kasi siya sa likod ng stage. Kinakanta niya yung part niya sa song na 'Something There'. Partner ko na si Carlo, kasi siya si Beast.

Si Kay, narinig ko na ring kumanta. Siya kasi yung kakanta ng Beauty and the Beast. At maganda naman yung boses niya. Part lang naman ng tatlong kanta yung nasa play. Hindi buo.

Mukhang mahirap ito ah..

Chapter 3

After ilang days, panay practice lang kami ng practice sa theater. May malaki kaming mascot ng Beast na isusuot ni Carlo sa ulo niya. Yung ibang mga props na basket at mga damit sa town people eh madali na lang. Si Kay naman eh may carton lang siya na nakakorteng tea-pot. Theatrical play talaga.

Nagtawanan kaming lahat nung sinabing may part daw ng kissing scene pero syempre peke naman at hindi totohanin. Sa part na mamamatay na si Beast, iki-kiss ko daw yung mascot ni Carlo. Ayos lang naman yun kasi yung mascot ang ikikiss at hindi siya. Then sasara yung thick curtain, tatanggalin yung mask niya.. prince na siya kunwari uli.

Tapos ganun din kina Kay. Tatanggalin lang nila yung mga mascot nila.. ayos na. Yung final kiss eh peke rin. Silhouette naman. Maglalapit lang kami ng mukha ni Carlo, mag-cross, pero hindi naman talaga mag-kiss. Sa tingin lang ng mga tao na nasa audience, parang ganun na nga.

Nakakapagod din yung mga practice namin pero ok lang. Sinadya lang nilang gawing busy kami kasi within two weeks ipeperform kasi yun. Bumabalik-balik din kami sa mga klase namin kapag hindi pa namin time mag-practice. Usually naabutan namin yung Values Ed.

Si Jasper naman, ayun.. tinuturuan ko pa rin kay Kay. Nung sinabi ko sa kanya nun na kausapin niya dahil ang girls minsan naghahanap ng kausap, tama bang ikwento yung namatay daw niyang aso. Ano namang nakakatuwa doon? Palpak na naman. Nung sumunod eh sinabi ko uli na maging sweet siya at bigyan niya ng kahit binili lang niyang candy sa cafeteria. Hinintay ko siya kung ano yung ibibigay niya at nakita ko yung hawak niya, CHICKEN SOUP. Tama ba iyon?

"Chicken soup?"

"Sabi mo kasi bigyan ng kung ano eh!"

"Yeah, sabi ko maging sweet ka. That's nice, magbigay ka. Pero bakit naman chicken soup? Palitan mo yan!"

"Ano pala dapat?" yumuko na lang siya.

"Ok, huwag na nga yun!"

Everyday, binibuild-up ko rin siya kay Kay. Lagi kong binabanggit yung pangalan niya, mga magagandang traits.. at kung anu-ano. Pero hindi maganda yung kinalalabasan, iniisip naman ni Kay may gusto ako sa kanya kaya tumigil din ako.

Ilan na ba yung nagawa at nasabi ko kay Jasper para ma-appreciate siya ni Kay?

Una, magpapansin.. in a good way. Palpak naman. Pangalawa, maging matulungin. Palpak din dahil natapon niya nun yung iced tea. Sumunod, mag-act as company. Palpak din dahil walang kwenta yung kinuwento naman. Fourth, maging sweet. Sweet nga balak naman sana eh magbigay ng chicken soup. Fifth.. mag-text siguro sa kanya. At least kapag may communication 'di ba.. nagiging close.

"I-text mo siya.."

"Bakit naman?"

"Communication? Sumasakit ulo ko sa iyo.."

"Nakkahiya kaya mag-text. Wala naman akong sasabihin!"

"Kahit ano!!" tapos nag-isip ako, "Ask her on a date... or something."

"Ayoko! Hindi ako nagyayaya ng date. Yung iba ngang classmate ko ako niyaya dati ako lang umayaw, tapos ngayon ako magyayaya?"

Naiinis na talaga ako sa kanya. Siraulo! Gusto niyang magkagusto sa kanya si Kay, o maging bridge ako sa kanya.. pero yung kinikilos naman eh walang kwenta.

"JASPER!" sinigawan ko nga sya, "Every single day kadikit kita para lang i-coach sa gagawin mo. Palpak lahat. Napapagod na ako. Sumasakit na yung ulo ko! Ano bang balak mo?!?"

"Ewan ko, kaya nga dumedepende ako sa iyo 'di ba?!?"

"AYOKO NA!!" umupo ako doon sa bench, "Give up na ko! Pagod na pagod na ko! Bahala ka na! Diskarte mo na yan! Ayoko na Jasper. Good luck na lang sa pinsan ko--"

Akala ko kung anong magiging reaksiyon niya. Lumapit ba naman sa akin, at medyo nag-kneel sa harapan ko dahil nakatingin ako sa paanan ko. GInawa lang niya yata yun para makita ko yung mukha niya.

"Really? You're giving up?" nakangiti pa siya nun.

Teka lang.. NAKANGITI???

"Eh bakit parang natutuwa ka pa?"

"Sagutin mo lang yung tanong ko... naggive-up ka na para maging San Juanica? Talaga lang? Totoo?"

"OO!" bakit ba ang gulo niya?

"YES!"

"Dapat ba mainsulto ako niyan?"

"HINDI NO!" nakangiti talaga siya.

Ang gulo naman ng taong ito.. hindi mo mawari kung anong iniisip.

"Sige pala alis na muna ako.."

Naglakad na siya papalayo nun sa bench na kinauupuan ko at nakakailang hakbang na rin siya, Pinapanood ko siya maglakad kaya lang bigla uling lumingon at bumalik.

"Bakit may nakalimutan ka?"

"Yeah.."

After that..

Niyakap niya ko..

Bigla na lang siyang bumulong habang yakap niya ko..

"Thanks..."

"Thanks alot Riel."

***19*** Simula nung araw na niyakap niya ko, sobrang nalito na talaga ako sa kanya. Minsan nga kapag nag-iisa ako sa room namin ni Kay sa boarding house, iniistrain ko yung utak ko na isipin kung ano ba yung ibig sabihin ni Jasper doon. Minsan nga dahil sumasakit na yung ulo ko kakaisip, sumagi naman sa utak ko na tanungin ko na lang sa kanya. Pero syempre, ano namang tanong ang itatanong ko?

'Bakit ka nag thank you sa akin?' o kaya naman 'Bakit mo ko niyakap?'

In the end, I decided against it. Ibig kong sabihin, nag-decide na ko na hindi ko na siya tatanungin. Isa pa, wala naman akong balak pag-aralan kung paano gumagana ang utak ng mga lalaki. Particularly, Jasper's. Parang, sobrang kumplikado.

Nag-practice na naman kami sa Theater, as usual, napakamonotonous na nga ng school eh. Pero kahit papaano, activity pa rin yung ginagawa namin.

Oo nga pala, nagkaroon kami ng assembly sa school Ano pa nga ba kundi gaganapin lang daw ang pag-award kay Mandee as a wonderful donor. Hindi na lang ako nagsalita.

Nung isang araw nga magkasabay kaming maglakad na dalawa para bumalik sa practice namin. Mukhang mabait naman siya, pero ewan ko lang talaga kung bakit niya gustong magpanggap na sya si A.L.

"Close ba kayo ni Jasper?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Anong ibig mong sabihin? Maraming kasing meaning yung salitang 'close'."

"Close in the sense na... nanliligaw ba siya sa iyo?"

Nagulat ako sa kanya kaya natawa na lang ako. Si Jasper nanliligaw sa akin?

"Hindi no!" hindi na ko makahinga sa kakatawa ko.

"Mukha kasi eh. Madalas kasi kayong magkasama. So close lang pala kayo... friends?" niliwanag niya yung tanong niya.

"Yeah."

"Pero akala ko talaga.. oh well.. cool." ngumiti siya nun.

Malapit na kami sa pintuan sa auditorium nun nung may narinig akong sumisigaw. Hindi ko pa masyadong marinig kung sino yung tumatawag, pero dahil nga pasigaw, lumakas ng lumakas.

"A.L.!!!" A.L. daw? "Psssttt! A.L.!!!"

Tinignan ko si Mandee nun pero diretso pa rin siyang naglalakad at parang walang naririnig. Hindi ko na lang pinansin.

"A.L.!!"

Ano ba naman itong tao na ito!

Lumingon nga ako.

Nakita kong tumatakbo si Jasper sa direksiyon namin. Hinihingal pa siya nun. Humawak pa siya sa tuhod niya at mukhang pawis na pawis pa.

"Sabi ko A.L. hindi Riel.." inasar pa ako, "Ikaw ba si A.L.?"

Sabi ko nga eh hindi ako si A.L.!!!

"Hey Mandee, kanina pa kita tinatawag hindi ka lumilingon.."

"Tinatawag mo ako?" tinuro niya yung sarili niya na parang nagtataka, tapos nag-isip.. then.. ngumiti na parang pilit, "Oo nga pala."

Sinabi lang ni Jasper na pinapatawag siya sa office para i-congratulate ng principal. Tapos nun, kasabay ko na naman lumakad si Jasper.

Unfortunately. Dumeretso kami nun sa cafeteria at nag-order siya ng pagkain niya. Ang sama nga ng ugali dahil hindi ako inorderan, kaya tumayo pa ako para sa sarili ko.

"Riel," sumubo siya ng spaghetti, "Sa tingin mo anong symbol ng love?"

"Symbol?" tinignan ko siya at nag-isip ko, "Heart?" wala kasi akong maisip nun.

"Ang corny mo.." sabi niya sa akin.

"Ok.. sige na corny na. Bakit mo tinanong?"

SUmubo na naman siya ng spaghetti niya. Natatawa nga ako sa kanya kumain kasi parang wala siyang pakialam kung may nakatingin sa kanya.

"Wala lang.." tapos tumawa siya.

"Baliw ka ba? Nagtatanong ka tapos wala lang?!?" siraulo talaga siya!

"Gusto mo ba malaman kung ano sa tingin ko ang symbol ng love?" tinabi niya yung pinagkainan niya tapos nag-lean sya sa table.

Almost two inches away from my face.

"Ano?" tinignan ko lang siya sa mata niya.

"Fire."

"Fire?" bakit naman yun? "Bakit apoy?"

"Alam mo ba yung sinasabi nilang story ng discovery ng fire?" seryoso na siya nun, "Sabi nila noon daw, nung mga sinaunang tao pa lang... may matinding ulan. Syempre, malakas daw yung kulog at kidlat. Dahil nga hindi pa natutuklasan nun yung apoy, tinamaan daw ng kidlat yung isang puno."

"Ano namang kinalaman nun sa love?"

"Patapusin mo muna ako ok?" pinigilan niya ako, "Yun nga, tinamaan yung puno ng kidlat. Yung puno, nag-split sa dalawa. Dahil nga kuryente yung tumama doon, umapoy. Saka lang nalaman nung mga sinaunang tao yung apoy. Nagamit na nila yung apoy, sa pamumuhay nila."

"Hindi ko pa narinig yung istorya na yan.. per ayos."

"Alam mo na ba kung bakit yun ang symbol ng love para sa akin?"

"Hindi." umilling ako sa kanya.

"Simple." ngumiti siya sa akin nun, "Hindi ba kapag may naramdaman ka sa isang tao na kakaiba, parang kuryente. Tatamaan ka na lang. Kagaya doon sa puno. Hindi mo pa alam kung ano yun, basta nangyari na lang.. basta tinamaan ka na lang. Yung puno, tao yun. Nag-split sa dalawa 'di ba? Sabi nila, ang LOVE, tatamaan ang dalawang tao. Hindi mo alam kung kailan, basta tatamaan ka na lang.." huminto siya saglit, "Yung apoy naman, yung yung.. alam mo na. 4 letter word. Maraming gamit sa mundo. Doon nagsisimula ang lahat."

For some moment, nakatingin lang ako sa mukha niya at wala akong sinasabi. Saka lang ako gumalaw nung nag-snap siya sa harapan ko.

"I think that's cool."

"Thanks." tinapon niya yung pinagkainan niya sa trash can sa gilid, "Na-struck ka na ba ng lightning?"

Wala ako sa sarili ko nun. Hindi ko maintindihan yung tanong niya.

"Ahh.. what?"

"Sabi ko tinamaan ka na ba ng lightning?!?"

"Hindi. Hindi pa."

"Ako Oo." may nilabas siyang digital camera, "Gusto mo malaman kung sino?"

"Ipapakita mo sa akin kung sino?"

"Oo naman. Para makilala mo kung sino.."

Nag-lean ako sa table para makita ko yung picture nung sinasabi niyang 'bagong prospect' ng buhay niya. Kaya lang nung makita ko, hay naku.. sinlayo ng 5 milya ang kuha. Ang masama pa, nakatalikod.

"Sino yan?"

"Secret." nakangiti na uli siya.

"Pinakita mo pa sa akin hindi rin naman pala kilala."

"Sabi ko ipapakita ko, hindi ko sinabing sasabihin ko.."

Tinignan ko uli yung picture. Wala. Ang layo sobra ng kuha. Pero halatang sa school grounds kinuhanan.

"Si Kay?" nanghula naman ako.

"Ewan."

Tinitigan ko uli. Hawak niya kasi yung digital camera eh.

"Si Mandee?" tumingin ako sa kanya. "Si Mandee no?"

"Ewan." hindi siya tumitingin sa akin.

"Teka... si---"

Bigla na lang may nagbukas ng glass door ng malakas doon sa cafeteria.

"RIEL!!!" tinawag naman ako ni Kay.

Tumawa ng malakas si Jasper nun.

"Tawag ka ni Mam, practice ka na daw ng kanta."

Tumingin lang ako kay Jasper nun, tapos nag-bye ako.

"SIGURO!!!" sumigaw siya nung palabas na ko..

"Ano?"

"Sabi ko siguro kakanta ka!"

"Obvious ba?"

Sipain ko kaya siya?

***

Wala kaming klase nung Wednesday at nag-stay kami ni Kay sa labas at wala kaming ginagawa. Syempre, kailangan din naman namin ng pahinga dahil panay na lang ang saulo namin sa lines. Pero syempre, saulo na namin yung buong play at panay polishing na ang ang ginagawa namin. So hindi rin naman talaga mahalaga na mamroblema pa kami sa play. Sa totoo lang, within two days, mag-perform na kami. Kinakabahan nga ako eh.

Minsan nga nakatingin ako sa isang direksiyon, bigla na lang tatapat si Jasper doon sa tinitignan ko tapos tatawa kapag naiinis na ako. Tama ba yun? Kaya nga minsan kapag lilingon ako kung saan, titignan ko muna kung pakalat-kalat si Jasper at baka bigla na lang sumulpot kung saan.

Nakakatuwa rin siya minsan. Kaya nga nagtataka rin ako sa sarili ko kapag wala siya, naghahanap din ako. Kakaiba...

Ngayon naman, galing ako sa cafeteria at kumain naman kami. Pabalik na ako sa room para kunin ko yung bags namin ni Kay at siya kasi eh naghihintay na lang doon sa gate para makauwi na kami. Konti na lang kasi ang tao sa school nun dahil medyo gumagabi na.

Kaya lang eto na naman ako, may narinig na naman ako na nag-uusap.

"Oo nga alam ko yun! Totoo naman yung sinabi ko sa kanila ah!" parang galit pa siya nun.

Kialala ko na naman yung boses niya.

"Oo nga bro, totoo.. emotionally.. not literally. Anong bang iniisip mo na iniisip nila? Syempre yung literal version."

"Wala akong pakialam."

"Bro, hindi marami oras mo sa mundo! Pagkatapos mo dito, college ka na. Tayo pala.."

"Ikaw ang nagke-create ng buhay mo. Yung sinasabing oras, nasa utak lang yan."

Narinig kong may inusog sila doon na mga upuan.

"Bakit ba nitong mga huling araw nahihilig ka magkukukuha ng mga pictures sa digital camera?"

"Gusto ko lang masama ba?"

"Hindi naman. Pero panay babae." narinig kong sinabi ni Jasper, "Babaero ka na ba ngayon?"

"Hindi. Kailangan daw nila sa yearbook saka sa school paper. Kumuha lang daw ng picture, ewan ko kung para saan.."

"Ang ganda ni Anabelle dito ah!" tumawa si Jasper.

"Oo iyo na!"

"Ayos din ito ah.. Stolen shot ni Kay sa auditorium?"

"Oo, hindi niya alam yan.."

Hindi ako makapasok nun. Kasi kapag pumasok ako, tiyak malalaman nila nakikinig ako doon.

"May picture ka rin ni Riel?"

Picture ko? Kailan niya ko nakuhanan?

"Close up pa ah!"

"Magaling ako eh.." close up?!? close up?!? "Akin na nga yan baka ma-delete mo yung mga pictures!"

"Titignan ko lang. Nasa pang-siyam pa langa ko, eh 15 yata laman niyan." narinig ko na naman na may humila ng upuan, "Anong tingin mo kay Riel? Ang cute niya no?"

"Cute? Riel's not cute. She's not even pretty.."

Ewan ko ba, pero parang nasaktan ako doon sa sinabi niya.

"She's... she's beautiful." napahinto ako nun at pakiramdam ko hindi na ako makahinga, "Tingin ko yun yung tamang word na dapat kong gamitin."

"May gusto ka sa kanya?"

"May sinabi ba ako?!?" yung boses niya parang naiirita.

Tapos narinig kong tumahimik sila parehas. Wala nang nagsasalita. Ano kayang nangyari sa dalawang yun?

"Teka lang, pwede bigyan mo muna ako ng time para pag-isipan..."

"May gusto ba ko kay Riel?" tapos nun, tumakbo na ako. ***20*** Tumakbo talaga ako nun. Hingal na hingal nga ako nung makarating ako sa gate at nakita ko si Kay.

Tinignan niya lang ako na para bang nagtataka. Ang tagal pa nga bago pa niya ako tinanong.

"Anong nangyari sa iyo?"

Hindi pa ako nakasagot kaagad. Kaya ayun.. inulit niya ung tanong niya.

"Sabi ko, ok ka lang?"

"Oo, okay lang ako.."

ANg bilis ng tibok ng puso ko nun dahil sa sobrang pagod na rin. Napansin yata ni Kay na wala yung bag namin. Tumingin siya sa likuran ko.

"Nasaan na yung bag natin?"

"Wala.. naiwan ko.. wala nga.."

Mukhang nagdududa na siya sa akin nun. Hinawakan niya yung pisngi ko.

"Bakit namumula yung mukha mo?" iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya.

"Ha.. wala. Tumakbo nga ako 'di ba"

Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa sagot ko. Dahil si Kay siya, mahilig mag-imbestiga yan.

"Bakit ka naman tumakbo?"tinanong naman niya ako.

"Kasi.. ano.. may nakita akong 'di maganda.." hindi talaga ako magaling sa ganitong bagay.

"Alam mo Riel, dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit namumula ka, either pagod ka nga.. or nagba-blush ka.."

"Ako nagba-blush? Hindi!" hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya "Dali na... bumalik ka na sa loob at ikaw na kumuha ng bags.." tinulak ko naman si Kay.

Kaya lang paglingon ko doon sa gate, may papadating naman. Papalapit sa direksiyon namin.

"Riel!"

Tumalikod nga ako..

Tumawa ng nakakaloko si Kay sa akin..

"Parang kilala ko na kung sino!" sabi ni Kay.

Lumapit naman si Jasper at bigla na lang umakbay sa akin.

"Good luck.."

"Para saan naman?!?"

"Basta good luck.. BEAUTY!" tapos tumakbo na siya papalayo.

Si Carlo naman eh tumingin sa akin tapos ngumiti, then tumakbo na kasama ni Jasper.

Para saan naman yun?!?"

***

Nung sumunod na araw, pinagre-ready na kami dahil malapit na kami mag perform. May costume practice pa kami nun. Syempre dahil pinatong ko lang naman yung gown ni Belle sa uniform ko, mukha akong ewan.

Tinawanan pa nga ako ni Jasper nun eh.

"Ang yabang mo alam mo yun!" sinabihan ko nga siya.

"Ikaw ba tinatawanan ko?" pangisi-ngisi pa siya nun.

"Eh ako lang naman ang nandito eh.."

"Nag-judge ka na kaagad. Yung upuan tinatawanan ko" tinuro niya yung upuan na nasa likod ko.

"Ano namang nakakatawa sa upuan eh nananahimik?"

"Kulay violet kasi.." tumawa na naman siya.

"So? Kung violet?"

"Sino naman nagkukulay ng violet sa upuan?"

Tumayo siya at tumabi sa akin. Tumingin siya doon sa kurtina.

"Ano na namang ginagawa mo?"

"Masama na ba tumingin sa kurtina?"

"Mamaya mo na karirin yung pagtingin sa kurtina.. backtage ka di ba? Bukas lang kambal na kayo niyan.." tumawa naman ako.

"Sino ngayon mayabang sa atin?!?"

"Ako na naman sige!"

Tumingin din ako doon sa tinitignan niya sa kurtina. Nasa likod kasi kami nun. Medyo mainit nga eh. Nung tinignan ko, nasa kaliwa si Kay, nasa kanan si Mandee.

Napaisip tuloy ako.. sino kayang tinitignan niya?

Tinaasan ko nga ng kilay ko.

"Ayoko ng tingin mo na yan.." umupo siya para ayusin yung rubber shoes niya.

"Bading ka no!" nakakapagtaka na talaga siya.

"Bakit ba lagi mo na lang ako sinsabihan na bading?!?"

"Eh kasi, yan lang hindi mo pa magawa! Lalapitan mo lang..." tinignan ko siya, "Bading lang ang duwag."

"Hoy hindi ako bading.. mukha ba akong bading?" tinignan niya yung itsura niya, "Alam mo ba last time na may babae na tinawag ako ng bading, alam mo kung anong ginawa ko?"

"Ha-ha.." pineke ko yung tawa ko, "Hinalikan mo?!?"

"OO!" seryoso na siya nun.

Nawala yung tawa ko. Kinabahan ako dahil lumapit siya sa akin.

"J-jasper.. easy lang. Lalaki ka 'di ba?" yun na lang sinabi ko.

Paatras na ko.. pa-forward siya.

"A-alam mo Jasper.. kailan mo nga uli ginawa yun?" iniiba ko na lang yung usapan.

"4th year high school." pa-forward pa rin siya nun.

"4th year? You mean kailan lang?!?" tinuro ko siya.

"Oo. 4th year... Sa totoo lang..." hinawakan niya ko sa dalawang balikat ko..

"NGAYON!"

***21*** Dahil mahigpit yung hawak niya sa balikat ko at cornered na talaga ako, wala naman na akong magiging move. Mukhang totohanin niya talaga yung sinabi niya. Sumobra talaga yung kaba ko nun. Ni-hindi ko makuhang umatras, at nagle-lean na siya sa akin.

No choice na talaga ako kundi...

"AHHHHHHHH!" sumigaw talaga ako at sobrang lakas, "AHHHHHH--" kaya lang natigilan ako dahil tinakpan niya yung bibig ko.

"Sorry, bawal sumigaw eh!" lalo niyang nilapit yung mukha niya.

Papalapit na ng papalapit na siya kaya lalo ko namang iniwas yung mukha ko. Saka ko lang narinig ni may nagbukas nung kurtina pero hindi ko makita kung sino dahil natatakpan ni Jasper.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa pinsan ko?" si Kay pala.

Umatras ng kaunti si Jasper pero hindi naman niya binitawan yung pagkakahawak niya sa dalawang braso ko.

"Wala.." sabi naman niya.

"Wala ka diyan eh narinig ko siyang sumigaw."

"Sus. Gusto mo manood kung anong balak ko sana?!?" tumingin naman siya sa akin. "Ok."

Tapos nag-lean siya uli kaya nilayo ko ng nilayo yung ulo ko. Wala talaga.

Napapikit na lang ako dahil ayokong makita. Tapos naramdaman ko na lang, humalik siya.

Sa forehead ko. Tapos binitawan na niya ako.

"Hindi muna ngayon Riel.." tapos ngumiti siya sa akin at humawak siya sa kurtina na para bang lalabas na, "Bakit hindi ka makapagsalita?!?"

"Siraulo ka ba?!" yun ang una kong naisigaw sa kanya nung pakiramdam ko nagkaboses na ako.

"Siguro.."

Si Kay naman eh palingon-lingon sa akin, tapos kay Jasper. Kay Jasper uli, tapos sa akin.

"Sinasaktan mo ba pinsan ko?" hindi pa rin pala niya na-gets yung mga nangyari?

"Ako?" ngumiti si Jasper ng nakakaloko, "Bakit ko naman sasaktan si Riel? Bakla nga ako 'di ba?"

Lumabas na siya nun.

Hindi rin nagtagal, napaupo ako doon sa violet na upuan na tinatawanan ni Jasper kanina nung hindi na nakayanan ng tuhod ko.

That was... CLOSE.

***

Kinabukasan nun, maagang-maaga kaming pinapasok sa school para daw sa calltime ng last practice. Ngayong araw na ito ang performance namin. Papanoorin na kami ng buong school. At lalo akong kinakabahan.

Sinabi nung teacher na ngayon lang daw sila nakasold-out ng tickets. Hindi daw nila alam kung ano naman daw bang kaibahan ng ngayon kaysa dati. Nung mga naunang play daw nilang ginawa, hindi pa raw nangalahati yung auditorium.

Kasama ko si Kay nun na nasa dressing room. Iisang room lang kasi kami lalagyan ng make-up at kung anu-ano pang mga costume at designs. Si Carlo eh hindi ko pa nakikita pero alam ko naman na yung itsura ng costume niya. May malaking mascot na beast, tapos may costume na siya na pam-prince.

Si Jasper rin eh hindi ko pa nakikita buong umaga. Dahil nga props siya, busy rin siguro yun sa pag-aayos ng stage at pagse-secure nung mga kailangan niya. Kung hindi ko lang alam, baka magkasama sila ngayon ni Mandee.

Nakailang pasok yung teacher namin sa dressing room at ilang beses kami ni-remind na within 30 minutes daw eh mag-perform na kami. Narinig namin na umiingay na sa labas at alam na namin na napapapasok na sila. Nagtinginan kami ni Kay.

"Belle kinakabahan na ko!"

"Mrs. Potts ako rin!" tapos naghawak kamay kami.

Binilisan naman nung babae na nagmamake-up sa amin yung ginagawa nila dahil may line-up pa kami. Katulad nga ng plano, tatlong kanta lang yung ilalagay sa buong play. Yung unang-unang suot ko eh simpleng-simpleng dress lang. Kulay blue siya na may white sa harapan. May hawak lang akong basket at syempre, libro na rin dahil mahilig magbasa si Belle sa story.

Lumingon ako kay Kay nun at sinuot na niya yung malaking cardboard na may drawing ng pot. Natawa nga ako sa kanya eh pero hindi naman nahihiya sa ganyan si Kay. Sabi niya, role lang naman.

After that, pinaline-up na kami.

"Lumapit kayong lahat dito!" tinawag kami nung teacher, yung mga papasok sa kabilang side. "Carlo! Carlo!" tinawag naman si Carlo na suot naman na yung mascot. Parang ang laki tuloy tignan ng ulo niya. "Ok, basta bigay niyo lang lahat ng kaya niyo. Kung paano tayo nag-practice, ganun din. Isipin niyo lang walang nanood sa inyo." tapos humarap siya sa akin, "Belle! Este.." tinuro niya ko, "Riel! Yung kanta mo."

Narinig namin na pinatayo na yung mga tao para sa National Anthem at opening prayer. Doon na ako sinimulang kabahan dahil pumasok na yung isa sa amin. Yung pinaka-narrator ng story. Syempre, naka-costume na siya ng itim. Siya kasi yung enchantress.

Hindi namin nakikita kung ano yung nasa stage. Ang alam lang namin, yung words, music... saka signal nung kung sino man. May tao rin doon sa kabilang side ng stage. Narinig ko na rin yung boses.

"Once upon a time, in a faraway land, A young Prince lived in a shining castle. Although he had everything his heart desired, The Prince was spoiled, selfish, and unkind." lumakas naman yung boses na parang umuulan-ulan.

"But then, one winter's night, An old beggar woman came to the castle And offered him a single Rose In return for shelter from the bitter cold. Repulsed by her haggard appearance, The Prince sneered at the gift, And turned the old woman away." wala na si Carlo nun sa backstage, nasa harap na siya nun at kaharap na siguro yung gumanap na enchantress.

Katulad sa plano, silhouette lang din yung kay Carlo na normal pa siyang tao, tapos magiging beast, Syempre nakikita lang ng mga tao yung effect dahil madilim. Kami rin silhouette lang nakita namin na hinahawakan niya yung nagiging Beast niyang ulo.

Tapos nun, lumuhod siya.

Ang galing niya ah!

"But she warned him not to be deceived by appearances, For Beauty is found within.

And when he dismissed her again, The old woman's ugliness melted away To reveal a beautiful Enchantress.

The Prince tried to apologize, but it was too late, For she had seen that there was no love in his heart. And as punishment, She transformed him into a hideous beast, And placed a powerful spell on the castle, And all who lived there.

Ashamed of his monstrous form, The beast concealed himself inside his castle, With a magic mirror as his only window to the outside world.

The Rose she had offered, Was truly an enchanted rose, Which would bloom for many years. If he could learn to love another, And earn her love in return By the time the last petal fell, Then the spell would be broken. If not, he would be doomed to remain a beast For all time.

As the years passed, He fell into despair, and lost all hope, For who could ever learn to love...a Beast?"

After nung Prologue/narration, pinatay na uli yung ilaw at wala na talagang makikita. Sinara na nila uli yung kurtina at nag-position naman na kami. Nung naka-position na kami lahat, binuksan naman nila yung ilaw at naka spotlight ako. Sobrang liwanag naman kaya hindi ko rin makita yung audience. Medyo nasisilaw din ako pero wala akong magagawa. Kailangan kasi maliwanag yung ilaw para ang effect eh umaga talaga.

Nagsimula na rin yung tugtog na 'Belle'. Syempre masaya iyon, kaya kunwari eh umikot-ikot naman ako.

Dahil town yun, may nasasalubong din naman ako na mga taga-town.

'Bonjour!' 'Bonjour!' 'Bonjour!' 'Bonjour!' 'Bonjour!'

"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to sell Ev'ry morning just the same Since the morning that we came To this poor provincial town" huminto ako doon sa harap nung gumanap na baker.

"Good Morning, Belle!"

" 'Morning, Monsieur."

"Where are you off to?" nakangiti naman sa akin yung lalaki.

"The bookshop. I just finished the most wonderful story about a beanstalk and an ogre and a -"

"That's nice. Marie! The baguettes! Hurry up!"

Umalis naman yung Baker sa harapan ko at kunwari eh nag-balance ako doon sa isang daanan na peke naman sa likuran. May hawak pa akong libro na binabasa-basa ko habang umiikot ako. Medyo nahilo nga ako eh, pero hindi ko na lang pinahalata.

Habang ginagawa ko naman yun, saka naman kumakanta yung ibang mga nasa likuran na Town People din.

"Look there she goes that girl is strange, no question Dazed and distracted, can't you tell? Never part of any crowd 'Cause her head's up on some cloud No denying she's a funny girl that Belle"

Nakakapagod naman kung iisa-isahin ko pa sa inyo kung ano yung mga sumunod na nangyari sa play. Siguro, ikukuwento ko na lang yung mga sumunod na nangyari.

Ayun nga, sumunod na scene pagkatapos nung opening number namin eh papaalis na si Maurice, tatay ni Belle. At syempre, meron pang effect na umuulan-ulan at may kulog at kidlat habang naliligaw siya. At for the first time, pinakita yung mascot ni Carlo. Kinulong niya si Maurice sa isa sa mga jail na gawa lang naman sa karton din.

After that, sumunod na rin si Belle, ako yun. Iba na yung damit ko nun. Kulay brown naman yun dahil naglilinis ako kunwari. At nakita ko nga yung tatay ko na nakakulong. Nagkaroon ng deal si Carlo (beast), at si Maurice.

"No Belle! No!" sumisigaw si Maurice habang tinutulak-tulak siya kunwari ni Beast.

Ako naman eh kailangang umiyak, kaya umiyak ako.

Nag-progress yung story. Tinignan ko nun si Carlo dahil medyo basa na yung colar niya. Sa pawis siguro yun. Ikaw ba naman eh magsuot ng mascot hindi ka ba naman mainitan.

May scene pa na nakahiga ako sa kama at doon ako umiiyak. Pumasok nun si Mrs. Potts at niyaya naman akong kumain. Ako naman yung may ayaw.

Tapos sumigaw si Carlo.

"IF SHE DOESN'T EAT WITH ME, SHE DOESN'T EAT AT ALL!"

Syempre, may away scene din kami. Tapos sinigaw ko naman yung famous line ni Belle na 'THEN YOU SHOULD KNOW HOW TO CONTROL YOUR TEMPER!"

Syempre, habang ninanarrate yung story, pinakita yung scene na nagkakamabutihan na si Belle at si Beast. Yung mga tao pa nun eh may 'Uuuyy!" pang nalalamn nung may batuhan pa kunwari ng pekeng snowball na gawa naman sa styrofoam.

Doon kami kumanta ng Something There

"There's something sweet And almost kind But he was mean and he was coarse and unrefined And now he's dear And so I'm sure I wonder why I didn't see it there before"

Humarap naman si Carlo sa akin. Natatawa na ako nun sa itsura niya. Eto kasi yung maikling duet part namin.

"She glanced this way I thought I saw And when we touched she didn't shudder at my paw No it can't be I'll just ignore But then she never looked at me that way before"

Tapos humawak siya sa dalawang kamay ko at umayos ng pagtayo.

"Belle, I have something to show you. But first you have to close your eyes. IT'S A SURPRISE!"

At yun na rin yung part na pinakita niya yung malaking library sa palace niya.

Medyo napapagod na rin ako nun dahil kailangan mabilis kang kumilos. At syempre, turn naman na ni Kay para pumasok. May dance naman kami ni Beast. Yung kanta eh sinasabayan namin ng sayaw syempre. Slow Dance pa nga.

"Tale as old as time True as it can be Barely even friends Then somebody bends Unexpectedly. Just a little change Small to say the least Both a little scared Neither one prepared Beauty and the Beast."

Ang ganda ng boses ni Kay! Kinakarir nga niya yun eh. Nag-thumbs up nga ako sa kanya sa likod ko eh habang sumasayaw kami ni Carlo.

"Ever just the same Ever a surprise Ever as before Ever just as sure As the sun will rise. Tale as old as time Tune as old as song Bittersweet and strange Finding you can change Learning you were wrong. Certain as the sun Rising in the east Tale as old as time Song as old as rhyme Beauty and the Beast."

Narinig ko namang bumulong si Carlo sa akin nun. 'Ang ganda mo Riel!' Kaya natawa lang ako.

Syempre, hindi rin nagtagal, nagkaroon na naman ng effect ng thunder at lightning. Dumating na yung mga townpeople para patayin si Beast. Ako naman eh nasa likod at wala ako sa scene dahil darating lang ako eh yung mamamatay na siya.

Scene na iyon ni Jasper at Carlo dahil si Jasper ang papatay kay Beast. Siya kasi si Gaston 'di ba?

"Si Jasper?" tinanong ko naman si Mandee dahil hawak niya yung string ng kurtina.

Inirapan ba naman ako.

"Nasa stage na syempre!" sinigawan niya ako.

Nung malapit na matapos yung play, tinulak ako nung teacher namin dahil nalimutan ko na scene ko na dapat pumasok. Nakita ko na nakahiga na kunwari si Beast doon sa stage at may pekeng blood pa siya.

Tumakbo naman ako para lumuhod.

"Don't die! Please! Beast! Don't die!"

Panay lang ang sabi ni Carlo ng Beast at hinawakan niya ako kunwari sa pisngi ko.

At syempre, kailangan ko na naman umiyak. Bago pa bumagsak yung kamay ni Beast, nai-whisper ko pa yung salitang 'I Love you' tapos hinalikan ko yung Mascot ni Carlo.

Ang corny talaga nun. Nung practice namin, ito yung part na tawa kami ng tawa. Hindi lang namin magawa ngayon.

Syempre, may magical song pa na kung ano. Nagkaroon ng yellow lights... tapos sinara nila yung kurtina uli para silhouette na naman yung pagpapalit ni Carlo as Beast.. to a Prince.

Hindi niya maalis yung mascot niya kaya tinulungan ko na. Pinagpapawisan na nga siya dahil halatang init na init na. Kaya lang pagtanggal ko eh nagulat na lang ako at hindi ako makagalaw.

"JASPER?!" binitawan ko nga yung mascot sa tiyan niya.

"Aray ko masakit yun!" hinawakan niya yung mascot tapos binato niya sa gilid, "Hi BEAUTY!"

"A-akala ko si.. a-akala ko.. si CARLO??"

"Ibig mong sabihin eh si Gaston?!?"

WHAT?!? Nagpalit sila? All this time yung guy na kasama ko sa stage at naka-mascot eh si Jasper?!?

Binuksan nila uli yung kurtina at kuwari eh tumayo na si Jasper. Prince na siya kunwari. Nakangiti siya sa akin at ako naman eh nagtataka lang sa kanya. Pretty much BELLE reaction kapag nag-change ang isang beast sa harapan mo. Hindi ako makapagsalita.

Yumakap naman si Jasper sa akin at ako naman eh napilitan na lang din. Nasa scene kasi yun eh.

Syempre, diniliman na lang nila uli yung stage para ipakita sina Kay na normal na tao na kunwari uli. Tinakpan uli kami ng kurtina, dahil may kissing scene naman na hindi naman talaga totoo.

"Mag-cross lang yung pisngi para kunwari nag-kiss sa tingin ng tao.." masama na yung tingin ko sa kanya.

"Says who?!?" laging yun yung dialogue niya kapag may balak siya.

Dahil nakatingin ako sa kurtina, nung paglingon ko sa kanya eh...

ARRRRRGHHHH!

Susuntukin ko sana siya nun kaya lang inalis na yung kurtina.

Nung pinaka-finale na namin, nagtabi-tabi yung cast at sabay-sabay kaming nag-bow. Wala na ako sa sarili ko nun. Bigla na lang nagpalakpakan yung mga tao at isa ako sa mga nauna na bumalik sa backstage nung matapos na.

Humabol sa akin si Kay at si Jasper. Saka ko lang nakita si Carlo na katabi si Mandee sa kurtina.

"Riel!" tumingin si Kay sa akin, "Bagong blush-on ka ba?" hinawakan niya yung pisngi ko.

"Uhmm.. ahh.. oo." naki-oo na lang ako kahit hindi naman talaga.

Ibig sabihin namumula na naman yung pisngi ko.

"Bro! Ang galing nung silhouette niyo ni Riel ah! Ang galing! Para kayong nag-kiss!" inakbayan siya ni Carlo.

"Parang totoo ba?!?" tumingin si Jasper sa akin tapos tumawa. "Ewan. Tanungin niyo si Riel.." tinuro niya ako.

"A-ako? Bakit ako?!?"

"Ikaw makakasagot 'di ba? At least yung last part kanina.."

"You knew I'm not gay right?!?" nakakainis naman! Bakit niya tinotoo yung kissing scene?!? ***22*** Hindi talaga ako makapaniwala nun. Ewan ko ba kung anong pakiramdam ko sa kanya, naiinis ba ako o ano? Pero sa totoo lang.. parang may..

'di bale na nga lang. Wala naman siguro yun. Baka alam mo na, na-shock lang ako kaya kung anu-anong nararamdaman ko.

Dahil nga kahit papaano eh naiinis ako sa kanya, tumingin ako ng masama tapos sumigaw ako ng...

"BADING! BADING KA!" inasar ko muna siya bago ako pumasok ng dressing room.

Hindi rin nagtagal, sumunod din sa akin si Kay para magbihis na. Nakatingin lang ako sa kawalan nun at hindi ako makakilos. Kung hindi pa siguro niya ako tinulungan, ewan ko na. Baka hindi na siguro ako nakapagbihis.

Saka lang ako natauhan nung bigla niyang sinabi na..

"Totoo yung kissing scene niyo kanina no?!?"

Tumingin lang ako sa kanya.

***

Maaga kong ginising si Kay dahil gusto ko rin na maaga kaming makaalis ng boarding house. Ayoko kasi na makasalubong ko pa sa bathroom si Jasper o kaya naman si Carlo. Mukhang wala pa ngang balak bumangon si Kay nun at pumipikit-pikit pa yung mata niya. Pero dahil pinilit ko nga siya, bumangon din naman.

"Bakit ba ang aga-aga mo akong ginisng? Alas-4 pa lang ah!" pero ayun, tinulak-tulak ko siya para dumeretso kaagad siya ng bathroom.

Maaga kaming nakaalis ng boarding house at wala pa yatang alas-6 nun. Medyo gising na ang diwa ni Kay at dahil nga malapit yung school, saglit lang eh nakarating na kami.

Nagulat kami parehas nung nakita naming may banner sa harapan ng gate. Nakalagay eh..

Thank you very much to our number 1 donor Miss Mandee Vargas also known in her initials, A.L. We are so honored to have you here at our school!!!

Hinawakan ni Kay yung banner at napakunut-noo siya sa akin.

"What the heck?!?"

Ngumiti lang ako pero wala akong sinabi.

"Wala ka man lang bang balak gawin?!? Kahit ano?" hinila na niya ako pumasok sa school.

"Gaya ng ano?"

"Ikaw si A.L.!! Hindi mo ba naiintindihan yun? Si Mandee narerecognize sa lahat ng ginawa tapos wala kang balak gawin?" hysterical na talaga si Kay.

"Sabi ko sa iyo dati pa, anonymous si A.L. Wala akong balak magpakilala. Ano iisipin nila? Impostor ako? At kung hindi niya aaminin yung totoo, it's her problem.. not mine."

"Alam mo pinsan minsan naiisip ko kung kamag-anak ba talaga kita o galing ka sa mental hospital eh. Tao ka ba?"

Napatingin kami ni Kay doon sa gilid nung bigla-bigla na lang may natalisod. Hindi namin alam na may tao pala doon malapit sa swing. Nanlalaki yung mga mata niya. At diretso siyang nakatingin sa akin.

Teka.. kilala ko ito ah.

"Ronnie?!?" yung classmate namin na pinagtripan ni Jasper ng glue dati na hindi niya natuloy, "Anong ginagawa mo diyan?"

Tinuturo naman niya ako at parang may gusto siyang sabihin na parang 'di niya masabi. Lumapit tuloy si Kay sa kanya at tinapik siya ng malakas sa likod.

"I-ikaw.. i-ikaw si A.L.?"

Turn ko naman lumapit sa kanya at tinakpan ko kaagad yung bibig niya. Tumingin-tingin ako doon sa gilid ko kung may tao pa.

"Shh.. shh.. narinig mo lahat?"

Tinatakpan pa rin ng kamay ko yung bibig niya kaya tumango lang siya.

Ako naman eh bumilis yung tibok ng puso ko.

"Naku Ronnie! Please lang.. walang dapat makaalam nun!" ano ba naman yan?!? "Ako si A.L., pero wala akong balak siraan ang sino man ah.. si Mandee.. or anyone.. okay? Please be quiet about it.. huh? Pwede ba?"

Tumango na naman siya sa akin.

"Kaya ikaw RONNIE!" seryoso naman si Kay, "I-leak mo yung information ha. Kailangan makarating sa principal..."

"Kay!"

"Kailangan makarating sa pricipal na.. si Mandee si A.L.!!" sumimangot siya.

"Promise mo.. ha hindi mo sasabihin. Promise mo! Gusto ko marinig kong sinsabi mo na hinid mo sasabihin kahit kanino.." hindi pa rin siya nagsasalita, "Ronnie naman eh mangako ka!" inalog ko siya ng kaliwang kamay ko.

Humawak naman si Kay sa right hand ko.

"Cousin.. tinatakpan mo yung bibig niya kaya hindi siya makapangako."

Napansin ko na totoo nga.

"Sorry Ronnie, my bad."

Mukhang ok lang naman at alam ni Ronnie. Siguro nga iki-keep naman niya yung promise niya at hindi naman nya sasabihin. Harmless naman siguro na may isa sa school bukod sa aming dalawa ni Kay nakakaalam na ako talaga si A.L.

Isa lang naman ang ikinakatakot ko. Gusto ko na alisin nila yung banner sa labas ng gate. Baka kasi nagkataon na nagda-drive si Daddy around town at mabasa niya yun. Disaster yun kapag nangyari.

Wala pang time eh nakaupo na kaming tatlo nila Kay sa room at nagusap-usap. Nung malapit na mag-time, dumami na rin yung mga tao sa room at maraming nag-congratulate sa amin doon sa Beauty and the Beast.

Nung hinihintay ko na mag-time, may umupo naman sa tabi ko.

"Galit ka?" narinig ko pa lang yung boses alam ko na.

"Hindi."

"Eh bakit parang galit ka?!?" naririnig ko pa rin siya nun. Nakatingin kasi ako sa gilid eh.

"Hindi nga ako galit."

"Kung hindi ka galit bakit hindi mo ko tinitignan?!?" ang dami niyang tanong no?!?

"Jasper hindi nga ako galit ang kulit mo naman eh!!!"

"Tingnan mo galit ka sinisigawan mo ko!"

Humarap naman ako sa kanya. Kung hindi ko pa haharapin, mangungulit lang siya eh.

"Ok.." mahinahon na ako, "Hindi ako galit. Happy?" pineke ko yung ngiti ko.

"Not really." umiling siya, "Gusto ko umupo ka doon sa upuan sa likuran." tinuro niya yung upuan sa likuran na katabi nung upuan niya, "Doon ka."

"Bakit naman ako uupo doon?"

"Friends nga tayo 'di ba?!?"

Tinaasan ko nga ng kilay ko.

"Oo nga eh.. kaya nga.. FRIEND.. dito ako sa upuan na ito, doon ka sa likod ko. Ok na yun!" nilabas ko yung binder ko at nilagay ko sa desk.

"Sige na!"

Arrgghhh! Hindi talaga siya papatalo!

Tumayo ako at kinuha ko yung bag ko at yung binder na nilabas ko. Nilapag ko sa sahig yung bag ko at sa desk yung binder para makaupo ako.

Tinititigan lang ako ni Jasper na papaupo na ako. Nakakapagtaka talaga sya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Hindi ka pa ba uupo?"

"Uupo nga eh!"

Paano ko ba malalaman na oras na umupo ako nun eh isa sa mga embarassing moments ng buhay ko. Paano ba naman kapag upo ko, yun pala yung sirang upuan kaya natumba ako at napaupo ako doon sa sahig.

Tawa ng tawa si Jasper. Ako naman, walang nakakatawa doon. Yung ibang classmates din namin eh nagtinginan at yung ilan-ilan sa kanila eh ngumisi lang.

"You think that's funny?!?" seryoso na ako nun at kinuha ko yung binder ko, "HINDI SIYA NAKAKATAWA!" medyo naiiyak na ako nun.

Lalabas na sana ako ng room at gusto ko pumunta sa girls restroom kaya lang narinig kong sumisigaw si Jasper at tnatawag ako.

"Riel!" tumakbo siya nun para habulin ako, "Riel!"

Binilisan ko naman yung pagtakbo ko doon sa hallway kaya hindi na niya ako nahabol. Nakakainis naman siya! At ito talaga, totoo na. Tama bang ipahiya ako? Papaupuin ako sirang upuan tapos tatawanan pa niya ako?

"Riel! Sorry na! Ginawa ko lang yun dahil--" sinandal niya yung isang kamay niya sa pader, "Sana lang pwede ko sabihin sa iyo kung bakit!"

"Sana lang alam mo kung ano yung nakakatawa sa hindi!" sumigaw din ako doon sa hallway.

Bigla na lang may humawak sa balikat ko.

"Miss Lopez, magsisimula na ang klase. At bawal sumigaw sa hallway.."

Bumalik na lang ako sa klase nun. Kahit na iniinis pa rin ako ni Jasper kakatawag niya, hindi ko na lang pinansin. Siguro nga nature na niya yun. Nasa dugo na niya ang pagiging...

prankster.

Nung breaktime nga namin eh hindi ko pa rin siya kinakausap. Nahalata niya rin siguro niya yung damage na ginawa niya.

Hndi siya makatiis nun. Nasa cafeteria na kami ni Kay eh umupo ba naman sa harapan ko.

"Sorry na Riel! Sorry na talaga!" humahawak pa siya sa kamay ko nun.

"Ayaw ni Riel ng sorry mo!" niloko siya ni Kay.

"Kasalanan ko na ok? Napahiya ka kanina!" seryosong-seryoso siya, "Ano gusto mo gawin ko para tanggapin mo sorry ko? Lumuhod ako?!?"

"Oo lumuhod ka para mas sincere!"

Tinignan ko si Kay. Ang kulit din nito.

"Sige luluhod ako."

Luluhod na sana siya nun. Isang tuhod lang yung nakaluhod yng isa sinasandalan niya ng kamay niya.

"Sus ang OA!!" nag-comment naman si Mandee.

Tumingin si Jasper, tapos bumalik uli sa akin.

"Sorry na. Sabihin mo lang anong gagawin ko para tanggapin mo sorry ko. Kahit ano..."

"Oo na.. ayos na!" hindi naman ako masamang tao na nagtatanim ng sama ng loob.

Basta nag-sorry, ayos na ako.

"Tumayo ka na diyan at hari ka na ng drama."

Tumayo naman na siya at mukhang hyper na naman dahil nakangiti siya. Papaalis na sana siya at bumalik na siya sa table nila.

Si Kay eh inasar na naman ako kay Jasper nun. Hindi lang niya alam na gusto naman siya ni Jasper. Kumain lang kami ng kumain nun na para kaming elepante at nag-alarm na dahil sa time.

At eto na naman yung numbers na naririnig ko sa kanila dati.

"8.." sabi nung isa na hindi ko kilala

"8.." sabi ni Carlo.

"6.." si Jasper eh tinatapon pa yung pinagkainan nila.

Nagsabay pang tumingin yung dalawa niyang kasama sa kanila.

"6? Bakit ganun?"

"Gusto ko eh. Yung isa, 9."

"Whoa.. some change there... 9 din ako sa isa."

"8.. di kami close."

Tinignan ko lang si Jasper nun nung dumadaan kami. Umayos siya ng pagkakatayo niya at hindi man lang siya ngumiti.

"Bro tama na nga yan, hindi dapat binibigyan ng grades ang babae.."

"Ikaw nga nagpauso niyan sa ating tatlo eh!"

"Pwes ngayon hindi na!"

Bigla ba naman akong dinaanan. Ano ba naman yun?

"Ikaw nagsabi nun 'di ba? Na hindi tamang bigyan ng grades ang babae? From now on, hindi na." hininaan niya yung boses niya, "Huling beses ko na gagawin yun. Nung unang beses na binigyan kita ng grade, I gave you a 6." tapos ngumiti siya sa akin, "I gave you 9 this time."

Hindi ko alam kung matutuwa na naman ba ako nun o maasar o magtatanong. Yun ba yung the same game na 10 ang pinakamataas, tapos 1 ang lowest.

Hindi na lang ako nagsalita. Bago pa siya umalis nun eh may binulong siya ng mahina kaya lang narinig ko.

"Out of 9."

Hindi pa nagsi-sink sa utak ko yung sinabi niya nung tumakbo siya.

Whoa...

"WHAT?!?" he's kidding..or.. is he? ***23*** Habang tumatagal at nakakasama ko si Jasper, lalo siyang nagiging 'I-don't-understand-his-brain' guy. Totoo naman eh. Minsan ayos naman siya, may time naman na ang gulu-gulo. Katulad...

Well.. araw-araw naman yata.

Hindi ko na lang siya tinanong doon sa sinabi niya sa akin tungkol sa pag-grade niya ng mga babae. Lalung-lalo namang hindi ko na ioopen sa kanya yung sinabi rin niya na...

I gave you a 9... out of nine. That's weird. Meron bang nag-grade ng perfect?

Anyways, the next week.. ganun pa rin naman ang buhay namin. Tumawag ang Daddy ko at kinukumusta pa nga ako. Naalarma nga ako sa kanya paano ba naman nagbigay ba naman ng comment na pupunta daw siya sa school At syempre kapag si Szarielle Madrigal Lopez ka, gagawa ka at gagawa ng paraan para hindi mapunta ang Daddy mo sa school at mabuking ka.

Ganun nga ang nangyari... so na-erase naman na yung problema ko na yun.

So eto na naman ako, another day. Dumaan ako sa locker ko sa hallway at kinuha ko yung mga gamit ko. Ang dami nga nun at panay hardbound books pa yung iba.

Hindi ko pa nalalabas lahat at baka maging hunchback na ako, may sumandal naman na halimaw doon sa kabilang locker kaya nagulat pa ako.

"Anak ng AUSTRALIA naman!" ewan ko kung bakit Australia ang unang pumasok sa isip ko.

"Hindi naman, PINAS lang." ngumiti siya ng kaunti, "Teka nagpapauso ka ba?"

"Hindi." binuhat ko yung libro ko, "Alis na diyan mala-late na tayo."

"Ang sungit mo alam mo yun?!?" sabi niya sa akin.

"Oo! Maraming nagsabi."

Nagsimula na akong maglakad nun pero mabagal lang dahil sa sobrang bigat ng dala-dala. Humabol naman siya sa akin at sumabay sa gilid ko.

"Gusto mo tulungan na kita?" nag-offer pa.

Ang bait naman...

"Hindi na." ang bait pero contradictory yung sagot ko? "Kaya ko na. Doon lang naman yung room eh.." tapos tinuro ko yung dulo ng hallway.

"Dali na tutulungan na kita..." hinila niya yung kabilang end ng books ko.

"Ako na, hindi na kailangan." hinatak ko pa-side ko.

"Sige na pumayag ka na, ang bigat nito oh.." hinila na naman niya.

"Mabigat nga pero kaya ko na!" hinatak ko uli.

"Riel, ang dami nung books mo. Akin na yung iba.." malakas na yung paghila niya.

Hindi ko talaga binitawan yung books ko.

"Feeling mo naman dahil babae ako hindi ko kayang buhatin ito? Hoy, kaya ko no!" malakas din yung paghatak ko.

Bakit ba ako nakikipag tug-of-war sa kanya?

"Bilisan mo na! Ibigay mo na sa akin para tapos na! Sige ka lalo tayong mala-late sa klase!" hinawakan niya uli, tapos hinila niya sa tiyan niya.

"Ayo--" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko. "AYAN NA NGA!!" tapos tinulak ko lalo sa tiyan niya ng sobrang lakas.

Napaatras tuloy siya.

"Bakit mo tinulak?" hnawakan niya yung tiyan niya, "Ang sakit nun ah!"

"Gusto mo 'di ba? Ayan na."

"Nagbago na isip ko...kunin mo na nga." tinulak naman niya sa side ko.

I can't believe this guy...

"Akin na.." kukunin ko uli.

"Loko lang 'di ka mabiro!"

"Nambwibwisit ka ba?!?" tinanong ko siya, "Kasi kung oo, effective masyado."

"Ooh thanks!" nakangiti pa siya nun. "Say number 2 Riel!"

"Say what now?" nakakapagtaka naman.

Sabi nila matalino si Jasper. Sigurado ba sila na matalino siya as like a gifted child or a special child? Kasi sa kaso niya, parang special child siya eh.

Dumating naman kami sa roon nun awa ng Diyos. Pero late na rin kami kaya inasar pa kami nung mga classmates namin dahil sabay kaming dumating. Yumuko pa nga si Jasper kasi sa harapan ba naman siya dumaan. Ako kasi sa likuran eh.

Nagklase lang kami. Na-boring nga ako kaya hindi rin naman ako nakinig. Nag-quiz pa kami sa Calculus, naka 7/10 ako. Hindi naman masama kahit hindi ka nakinig. Si Jasper naka 9/10. May mali siyang isa at sign lang. Nilagay niya positive intead of negative.

Does that matter? I guess.

Nung breaktime namin ng umaga, pumasok si Kay at mukhang cheerful naman ang bruha. Kapag ganyan ang itsura niya na parang nakangisi na hindi mo maintindihan, maganda yung nangyari.

"Ano nangyari sa iyo?"

"Guess what!" sabi nya tapos naupo sa tabi ko, "Kinakausap nila si Mandee ngayon."

"Anong meron?"

"Ano pa! Tinatanong siya kung bakit hindi siya nagdo-donate. Kasi parang nanalo yata siya sa Wordsmith, may premyo siya ng P100.00, ayun ikinain sa cafeteria. Syempre nag-iba yung tingin sa kanya. Kung siya si A.L., pati ba naman isang daan lulubusin niya?" tawa ng tawa si Kay.

Hindi ko alam kung makikisama ba ako sa pagtawa niya. In the end, hindi na lang.

Hindi lang naman iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Mandee. Nung nakaraang linggo, bumili siya ng pagkain niya, halos hindi naman niya nagalaw. Imbis na ibigay niya yung hindi niya nagalaw doon sa walang pambili, tinapon niya lahat. Bakit naman daw niya ibibigay doon sa ibang tao eh hindi naman nila pera?

Addition to that, tinapon niya yung A.L. shirt na binigay sa kanya nung nurse.

Umalis naman kaagad si Kay nun dahil kakain pa yata sya kaya naiwan ako mag-isa sa loob. Hindi naman ako gutom nun kaya naupo na lang ako. Isa pa sa dahilan niya, may gagawin din daw siya.

Kakaupo ko doon, narinig kong nag-ring yung cellphone ko kaya hinanap ko pa sa bag ko. Nung nakita ko na yung 3315 ni Kay, tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Napansin ko, unknown number. Hindi naka-store sa inbox ko.

Sino 'to?

"Hello?!?" napansin ko na medyo maliit yung boses ko nun.

"Hey, Anong ginagawa mo?"

Anong ginagawa? Close ba kami?

"Err.." hindi ko alam isasagot ko, "Do I know you?"

"Ito na naman itong si Do I know You person. Naalala mo yung tinext ko dati sa impression ko sa iyo? Ako yung Ian guy na naka-text mo."

"Wait up... yung na wrong send?"

Teka.. si Carlo yun 'di ba?

Tumayo ako nun sa upuan ko at nagsimula ako maglakad papuntang pintuan para tignan kung nasaan si Carlo at kung may hawak siya na phone. Kaya lang muntik pa akong nadapa dahil nakakalat yung basahan sa gitna.

"Carlo, are you trying to pull a trick on me?" yun na lang ang tinanong ko. "Kasi nakausap na kita dati alam mo yun!"

"Carlo?!?" halata mong gulat yung boses niya, "Inaasahan ko Ian yung itatawag mo sa akin tapos ngayon Carlo?"

Biglang nagsalita siya.

"Ok, I give up Kay. Panalo ka na. Kung niloloko mo ko, panalo ka na."

"Kay?!? I'm not Kay." naiinis na ko. "Ano ka ba naman Carlo!"

Nag-step ako doon papalabas ng room namin kaya lang may nakabangga ako. Napahawak pa ako sa braso niya para hindi ako matuluyan sa sahig.

Napakunut-noo ako kasi may hawak din siyang phone at may hawak din akong phone.

"Cc-carlo?!?" nabubulol pa ko nun at hindi ko alam kung nawala lang ba ako sa sarili ko nung binanggit ko yun.

"KAY???"

Oh My God... don't tell me what I'm thinking...

is what I'm thinking??? I'm Lost. ***24*** Lalo talaga akong naguluhan nun. Si Jasper... si Jasper yung ka-text ko dati? Paano namang nangyari yun eh samantalang si Carlo yun ;di ba? Ano ba yan!!! Sumasakit na yung ulo ko.

"Teka.. ikaw ang ka-text ko? Hindi pwede..." tinuro ko siya tapos umiiling pa ako, "Si Carlo ang ka-text ko."

"Yeah right. Si Kay rin ang ka-text ko.." huminto siya tapos nanahimik.

Sabay kaming umupo doon sa gilid at walang makapagsalita sa amin. Bigla na lang siyang tumingin sa akin.

"Saglit lang, si Kay ba talaga yung ka-text ko?"

Tingnan mo, hindi rin pala siya sigurado masyadong nagmamagaling.

"Malay ko!" lumayo nga ako ng kaunti, "Basta alam ko may nakatext ako nun, then sinabi ni Carlo siya yun..."

Nilabas ni Jasper yung phone niya at lumapit siya sa akin. Bigla niyang inangat yung phone niya at hinarap niya sa akin.

"Number mo 'to?" tapos tinignan ko yung nasa phonebook niya na Kay ang nakalagay pero...

"Number ko yan.." yun na lang ang nasabi ko.

Turn ko naman tumingin sa phone ko. Unlike sa kanya, naka-store yung number. Nilabas ko yung phone ko at pinakita ko sa kanya.

"Kaninong number 'to?"

Tinitigan naman niya tapos nilagay niya sa bulsa niya uli yung phone.

"Kay Carlo nga yan.." see? Si Carlo nga!

Tinignan ko naman yung mga recently received calls. Ito lang yung kanina at nakita ko na naman yung unknown number.

"Eto, kanino ito?"

"Sa akin kanino pa ba!" sinigawan ba naman ako, "Kausap lang kita kanina!"

"Eh siraulo ka pala bakit galit ka?" bumulong ako sa gilid, "Nagtatanong lang yung tao."

"O sige.." naging mahinahon na siya, "Isa-isahin natin 'to ah. Paanong number mo yung number ni Kay?"

"What're you talking about? Number ko na ito.. noon pa!" napaisip naman ako, "Matagal na."

"Number mo?" iba na yung expression ng mukha niya, "Nakuha ko yung number na ito nung nasa shop tayo. Yung Motorolla V3 ni Kay? 'Di ba tinignan ko that day? Tinignan ko lang yung phonebook para sa number niya."

Whoa... that day.. what happened that day? Isip Riel.. isip...

Oh yeah. That day nagpalit kami ng phone ni Kay kaya lang hindi pa namin napapagpalit yung sim card namin. So nakuha niya... yung number ko.

"Kung phone yun ni Kay, bakit sim card mo?" sumandal siya doon sa pader.

"Eh.. eh... ano.. kasi... KASI... hiniram ko yung phone niya!" yun na lang ang naisip ko, "Bakit wala na ba kaming karapatan magpalit ng phone? Gusto ko lang naman maranasan na magka-RAZR eh. Since wala akong pambili, hiniram ko phone niya.." what a liar!!

"Kung yun ang kaso.. fine!" iniwas niya yung tingin niya sa akin, "My bad. Akala ko number ni Kay."

Lalabas na sana siya kaya lang pinigilan ko naman. Unfair naman yata yun. Alam na niya yung kanya tapos yung akin hindi pa? Kung siya yung naka-text ko dati, paanong naging si.. CARLO?

"Ikaw ba talaga yung naka-text ko?" yun na lang ang pumasok sa isip ko na itanong sa kanya.

"Ang una kong tinext sinadya ko yun. I can't remember, but it's something like.. 'this is janice and i'm ian' thing."

"Yeah.. naalala ko na. May naligaw na text sa akin. Asking me kung ako yung Janice, and siya daw si Ian."

"Oo nga, SINADYA ko nga yun! Para kay KAY dapat!"

"In short, nagpapapansin ka.." inirapan ko nga siya.

"O ngayon?"

"Eh kasi naman kung kinakausap mo na lang siya ng personal o magtext ka sa kanya na ikaw eh IKAW di ayos lahat!"

"AYOKO NGA!" sumigaw na naman siya.

Tinalikuran ko nga uli siya. Hindi pa rin nasasagot yung tanong ko.

"Paano nga uli naging si Carlo?" nagtataka na ako nun.

"Ewan ko. Bakit ako yung tinatanong mo? Ikaw nga itong sinungitan ako sa text!" nilabas niya uli yung phone niya at nagpipipindot.

Tumatawag pala siya kasi sumunod na lang, nilagay niya sa tenga niya yung phone.

"CARLO! PUMUNTA KA DITO SA ROOM.." ang lakas ng boses niya, "NGAYON NA!" umiling-uling siya, "SINABI KO NGAYON NA!!!"

Binaba niya uli yung phone niya tapos humarap siya sa akin.

"He'll be here in no time... 10 seconds..." nagbilang pa siya, "9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1..."

Bigla na lang may tumama ng malakas doon sa pintuan.

"Ano Jasper?" mukhang hinihingal-hingal pa siya.

"Paki-explain nga.. IAN?" sinabi ni Jasper pero hindi naman siya mukhang galit.

"Ooh.." nag-iba yung itsura ni Carlo, "That."

"Oo yun nga.."

Tumingin si Carlo sa akin at ako naman eh hindi na lang nagsalita. Gusto ko lang, malaman kung paano nangyari yun at para hindi naman na ako naguguluhan.

"Hindi ba kinuwento ko sa iyo na ka-text ko si Kay at sa nakaka--" tumingin siya sa akin tapos tumigil siya, "Hindi bale na nga. Basta naka-text ko siya. Anong ginawa mo?"

Lumayo na kaunti sa amin si Carlo.

"Ok, I'm sorry." yun ang una niyang sinabi.

"FOR WHAT?" nagsisimula na mairita si Jasper.

Tumingin si Carlo sa akin tapos kay Jasper.

"Di ba nga nung nag-usap tayo, kinuwento mo yung naka-text mo? Tinignan ko yung number. At first glance, medyo familiar sa akin. Saka ko nalaman na number yun ni Riel kasi na-save ko yung number niya nung nahulog niya yung phone sa grocery.." huminga siya ng malalim, "Nung nasa theater, naisipan ko siyang i-text. Sinubukan ko na magpakilala bilang.. yung unang nag-text sa kanya. She thought it was me.."

Tumingin sa akin si Jasper nun.

"A-akala ko kasi sya. Hindi ko naman sinave yung number mo nun."

"Eh bakit gusto mo namang magpanggap na ako?" tinanong uli ni Jasper, "Kung magtetext ka lang din naman, bakit hindi na lang bilang ikaw?"

Kung makapagsalita naman itong si Jasper akala mo hindi naman niya ginawa yun! Siya nga itong unang nagtext na dapat eh kay Kay at nagpapanggap na ibang tao at hindi siya.

"Nagsalita ang hindi naman ganun ang ginawa!" nagparinig naman ako.

"Riel pwede ba--" hindi niya natuloy yung sasabihin niya.

Mabilis niyang binaling yung tingin niya kay Carlo at tinitigan niya.

"You don't mean to tell me.."

Tumango-tango lang si Carlo. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

"Kailan pa?!?"

"Noon pa." yun lang ang sinagot ni Carlo.

Ako naman eh parang poste na lang doon at hindi ko na sila maintindihan.

"Pwede bang i-explain niyo sa akin yung nangyayari?" tinuro ko sila parehas, "I'm kinda' lost."

"Hindi Riel.." hinawakan niya ako sa braso ko at dinadala niya ako sa labas, "You're out of this."

Sinarahan naman ako ng pinto. Ang lakas nga eh.

"Bakit mo ko pinalabas?!? ANG LABO MO JASPER!!!" tapos nagdabog na ako paalis.

Ikinuwento ko naman kay Kay kung ano yung nangyari except yung part na intention ni Jasper na sa kanya dapat yung text. Syempre ayaw ni Jasper na malaman ni Kay na may gusto siya sa kanya, kaya hindi ko na business yun. Torpe kasi yung tao na yun eh.

"For real? Si Jasper yung ka-text mo?"

Nakailang-Oo at tango ang ginawa ko bago pa naniwala sa akin si Kay. Kinikilig daw siya para sa amin ni Jasper.

Hay naku.. kung alam lang niya...

Naupo na lang ako doon at wala na lang akong sinabi. Mahirap na at baka madulas pa ako sa kanya.

Nung sumunod na mga raw eh madalas na patingin-tingin lang si Jasper at wala namang sinasabi sa akin. Si Carlo naman ang madalas bumati sa akin ngayon. Ang weird nila parehas no?

Hindi rin nagtagal at wala naman si Carlo sa paligid, umupo naman si Jasper sa tabi ko. Lagi naman eh.

"Alam mo yung kwento ng gold fish na na-murder accidnetally?"

Napatingin ako sa kanya. Ewan ko ba kung anong sinasabi niya.

"Pardon?!?" nagsusulat kasi ako ng homework nun.

"Sabi ko, may gold fish na pinatay..." ngumiti siya ng kaunti, "Accidentally."

"Pinatay nga tapos accident?" nakakapagtaka naman itong tao na ito.

"Kasi may gold fish ako nun dati. Na-overfed so tumaba ng tumaba. Dahil lagi kong pinapakain, nakita ko na lang isang araw lumulutang na siya sa fish bowl ko nakabaliktad."

Seryosong-seryoso siya magkwento nun.

"Dahil bata pa ko, umiyak ako dahil mahal ko yung gold fish ko. Dinala ko yung fish bowl at nagpunta ako doon sa bathroom ng bahay ng uncle ko. Nag-flush ako sa toilet para mapasama na yung gold fish ko." huminto na siya, "Dala-dala ko na yun sa konsensiya ko after that."

"Huh?!? Bakit naman? Usually naman ganun ang ginagawa sa pet fish 'di ba?"

"Yun nga eh. Nung nakita ko, gumagalaw pa pala siya. Eh nai-flush ko na yung toilet, kaya nakasama sya. Na-murder ko siya... accidentally."

Natawa naman ako sa kanya pero hindi masyado. Ayos naman yung kwento niya, pero para saan?

"Sus, malay mo naman nung nai-flush mo siya napunta siya sa ilog or something. Eh di natulungan mo pa siya.." huminto naman ako, "Teka, bakit mo kinukuwento sa akin?"

"Wala lang. I just thought you need company.." ngumiti siya.

"Oh thanks." tinapik ko siya sa balikat niya.

Dahil nakaupo ako mag-isa doon, narinig kong may tumawag ng pangalan ko. Nakatalikod naman si Jasper at nagsasalita mag-isa. Hindi ko nga masyadong maintindihan dahil naging busy ako doon sa tumawag sa akin. Si Kay pala. May sina-sign siya sa akin pero dhail malayo siya, hindi ko maintindihan.

"... gusto ko lang sana malaman kung ano sa tingin mo.."

Nagthumbs-up naman ako kay Kay kahit na hindi ko siya maintindihan masyado. Nahahati yung utak ko, isa kay Jasper.. at isa kay Kay.

Saka ko na-realize na hindi yata ako ang kausap niya. May tao rin kasi doon eh.

Bigla na lang humarap si Jasper kaya napaatras ako at may tinamaan naman siyang dumadaan sa hallway.

"Pwedeng manligaw?!?"

Napahawak na siya doon sa balikat nung nabangga niya na hindi niya siguro nakita dahil nakatalikod siya.

Ako naman eh nakatayo lang doon at binigay na lang yung support sa kanya. Hinihintay ko yung sagot.

"Sure Jasper, you can court me!"

READERS: this is not included in the story.

References po! Doon sa mga parts na may kinalman sa *text chappie* kung paano naging si Jasper then si Carlo then si Jasper uli.. hehehe.

  1. "Wow! RAZR?" tumingin siya sa pinsan ko, "Ang cool ng phone mo Kay!" tapos tinignan naman niya, "Gusto ko nga bumili ng ganito eh, kaya lang mahal walang pambili. Pero ayos din yung Motorolla L7. Sa ngayon, mag-stick muna ako sa Nokia. After 10 years siguro makakabili na ako niyan." tinuro niya yung phone ko, este phone ni Kay, at nilabas naman niya yung kanya... Nokia 2100. "Patingin nga ako."

Lalo akong kinabahan nun. Please naman huwag siyang madayo sa messages! Please huwag naman. Sim card ko pa yung nanduon sa loob. Please naman...

Pindot siya ng pindot doon. Tapos saglit lang, inabot niya na uli kay Kay.

"Cool."

(this is the part na nagpalit si Kay at riel ng phone. Notice the part na hiniram ni JASPER yung phone na Motorolla V3 at sim pa ni Riel yung nandun. Nagpipipindot siya, kunwari chini-check out niya pero kinukuha niya yung number.)

2.."Riel, sa iyo ba itong phone na ito?" tapos nakita ko yung 3315 na hawak ni Carlo.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Err yeah. Saan mo nakuha?"

"Doon sa likuran. Baka nahulog mo."

"Thanks." nilagay ko na ng maayos sa bulsa ko

(ito naman yung part na nakuha ni Carlo yung phone ni Riel sa shop. Kinuha din niya ung number. That explains how he got riel's number.)

  1. Wala pa sigurong 5 minutes eh tumutunog na naman yung phone ko. Syempre tinatamad-tamad pa akong nagpipipindot nun.

'dis s janice ryt? si ian 2.'

(this is the part na unang nag-text si Jasper kay Riel. He was pretending to be somebody else.. ang name niya eh IAN kasi nga nahihiya siya magpapansin kay *Kay* dapat.) He was just playing na kunwari ligaw na text yun.

4.Nung gabi naman eh nagtext uli si Carlo sa akin. Syempre, sinave ko na yung number niya. Dati kasi binubura ko lang lahat ng messages niya eh. Yung unang-una nga niyang text nun na hindi ko pa siya kilala eh hindi naman ako nag-abala na i-save pa yung number niya.

(ito naman, sinsabi ni Riel na isinave na niya yung number ni Carlo.. as CARLO. Which is right dahil phone talaga ni Carlo yun.)

here's the next one.

Kakaupo ko doon, narinig kong nag-ring yung cellphone ko kaya hinanap ko pa sa bag ko. Nung nakita ko na yung 3315 ni Kay, tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Napansin ko unknown number. Hindi naka-store sa inbox ko.

(ito yung sa last chap before yung na-post ko. May tumatwag kay Riel, ito na si Jasper. Lumabas, unknown number. Which means yung number ni Carlo na ginamit niya para mag-text kay Riel sa theater eh different sa number ni Jasper.)

still confused?

It only means na nung unang beses na nag-text si JASPER as IAN, hindi na-save ni Riel yung number na yun. So the next time na may nag-text at medyo similar dahil unknown number at si Carlo na yun, she thought it was the same guy.. so sinave na niya.

She got the wrong number thinking na si Jasper.. eh si Carlo.

GULO PA RIN BA?!???

Chapter 4

 

"Whoa Mandee!" nagulat si Jasper nung nasa harap niya si Mandee, "Nandiyan ka pala?"

Nakatodo-ngiti naman si Mandee sa kanya.

"Oo no! Tinanong mo pa nga ako kung pwedeng manligaw 'di ba?" sabi niya tapos lalong lumapit kay Jasper.

"Oh no.." umatras si Jasper, "Para kay.." kinamot niya yung batok niya, "Para kay Riel yun eh."

Nagulat naman ako nun kaya hindi ako nagsalita. Para sa akin? Ang alin nga uli?

"Ako?" wala pa ako sa sarili ko nun.

"Yeah." tumango si Jasper tapos tumingin kay Mandee, "Sorry Mandee. Hindi ko alam na nasa likod kita eh."

Sumimangot naman si Mandee tapos umalis sa harapan namin. Ako naman eh hindi pa rin maliwanag ang lahat, kaya hindi ako nagsalita. Konti lang yung narinig ko sa mga sinabi ni Jasper kanina, kaya hindi ko alam yung full details.

"Pwedeng ulitin uli yung sinabi mo kasi.." lumingon ako sa likod ko at medyo tinuturo ko yung spot kung nasaan si Kay kanina kahit wala na siya doon, "May.. kausap ako kanina."

Yumuko naman si Jasper. Sa itsura parang nalungkot na 'di mo maintindihan.

"Hindi ka naman pala nakikinig sa akin may tinatanong pa man din ako na mahalaga..."

"Hey.. sorry. Ano na nga uli?"

"Wala na. Hindi ko na mauulit yun. One time thing lang yun." tapos tinalikuran niya ako, "Ang tagal-tagal kong pinractice tapos hindi mo naman pala inintindi. Saka na nga lang!"

Naglakad na siya mag-isa. Siraulo na yun!

"Hey Jasper!"

"Ang hirap-hirap magtanong papaulit mo pa?!? Sana lang 'di ba nakuha mo na nung unang beses?" halata kong may halong biro yung boses niya. "Sige, punta muna ako ng cafeteria." then nagsimula na siyang tumakbo.

"JASPER! ANO NA NGA ULI YUN?!?" sumigaw ako doon sa hallway...

Teka nga, bakit ko ba pinapaulit sa kanya???

Narinig ko naman 'di ba?

***

After another week, may pera na naman ako galing sa Daddy ko. Dahil nga sa sobrang iba yung pakiramdam ko kapag sobra-sobra na yung pera ko, naisipan ko na namang mag-donate sa school. This time, mas maingat na ako. May inutusan ako na bata para maghulog doon sa donation box.

Si Kay naman ay medyo nagagalit sa akin. Nagdodonate na naman ako as 'A.L.' pero si Mandee naman daw ang nagiging maganda ang image. Wala naman akong pakialam na doon, siguro dati nabahala ako. Ngayon... hindi na.

Dumating naman yung teacher namin sa Values at may inannounce siya sa amin. May hawak-hawak siyang papel na dapat daw malaman ng mga seniors. Ayun, binasa niya sa harap ng klase namin.

"Teachers, Kindly inform the 4th year students..." blah blah.. kasi ang daming ek-ek, "--that we are having a school 'recollection' that is usually done for seniors. It'll be held at 'The Blue Lagoon Resort' for 3 days and two nights." Blah blah.. details kung magkano at kung anu-ano, "--and it is a good experience for our seniors before they graduate. Please take note that it is not mandatory, but I advice seniors to go. Sincerely, <insert name here>"

"Recollection?!?" si Carlo ang unang-unang nag-react, "Grabe, sound pa lang... nakakatuwa na." sarcastic naman yung pagkakasabi niya.

Seryoso naman yung ibang classmates namin at nag-ingay kung sino ang mga sasama. Syempre maraming ineterested. Matutulog ka ba naman for 2 days sa isang resort.

"Mam!" nagtaas ng kamay si Jasper, "Ito ba yung ginawa din namin nung elementary na may orientation at ilang discussion na sama-sama kayo... tapos magku-kuwento ka sa experiences mo?" nagtanong naman si Jasper.

"The same thing, except it's deeper this time."

Humarap ako kay Kay nun.

"Sasama ba tayo?" tinanong ko naman siya.

"Ikaw bahala.."

"Ewan ko.. "

Naririnig kong nagbubulungan na naman yung dalawa sa likuran.

Sinabi nung teacher namin na ilalagay daw niya yung sign-up form sa bulletin kung sino ang gustong sumama. Pumirma na lang doon para sigurado at magdala na lang daw ng pera for three days. Saturday, Sunday at Monday kasi yun which is, two days from now.

Hindi ko pa rin alam kung sasama ba kami. Recollection kasi eh. Alam mo na, delikado. Baka may matanong tungkol sa family ko at school ko dati, at kapag nadulas ako.. patay na.

On the other side, it sounds.. alright. Baka pumunta nga sina Jasper eh.

Teka, bakit ba concern ako kung sasama siya?

Kahit anong sabi ko sa sarili ko na wala akong pakialam kung sasama ba siya o hindi, ilang beses akong dumadaan sa Bulletin para tignan kung nandun na yung pangalan niya. Wala pa rin eh.

Nagtataka na nga si Kay kasi everytime na break namin, dadaan ako uli doon at titignan ko na naman.

"Sino ba hinahanap mo?" nakahalata na rin sya, "Hinahanap mo si Jasper?"

"Oi hindi no.." nagsimula na akong maglakad.

"Hindi ka dyan.. obvious ba nandiyan ka lagi?"

Sumabay siya maglakad sa akin at tumatawa-tawa. Tama naman siya, tinitignan ko kung nandun na yung pangalan niya.

"JASPER!!!" sumigaw si Kay sa hallway.

"Ano ka ba!" tinapik ko si Kay kaya lang lumapit na si Jasper.

Nakangiti lang si Jasper at tumingin sa akin saglit then kay Kay uli.

"Ano yun?"

"Nag sign-up ka na ba para sa recollection?" tinanong siya ni Kay.

Nanahimik na lang ako.

"Hindi pa eh.. bakit?"

"Wala lang, naisip ko lang." hinila na ako ni Kay. "Sasama ka ba?"

"I don't know.." umiling naman siya, "Hindi ko sure." tinignan na naman niya ako for the second time, "Nag sign-up ka na ba Riel?"

"Hindi pa nag sa sign-up yung pinsan ko.." siniko ko siya, "I mean, kami pala."

"Really?!?" nagtaka naman siya, "Bakit hindi pa?"

Sasagot pa sana si Kay kaya lang natigilan na siya. Prangka kasi minsan yan... nadudulas sa mga sinasabi niya.

"Walang pera eh.."

Na-choke naman si Kay nun.

"Walang pera?!?" patanong pa siya at nilaksan ko yung pagsiko ko, "I mean, walang pera!" pinalitan niya yung tono na parang sentence na lang.

Bigla namang dumating si Carlo at parang pagod na pagod pa.

"Hey Jasper! May pambayad na tayo. Mag sign-up ba tayo para sa recollection?"

"Mamaya na yan pwede!" hindi kami nakita ni Jasper sa gilid.

"Hanggang ngayon ba tingin ka pa rin ng tingin diyan sa Bulletin? Sino bang pangalan ang hinahanap mo?"

"CARLO SHUT UP!"

"Sino nga? Half a day ka na tingin ng tingin diyan.."

"FINE!" tumingin siya sa akin,

"SI RIEL OK?!?" ***26*** ***

Tinulak ako ng malakas ni Kay kaya muntik-muntikan na akong masubsob doon sa sahig. Tinignan ko nga siya ng masama dahil sumakit yung balikat ko sa sobrang lakas.

"Sus!" nakangiti pa siya, "Pinsan ko pala ang hinahanap mo eh!" sabi niya na nang-aasar pa.

Tumayo na lang ako doon at inayos ko yung blouse ko. Si Kay kasi eh, yan tuloy nalukot.

Si Jasper naman eh tumingin na lang doon sa rubber shoes niya. Narinig ko siyang bumulong nun: 'Yeah, hinihintay ko lang si Riel..'

"Nahihiya na yan si Jasper.." sabi ni Carlo.

Lumapit si Kay doon sa Bulletin Board kung saan ka dapat mag sin-up. May nakalagay doon na pen na may rope para hindi makuha nung mga nagpupunta doon. Hinila niya iyon at nilagay niya sa kamay ko.

"Mag sign-up ka na.." sabi niya sa akin ng mahinahon.

Ako naman eh tinignan ko yung ballpen sa kamay ko.

"Wala ngang--"

"PERA?!?" sabi ni Kay sa akin, "Pinsan naman! Alam mo namang may pera!" sinigawan ba naman ako, "Right ARIELLE?"

Alam kong sinadya niya lang yun para hindi na ako magsalita. Tumayo lang ako doon at si Carlo naman eh may kinuha sa bulsa niya.

Sariling pen din niya. Binigay naman niya kay Jasper yun.

"Mag sign-up ka na rin.." nakangiti siya kay Jasper.

Katulad ko, tinignan lang din ni Jasper yung ballpen sa kamay niya. Pagkatapos nun, nagtinginan kaming dalawa.

After that...

Sabay na kaming nag sign-up.

***

After two long days, dumating na rin ang pinakaaabangang School Recollection. Tinawagan ko ang Daddy ko nun, at syempre eh pumayag naman siya. Bago pa niya ako bigyan ng pera, ilang paalala pa ang natanggap ko sa kanya. Kesyo dapat daw mag sunblock dahil nakaka-cancer daw ang araw, huwag daw pumunta sa malalim dahil baka malunod ako samantalang marunong naman akong lumangoy, o kaya naman tignan daw yung tubig kung marumi.

Dumating kami ng maaga ni Kay sa school at dala-dala na namin yung malalaki naming bags na punung-puno ng damit. May busses na rin sa labas ng school nun at by-section ang arrangement ng busses. Dalawang section sa isang bus.

Nauna kami ni Kay at ng iba naming classmate na babae ang sumakay doon sa bus. Nakatingin pa nga ako sa bintana nung lumabas ng gate ng school si Jasper kasama si Carlo at may dala-dala rin silang kanya-kanyang bag. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya ng bus.

"Ikaw ba pinsan.." sabi ni Kay na napaatras akos a gulat, "May gusto kay Jasper?"

"Bakit ba napaka chismosa mo ha?" biniro ko na lang sya.

"Eh bakit kasi iniiba mo naman yung usapan. Isang tanong, isang sagot... may gusto ka ba sa kanya?"

Napasandal ako doon sa upuan ko at saka ako nakiramdam. Saglit lang eh may sumandal doon sa sandalan ng upuan ko.

"Hi Riel!" kaya lumingon ako doon. Naka-todo ngiti pa siya.

Nag-hi na lang din ako.

Tumingin ako kay Kay nun.

"Marahil... siguro... pwede..." seryoso na ako nun, "OO?"

Hindi rin naman nagtagal, nag-biyahe naman na kami. Alam ko kasi, an hour and a half o mahigit ang distance ng Blue Lagoon mula sa school. Kaya ayun, panay ang kantahan doon sa loob bus at pasahan ng mga baon. Uso naman na kasi yun eh.

Bumaba na kami nung sinabi nung teacher namin na nakarating na daw kami sa destination. As usual, may small orientation na ginawa. Magkahiwalay na buildings ang mga babae at lalaki. Yung nasa kanan, mga lalaki at yung sa kaliwa eh mga babae. Pero dahil magkatapat naman yung buildings ng mga rooms, kitang-kita mo pa rin yung mga doors.

Syempre, pumili na kami ng mga room. Pinili namin ni Kay eh yung pinakadulo. Unfortunately dahil sa sobrang dami ng sumama, apat ang assigned per room kaya may kasama pa kami ni Kay.

Nung araw rin na iyon eh pinababa na kami at sisimulan daw nung mga staff ng resort, Values teachers at pati na rin mga volunteers ng church. Pinagsama-sama kaming lahat at pinaupo kami sa mga monoblocks doon sa chapel nila. Section by section pa rin dahil kami-kami daw ang magkakakilala.

"Ok seniors..." sabi nung speaker na babae na hindi ko kilala, "Kapag nag-sign ako ng ganito.." nag-sign siya na parang peace, "It means you need to be quiet."

Tapos tinaas niya yung dalawang daliri niya kaya unti-unting nanahimik naman.

"Nandito tayo ngayon para sa 'Recollection' niyo. Ilang months na lang, gra-graduate na kayong lahat at magka-college na kayo. So sa recollection, we're actually 'collecting' " nag-quote siya sa kamay niya, "From the word itself-- our memories. Then we can actually learn from it. After 3 days, you'll realized how you've grown up so fast.. and some stuff." bigla siyang ngumiti, dahil nagbulungan... "But right now, I need you all to write your name on the stickers I provided so it'll be easier for me to call everyone..."

Kanya-kanyang sulat kami nun ng mga pangalan namin. Binigyan din kasi kami ng markers tapos dinikit namin yung names namin sa chest. Si Jasper nilagay niya sa upper part ng knee niya kaya hindi kita.

"Gusto niyo na ba mag-start?" sabi nung babae tapos tinapat niya yung microphone sa aming lahat.

Syempre.. maraming sumagot ng OO at may mga ilang pasaway na sumagot ng HINDI kasama na si Carlo doon.

"O sige magsisimula na tayo." tinignan ko yung babae. Kung papansinin mo, siya yung tipo na kahit high school students, kaya niyang kunin yung attention.. although.. she's the type of lady na pang 'childrens party.'

Inexplain lang nung babae sa amin na may activities daw kami na gagawin. It will test our VALUES in life at syempre, may discussion session kami sa kung anu-anong bagay.

Bago kami magsimula nun at dahil tanghali na kaming dumating sa resort, nauna na sa amin yung lunch.

Naupo ako mag-isa doon sa isang puting table at hinihintay ko naman si Kay. Yung ibang mga kasama namin na hindi na nakatiis eh nagpalit na ng mga panligo nila at nagtulakan na doon sa pool.

Yep.. swimming pool.

Dahil nga sa daming nakapila na kumukuha ng pagkain nila, hindi muna ako tumayo at hinintay ko muna na kumonti yung tao. Pero dahil nga sa view, parang hindi nauubos.

"Hindi ka kakain?" narinig kong may nagtanong sa akin.

"Kakain pero marami pang tao eh.."

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko kasi siya nilingon nung sumagot ako. Nakita kong may hawak na siya doon.

"Gusto mo ng..." tinignan niya yung dala-dala niya, "Soup?!?"

Err... Soup.. O--K??

"Sure." medyo gutom na kasi ako nun kaya pumayag na rin ako na akin na yung soup niya.

Halata mong mainit pa yung soup dahil umuusok-usok pa kaya hinipan ko pa. Nung unang sumubo nga ako eh medyo napaso ako. Kaya ayun, napatigil pa ako sa pagkain ko.

Hindi ko pa nauubos yung soup ko, napansin ko na nakatingin sa akin si Jasper.

"Tsong wala namang ganyanan.." yun na lang ang sinabi ko kasi hindi ako makakain ng maayos.

"You know what? Para sa isang girl na probinsiyana, hindi ka marunong kumain ng soup."

"Anong sabi mo?"

"Nakikita mo itong butas na ito sa gilid?" tinuro niya yung maliit na butas doon.. "Diyan ka dapat nagsi-sip. That's why there's a hole."

Napatingin ako uli. Akala ko handle.

"Alam ko yun no!" nag-snap naman ako sa kanya pero ginamit ko pa rin yung kutsara, "Eh bakit hindi ka pa kumakain?"

Ngumiti siya sa akin at nag-lean sa table.

"Kasi, nasa iyo yung kutsara ko. Hindi ako makakain."

Kasalanan ko pala ganun kaya hindi siya makakain?!?

"Riel, gusto mo ba malaman kung bakit gustung-gusto kitang asarin noon na probinsiyana ka?"

Saka naman ako tumigil sa pagkain ko nun. It wouldn't hurt kung sabihin kong 'OO' no?

"Bakit nga ba?!" tinanong ko naman siya.

"Kasi katulad mo ko. Lumaki ako sa farm. Bukid.." seryoso naman siya nun.

"Nanloloko ka ba or what?!?"

"Seryoso ako." mukha nga, "I grew up in a farm. Since 7 ako, hanggang 12. Nung nag high school lang ako lumipat ng city."

That's a shocker.

"Hindi ko alam yun ah." panay pa rin ang sip ko doon sa soup. "Akala ko nga nang-aasar ka lang dahil talaga namang prankster ka."

"Prankster ako dahil ineexpect ng lahat na ganun ako..." yumuko siya ng kaunti, "It's like... they're expecting me to.... be one. Tingin nila.. 'cool' ka." tumingin siya uli sa akin, "Oo nga pala, tapos ka na ba?"

"Oo bakit?"

"Pahiram po.." kinuha niya yung kutsara ko.

Kumain naman na siya nun kaya turn ko naman na manood sa kanya. Ang bagal nga niya nun eh. Bigla siyang tumingin sa akin ng nakakaloko kaya napaatras na lang ako bigla.

Tinawanan ba naman ako.

"Riel.."

"Yeah?!?" parang ang hilig niya akong tawagin sa pangalan ko ngayon.

"May mahalaga akong sasabihin."

Tumayo naman siya at may nilabas siya sa bulsa niya. Nung tinignan ko, dalawang chocolate bars. Nilapag niya sa table yung isa, at yung isa eh hawak-hawak niya.

"Remember the day na tinanong kita kung ano sa panlasa mo ang chocolate?"

Nag-isip naman ako. Yun kaya yung nasa shop nun?

"Yeah.. I think so.." hindi pa ako sigurado nun.

"Alam ko na kung anong lasa ng chocolate.."

"Marami naman nakakaalam ng lasa ng chocolate 'di ba?" umiling na lang ako.

"Nakalimutan mo na no?" sabi niya sa akin, "I said, alam ko na ang lasa ng chocolate."

"Yeah, I heard." ang sungit ko naman.

"Alam ko dahil sa iyo.."

Dumaan naman si Carlo at tinapik ng malakas si Jasper doon sa balikat niya. Tinignan lang siya ni Jasper.

"Oh come on Jasper... just get to the point!" tumingin si Carlo sa akin, "He's just saying alam na niya yung lasa ng chocolate..." tapos natawa siya.

"Yeah.. that's right." ngumiti lang si Jasper, "Binibigay ko sa iyo yung sa akin.." inabot niya yung chocolate bar sa akin. "Please say YES."

"Para saan?!?"

Saka ko na-realize, yung chocolate bar nga pala.

"Ooh.. ok.. Sure." kinuha ko naman.

Parang natuwa si Jasper nun kaya kakatakot dahil bigla na lang siya nag-lean bigla-bigla sa side ko and then..

Hinalikan niya ako sa pisngi..

Nakakarami na ito ah!! Suntukin ko kaya?

Bigla na lang tumakbo doon kasama si Carlo at hindi ko alam kung saan papunta.

Now that was weird!!! ***27*** Dumating naman na si Kay nun at tinignan ako. May dala-dala na siyang pagkain which is medyo late na dahil naman nakakain na ako ng soup. Hindi na rin ako masyadong gutom nung mga oras na iyon.

Napansin kong nakatingin siya sa direksiyon kung saan tumakbo si Jasper at si Carlo at magkasalubong naman yung kilay niya. Saka siya umupo doon sa harapab ko.

"Na-pano na naman yung dalawang tao na iyon?" tinuro niya yung likuran niya gamit yung tinidor niya, "Mukhang malaki na naman ang tama sa utak."

"That's too harsh cousin.." yun na lang sinabi ko sa kanya at binuksan ko yung chocolate.

"Don't you 'thats-too-harsh-me-cousin' ah." tinignan niya ako habang kumakain siya, "Hindi ka ba hina-harass nung mga yun?"

"Hindi naman.. they were just giving me..." napaisip ako doon sa hawak ko, "Chocolate."

Matapos namin kumain lahat at natapon na yung mga pinagkainan namin sa basurahan, umakyat muna kami sa taas doon sa may room namin dahil mamayang hapon na daw sisimulan yung recollection. Yung iba kasi eh nagswi-swimming pa kaya pinayagan na nila.

Nagising naman ako nung hapon dahil binagsakan ako ni Kay ng unan sa mukha. Tinatawag daw yung mga seniors sa baba at may ibibigay daw sa amin na kung ano.

Dahil nga kagigising ko pa lang nun, medyo wala pa ako sa mood magisip-isip at lalung-lalo na wala sa mood maglakad. Hinila lang ako ni Kay hanggang sa baba doon sa maraming monoblocks at naupo ako doon.

May hawak na microphone uli yung babaeng nagsasalita kanina. Tinignan ko lang siya at may mga kulay pula siyang papel na hawak at yung isa eh kulay brown.

"Seniors, itong mga hawak ko eh dalawang magkaibang bagay. Yung brown na korteng maliliit na kamay eh.. 'Slaps'. Bibigyan ko kayo ng limang slaps para kung may sa tingin kayo na ginawa ng isang tao na hindi maganda, ilalagay mo yung reason doon sa line at ididikit mo doon sa katapat ng name ng taong bibigyan mo. Hindi mo kailangang ilagay yung name mo, anonymous dapat." tinaas naman niya yung pula, "Ito naman na korteng lips eh.. 'Kisses'. Kapag may mabuti sa iyo na ginawa yung classmate mo o friend mo, ididikit mo naman yung kisses sa tapat ng name niya. At the end ng recollection, titignan natin yung pinakamaraming kisses at siya yung mabibigyan ng award. At titignan natin yung pinakamaraming slaps..then.. ilalagay natin sa hot seat."

May nagtatawanan naman doon sa likuran ko kaya hindi ko masyadong maintindihan yung sumunod na sinabi nung babae. Nung lumingon ako, yung dalawang ewan pala.

"Ilalagay ko lahat ng slaps ko sa 'yo!" sabi ni Jasper, "Bakit kaya slaps? May mga lalaki kaya dito!"

"Ayos lang yan, outnumbered naman tayo eh.." nag-inarteng bading si Carlo. Napatingin siya sa akin, "For sure, may limang kisses ka na Riel."

Tinignan siya ni Jasper at humawak sa balikat niya.

"Anong sinabi mo?!?"

"Sabi ko may limang kisses na siya na sigurado.." tinignan naman siya ni Carlo.

Biglang yumuko na lang si Jasper. Ayaw na niya ipakita mukha niya sa akin.

After that, binigyan nga kami ng limang slaps at limang kisses. Hindi mo pwedeng ibigay sa sarili mo yung kisses or slaps dahil may certain number yun. Tignan lang nila yung number, alam nila kung kanino galing pero hindi nila ire-reveal.

Pinagharap-harap kami nun. Unang-unang tinuro sa amin eh yung... TRUST. Siyempre sa mga ganyan alam mo na yung madalas ginagawa para sa test of trust. Yung babagsak ka tapos sasaluhin ka nung kasama mo. Ka-partner ko nun si Kay, kaya medyo kinakabahan ako. Mas matangkad kasi ako sa kanya at dahil babae siya, baka di niya ko kayanin. At least siya medyo maliit-liit kaya ko naman.

"Kay naman huwag mo akong ibabagsak ah!" sinabihan ko siya nung naka-ready na ako sa harapan niya.

"Kaya nga inimbento 'to.. para sa trust 'di ba?"

"Yun nga eh wala akong trust sa iyo!" pero pabiro lang naman yun kaya tumawa rin si Kay.

Nagbilang naman na yung babaeng nasa harapan namin at at the count of three daw, babagsak na kami.

"1...2.." nung naka-two na, may narinig akong nagsalita sa likod ko.

"Three.."

Hindi ko tuloy ako natumba. Napatingin ako sa likod ko. Dahil nga kitang-kita doon sa buong chapel na ako lang yung nakatayo maliban doon sa mga sasalo, lumpait yung babae sa akin.

"Miss.." tinignan niya yung name ko, "Riel.. go.."

"Pwede po bang.." pwedeng ano?

Bakit si Jasper pumalit kay Kay?

Tumalikod ako nun. Hindi ko kaya 'to. Hinihintay ako nung babae na bumagsak doon sa likuran ko.

"Please huwag mo akong ibagsak.. please huwag naman..." bumulong-bulong na lang ako ng paulit-ulit.

"I won't let you fall Riel. Trust me.."

Trust him daw?? Do I really?..

close your eyes... AAHHHHHHH!

Then... wala na. Bumagsak na ako doon na parang wala lang.

Pagdilat ko nun, nakangiti siya sa akin kaya tinulak ko nga.

"Sabi ko nga eh tapos na.." yun na lang sinabi ko.

Tumayo naman ako tapos siya eh medyo nakaluhod pa.

Bigla namang may nag-asaran na mga classmate namin kasi kami lang yung pinakahuling gumawa nun. Tinignan ko si Kay na nakacross finger pa.

"Lagot ka sa akin!"

"I owe her alot.." narinig kong bumulong si Jasper sa akin.

"Sino?"

"Si Kay.."

Nagtaka namana ko sa kanya kaya tinitigan ko lang siya.

"Kasi kung hindi dahil sa kanya..."

"Hindi ko marerealize na mas mahal ko pala yung tulay kaysa sa kanya..." ***28*** Hindi ako makapagsalita nun. For some reason, tinitigan ko lang siya at wala akong masabi. Sinasabi niya ba sa akin na...

"Sinasabi mo ba na..." hindi ko matuloy yung sasabihin ko.

"Ano ba sa tingin mo ang sinasabi ko?" binalik niya sa akin yung tanong.

"S-sinasabi mo na.. mah--," itutuloy ko ba? "Na... mahal mo yung tulay."

Ngumiti siya sa akin tapos bigla akong tinapik sa balikat ko. Akala ko kung anong gagawin dahil lumapit siya ng lumapit sa akin, then dinikit niya sa noo ko yung isa sa limang 'kisses' niya na galing doon sa babae kanina.

As usual, nag-asaran na naman pero nag-continue na kami sa activity namin. Si Kay eh ginulo pa nga yung buhok ko at si Carlo eh inaasar din si Jasper nung magkasama na sila.

Mahal ni Jasper yung tulay... hindi yung nasa kabila ng tulay. Ain't that something?

Eh ako? Mahal ko ba yung gustong tumawid ng tulay???

Ewan ko. Ang gulo ko rin no? Siguro nga matagal ko nang alam yung sagot doon, hindi lang ako sigurado. Basta sa ngayon ang mahalaga...

HINDI AKO NATUMBA!!!

***

Kinagabihan nung first day namin, bandang 6 o'clock na yata nung pinatawag na naman kami para bumaba sa mga kwarto namin. Ang nakakahiya pa nun eh maaga akong nag-Pj's kaya nagpalit na naman ako ng denim shorts at blouse para naman hindi ganun yung itsura ko. Kitang-kita mo na nagsisibabaan sa hagdan yung mga lalaki sa kabilang building at casual na rin yung mga pansuot nila.

Ano ba naman kasi ang activity ganitong maggagabi na?

Pinadiretso kami doon sa damuhan nung resort malapit doon sa basketball court. May kung anong maliwanag na kitang-kita mo malayo pa lang. Si Kay din eh walang idea kung ano iyon, kaya binilisan na lang namin yung lakad.

May mga nauna nang seniors doon sa damuhan at nakapaikot sila doon kumpul-kumpol na damo at kahoy. Sa unang tingin mo eh parang campfire na yung nasa gitna. Pero hindi nag-aapoy eh. Maliwanag lang at mainit.

Naupo na kami ni Kay doon sa gilid. Nung natapat kami doon sa parang campfire, nakita namin na may kandila doon sa ilalim pero hindi naman nasusunog yung damo. Ang weird?!? Para saan naman yun?

Nag-settle na lahat doon na nakapaligid doon sa campfire 'kuno' at may mga teachers na rin sa gilid. Nandun na naman yung pinaka-speaker ng program, yung babae uli kanina.

"Seniors, hindi ba kapag nagka-camp kayo eh may mga campfires? This one is just an improvised campfire. Hindi kasi tayo pwedeng magsunog dito sa resort eh kaya nag-create na lang kami na ganun din naman yung spirit, at ganun din yung dating." May hawak siyang stick na pinangtutulak niya nung damo, "May tatlo na kandila doon sa ilalim nung damo. It represents three things: Family, Friends, and our Special Someone." syempre nag-ingayan na naman dahil doon sa pangatlo, "Nakikipagtalo sa akin yung ibang seniors na nauna dito kanina at mas gusto daw nilang tawaging CRUSH lang."

May nilabas siyang isang bowl na may lamang tatlong bola na iba't ibang kulay. Red, blue and Yellow. At eto na naman ang explanation niya..

"Papaikot, bubunot kayo dito. Kapag ang nakuha niyo eh Yellow, magkukuwento kayo ng mga memories niyo about your family, kapag blue eh sa friends mo at syempre Red kapag sa special someone." hinawakan niya yung bowl, "Para fair sa lahat, ako ang magsisimula."

Nakatingin lang kami sa kanya habang bumubunot siya doon sa bowl. Nakuha niya eh, yellow. Nagkuwento siya tungkol sa family niya na noon daw at may umuwi daw silang kamag-anak galing sa America, nagkaroon daw sila ng Grand Reunion. Dahil nga daw maliit yung bahay nila, may natutulog na daw sa sahig, sa library, sa kusina.. pero wala naman daw sa banyo. Kahit daw na hindi lahat naging comfortable sa pagtulog, naging masaya daw sila. Nagkaroon pa nga daw sila ng contest ng spelling at nanalo daw yung mga laking Pinas kaysa sa mga lumaki ng America.

Paikot naman yung pagkukuwento. May isang babae pa nga na ang nabunot eh RED kaya medyo nahihiya pa siyang nagkuwento. Sa high school daw kasi kadalasan niyang ginagawa eh hindi siya nagpapahalata sa crush niya. Kaya daw nung field trip nila noon at nakatabi daw niya yung crush niya, tuwang-tuwa daw siya at ang nakakahiya lang daw eh nakuhanan daw siya ng picture na nakanganga habang nakatulog.

Marami pang nagkuwento nun, at dumating naman yung turn ni Kay. Nabunot niya eh yellow din.

"Family ko? Simple lang. Sa katunayan kung magiging open ako ngayon.." tumingin siya sa akin saglit, "May isa akong pinsan na talagang kinaiinggitan ko simula bata pa ako. Maganda, matalino.. nakukuha niya yung gusto niya. Madalas ko nung ikumpara yung pamilya ko sa kanya. Ano ba kami? Muntik-muntikan ng maputulan ng kuryente dahil hindi na kami makapagbayad. Yung tatay ko nawalan ng trabaho nung nagsara yung pinagtratrabahuhan niya. Nung wala nga kaming pera nun, dumating yung point na pati gatas inuulam na namin.." tinitigan ko talaga si Kay nun, "Mahirap pero sama-sama naman kami. Tapos recently ko lang na-realize na yung pinsan ko na yun, meron din pala siyang mga bagay na hindi niya ikinakasaya. Naisip ko na hindi ako dapat mainggit sa kanya dahil pare-parehas lang tayong may mga bagay na hindi nakukuha. Naisip ko na dapat lang naming gawin eh suportahan ang isa't isa kapag kailangan namin."

Tumigil na rin si Kay at medyo naluluha na siya. Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko na lang ginawa dahil baka may makahalata na ako yung tinutukoy niya. Instead, pinasandal ko na lang siya sa balikat ko at alam na niya yung ibig sabihin nun.

Nagkuwento rin yung isang lalaki na hindi ko alam kung anong section tungkol din sa family niya. Panay yellow kasi yung nabubunot eh. Hindi nga maintindihan yung kwento niya kasi tawa siya ng tawa. Parang siya lang yung natutuwa sa kwento niya.

"--tapos nakita namin na may pula na siya sa ilong.." tumawa siya, "Kinabukasan dumating yung aso..." tawa na naman uli, "Nakita namin na may daga pala.." tawa siya ng tawa hanggang sa natapos siya.

Wala akong naintindihan sa kwento niya maliban sa keywoards: Mapulang ilong, aso at daga. Ang gulo! Oh well..

Bumunot naman si Carlo nun at nakuha niya eh color Blue. Kailangan niyang magkwento about sa friends niya.

"Nakilala ko yung kaibigan ko nung nagsuntukan kami nun sa tapat ng bahay nila dahil sa isang babae. Mga bata pa kami nun at may kapitbahay kami na mas matanda siguro sa amin ng mga limang taon. Dahil nga parehas kaming nasa tapat ng bahay nun at hinihintay namin siyang lumabas, nagkakaselosan na kaming dalawa. Sinabihan pa nga niya ako ng.. 'Girlfriend ko na yun!' at ako eh sinagot ko siya ng 'Asawa ko naman na!' pero walang gustong magpatalo sa amin kaya nauwi sa suntukan.." medyo natawa kami nun kasi away-bata yung kinukuwento niya, "Anyways, yun nga sa ganun kami nagkakilala. Nabigyan niya ako ng blackeye nun, at siya eh nagasgasan ko sa mukha. Ewan ko ba kung anong nangyari dahil parehas na lang kaming tumatawa nun at hindi na kami makasuntok. Hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami."

Tumingin si Carlo nun sa paanan niya at saka ko napansin na baliktad yung tsinelas niya. Siraulo din talaga itong si Carlo!

"High school na kami ngayon. Pero yung away-bata na yun siguro ngang madadala namin. Signal na nga siguro namin yun sa isa't isa para sabihing 'matauhan ka naman!'. Lately nagsuntukan kami uli." tumawa naman siya, "Pero hindi kami magkaaway. Way lang namin yun para matauhan ang isa't isa."

Nung matapos si Carlo nun eh pinasa na niya uli yung bowl para makabunot naman si Jasper. Eto na naman ang mahiwagang YELLOW at tungkol sa family naman niya yung ikukuwento niya. Kinabahan naman ako nun. Next na pala ako sa kanya at kapag yellow ang nabunot ko, kailangan ko na namang magsinungaling. Siguro nga dapat ibang kulay na lang mabunot ko.

"Sa totoo lang wala akong masyadong memory sa family ko. Lumaki kasi ako sa uncle ko sa isang malayong lugar..." tumingin siya sa direksiyon ko.

Nung una eh hindi ko pa alam kung bakit siya tumingin sa akin, yun pala eh naalala ko yung kinuwento niya kanina. Lumaki siya sa probinsiya at walang nakakaalam nun. Kaya pala napaka in-general ng lugar niya.

Nakayuko na naman si Jasper nun at halata mong nakikinig sa kanya lahat. Ewan ko ba kung bakit maraming interested sa number 1 prankster ng school. Siguro hindi lang sila sanay na nkikita siyang seryoso dahil madalas siyang pala-tawa sa school.

Tinuro niya yung puso niya gamit yung right index finger niya.

"My parents died when I was three. One day before ng birthday ko." tumango-tango siya mag-isa nun at iba na yung pagtingin niya doon sa apoy na nasa harap niya. Tapos inalis na niya yung daliri niya sa puso niya, "May isa akong kapatid. He died when I was 7. Leukemia. An hour before kong na-receive yung award ko as first honor nung grade 1 ako. Galing siya sa hospital nun, pumunta lang sa recognition day ko." nag-iba yung pakiramdam ko nun, medyo nalulungkot na ako, "After that, I was considered an orphan. Kaya ako lumaki sa uncle ko. TIME. That's all I need to be happy." yun yung sinabi niya na hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, "At yun din ang madalas tinuturo sa akin ng uncle ko. 'Mahalaga ang oras, kaya dapat wala kang sinasayang', o kaya naman... 'Hindi mo na maibabalik yun, gustuhin mo man'. And he's right. He's always been. Siya na yung tumayong tatay ko nun at yung auntie ko ang naging nanay ko. Sama-sama kami kapag kumakain, kung may kailangan ako nandiyan sila. And now I'm here... nagkukuwento sa inyo. Utang ko sa kanila kaya ako nandito."

Pagkatapos niyang magkwento eh walang nagsalita kaagad. Lahat ng seniors pati yung speaker na babae eh hindi rin nakapagsalita. May nakita pa nga ako na mga babae na nangingilid yung luha, pero ako hindi ako umiyak. Hindi ko alam na ganun pala siya katapang... ganun na rin yung naranasan niya sa buhay.

Inabot niya sa akin yung bowl at ako naman na yung bubunot. Huminga ako ng malalim at wish ko na sana huwga naman sana tungkol sa family ko ang mabunot ko at ayoko nang mag-imbento ng sasabihin ko.

Sa sobrang tagal ko at kapapaikot ko nung binubunot ko, I ended up with a red.

"Red?!?" tinignan ko lang yung hawak ko.

"Special someone." niliwanag nung babae sa akin.

Alam ko naman na yun yung ibig sabihin nun. I just didn't think that I would... I would have this one.

Ang tagal kong nakatingin lang sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong ikukuwento ko. Lahat sila nakatingin din pabalik sa akin at pakiramdam ko masyado na akong on the spot.

"Madalas kapag tinatanong ako kung sinong hinahanggan ko madalas kong sinasabi eh artista. Sinasabi rin nila sa akin na masyado daw akong corny dahil hindi pa rin ako umaamin sa mga kaibigan ko. Recently, may isang taong sobrang close sa akin na nagtanong kung mahal ko ba yung isang tao... saka ako napaisip.." ngumiti na lang din ako sa side ni Kay, "Mahal ko nga ba? Hindi ako sigurado sa sagot ko. Baka kasi kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, parang kapatid... o sadyang natutuwa lang ako kapag nandiyan siya. Matagal akong nakiramdam, at ngayon ko lang sasagutin yung tanong ko..." huminga ako ng malalim, "At least may alam ako na isang bagay. Sa lahat ng ginawa ng tao na iyon para sa akin, alam ko na marami pa rin akong hindi alam sa kanya." tinignan ko si Jasper nun, "I love him enough that I'm willing to get to know him better." ngumiti ako nun at nakatingin na siya sa akin, "At gusto ko lang malaman niya na yung bridge eh binibigyan siya ng sapat na time para patunayan yung totoong siya..."

"You can have all the time you need Jasper..." ***29*** Ewan ko na kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko yun. Siguro nga nagulat ako, pero nandun na yun at marami na ring nakarinig. Bawiin ko man siguro wala nang maniniwala. Sabagay kung babawiin ko naman, sinong niloloko ko? Oh yeah... MYSELF.

Pinasa ko na rin yung bowl nun na may bunutan. Tinignan ko lang din si Jasper at tumingin din siya sa akin. Bago pa siya yumuko, umiling-iling pa siya habang nakangiti.

Yung pagkukuwento namin tungkol sa mga experiences namin eh tumagal ng tumagal hanggang sa lahat eh nakapag-kwento na. Binigyan kami ng snacks at pagkatapos nun eh isa-isa na kaming pinaakyat para matulog dahil maaga pa daw kaming gigising bukas.

Sabay na kaming umakyat ni Kay nun. Nakatingin siya sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.

"You cracked up!! Alam mo yun?!?" akala ko naman galit, bruhang 'to ginulat pa ako! "Nabasag?!? Gets mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"O sige gusto mo paalala ko," nag-isip naman siya, then nagmaliit na boses, " 'You can have all the time you need.. JASPER' parang ganun.. naalala mo na?"

"Yun ba?!? Tingin mo ba mali yung ginawa ko?" naguguluhan na talaga ako.

"ABSOLUTELY-!!!" sabi ni Kay sa akin.

"Ganun?" dapat pala hindi ko na ginawa.

"-NOT. Ano ka ba girl, ang taray nung ginawa mo no! Tara nga dito!" tapos niyakap niya ako na sobrang higpit at ginulo yung buhok ko. "Kailangan bukas ayusin mo yang kilos mo. May nanliligaw pala sa iyo hindi mo sinasabi sa akin!"

Natawa na lang ako sa kanya. Pagkatapos niyang yumakap sa akin eh tinignan lang namin ang isa't isa.

"Anong plano mo? Sasabihin mo sa kanya na... ikaw eh you-know-what?!"

Sumandal ako nun sa dingding at naguluhan din ako.

"Oo." yun ang una kong sinagot, "Pero hindi muna ngayon. Siguro naman malalaman ko kung kailan ang tamang oras para doon 'di ba?"

***

Umagang-umaga pa lang eh nagising ako nung may narinig ako na may kumakatok sa pintuan namin. Kahit na alam kong puyat na puyat pa ako at medyo pumipikit-pikit pa yung dalawang mata ko eh tumayo pa rin ako. Tinignan ko yung tatlo pang kasama ko doon sa loob ng room. Katabi ko kasi si Kay sa kama at hindi man lang nagising doon sa katok. Yakap-yakap pa niya yung unan na parang ang sarap-sarap ng tulog. Yung dalawang classmate din namin na nasa kabilang kama eh mga tulog mantika rin. Magkapatong pa yung dalawang paa niya at nahulog na yung mga unan nila. Hay naku.. hindi naman halata na malikot sila matulog no?!?

Kinamot ko pa yung ulo ko nun bago ko binuksan yung pintuan. Nasilaw naman ako nung may maliwanag na ilaw na tinapat sa akin at hindi ko malaman kung sino yung nakatayo doon. Saka lang niya inalis yung nasa harap ko, flashlight pala. Sa labas eh madilim pa.

"Girls, gising na." yung isa lang pala sa mga teachers.

Tinignan ko yung wall clock na nakasabit doon sa pinakadulo ng room.

"Mam, it's only 4:30." grabe naman ito ang agang manggising.

"Exactly, 4:30 na kaya bumangon na kayo."

Ang dilim pa talaga sa labas kaya pala nagfla-flashlight siya. Ako naman eh nakipagtalo pa doon sa teacher.

"Yung araw nga po hindi pa bumabangon bakit kami babangon---" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang nilaksan yung boses niya.

"7:00 ANG CALLTIME KAYA TUMAYO NA KAYONG APAT DIYAN AT MALIGO NA KAYO!!!"

Nagising bigla-bigla yung diwa ko. Grabe naman yun. Napasaludo tuloy ako na parang member ng army.

"Mam yes mam!"

Ginising ko na yung tatlong kasama ko at binato pa ako ng unang para paalisin ako. Pero syempre dahil hindi ko naman sila tinigilan kaya hinila ko pa yung paa ni Kay. Tumayo rin naman siya.

"Ano ba naman yan Riel ang aga-aga pa!"

Dahil nga ang bagal-bagal pa nilang kumilos nun eh nauna na akong bumaba sa kanila. Nakita ko na may mga gising na rin pero hindi pa ganun karami at halata mong tulog pa yung karamihan. Grabe talaga yung calltime. Anong oras na nila kami pinatulog kagabi tapos ngayon 4:30 dapat gising ka na?!?

Ayoko na mag-take ng chances ko maya-maya dahil marami nang maliligo sa bathroom kaya kinuha ko na yung mga gamit ko para makaligo na rin at makapag-bihis. May mga ilaw naman doon sa binababaan ko kaya ok lang na maglakad ako mag-isa.

Syempre, naligo na ako doon sa girl's bathroom. Ang lamig nga ng tubig kaya ang tagal-tagal kong nakaligo. Hinahanap ko kung may hot water man lang, wala talaga eh. Minsan namimiss ko rin yung bathroom sa bahay namin nila Daddy. Gustuhin ko ng certain temperature para sa tubig, nandun na yun. Pero ayos na rin ito.

Nung matapos akong maligo eh naririnig ko na may mga nag-iingay na sa labas at mukhang marami nang gising. May mga nagbukas na rin ng shower at mga nagsimula na ring naligo. Buti na lang ako eh tapos na at hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa kanila.

Naka-denim shorts lang ako nun na above the knee pero hindi naman sobrang ikli. May anklet lang ako at flipflops, ayos na. May sunglasses din ako na nilagay ko sa ulo ko. Nakababy-blue naman ako na blouse.

Ang daming nagkalat na Seniors nun. Nakita na rin ako nila Kay dahil napansin nila na tapos na ako. Naglalakad pa lang ako doon sa gilid ng pool nung may narinig naman ako na nagsalita sa likod ko.

"I love your outfit Riel.." tapos narinig kong tumawa siya.

Teka, tumawa? Does that mean... ang pangit ng outfit ko? Iniinsulto niya ko? Ganun ba yun?

"Ok fine kung pangit yung outfit ko sabihin mo na.." nakatalikod pa rin ako nun.

"I told you I love it.." inulit pa niya.

Hindi ko alam kung maiinis pa ako kaya kahit na nakalagay pa sa balikat ko yung tuwalya ko eh humarap na ako sa kanya. Dala-dala ko rin yung maliit na bag ko kung saan ko nilagay yung gamit na pinagpalitan ko. Nakapamewang pa ako nun.

Pagharap na pagharap ko sa kanya eh hindi ko alam baka nanlaki na yung mata ko sa sobrang gulat..

"HOLY COW!!!" napaatras naman ako nun.

Kung titignan mo nun eh parang nag-usap kami kung anong susuotin namin. Naka denim shorts din siya pero below the knee naman, naka-blue na shirt, black slippers, at may shades din siya pero nakasabit naman sa shirt niya. Ang kaibahan lang, may necklace siyang itim at ako naman eh anklet sa paa.

"Ginaya mo ba ako?" tinuro ko naman siya.

Ngumiti siya uli.

"Ngayon nga lang kita nakita simula kagabi sasabihin mo ginaya kita?" tumawa na naman siya, "Coincidence siguro."

"There's no such thing as coincidence.." sinabi ko na medyo naiirita pa ako.

"Paano mo nalaman?!?"

"I just... know." oo nga paano ko ba nalaman yun?

"Fine. Ayaw mo ng coincidence..." nag-isip naman siya, "We think alike."

"Magpalit ka na..." sinabi ko talaga yun sa kanya?

Siya naman ang lumapit sa akin at napatingala tuloy ako sa sobrang lapit.

"Bakit naman ako magpapalit eh kasusuot ko pa lang nito?!?"

"It took me almost an hour sa bathroom.. alangan naman ako ang magpalit?!?" tinuro ko siya lalo.

"Ano bang problema sa outfit?!?"

Ano ba naman itong tao na ito? Hindi niya alam kung anong problema doon sa outfit?!? Ako syempre alam ko..

"Basta magpalit ka! We look almost... the same." almost lang naman...

"So?!? We're not twins!" pilosong ito!

"So-so ka diyan! So-sohin mo ang mukha mo! Alam mo ba kung sino lang ang nagsusuot ng parehong damit?!?"

"O sino?!?" nakikipag-away ba siya sa akin eh o nakikisakay?

"Mga cou--" iniwas ko tingin ko. "Never mind. Basta magpalit ka, sabi ko."

"Cou---ples?"

"NO?!?" deny pa ko. I totally meant to say.. couples.

Dahil nga medyo naasar na rin ako nun eh hindi ko napansin na may tao na pala akong naatrasan kaka-atras ko kay Jasper. Kasi naman eh bakit ba parehas pa kasi kami ng suot eh! Well.. almost.

"What do we have here?" narinig ko si Carlo sa likod ko dahil naatrasan ko siya. "LQ?"

"LQ?!?" tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Yun na rin term sa inyo 'di ba? You like her, you like him.." tinuro niya kami ni Jasper. "Teka... bakit parehas yata kayo ng suot? Nag-usap kayo?!?"

"HINDI!" sinigawan ko talaga siya.

Hinawakan niya yung tenga niya.

"Easy Riel, kaharap mo ko.." sabi ni Carlo sa akin. "Ano bro?!"

"Nope. Hindi kami nag-usap." nag-cross arms si Jasper pero halata mong natatawa-tawa siya.

"O ano ngayon pinag-aawayan niyo?"

"SINABI KO KASI MAGPALIT SIYA BAKA KASI ISIPIN NG MGA TAO.."

Natawa rin si Carlo nun. As in, tawang namumula na yung mukha niya.

"Sinabi ko bakit naman ako magpapalit, e di siya na.." tinuro ako ni Jasper.

"Siya yung lalaki ako yung babae ako pinagpapalit niya?!?"

Panay ang lipat ng tingin ni Carlo sa akin, then Kay Jasper.

"KNOCK IT OFF!" sabi ni Carlo kaya napahinto kami ni Jasper. "Para yan lang pipnag-aawayan niyo pa?"

Tinignan ko si Jasper nun.

"Sino bang maysabi na nag-aaway kami?!?"

"Ano pa pala yung ngayon!?" tinanong ako ni Carlo, "O sige.. para walang away ganito na lang..."

Lumapit si Carlo sa amin at hinawakan niya yung balikat ko at balikat din ni Jasper. Nakatingin lang kami sa kanya ta mukhang magbibigay ng comment niya.

"Syempre para tabla, mas mabuti siguro na..."

HIndi naman namin inaasahan na lalagyan niya ng pressure yung pagkakahawak niya kaya nagulat kami ni Jasper bigal nung tinulak niya kami ng sabay.

Nahulog kami parehas doon sa pool.

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" nakainom yata ako ng tubig nun kaya humawak ako doon sa tiles sa gilid. "Bakit mo ginawa yun?!?"

"CARLO!!! LAGOT KA SA AKIN!" halata mong galit na si Jasper nun.

Humawak din siya sa tile sa gilid at hinawakan niya ako sa likod ko dahil panay na ang cough ko nun.

"Ok ka lang?!?"

Si Carlo eh mukhang tuwang-tuwa pa sa nakikita niya.

"Hindi nakakatawa Carlo."

"Tingnan niyo yung itsura niyong dalawa. E di tabla na kayo... parehas kayong magpapalit.." tapos may nilabas siyang digital camera. "Say.. CHEESE!"

Pipigilan sana ni Jasper si Carlo at humawak na siya doon sa tiles doon sa gilid para makaahon na siya. Kaya lang nag-slip yung paa niya napahawak siya sa akin.

HE DRAGGED ME DOWN. The heck.

OH GREAT!!! NOW WHAT DO WE HAVE HERE?!? A cute picture?!?! 

Chapter 5

 

This time talaga, nakainom na talaga ako ng tubig dahil sumigaw ako tapos hinila niya ako pababa. Kadiri talaga. Hinawakan kasi ako ni Jasper sa kamay ko. Dahil mas matangkad siya sa akin at halata namang mas mabigat, nahila ako pababa.

Ang higpit ng hawak niya nun kaya hinawakan ko yung kamay niya at pinilit kong alisin yung kamay niya. Nawawalan na ako ng oxygen...

HEEEELLLPPPP!

Ayun, naalis ko naman. Hingal na hingal ako nun. Si Jasper hindi ko na napansin. Baka ayun, nagpakalunod na sa kailaliman ng swimming pool.

Humawak uli ako doon sa gilid. Kaya lang pagtingin ko...

"Whoa.. bakit may dugo dito?" tinuro ko yung nasa gilid ko habang nagka-cough pa ako. "Ano yan?!?" tinanong ko si Carlo.

"Ewan ko..." tapos umupo siya doon malapit sa akin, tapos tumingin siya doon sa pool.. nagulat na lang ako nung sumigaw siya ng.. "BRO!!! BRO!" inalis niya yung t-shirt niya kaya lang napatingin na ako doon sa likod ko.

Naka 'Dead Man's Float' si Jasper.

"Oh my God anong nangyari?!?" tapos lumangoy ako doon sa direksiyon niya.

Hinawakan ko siya doon sa sa t-shirt niya at hinila ko siya. Tatalon dapat si Carlo kaya lang sinabihan ko siya na huwag na at kaya ko siya. Tinulungan niya na lang akong i-angat si Jasper doon sa gilid.

Bumilis yung tibok ng puso ko nun.

"Huwag mong sabihin sa akin na nalunod siya?!?" nanginginig na yung boses ko nun. "Hindi ba siya marunong lumangoy? Kasi kung alam ko lang 'di ba hindi ko na inalis yung kamay niya..."

Si Carlo nun eh medyo namumutla na yung itsura.

"Bro.. bro.." panay ang tapik niya sa pisngi ni Jasper, "Bro ayos ka lang?!?"

"Nalunod yata siya eh!!!" sumigaw ako doon, "Sabihin mo na sa kanila.."

"Hindi siya nalunod Riel!" sumigaw si Carlo sa akin, "Nag competitive swimming na siya before, imposibleng malunod siya."

Tinapik-tapik siya ni Carlo sa pisngi niya. Nagulat na lang ako nung biglang nag-cough din si Jasper.

"Hey ano ba! Bakit mo ko sinasampal?!?" nag-cough na naman uli.

Yumuko ng kaunti si Jasper.

"Nakainom ako ng tubig..." tapos hinawakan niya yung tuhod niya, "Ou--"

"Ano bang nangyari sa iyo?!? Parang nalunod ka ah. Hindi ka na kumikilos."

"I felt numb you jerk!" sinabi niya kay Carlo tapos tinulak niya ng malakas, "See that?!?"

Pinakita niya yung paa niya at nakita ko na may malaki siyang cut doon. Panay pa man din ang dugo.

"May broken tile pala doon sa gilid. Nasugatan ako. Kaya napahawak ako kay Riel.." tapos tumingin siya sa akin.

"Lagyan mo na ng gamot yan, baka ma-infect."

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa iyo." sabi ni Carlo na nakatawa pa, "Nasugatan ka lang pala.."

"I told you I felt numb.." sabi ni Jasper na halata mong naiinis na.

"Concern na concern pa man din si Riel.." sabi niya, "Ima-mouth-to-mouth ka na niya sana eh.."

Nagulat ako doon sa sinabi niya kaya hinampas ko rin siya ng malakas.

"Ano ka! Wala akong sinabi ah!"

"Hayaan mo na si Carlo, Riel. Baliw yan.." tapos tumawa siya ng nakakaloko, "Riel nalulunod ako!!!" hawak niya kunwari yung leeg niya.

Ganun pala ah...

BINATUKAN KO NGA NG MALAKAS!

***

After that, alam kong inalalayan na ni Carlo si Jasper para gamutin yung sugat niya sa paa. Ang laki talaga. Ni-ayaw ko ngang tignan kasi panay dugo na yun.

Ako naman eh nagpalit na ako doon sa taas kasama si Kay. Tinanong pa niya ako kung anong nangyari sa akin at mukha daw akong basang sisiw, kaya sinabi ko nahulog ako sa pool. Kinuha ko yung black t-shirt ko na nasa bag ko, at yun na lang ang sinuot ko. Ayun, nagpantalon na lang ako.

Dahil nga sa may na-accident doon sa sirang tile sa pool, pinagbawalan na lahat na maligo doon at baka sa susunod eh meron na namang masugatan. Responsible naman yung resort doon, at kung ano mang pag-areglo ang gagawin nila sa school at sa parents (aunt and auntie) ni Jasper, ewan ko na.

Tinuloy pa rin naman yung recollection. Besides, second day pa lang namin ngayon. Hanggang bukas pa kami dito.

Nakaupo na kami doon sa monoblocks uli sa may chapel nila at nakita ko na dumarating na naman si Jasper. Halata naman na may sugat siya kasi naka tsinelas lang siya at nagli-limp.

Nung kumpleto na kami, saka lang nagsalita yung speaker sa harapan.

"Bago nga pala tayo magsimula, gusto ko lang ipaalam sa lahat ng seniors na nandito.." sabi nung babae tapos tumingin siya sa aming lahat, "Last day niyo na dito tomorrow. So we're having a party.."

Nag-hiyawan naman doon sa buong chapel kaya medyo nabingi rin ako. Excited naman 'tong mga ito sa party.

"Bukas na ng gabi yun bago kayo umalis." sabi nung speaker na nakangiti pa, "Awarding, dancing, singing.. food.. normal party.." sabi niya uli.

May mga babae pa na kinikilig-kilig kaya medyo nairita ako. Ang OA ah..

"Take note, may binago lang kaming konting detail.." hinigpitan niya yung hawak niya sa microphone, "Gals will ask guys... as their dates."

Nanahimik kaming lahat nun. Bakit ganun?!?

"Oh no she didn't!" sabi ni Kay na nagulat din, "Bakit naman baliktad? Hindi ba nakakahiya yun?!?"

"Who needs a date anyway?" sinabi ko at nagsungit pa ako.

"Asus kung magsalita ito! Mas masaya kaya may date ka.."

"Bakit naman?!?" tinanong ko si Kay.

"At least sigurado may kasayaw ka na... kahit isa."

"Loka!"

Binigyan kami per class ng dalawang kandila (again!). Symbolism daw ang kandila ng pagiging 'totoo'. Pagiging sincere kumbaga.

Ibig sabihin daw nun eh yung dalawang phrase na nahihirapan daw ang mga taong sabihin. 'Thank You' and 'I'm Sorry'. Iikot ka sa buong klase mo, at yung isa eh bibigay mo sa taong gusto mong pasalamatan, at gusto mong mag-sorry ka. Then pagkatapos mong sabihin sa kanya kung bakit, yung binigyan naman ang iikot at iaabot sa taong gusto niyang mag-sorry at mag-thank you.

Pinatugtog naman yung nakakalungkot na tugtog nun. Dapat kasi tatayo yung unang magsisimula, tapos kukunin yung kandila. Nagkakahiyaan yata kaya walang gustong tumayo. Yung ibang section nakapagsimula na.

Wala pa ring tumatayo sa amin. Ano ba naman yan? Yung mga nasa harapan napaka-mahiyain naman.

Hindi na ako makapag-pigil nun. Papatagalin pa nila eh.. kaya bigla-bigla na lang akong tumayo.

"Ako na nga magsisimula.." nagkatinginan kaming dalawa kaya sabay kaming napaupo, "Ikaw na nga.."

Nagtinginan na naman lahat sa amin. Kaya ayoko ng ganito eh.

"Sige na nga ako na..."

Arrrrggghhh! Kailangan ba magsabay kami?

Nauna na siya sa harapan kahit na hirap na hirap siyang maglakad. Kinuha niya yung dalawang kandila. Grabe naman, sabi isa lang ah!

Pumunta na rin ako at kinuha ko yung isa sa kanya. Kinuha ko yung 'Sorry.' Nagtingin siya sa chapel, at ako rin eh nagtingin. Ano ba naman yan kanino ba ito?!?

Bigla na lang akong tumalikod.

"Riel.." tapos ini-extend niya yung kamay niya, "Thank you." seryoso naman siya, "Thank you dahil nakilala kita."

Nagulat ako nun kay napaatras naman ako. Ako naman ang nag-extend ng kamay ko.

"Sorry..." sabi ko sa kanya kaya nagulat din siya.

"Para saan?!?"

"For everything that I've done."

"Wala ka naman ginawa ah!"

Hindi niya alam na nagsisinungaling ako sa kanya...

"I'll tell you tomorrow..." tapos yumuko ako, "I'm sorry Jasper."

Nakatingin lang siya sa akin at medyo puzzled na. Alam ko naguguluhan na siya. Pero sasabihin ko na nga ba?!?

"Tomorrow..." sasabihin ko na..

"--at the 24th hour."

-------------------------------------------------------------------------------- Katulad nung unang araw namin nun, nakatingin lang si Jasper sa akin na akala ko eh nagsalita na nama ako ng complete Greek. Ayun nga, nasabi ko naman na. Tomorrow, 24th hour. It's just a fancy phrase to tell him, tomorrow, 12 midnight.

Ayoko na. Ayoko siguro na nanliligaw siya pero hindi niya alam yung mga bagay tungkol sa akin.

That stuff about giving candles went on and on. Nung nagutom na kaming lahat, pinatayo kami para sa lunch. Si Kay eh kumain ng kumain at namo-mroblema sa party kanina. Ako naman... ibang bagay.

Nakatingin ako sa kawalan nun.

"Kay, masama ba akong tao?!?" yun na lang ang tinanong ko sa kanya.

Napatingin lang si Kay sa akin. Uminom pa siya doon sa tubig sa harap niya.

"Of course not. Bakit ba?" tuloy pa rin siya sa pagkain niya.

"It feels like it.." nilaro-laro ko yung pancit ko, "I lied."

Nagsalubong naman yung kilay niya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko.

"Sus ito naman! Alam mo ikaw tao ka parang lagi mong pasan ang mundo!" sumubo uli siya, "Kung anu-ano kasi iniisip mo eh. Mabilis kang tatanda niyan."

"Gusto ko kasing sabihin sa kanya... kaya lang.. kaya lang natatakot ako." iniwas ko yung tingin ko kay Kay, "Noon pa. Simula nung sinabi niya na ayaw niya sa rich kids."

"Si Jasper pala pinag-uusapan natin dito?!?" sabi niya, "Oh well... let's put it this way. Rich kid ka nga siguro, but he loves you as YOU, not as SZARIELLE."

"Yun nga rin naisip ko eh.." pinalakas ko yung loob ko, "Tama." tapos tumingin ako doon sa direksiyon nila Jasper at Carlo na kumukuha pa ng pagkain nila.

Si Kay naman eh sinundan yung tingin ko.

"Come on! Alam mo namang gusto mo siyang yayain sa party bukas?!?"

"No I don't!" nag cross arms ako.

"Alam mo magsinungaling ka doon sa maniniwala... GO ON!" tinuro niya si Jasper.

"Ayoko ngang magyaya. Nakakahiya no!"

"Hoy dalagang Filipina.. modern world na naliligaw ka pa?!? Hindi na uso ang hiya-hiya ngayon dahil wala kang mararating.." pinilit niya akong tumayo, "Yayain mo na kasi dahil kapag may nagyaya diyan.. sige ka ikaw rin! Si Jasper Morales pinag-uusapan dito."

"Ayoko nga!" hinila ko naman yung kamay ko.

"Dali na!" hay ang pilit talaga!!

"Oo na.. oo na! Ang kulit naman eh..."

Tumayo ako at inayos ko yung shirt ko at naglakad ako doon sa direksiyon ni Jasper at Carlo. Panay ang thumbs up sa akin ni Kay para lumapit ako. Ayoko na... hindi ko kaya ito.

Kakaatras ko kaharap ko si Kay, may tinamaan naman ako.

"Sorry.."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Hi Riel.." tinignan niya yung kamay ko, "Kumain ka na?!? Sa 'yo na lang ito." inaabot naman niya sa akin yung pagkain na ipinila pa niya."

"Nah.. meron ako doon."

"O-K." sabi niya na medyo mabagal, "Saan ka pupunta?!?"

"Ako?!?" tinignan ko uli si Kay nun.

Panay ang signal niya sa akin ng GO! or something like.. 'Sige yayain mo na!' mga ganun.

"Kukuha ng tinidor. Nahulog kasi yung tinidor ko kanina." teka bakit nabago yata?

Dinaanan ko naman siya papunta doon sa kuhaan ng tinidor.

Ano ba naman yan! Tatanungin mo lang siya!! KAINIS NAMAN!

Hindi pa ako nakakalayo eh hindi ko rin napigilan yung sarili ko.

"Jasper.." lumingon naman siya sa akin.

"Yeah?!?" nagtataka na yung itsura niya.

"Nice... shoes." Ay ang ewan mo Riel!

"It's slippers..." sabi niya nung tumingin siya sa paa niya, "The same one na suot ko kanina."

Napalunok naman ako nun. Bakit ba masyadong mahirap magyaya?!? Ganito pala pakiramdam ng guys no, hindi sigurado.

"Nice shirt too.." tapos tumalikod na ako nun. Para kang sira!!

Pinagpapapalo-palo ko yung ulo ko.

Si Carlo nun ang narinig kong tumawag sa akin. Kaya yun, napahinto pa ko.

"Riel!" syempre, nag-drama naman ako sa pag-ikot.

"Bakit?!?"

"May date ka na ba sa party bukas?"

Tinignan ko lang siya na ako naman yung nagtataka ngayon.

"Wala eh... wala ring balak magyaya." ngumiti ako ng alanganin nun.

"Ganun?!?" sabi ni Jasper tapos naiapak niya ng malakas yung paa niya na may sugat, "Aray ko!"

"Actually, ang gustong sabihin ni Jasper... it'll be great kung may date ka."

"I didn't say that!" tinignan niya ng masama si Carlo. "I mean, yeah.. sinabi ko yun."

"Maarte kasi yan parang babae." tumawa si Carlo, "7 girls asked him this morning. Na turn-down lahat. May hinihintay yata eh.."

"wala akong hinihintay.."

"Magsinungaling ka sa maniniwala!" sabi ni Carlo sa kanya.

Teka, parang narinig ko na yung dialogue na yun ah?!

"Since wala kang date, and si Jasper wala, bakit hindi kayong dalawa... AS FRIENDS?" inemphasize pa niya yung dulo.

Tinignan ko si Jasper nun. For a guy, mahiyain talaga siya. Nakayuko na naman eh.

"You wanna' go with me?" tinanong ko sa kanya na casual na casual ang dating na parang wala lang.

Napaka-uneasy niya nun. Akala mo hindi mapakali na hindi maintindihan.

"Ah..kasi.. err... ok."

Binatukan siya ng malakas ni Carlo.

"Mago-ok ka lang din naman pala pinatagal mo pa!" tumingin siya sa akin, "Sige Riel, una na kami."

"Ok.. I need to get my spoon.."

"Akala ko tinidor?!?"

"Yeah.. that." nadulas pa oh!

"See ya' Riel.." ngumiti sya sa akin tapos kumaway, "I need to talk to you too... at the 24th hour."

***

Nung hapon din nung araw na iyon eh nagsimula nang mag-design yung ibang staff ng resort para sa party bukas. The party doesn't mean.. (gowns and tux and all that crap), since pare-parehas kaming walang dala. You can wear jeans.. shorts.. almost anything basta decent.

Nakausap ko naman si Ronnie nun. Ayun, ang bait na naman niya. Other than that, tawag niya sa akin eh A.L. kung walang nakakarinig. Nerd effect nga siya eh, kaya siguro walang masyadong.. well.. admirers.

Syempre dahil nga masasabi mong meron pa sa kanya na espesyal kaysa sa nakikita mo, I'm always here to help.

"Wala ngang nagyaya sa akin eh.." sabi niya sa akin na parang nahihiya, "Siguro pupunta na lang ako mag-isa."

"Well.. you can go with us.." sabi ko kaya lang ni-revise ko, "I mean, date ka namin ni Kay. Kaya lang may date ako.. si Kay hindi ko sure. Kung kailangan mo ng company, sama ka sa amin."

"Thanks A.L. ah, the best ka talaga."

"I'll help you out.." sabi ko sa kanya ng medyo nakasimangot, "Pero huwag mo akong tatawaging A.L. ok?!? Mas ayos kasi kung ganun."

"Ok.. Arielle..." tumawa siya, "Riel."

"That's much better." nginitian ko siya tapos ini-scan ko yung physical appearance niya from head to toe, "Una sa lahat... dapat.." hinawakan ko yung eyeglasses niya, "Tanggalin mo ito."

Nung tinignan ko siya, cute pala si Ronnie kung walan salamin.

"Bagay pala sa iyo eh.." sabi ko sa kanya, "You feel ok?"

"Medyo blurry lang paningin ko.." sabi niya, "Pero kung hindi ko naman kailangan magbasa, ayos lang na ganito."

Nagikot-ikot ako nun at tinignan ko yung mga gamit niya. Grabe talaga, halos pare-parehas lahat ang style ng damit niya. Tight-fitting shirt, checkered and mostly brown. He really needs some style.

"Wala ka nang ibang damit?" tinanong ko sa kaya nung makita ko na yung kadulu-duluhan nung shirts niya, "Like.. blue ones.. na malalaki?!?"

"Wala eh.." sabi niya.

Walang mangyayari kung ipapasuot ko sa kanya yun. Nag-isip naman ako. Kanino kaya ako hihiram?

Lumabas ako ng room niya sa building ng guys. Hinanap ko nun si Carlo at si Jasper. Kaya lang naisip ko, masyadong matangkad si Jasper para magkasaya naman yung damit niya kay Ronnie. Si Carlo siguro mas ayos...

Kakalakad ko nun sa hallway, nakita ko na kasama ni Kay si Carlo.

"Carlo!!" sumigaw ako doon sa hallway, "Carlo!"

"Oi.. sup?"

"May extra clothes ka?"

"Para saan?" tinignan niya ako na suspicious pa siya, "Susuotin mo?"

Well, inexplain ko nga sa kanya na gutso ko ngang tulungan si Ronnie na mag-ready para bukas. Naghanap naman siya ng extra na damit niya at yun nga, nagbigay siya ng pants at malaking shirt. At least si Carlo may taste sa damit, si Ronnie wala eh. This will look fine.

Nung makarating ako uli doon sa room kung saan natutulog si Ronnie, nakahiga na siya doon sa kama at hinihintay niya ako. Tumayo siya nung dumating ako at inabot ko sa kanya yung damit.

Sinabi ko sa kanya na pwede niyang isuot yun para bukas. Nung una parang nagulat siya, pero sinabi ko na mas ayos yun kaysa sa damit naman na nasa bag niya.

Nauna akong lumabas doon dahil nga kwarto yun ng mga lalaki. Kasunod ko naman siya nun at nasa likod ko siya.

Hindi pa ako nakakasampung hakbang eh bigla na lang napatumba sa akin si Ronnie kaya naitulak niya ako sa gilid. Ako naman eh napahawak na lang doon sa braso niya.

For some moment walang makakilos.

"I'm sorry.." sabi niya sa akin.

That was really an awkward moment.

"Ok lang..." sabi ko tapos umayos ako ng tayo.

"Na... natisod kasi ako. Hindi ko nakita yung carpet."

Narinig ko na lang na may nagsalita doon sa gilid kaya napatingin naman ako. Sino pa ba?

"Riel.." nagulat ako nun kaya inalis ko na lang yung kamay ko sa braso ni Ronnie.

"Hey.. Jas... per."

Naglakad si Jasper papunta sa direksiyon namin. Mga isang ruler siguro ang tangkad niya kay Ronnie.

"Who are you?" sabi niya na seryosong-seryoso yung dating.

Bakit niya tinatanong kung sino si Ronnie eh samantalang classmate namin siya?

"Hello Jasper? Si Ronnie, classmate natin."

"Ronnie?!" tinignan niya si Ronnie, "Hindi kita matandaan."

Ewan ko kung bakit parang naiinis ako sa tono ni Jasper. Nakakainis naman siya. Classmate namin ganun na lang siya magsalita.

"Anong ginagawa mo naman dito?" binaling niya yung tingin niya sa akin.

"A-ako? I'm helping him, para bukas."

"Bakit?!?"

"Bakit?!? Kasi... basta tinutulungan ko siya. May masama ba doon?"

"Trying to help? No. Being in a guy's room? Yes."

Medyo nag-iinit na yung ulo ko nun. Nag-excuse ako nun kay Ronnie at hinila ko siya don sa gilid. Ang higpit ng hawak ko sa kanya.

"Anong pinapalabas mo?!?" nilakasan ko yung boses ko, "Anong problema mo?"

"Wala akong problema."

"You certainly look like it.." pinagpilitan ko talaga.

"Wala akong problema!!!" sumigaw siya sa akin.

Napaatras ako nun sa sobrang gulat ko sa kanya.

"Sorry." lumapit siya sa akin at umiiling siya, "I'm sorry Riel."

"Oo na... wala ka nang problema." tinignan ko siya sa mata niya nun, "Kausapin mo ko kapag malamig na ulo mo pwede?"

Tinalikuran ko siya nun at nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Siya eh nakatayo lang doon at hindi ko na nilingon kung anong ginagawa.

"ALRIGHT!" sumigaw siya uli, "I'M JEALOUS! NAGSESELOS AKO NUNG NAKITA KITA NA HAWAK-HAWAK MO SIYA NG GANUN KALAPIT!"

Huminto naman ako nun. Hindi ko siya nilingon.

"NAGSESELOS AKO DAHIL NANDUN KA KASAMA SYA NA KAYONG DALAWA LANG!" sinigaw niya uli yun, "NAGSESELOS AKO DAHIL MAY TIME KA PARA SA KANYA, PERO SA AKIN WALA!"

Huminto ako nun. Hindi ko siya nilingon.

"NAGSESELOS AKO DAHIL mah--" huminto siya nun at halata mong hindi niya masabi,.

"Dahil mahal kita. Does that make me a selfish person?"

********

Huminto lang ako nun pero hindi ko talaga siya tinignan. Siya nagseselos? Kay Ronnie? That's... ridiculous. Kaibigan ko lang naman si Ronnie. At hindi na siguro hihigit pa doon.

Well, he doesn't know so..

"Eh siraulo ka pala eh!" sumigaw ako nun kahit hindi ako nakaharap sa kanya, Haay Riel, so rude.. "Kaibigan ko lang naman yun binibigyan mo ng malisya!"

"Hindi ko naman mapipigilan yun 'di ba? Kung makita kita, maiiwasan ko ba na hindi magselos? Kung pwede lang ba, tinuruan ko na ito.." anong ito?!?

Hindi ko alam kung ano yun, kaya humarap ako sa kanya. Tinuturo niya yung puso niya. Tapos nung tinignan ko siya, seryosong-seryoso na yung itsura niya.

"Noon pa lang sana tinuruan ko na yung sarili ko..." nakinig lang ako sa kanya, "Para noon pa ko hindi nahihirapan."

Nagtataka na talaga ako sa kanya nun, kaya hindi ko rin naiwasang magtanong.

"Anong ibig mong sabihin?" nakatayo ako doon mga ilang hakbang lang ang layo sa kanya.

"Riel, I'm torn." huminga siya ng malalim, "Between you... and another girl."

Nung binanggit niya yung mga salitang yun, parang sinaksak ako na hindi ko mainindihan. Magsasalita na sana ako uli kaya lang inunahan niya ako.

"Ikaw... at si... A.L."

Si A.L.?!? Ano bang--

"A.L.?" nagulat talaga ako nun. "You mean Mandee?"

"Hindi.. oo.. err.. saglit lang.." sabi niya na hindi niya maisip kung ano yung hinahanap niya word, "A.L., as a person... not Mandee as a girl."

"I'm lost. Save it for tomorrow, pagod na ko Jasper." tapos nagsimula na akong maglakad nun.

Akala ko naman eh magtutuloy-tuloy na ako kaya lang hinawakan niya ako sa kamay ko at hinarangan niya ako sa harapan.

"Makinig ka muna pwede?" pinilit kong dumaan kaya lang ayaw niya akong padaain doon, "Sinabi ko na sa iyo dati, I admire A.L. Hindi ko pa siya kilala nun. Then Mandee showed up." tumingin siya doon sa gilid, "She's... different." nagkunut-noo siya, "Alam kong siya si A.L., pero minsan hindi ko maramdaman na siya yun. You know what I'm saying?" sabi niya na parang gusto niyang ako pa ang mag-clear sa kanya, "What I'm trying to say is, I'm not really into Mandee. Pero yung fact na siya si A.L., nahihila ako sa kanya." hindi na siya mapakali nun, "Then ikaw.." tinuro niya ako, "You're... real." huminto siya saglit, "Sinusubukan kong timbangin at pumili... pero ang hirap."

Nakatingin lang ako sa kanya nun at hindi ko alam ang sasabihin ko. Matutuwa ba ako? Parang hindi ko na alam kung ano ba dapat ang i-react ko.

Kaya lang dahil nagsisigawan nga kaming dalawa, narinig naman ni Ronnie yun at hindi naman din yun maiiwasan.

"Teka lang, sorry kung makikiaalam ako.." sabay kaming tumingin ni Jasper sa kanya, "Sinasabi mong nalilito ka kay Riel.. at kay A.L. kung sino ang mas mahal mo?"

Tumango lang si Jasper nun. Ako naman eh kinabahan nun dahil alam ni Ronnie yung tungkol sa akin. Tinignan ko lang siya ng warning sign. Ewan ko kung napansin niya.

"Riel's A.--"

Pinilit kong kuhanin yung attention niya, then nakita niya ako.

"--girl. Rie's a girl." buti na lang.

"I know she's a girl!" nilakasan ni Jasper yung boses niya dahil nairita siya kay Ronnie.

Saka lang siya humarap sa akin. Bago pa siya magsalita, ako naman ang nanguna sa kanya.

"Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap ng maayos? Mag space-up muna tayo hanggang bukas. Mag-ready. Pagod lang ako. Promise tomorrow, we'll be.. ok."

Tinap ko siya sa shoulder niya at ngumiti lang ako ng kaunti. Pagkatapos nun eh nagsimula na akong maglakad papunta ng building ng mga babae.

Hindi ako galit kay Jasper. Ewan ko kung bakit hindi ko magawa. Kanina rin muntik nang sabihin ni Ronnie kaya lang pinigilan ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko nang malaman ni Jasper na si A.L. at ako eh iisa, kaya lang kung may magsasabi man sa kanya ng totoo kung sino ako, ako yun at wala nang iba.

Pero tamang oras 'di ba? Hindi ngayon...

***

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Or should I say, bumangon lang ako ng maaga-aga dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Kung anu-ano kasing pumapasok sa utak ko.

Third day na namin dito ngayon sa resort. Last day na at mamayang gabi na yung party namin. So far, walang scheduled na gagawin kundi i-tally na lang yung votes.

May malalakas na tugtog din doon. May games lang din kami na gagawin sa baba at syempre eh sisimulan na rin yung party.

Pinauna ko nang maligo yung mga kasamahan ko dahil ayoko ngang makipag-siksikan kapag maraming tao. Wala pa ako sa sarili ko nun.

ARRRRRRRRRGGGGGHHHHH!!! Ano ba talaga si Jasper sa akin?

Nakahiga pa rin ako sa kama nun at nakatingin sa kisame. Pumasok naman si Kay nun at bihis na bihis na. Yung ibig sabihin kong bihis na bihis eh hindi siya nakagown or dress or whatever. naka-denim lang siya. Wala namang mag-gown sa party na ito no.

"Hoy ano ka ba?!? Nare-ready na yung iba sa games tapos ikaw hindi ka pa nakakaligo?" lumapit siya sa akin at hinila niya ako, "Mabaho ka na.. dalian mo.." kinuha niya yung tuwalya ko at nilagay naman niya sa balikat ko.

Tinulak-tulak ako ni Kay nun kaya lang nakasayad yung paa ko.

"Dalian mo na Riel.. ano ba?!"

Humarap naman ako kay Kay nun.

"Anong nakikita mo sa akin?!?" tinanong ko naman siya.

"Ano na naman yan?!?" sabi niya na parang ayaw sagutin yung tanong ko, tinulak niya ako uli, "Iligo mo lang yan... wala ka na naman sa sarili mo. Ito kasi hirap sa mga in-love eh.." tinulak na niya ako ng malakas.

"OUCH!" hinawakan ko yung likod ko, "In-love?"

"Go!" sabi niya tapos nag-wave siya ng kamay niya para umalis na ako, "Nasa baba na yung bag mo kanina ko pa binaba."

Sinarahan ako ni kay ng pintuan nun kaya hindi na ako makapasok doon sa kwarto namin. Wala naman na akong magagawa kundi ang bumaba na nga papunta doon sa restroom at maligo. Kung tatanungin nga ako, wala nga ako sa mood. Hindi naman ako tinatamad or anything, parang ang dami-dami ko lang na dinadala.

Ang dami nang nakabihis sa baba nun. Parang ako na nga lang yata ang hindi ready kaya ang ginawa ko eh inalis ko yung tsinelas ko at tumakbo na ako ng mabilis. Nakakahiya na kasi.

Nag-seremonyas ako mag-isa sa banyo. Wala nang masyadong tao doon kaya ayos na akong maligo. Kinuha ko na lang yung white na blouse ko. Hindi pa naman main event ngayon na DANCE talaga. Panay games lang at tiyak pagpapawisan lang din naman ako.

Dahil nabasa yung flip-flops ko, nakailang hakbang lang ako eh natanggal naman yung strap. Sa dami-rami naman ng araw na masisira, ngayon pa. Kanina kasi ok lang na maglakad ako ng nakapaa at marumihan yung paa ko dahil maliligo naman ako. Ngayon naman na nakaligo na ako at lahat saka pa marurumihan ang paa ko? Hindi naman yata tama yun.

"Need a hand?" napatingala naman ako doon sa nagsalita.

"Oh no, ayos lang ako. Nasira lang yung..." napatingin naman ako sa kanya, "You're wearing white." tapos tinuro ko yung suot niya.

Parehas na naman kami ng kulay?

"Magpapalit ako kung ayaw mo parehas tayo.. hindi ko naman talaga alam na white din ang isu--"

"Nah.. ok lang. Hindi mo kailangang magpalit."

"Anong nangyari sa tsinelas mo?" tinignan naman niya.

"It's flip flops. Nasira eh."

"The same thing. Tsinelas, flipflops.. sinusuot mo rin sa paa. PInaarte lang yung tunog."

Tinignan ko siya ng masama nun pero may halong biro.

"Sabi ko nga hindi na ako magsasalita.." tumingin siya sa taas nun pero binalik din niya sa akin, "Kung gusto mo gamitin mo yung akin para hindi na madumihan yung paa mo.." inaalis na niya yung tsinelas niya na malaki naman.

Nung tinignan ko yung paa niya, may bandage pa rin hanggang ngayon. Nakakaawa naman itong tao na ito. How I wish naririnig niya yung thoughts ko. Nakakaawa tignan..'

No offense Jasper..

"Uhmm.. hindi na. May sugat ka pa eh, baka lumala."

"Hindi naman siguro." sabi niya, "Hindi naman na siya masakit. Medyo na lang pero.. ayos na siya. Magling na rin."

"Huwag na talaga.." sabi ko sa kanya and I mean it, "Maghuhugas na lang uli ako ng paa pagbalik ko mamaya. Kukuha na lang ako uli ng tsinelas na bago sa taas.."

Nakatayo lang siya doon sa harapan ko at parang ayaw niyang umalis.

"Malay mo may broken tile diyan na nagkalat ikaw naman matulad sa akin," tinakot pa ako hindi naman effective.. "May naisip na ako.." sabi niya tapos bigla siyang lumuhod pero yung isang paa lang niya yung nakataas na pinag-le-lean niya. "Hop on."

Napanganga na lang ako nun. Ano bang pinagsasasabi nito?

"Hop on?"

Hinarap niya yung likod niya sa akin. Hop where?

"Yeah.. dito sa binti ko, para mahawakan kita ng maayos." parang ayoko yung naisip niya, "Piggyback ride?"

Pinigilan ko naman yung sarili ko nun na tumawa. Seryoso ba siya? Kasi kung nagjo-joke siya, natatawa talaga ako.

"Bakit ka natatawa?"

"Ang cute mo kapag seryoso ka tapos joke lang.." ngumiti ako nun.

Seryoso pa rin siya hanggang ngayon.

"That wasn't joke."

"Oh you're serious?!?" natawa ako lalo nun, "Nah... thank you na lang." pinilit ko yung strap ng tsinelas ko one last time ayaw pa rin.

"Ok lang sa akin.. alam mo yun?" ang kulit nito ah..

"Hindi nga tala--"

Lumapit naman si Carlo sa amin. Ayoko kapag nandiyan si Carlo, kakaiba mag-isip, delikado pa.

"Bro, kung itutulak mo kami sa pool, ngayon pa lang lumayo ka na.."

"Sino namang maysabi na itutulak ko kayo?" sabi ni Carlo tapos ngumiti siya, "Tutulong lang ako."

"Ano namang klaseng tulong yan?" tinarayan ko pero hindi naman totoo.

"I can't help overhearing both of you.." oh baka nman nakikinig siya talaga, "Ito namang si Riel, may patanggi-tanggi pa.. OO na kasi." nagulat na lang ako nung binuhat nya ako sa bewang ko at dinala niya ako sa likod ni Jasper.

Ito naman si Jasper eh tumawa lang at humawak na sa paa ko. Pakiramdam ko nun babagsak ako pabaliktad na una ang ulo kaya napahawak na lang ako bigla doon sa leeg niya.

"B-baba mo ko.." sbai ko habang nanginginig pa yung boses ko.

"He's right, he's just tring to help. And I am too." ngumiti siya tapos nag thumbs up kay Carlo. "Hawak ng mahigpit."

Tumakbo ba naman ang loko.

AAAAYYYYYOOOKKKOOOOO NNNAAAAA!!

"Don't always try to help, just do it." yun lang ang sinabi ko.

Teka nga, parang mali yun ah?!? parang pinu-push ko siya lalo.

Hinampas ko siya nun ng malakas. Hindi ko naman makuhang bumaba dahil hawak niya yung paa ko.

"IBABA MO NA KO! JASPER NAMAN NAKAKAHIYA ITO!"

"I don't give a crap on what they're thinking.." tapos tumingin siya sa akin ng side view, "Kagaya nung sinabi ko sa iyo kahapon, sinusubukan kong pumili... si A.L. o ikaw" sabi niya sa akin ng mahina, "Katulad ng sinabi mo naman ngayon, don't always try.. just do it. Ayoko nang sumubok Riel...

"Mas mahal ko yung nasa harap ko ngayon..."

-------------------------------------------------------------------------------- Hindi na lang ako nag-react sa sinabi niya. Ang ginawa ko na lang eh humawak ako ng mahigpit sa balikat niya, at sinandal ko yung ulo ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ginawa yun.

"Inaabuso mo na ako ah!" sabi niya ng medyo nang-aasar, "Walang hipuan Riel!"

Hinampas ko nga ng malakas.

"Ang kapal ng mukha mo! Sa dami-rami naman ng hihipuan ikaw pa?!?"

Nahatid naman niya ako doon sa building namin. Dahil sementado naman doon, nagpababa na ako doon at tiyak naman hindi na marurumihan yung paa ko. Isa pa, nakakailang din na nakapiggyback ka. Sinabi niya lang sa akin na hihintayin na lang niya ako doon sa baba.

Tumakbo na ako sa taas nun. Kumatok ako at binuksan na rin ni Kay yung pintuan. Nakita niya na nakapaa ako.

"Anong nangyari diyan?" tinuro niya yung flipflops ko, "Alam mo ba na para sa paa yan?"

"Loka!" dinaanan ko naman siya, "Nakita mo ba nasira?!?"

Kumuha lang ako ng bagong flipflops nun. May white din kasi ako doon at yun na lang ang sinuot ko. Buti na lang talaga nagdala ako ng extra, dahil kung hindi, baka nag-sapatos na ako ngayon.

Kasabay ko si Kay na lumabas sa room namin. Ni-lock niya nga yun at dinala niya yung susi namin.

"Games tayo ngayon 'di ba?" tinanong naman niya ako.

"Yata.." maikli lang yung sinagot ko.

"Ikaw itong kanina pang nasa baba tapos hindi mo alam?" sinermonan pa ko, "It's a partner thing. Kaya pala sinabi nila na mas ok kung may date ka kasi yung games nila, for partners."

"Bakit naman ganun?" tinignan ko siya, "Sinong date mo?"

"Si Carlo, sino pa ba?" sabi niya sa akin na parang naiirita, "Nagku-kuwento kasi ako nun kahapon sa kanya na hindi naman kailangan ng date at hindi ko kaya na nagtatanong sa lalaki, kaya sabi niya siya daw wala daw date kaya kami na lang..." tinignan niya ako, "Ikaw paano mo nayaya si Jasper? Ang lakas ng fighting spirit mo girl!"

"Sinong maysabi na ang lakas ng fighting spirit ko?" sinabi ko talaga sa kanya, "Kung hindi rin dahil kay Carlo hindi naman kami magka-date ngayon. Ipinilit lang niya. Nakahalata siguro na hindi ako mapakali." ngumiti ako tapos sumimangot, "Si Jasper kasi mukhang ewan minsan, manhid ba yun o ano?"

"Hindi manhid. Minsan torpe.."

"Hey.. hindi na siya torpe no!" sinabi ko ba talaga yun? "Well, minsan hindi naman."

Pagkababang-pagkababa namin ay nakita namin na naghihintay nga doon si Jasper. Si Carlo namana ng wala doon kaya nakisabay na lang si Kay sa amin. Dumiretso na kami sa chapel nila. Ang daming dekorasyon at super ingay talaga. PInatawag na lahat ng seniors at pinaupo doon para daw makapagsimula na yung program.

Syempre, nag opening prayer kami at opening speech ng teacher. Hindi na kami kumanta ng national anthem.

Pagkatapos ng mahabang seremonyas namin doon sa chapel, nagsalita na uli yung speaker at kaming lahat eh nakinig sa kanya.

"Ang unang game natin eh.." sasabihin na sana niya yung name ng game kaya lang binulungan siya ng teacher, "Oh huwaw daw muna sasabihin. Kailangan namin ng 5 pairs, gals and guys dito sa mga upuan sa harapan.."

Ako naman eh nakikinig lang doon nung biglang tumayo si Jasper.

"Kami po sasali!" tinuro niya ako sa ulo ko.

"Hey ayoko!" hinila ko yung kamay niya.

Nakita naman siya nung babae at ngumiti sa kanya.

"Ok, we have our first pair..." kasi naman oh!!! "Sino pang gustong sumali?"

Walang gustong sumali nun dahil hindi alam kung ano yung game. In the end, kami lang ni Jasper ang nasa harapan at wala nang mapilit yung speaker na sumali pa.

"Since sila lang ang gustong sumali, sigurado na silang panalo." sabi niya sa amin, "Pero siyempre, kailangan gawin niyo pa rin yung game."

Ano ba naman yan! Akala ko ba panalo na kami?

Natutuwa rin si Jasper nun dahil panalo na kami. Nakaupo kami doon sa monoblocks sa harapan at binigyan kami ng board. Mukhang hindi naman masamang game ito.

"Ang tawag sa game eh, 'How well do you know me?'" okay?!? "Titignan natin kung gaano nila kakilala ang isa't isa. Magtatanong kami at ilalagay niyo yung sagot niyo. Bibilangin namin yung parehas niyong sagot."

Ano ba naman yan?!? Wala akong masyadong alam kay Jasper! I mean, meron man.. konti lang.

"First question, sabi nung babae... sa girl ito ah, 'Ano ang favorite color ni.." tinignan niya yung name-tag ko, "Riel?"

Napatingin si Jasper sa akin at napakunut-noo siya. Halata mong hindi rin niya alam.

Ako naman eh wala naman akong favorite color, kaya sinulat ko sa board ko eh.. 'Pink.'

Binigyan kami ng 10 seconds nun para magsulat. After nun pinaharap na yung board namin para i-compare.

"Sinulat ni Riel eh.." tinignan niya yung board ko, "Pink." lumapit naman siya sa side ni Jasper, "Si Jasper naman eh... 'Pink.' "

Whoa! How did he know that? Tinapat sa kanya yung microphone.

"Common kasi sa girls na pink ang favorite color, kaya ayun ang nilagay ko." ngumiti siya sa akin.

Are you kidding me? Hinulaan niya lang yun?

"Second question..." sabi nung babae uli, "Para kay Jasper ito ah." humarap siya kay Jasper, "Kailan ang birthday mo?"

Holy cow! Paano ko naman malalaman ang birthday niya? Hindi ko talaga alam!

Ilang taon na ba siya? 16? Uhmm ano ba? Mag-imbento na lang siguro ako no? Hindi ko kasi talaga alam.

Kaya ayun, nilagay ko na lang eh... July 26, 19**. Grabe naman kasi.

Nung pinagharap yung boards namin, of course hindi parehas. 365 days meron sa calendar, napakaliit ng chances ko.

Nakalagay sa board niya, Jan. 1, 19**.

New Year?!?

Nagsunud-sunod pa yung tanong. Alternate kapag tungkol sa akin at tungkol sa kanya. Unfortunately, lahat ng tanong sa kanya eh namali ako. Nakakahiya na talaga nun. Sobra. Natatapat kasi ako sa mahihirap na tanong. Isa ba naman sa tanong eh 'Saan nagtratrabaho ang parents ni Jasper?'

Who knows? Alam ko sa farm yung uncle niya at auntie, pero saan?

Kaya panay na lang ang hula ko.

Pinakahuling tanong sa amin eh, 'Anong ideal date ni Riel?'

Napaisip naman ako. Ideal date? Meron nga ba?

Syempre medyo suspense yun. Kinuha na nung teacher namin yung board at dinala niya sa harapan. Pinaupo na kami sa likuran nun dahil tapos na yung game. After ilang minuto, hinarap na nung speaker yung sagot namin.

Ito yung mga nakasulat.

'Depende sa kanya.' at yung isa eh, 'Basta kasama siya.'

Tumingin lang si Jasper sa akin nun. Hindi ko nga alam na ganun na lang siya makatingin.

Hindi ko naman inaasahan eh..

Bigla ba naman akong niyakap?!?

-------------------------------------------------------------------------------- Nag-continue pa yung games nun. May paper dance pa nga eh. Pinilit uli ni Jasper na sumali kami. Hindi kami nanalo dahil natumba ako, damay naman siya. Si Carlo at Kay ang nanalo doon. Nakakatuwa nga eh, bridal carry pa talaga.

Inasar ko nga si Kay. Syempre hindi siya natutuwa nun.

May isa pang game na nakatali yung kamay mo sa taas tapos kakainin niyo ng partner niyo yung cake sa harapan niyo. Ang hirap talaga. Maraming nagkaka-untugan ng mga ulo. Ginawa namin ni Jasper, alternate. Siya, ako, siya ako. Nanalo uli kami sa game na iyon. Pero nung nanalo kami, mukhang ewan na yung mukha namin sa sobrang dami ng icing.

Yung ibang games eh hindi na namin sinalihan dahil pinagbigyan na namin ang ibang seniors na hindi pa nananalo. Naupo na lang kami doon sa gilid malapit sa pool. Pinupunasan ni Jasper yung mukha niya ng tissue.

"Riel 'di ba sinabi ko sa iyo may sasabihin akong mahalaga?"

Hindi naman ako masyadong interested sa sinasabi niya, pero narinig ko naman.

"Oh, yung mamayang 12?"

"Yeah.. mamayang 12." tapos yumuko siya nun.

Nanood na lang kami doon sa mga naglalaro. Pinakain din kami ng spaghetti at mga normal sa handaan nung matapos. Nagsisismula na ring maggabi nun at syempre, 6 o' clock nila sisimulan yung Dance.

Binigyan kami ng time para magpalit ng damit namin just in case. Naghiwalay na kami ni Jasper dahil siya eh magpapalit daw ng shirt. Denim nga ang isusuot niya. Ako eh.. skirt na lang siguro.

Lumabas na ako nun at may nakasalubong naman ako. Ang gwapo talaga nung dumaan at halos lahat eh nagtinginan din sa kanya. Hindi ko kilala yun ah? Sino nga uli yun?

Binilisan ko yung lakad ko. Wala na akong pakialam kung sira na yung poise ko. Bigla namang humarap yung lalaki na kanina pa pinagtitinginan. Oh what the--?

"Ronnie?!?" nagulat talaga ako nung makita ko siya, "Ikaw ba yan?"

"Hi A.L.!!" sabi niya nung nakita niya ako, "I mean Riel." tumayo siya ng maayos, "Ok lang ba yung damit ni Carlo sa akin?"

"Yeah, you look.. great." hinawakan ko yung sleeves niya, "Dapat pala ganyan ka lagi manamit, nakatingin tuloy lahat ng girls sa iyo." sabi ko naman sa kanya.

"Talaga?" nakita ko na natutuwa siya, "Thanks nga pala sa iyo ah. Kung hindi mo ginawa ito, siguro hindi na ako umattend."

"Sus wala yun! Mag thank you ka kay Carlo. Damit niya kasi yan."

Nakipag-usap na lang ako kay Ronnie nu habang hinihintay ko si Jasper. Nilipat nila yung spotlight nun from Ronnie, papunta doon sa guy na bumababa.

Well, you know who. Naka-black na polo siya siya na hindi naka-butones. Open yun kaya kita yung white shirt niya sa harapan. Kitang-kita mo na may kausap siya sa phone at tinakpan niya ng kamay niya yung light dahil nasisilaw siya.

Naglakad siya nun papunta sa direksiyon. Akala ko nga sa akin siya galit eh.

"Sinabi ko naman sa iyo ayoko!" sumigaw siya doon sa phone niya, "I gotta' go. Bye."

Nung binaba niya yung phone niya, nilagay niya iyon sa bulsa niya. Tumingin siya sa akin tapos kay Ronnie.

"You look awesome." sabi niya sa akin. Tinitigan lang niya si Ronnie.

"Uhmm, kita-kita na lang tayo mamaya. Aalis na muna ako." sabi naman ni Ronnie na parang natatakot yata kay Jasper.

Hinawakan siya ng Jasper sa balikat niya.

"Pare!" nakangiti na siya, "Kumusta?"

Halata mong hindi inaasahan ni Ronnie yun, pero nakipagshake hands na lang siya.

Nakalagay na yung Bulletin nun sa gitna kung saan nakalagay yung 'Slaps and Kisses' namin. So far, may 7 kisses na ako at wala pa namang slaps. Hindi naman pala masama. I don't care about winning, ang mahalaga sa akin eh wala namang may galit sa akin.

Niyaya ako ni Jasper na umupo kami. Ewan ko ba, parang wala siya sa mood nun dahil hindi niya ako masyadong kinakausap.

"Ok ka lang ba?" naisip ko naman na tanungin siya.

"Ayos lang." sabi niya tapos nilaro niya yung baso sa harapan niya, "Nabadtrip lang ako sa tumawag sa akin."

"Huwag mo na kaya isipin yun, dahil kung iisipin mo... masisira lang yung gabi mo."

"Tama ka diyan!" ngumiti sya, "Bakit ko ba iyon iniisip? Kasama ko si Riel sinisira ko ang gabi ko?"

Natawa naman ako sa kanya nun. Kahit pala masama yung mga nangyayari sa kanya, nakukuha pa ring magsaya.

Hinila niya ako nun.

"Tara sayaw tayo!" hinila-hila niya ako nun.

Disco yung tugtog. Hindi pa naman ako sumasayaw ng disco in-public.

Sinasabayan pa niya yung beat nun at tawa siya ng tawa. Bigla ba namang.. nag- slowdance.

Nakatayo lang siya doon na akala mo eh nahihiya.

"Yan naman ang hindi ko sinasayaw.." sabi niya sa akin tapos umatras sya, "Ayoko niyan."

"Dali na!" pinilit ko ng siya, "Ako na lang mag-lead. Kamay mo dito," nilagay ko yung kamay niya sa waist ko, "Kamay ko, sa balikat mo."

Syempre left, right, left right lang naman yun, nakuha rin naman niya. Pero syempre bago niya nakuha, ako ang nag-lead. Akala daw niya kasi mahirap na parang cha-cha-cha.. or swing.. hindi daw talaga siya sumasayaw nun.

Whether it's swing, tango, or any dance na slow, kaya ko. Nag dance lessons kasi ako. Sinabi ni Daddy sa akin kasi bata pa ako eh mahilig na magpa-party ang family ko.

Itinigil lang yung tugtugan para sa awarding. Nanalo yung isang section para sa most points. Second lang yung class namin. Ok lang naman. Winning isn't about competing, it's about having fun sabi nga nila.

Hinayaan ko naman si Jasper na makisayaw sa ibang classmates namin. Hindi naman ako OA na kami lang dapat ang magkasama all night. Sinayaw din niya si Kay. Ako naman eh sinayaw din ni Carlo pati ni Ronnie. Yung ibang classmates ko eh nahihiya pa akong yayain, pero niyaya pa rin ako. Ang weird nila no? Nahihiya na lang din sa akin pa.

Mas sosyal namanyung pagkain ngayon. May malaking lechon sa gitna, roast chicken, iba't ibang salads, rice toppings... basta marami. Hindi ko nga alam yung tawag sa iba eh.

Nakita ko naman yung kulay itim doon na hindi ko alam kung ano.

Nung umiikot ako, nilaktawan ko nga.

"Ayaw mo ng dinuguan?" narinig kng may nagtanong sa likod ko.

"Uhmm... no?!?" sinagot ko, "It doesn't look right."

"Sus.." sabi niya sa akin, "Try mo." bigla ba naman siyang nagsandok tapos nilagay doon sa kanin ko.

"Bakit mo nilagay yan?"

"Subukan mo lang!"

Wala na akong magagwa nun dahil nasa pinggan ko na. Kumain lang ako ng kumain nun kasama si Kay. Si Jasper kasi sumama kay Carlo eh. Nagpaalam naman siya sa akin.

"Hey Riel, hiramin ko lang si Jasper ah..." sabi ni Carlo sa akin na akala mo eh ako may-ari sa tao na yun, "Lalabas lang kami. Important call."

"Sure." tumango na lang ako.

"It's already 10:30..." tinignan ni Jasper yung relo niya, "24th hour, sa likod ng building niyo." binulong niya sa akin.

Pagkatapos niyang sinabi yun, umalis na silang dalawa.

Ang lalaki ng hakbang nung dalawa. Hindi namin alam ni Kay kung saan sila pupunta pero ang mga itsura nila eh para silang mga busy. Oh well, buti na lang may pagkain sa harap ko kaya hindi nama masama. Yung dinuguan eh okay lang.

Nagseryoso naman na si Kay nun.

"Sasabihin mo na talaga sa kanya?" tinanong niya ako nung matapos siyang kumain, "Ready ka na?"

Yumuko ako nun at iniwas ko yung tingin ko.

"I think so." umiling-iling ako, "Ayoko na kasing patagalin pa eh. Habang tumatagal, mas lalong mahirap lahat."

"Good luck girl.." sabi niya sa akin. "Sana ayos lang maging kalabasan."

Huminto lang siya ng kaunti nun. Nanahimik kumbaga.

"Oo nga pala, 12 din nila iaannounce yung nanalo ng may most kisses ah. Eh di hindi niyo maabutan na dalawa yun?"

"Hindi na siguro."

Binilisan na lang namin yung pagkain namin nun dahil may awards na naman na pinamimigay. Sa teachers ang star of the night eh yuung values teaher namin. Nakakatawa nga siya eh kasi yung suot niyang damit eh ma-balloon pa talagang gown. Parang alam na alam nga niya na may planong dance kaya siya nagdala ng gown.

Nung lumalapit na yung oras na sasabihin ko na sa kanya, pakiramdam ko ay sumisikip yng dibdib ko. Hindi ko ako masyadong makahinga. Siguro dahil bumibilis lalo yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Si Ronnie nga kumuha pa ng tubig para sa akin.

"Ronnie natatakot na ko.." sabi ko sa kanya sabay inom ng tubig, "Paano kapag nalaman niya? Tingin mo magagalit siya sa akin?"

"Riel, kapag nalaman niya magiging ok lahat. At least sinabi mo sa kanya. Hindi ba nahihirapan siya dahil namimili siya kung si A.L. ba o ikaw? Kapag nalaman niya, hindi na siya mahihirapan."

"Tama.. tama ka diyan.." uminom uli ako ng tubig, "Paano ko nga pala sisimulan yun?"

"Makisabay ka na lang sa flow ng pag-uusap niyo. Kapag nandun ka na, malalaman mo na yung sasabihin mo. Darating na lang sa iyo yun." hinawakan niya ako sa likod ko, "Pero this time, huminga ka muna ng malalim."

Nag-inhale exhale lang ako. Grabe pala kapag sobrang kaba ka, pakiramdam ko may sakit na ako sa puso.

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanya?"

Uminom na naman ako ng tubig. Pakiramdam ko nalulunod na ako.

"Na ako si A.L., o anak mayaman ako?"

Tumingin lang si Ronnie sa akin.

"Na ikaw si A.L."

Ewan ko ba, nahihirapan akong sumagot nun. TInignan ko lang siya.

"Kasi ayaw ko malaman nila na ako yun noon pa lang!" sumigaw ako, "Kapag tumutulong ka ba kailangan pang malaman ng mga tao na ikaw yun? Hindi naman nasusukat yung pagtulong po kapag nalaman nila. Nasusukat.. dito.." hinawakan ko yung puso ko. "Hindi ba tama ako?"

"Uhmm.. yeah." naki-ayon na lang siya.

"Anong oras na?"

"Quarter to twelve.."

Tumayo ako nun kaya lang napaupo ako. Pati ba naman tuhod ko nanginginig na?

"Ihahatid na nga kita doon." sabi ni Ronnie sa akin tapos inalalayan niya ako, "Saan daw ba?"

"Sa likod ng building ng girls."

Sinamahan ako ni Ronnie nun sa paglalakad. Sobrang dilim na talaga. Yung sayawan nun sa chapel eh tuluy-tuloy pa rin pero iniwan na namin yun. Nakakalayo na kami eh naririnig pa rin namin yung tugtog.

Konting ilaw lang meron doon sa likod ng building namin. Nung nandun na ako, wala pa rin si Jasper. Humarap ako kay Ronnie nun.

"Ronnie.. natatakot na talaga ako.. hindi ko alam gagawin ko!"

Hinawakan niya ako nun sa magkabilang pisngi ko.

"Huwag kang matakot. Kaya mo yan. Maganda naman yung intention mo 'di ba?" tapos humawak siya sa balikat ko, "Just go." tinuro niya yung bench doon sa likod.

Hindi ako makalakad nun. Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Nalulungkot ba ako? Kinakabahan? Naiiyak?

Hindi ko alam.

"O sige, dito lang ako sa gilid. Babantayan kita. Kapag nakita ko na nandiyan na si Jasper, saka lang ako aalis. Ok ba yun?"

Tumango na lang ako sa kanya at dumiretso na ako sa bench. Naupo na ako doon at nakita ko si Ronnie na nakatayo doon sa madilim na part.

Ang tagal ni Jasper nun. After 10 minutes siguro, saka lang syia dumating. Pawis na pawis na siya at hawak niya yung phone niya.

"Kanina ka pa?" unang tanong niya sa akin nung tumayo siya sa harapan ko.

Umiling lang ako nun. Hindi ako makatingin sa kanya. Nanahimik lang kami parehas at walang makapagsalita.

Finally nung maisipan na namin na basagin yung katahimikan, nagsabay pa kami.

"May sasabihin ako.." nagtinginan kami, "Ikaw muna."

Yumuko rin siya nun.

"Ok, ako mauuna." umupo naman siya doon sa bench. Halata mong hindi rin siya makapagsalita. "Hindi ko na patatagalin." huminga siya ng malalim, "PInag-isipan ko na ito ng matagal." tumingin siya sa akin, "Riel, we can't be together."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakt nasaktan ako sa sinabi niya.

"We can't." umiling siya, "We just can't." napaka-seryoso ng mukha niya, "Marami na akong naging kasalanan sa iyo, so you don't deserve me. I'm just here to say goodbye."

"What?!? Goodbye for what? Kasalanan kailan? Ano ka ba?!? Anong sinasabi mo!?? Ang gulu-gulo mo naman eh!" sinigawan ko talaga siya.

Sa sobrang gulat ko sa pinagsasasabi niya, naiiyak na ako.

"Hindi kita maintindihan."

"Hindi kita mahal. Ibang tao ang mahal ko. I lied to you. Why? Ask Carlo. He knows why."

Umiyak na ako ng umiyak nun. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko.

"I didn't mean to hurt you, it's a guy thing. Hindi mo maiintindihan."

Yumuko na ako nun at ayaw ko nang lumapit sa kanya. Nakalimutan ko na kung ano ba yung sasabihin ko sa kanya. HIndi ko alam kung paan ko sisimulan. Para akong nabagsakan ng mundo.

Bakit niya sinasabi sa akin ito?

Nagulat na lang ako nung bigla-bigla na lang may lumabas doon sa gilid na tumatakbo. Tapos Sinuntok niya si Jasper.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa kanya yan! Naririnig mo ba yung sarili mo?" galit na galit si Ronnie nun, "Alam mo ba kung gaano siya natatakot na sabihin sa iyo yung totoong bagay tungkol sa kanya?!? Tama ka! You don't deserve her! You don't deserve a girl like her!" hinawakan niya ako. "Masyado siyang mabuti para sa isang tulad mo."

"Sino ka ba at anong pinagsasabi mo?" hinawakan niya yung bibig niya.

"Kaibigan ako ni A.L. She's in front of you." hinola na ako ni Ronnie, "Tara Riel!"

Hinawakan ako ni jasper sa braso ko.

"A.L.? I don't understand."

"You won't." pinunasan ko yung luha ko.

Bago pa kami umalis sinabi ko sa kanya...

"It's a girl thing. Hindi mo maiintindihan."

***

Kahit na kasama ko na si Ronnie na lumalayo kay Jasper, humabol pa rin siya sa akin at hinigpitan niya yung hawak sa braso ko. Lalo lang akong umiyak nun.

"Bitawan mo nga ako! Bitawan mo nga ako pwede ba?!?" pinilit kong alisin yung kamay niya.

"Hindi kita papaalisin hanggat hindi mo nililiwanag sa akin kung anong nangyayari!" sinigawan niya ako, "Ikaw si A.L.? Paanong nangyari yun? Paanong mangyayari kung si Mandee--" sinuntok niya yung puno doon sa gilid gamit ng kaliwang kamay niya dahil yung isang kamay niya nasa braso ko, "WILL SOMEBODY PLEASE EXPLAIN TO ME WHAT'S GOING ON?!?" namumula na yung mukha niya.

Hinawakan ko rin ng mahigpit yung kamay niya ta inalis ko na talaga.

"Bakit ako?! Pinaliwanag mo ba sa akin kung anong nangyayari? Niliwanag mo ba sa akin kung anong problema? Hindi 'di ba?" nahihirapan na akong magsalita nun dahil sa pag-iyak ko, "J-jasper simula nung nakilala kita pinipilit na kitang intindihin pero hindi mo ko tinutulungan!!!"

Humakbang siya papalapit sa akin at sinubukan niyang hawakan ako. Lumayo naman ako.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan!"

Umatras siya nun at tinignan niya ako. Hindi siya umiiyak. Parang isa lang siyang poste doon na walang pakiramdam na nakatingin sa akin.

"Isa lang ang gusto kong malaman, isang tanong isang sagot.." mahinahon na yung boses niya, "Anak mayaman ka ba?"

Pinilit kong pigilin yung sarili ko sa pag-iyak nun. Humihikbi-hikbi pa ako nung makuha kong tumango sa tanong niya.

"So you're one of them..." napaka-fierce nung pagkakasabi niya. Iniwas naman niya yung tingin niya sa akin.

Ang tahimik namin pare-parehas at walang makapag-salita. Tanging yung hangin lang ang maririnig mo. Kaya nung sumigaw si Jasper, parehas kaming ni Ronnie na nagulat.

"For God sake Riel!" sinipa niya yung puno na sinuntok niya kanina, "Anong gusto mong itawag ko sa iyo ngayon? Mahal na prinsesa?" hindi ko na siya sinagot at umiyak lang ako doon sa kinatatayuan ko. "Pare-parehas kayo. Tama ako. Kayong mga may kaya sa buhay!" tinuro niya ako, "You lied to me!"

Sasagot sana ako kaya lang pinigilan niya ako.

"That's it. Nagsinungaling ka sa akin, nagsinungaling din ako sa iyo na mahal kita. We're even. We're in a win-win situation. Katulad nga ng sinabi ko kanina, I'm just here to say goodbye."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh binilisan niya yung pagtakbo niya.

"Jas.." hindi ko mabuo yung pangalan niya, "JASPER!"

Hindi na siya huminto nun at nagtuluy-tuloy na siya. Tuluy-tuloy na yung pag-iyak ko nun. Si Ronnie eh inalalayan na lang ako.

Bakit ganun? Win-win situation kami dahil parehas kaming nagsinungaling sa isa't isa? Pero bakit pakiramdam ko parang ako yung talo?

Siguro nga tama siya. I'm just one of them... and will forever be.

Tinignan ko yung phone ko nun.

It's 12:01. At this moment in my life, I actually believed...

Fairytales do end at 12.

Chapter 6

 

Nung nakauwi na kami ni Kay nung madaling araw, hindi ako makatulog eh umaga na. Siya kasi eh binantayan niya ako at iyak ako ng iyak doon sa unan ko sa boarding house. Panay pa ang tanong niya sa akin...

"Cousin ok ka lang ba? Ilang oras ka nang umiiyak ah.. pinapakaba mo na ko niyan.."

Nakailang ulit din ako sa kanya na hindi ako ok at iiyak na lang ako ng iiyak doon dahil makakagaan yun sa pakiramdam. Pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon kahit ilang beses akong umiyak eh hindi mawawala yung sakit na nararamdaman ko.

Monday nga yung last day namin sa resort. Tuesday na ngayon at wala pa rin akong tulog. Nag-umaga na nga't lahat eh gising pa rin ako. Kaibahan nga lang eh hindi na ako umiiyak at nakatingin na lang ako sa kisame.

Dapat ay may pasok na kami ngayon. Kaya lang dahil alam ni Kay na wala akong tulog, hinayaan na niya akong matulog doon sa boarding house at siya na lang daw ang bahalang mag-excuse sa akin sa klase. Hindi ko pa naiku-kuwento sa kanya yung nangyari kagabi dahil wala na ako sa sarili ko. Si Kay naman kahit minsan eh makulit, binigyan niya ako ng privacy ngayon.

Half a day akong natulog. Nung nagising nga ako at tinignan ko yung sarili ko sa salamin, parang hindi ko makilala yung sarili ko. Bago pa ako lumabas ay nagtatago pa ako at tinitignan ko kung nandun si Jasper. Kaya lang naisip ko, pumasok yun at malbo na magkita kami.

Pagbalik ko nun sa room namin, nanood lang ako ng TV buong maghapon kahit hindi ko naiintindihan. Pakiramdam ko kasi lumilipad lang yung isip ko.

Nung hapon na, dumating na rin si Kay nun galing sa school. Hindi ko alam kung paano niya nakuhang pumasok eh pare-parehas kaming puyat dahil kagabi.

"Hey, kumusta na?" yun ang una niyang bati sa akin nung pumasok siya.

Tumingin lang ako sa kanya saglit, tapos binalik ko sa tv.

"Ayos lang."

Binaba naman niya yung bag niya nun at tumabi sa akin doon sa kama ko.

"Alam mo cousin, kapag nagsisinungaling ka madalas hindi kapani-paniwala kasi hindi ka magaling dun.." sabi niya na medyo seryoso, "Hindi na kita tatanungin kung anong nangyari kagabi, pero alam mo naman sasamahan kita kahit ano pa yan.." isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya.

Oras na ginawa ni Kay yun, nalungkot na naman ako.

"Ikaw talaga. Gabalde na yung iniiyak mo ah.." sabi niya sa akin. "Kagabi pa yan. Baka ma-dehydrate ka. Masama yun!"

Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko, umiyak na talaga ako doon sa balikat ni Kay.

"Bakit ganun Kay?" sabi ko habang umiiyak, "Bakit kapag pakiramdam mo ok lahat tapos hindi naman pala? Bakit kapag pakiramdam mo totoo sa iyo yung isang tao yun pala papaasahin ka lang? Bakit kapag pakiramdam mo planado na ang lahat pero kapag nandiyan na masisira pala lahat? Bakit kapag nagmamahal ka kailangan mong masaktan?"

"Maraming tanong hindi naman nasasagot. Maraming 'Bakit' alam mo kung bakit?" ewan ko ba kung pinapatawa lang ako ng pinsan ko pero magaling yan sa ganyan, "Kasi hindi mo naman hawak ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo hawak yung naiisip nila. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari. Nasa atin yun. Kaya kung masasaktan tayo sa sa sobrang dami ng 'bakit' sa mundo, dapat handa tayo na tanggapin yun. Dahil kung wala yung mga bagay na yan, hindi tayo matatawag na tao. Hindi ka tao kung hindi ka marunong masaktan."

Umiiyak pa rin ako nun kaya nabasa ko na yung blouse ni Kay. Alam ko naman na wala lang sa kanya yun dahil dinadamayan niya ako sa ganitong oras.

"Uhmm insan.." sabi niya sa akin ng medyo mahina, "Ewan ko kung tamang oras ko bang sabihin sa iyo ito pero si Jasper hindi rin pumasok ngayon."

Inangat ko yung ulo ko nun at tumingin ako sa kanya.

"Bakit daw?" pinunasan ko yung luha ko.

"Ito na naman itong si 'Bakit'..." umiling siya sa akin, "Hindi ko alam. Kung ano man ang nangyari sa inyo kagabi, walang nakakaalam. O dapat ko bang sabihin na hindi ko alam. Si Carlo ayaw din kausapin ni Jasper.." tumingin siya sa gilid, "Sinusubukan niya din daw, tahimik lang daw simula pa kagabi. Si Ronnie.." kinabahan naman ako nun, "Ayun, back to his makapal na glasses."

Natawa naman ako nun. Hinampas ko siya sa balikat niya pero hindi malakas.

"Nakakainis ka!" inalis ko na talaga yung luha ko, "Seryoso yung tao tapos ikaw ganyan ka..."

"Isa pa nga pala cousin.." sabi niya kaya tumingin ako, "Tumawag yung Daddy mo sa phone ko.."

"Huh?!? Anong sabi?" umayos ako ng upo ko sa kama, "Anong sabi niya?"

"Akala ko rin kung anong sasabihin. Sabi niya nangungumusta lang daw siya. Pero sa tingin ko may alam yun na kung ano.." tumingin siya sa akin, "Sa bahay niyo daw ba ikaw mag-christmas?"

Tumango ako nun. Christmas would be great.

"Pwede bang sa amin ka mag-christmas?" tinanong ko si Kay, "Isama mo sina uncle. Kailangan ko lang ng kakampi. Ng kausap.." ngumiti ako sa kanya, "Pwede ba? Please Kay. Pwede ba?"

Ngumiti siya sa sa akin tapos ginulo yung buhok ko.

"Ano ka ba! Ang lakas mo kaya sa akin!"

Kuamin kami sa labas ni Kay nung gabi na iyon. Siguro pinapasaya niya lang ako at para na rin makalimutan ko yung problema ko. Makakabuti na rin siguro yun. Ikukuwento ko rin kay Kay, pero hindi na muna ngayon. Kasi naman kapag lalo kong naaalala, lalo lang mahirap kalimutan yung nangyari.

Busog na busog ako nung makauwi kami. May take-out pa nga si Kay at ako eh hindi ko rin naubos yung pagkain ko pero hindi ko na naisip na dalhin pa. Medyo madilim na nung nakabalik kami sa boarding house.

Eksakto namang nung nasa tapat na kami at bubuksan namin yung pinaka-gate, kasabay namin yung dalawa. Si Carlo at Jasper. Galing din sila sa labas. Napansin nga niya ako eh.

"Mauna ka na.." pinapauna niya akong pumasok doon sa gate.

"Ikaw na, ikaw naman nauna sa gate."

Napaka-seryoso ng mukha niya nun.

"Ikaw ang babae, ikaw na ang mauna."

"Ikaw na yung nasa tapat, ikaw na ang mauna.."

Pati ba naman gate ngayon issue pa?

"Oh.. whoa.. wait wait.." sabi ni Carlo na napansin na masyado na kaming nag-iinit. "Para walang away, ako na ang mauuna. Then si Kay. Tapos kayo maiiwan."

Nagulat na lang ako nung sinabi niyang..

"Hindi na, ako na mauuna." tapos pumasok siya sa loob at nagdire-diretso sa pag-akyat sa second floor.

Nakatingala lang si Carlo nun. Tumingin siya sa akin at parang kakaiba na yung expression ng mukha niya.

"Pasensya ka na Riel ha.." sabi niya na parang nagpapaliwanag sa akin, "Pagpasensyahan mo na si Jasper. Talagang malaki lang problema niya ngayon." umiling-iling pa siya. "9 years since huli ko siyang nakitang ganyan.."

"9 years na ano?"

"7 years old siya nung huling umarte ng ganyan. Walang pakialam sa mundo. Wala sa sarili. Pati nga sa akin parang galit yan kagabi pa.."

"It's been 9 years the last time he cried. Ngayon lang uli nasundan."

*******************

Umakyat na kami ni Kay nung gabi na iyon sa room namin. Ako naman eh walang magawa kung hindi mag-isip. Nine years? Ang tagal na nun ah. Maybe Carlo meant something like.. 'Ngayon lang siya umiyak ng seryoso?' Hindi naman pwedeng...

Teka, hindi nga ba? Umiyak siya kagabi? Bakit? Dahil sa akin?

Nah. Masakit mang maggaling sa akin, sinabi niya na may mahal siyang iba. And yes, ako yung talo dito kasi... nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa dahilan na alam ko na yung sagot ayaw ko na namang harapin.

Hindi katulad nung Monday na nangyari sa 24th hour, nakatulog naman na ako. Balak ko na rin kasing pumasok kinabukasan at kaya ko naman na. Isa pa, hindi na ako kulang sa tulog. Alam ko sa sarili ko na may problema pa rin ako, pero sabi nga nila, you must learn how to move on.

Maaga ako at si Kay na nakarating sa school. Kapapasok ko pa lang sa gate eh hindi na maganda ang sumalubong sa akin. Ang daming nakatingin sa akin. Yung iba nga na tinignan ko rin pabalik, iniiwas nila yung tingin nila. Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? May alam ba sila na hindi ko alam? O baka naman si Kay ang tinitignan nila?

"Hey, bakit nakatingin sila sa iyo?" tinanong ko si Kay habang naglalakad kami ng mahina lang, "Anong meron?"

"Hindi sila sa akin nakatingin.." diretso pa rin siya maglakad, "Sa iyo."

Nung una eh hindi pa ako nag-react sa sinabi niya. Kaya lang nag-sink na sa utak ko.

"Err.. why? Why're they looking at me as if--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang may tumayo sa harapan ko at tinulak ako ng sobrang lakas sa kaliwang balikat ko. Napaatras ako ng kaunti. Medyo nahulog pa yung bag ko.

Tinignan ko naman kung sino.

"Mandee ano bang problema mo?!?" napikon kaagad si Kay sa kanya.

Si Mandee eh nakatingin lang sa akin na parang galit na galit na hindi mo maintindihan.

"Nagpakita pa ang makapal ang mukha!" sabi niya ng malakas doon sa hallway.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin kaya nanahimik lang ako. Tinignan ko lang siya. Si Kay naman ay hindi nakapagpigil, siya na ang sumagot sa akin.

"Ikaw nga yung makapal ang mukha diyan!" tinulak din ni Kay si Mandee, "Huwag na huwag mong itutulak yung pinsan ko dahil baka masaktan ka!"

"Ano bang pakialam mo dito Kay?!? Ikaw ba ang kinakausap ko?" sinabi ni Mandee sa kanya, "Si Riel hindi ikaw!" sumigaw uli siya, "Bakit ba kailangan ikaw ang sumagot para sa kanya?!" tumingin siya sa akin, "Ano Riel?!?"

Alam ko na ayaw kong patulan si Mandee. Pero wala akong magagawa kundi sumagot para matigil na.

"Paano akong sasagot sa iyo eh hindi ko nga alam ang pinagsasasabi mo?"

"Nagkukunwari ka pa eh!" susugod sana siya kaya lang inawat siya nung mga nasa likod niya, "Impostor!"

Kinabahan ako nun sa sinabi niya. Impostor? Ako? Ano na naman bang ginawa ko?

Halata niya sigurong puzzled yung mukha ko kaya tinuloy niya.

"Hindi lang ako nakasama sa recollection kung anu-ano na yung pinagkakalat mo!" namumula na yung buong mukha niya, "A.L.? Palibhasa naiinggit ka sa akin na nasa akin ang attention at awards tapos ikaw na nagke-claim na ikaw si A.L.? Ako si A.L.! Alam mo yan!"

So nagagalit siya na pinagkakalat ko na ako si A.L.? Teka, ako? Impostor? Nagkakalat?

"I don't know what you're talking about.." sabi ko sa kanya ng mahinahon, "I really don't."

"Palibhasa yung mga probinsiyanang katulad mo kulang sa pansin!" dinuro niya ako sa dibdib ko.. tinulak-tulak niya ako kaya napaatras ako ng napaatras, "Kung hindi pa madudulas si Ronnie sa akin na ikaw daw si A.L., hindi ko pa malalaman!"

Si Ronnie? Nadulas si Ronnie.

"I didn't! Wala akong sinasabi!" sinigawan ko na rin si Mandee nun.

Wala akong pinagkakalat. I never did. Kahit alam ko na ako yun, ayaw kong malaman nila.

Paatras pa rin ako ng paatras nun. Ang sakit nung pagtulak sa akin ni Mandee. Ayoko siyang patulan dahil ayoko na ng gulo. Kahit ngayon...

Hindi ko naman napansin na kakaatras ko eh may naapakan ako. Paglingon ko..

"Leave her alone." sabi niya na parang wala lang sa kanya.

"Pero Jasper alam mo ba siya eh--"

"I don't care what she is! Just leave her alone." sinubukan niyang dumaan nun na parang hindi niya ako napansin.

Gumilid na lang ako.

"Jasper mapagpanggap itong babaeng ito alam mo?"

Nainis yata si Jasper kaya huminto siya at humarap kay Mandee.

"Mandee just stop!" nanahimik kaming lahat nun, "Kahit ikaw naman eh, matagal mo nang ikini-claim na ikaw si A.L. pero na-prove mo ba? Hindi 'di ba? She's.." tumingin siya sa akin, "She's not claiming anything.. so just stop!"

Pagkatapos niyang sinabi yun eh hindi na nagsalita si Mandee. Bakit niya nga uli ginawa yun?

Mabilis na naglakad si Jasper nun. Ako naman eh hindi ko napigilan yung sarili ko, hinabol ko naman syia doon sa hallway. Hindi ko alam kung napansin ba niya ako, pero sinabayan ko siya.

Nung una natatakot pa ko na magsalita. Tinignan ko lang siya saglit tapos nagsalita na rin ako.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun.."

"Hindi ko ginawa yun para kanino.." hindi niya ako tinignan, "Masyado na akong pagod sa ganyan! Ayoko na."

Halata kong ayaw niya akong kausapin. Ewan ko ba, parang masyado siyang nagagalit sa akin. Hindi ba dapat ako yung magalit sa kanya?

Naiwan akong nakatayo doon at lumalakad pa rin siya.

"JASPER ANO BA!!!" wala na akong pakialam kung may mga tumingin. "Kung galit ka sa akin dahil nagpanggap ako sana alam mo naman yung reason ko kung bakit ko ginawa yun! Sana naman makinig ka!"

Huminto siya nun tapos bumalik sa akin. Hinawakan niya ako sa braso ko.

"Alam mo kung bakit ako galit? Hindi dahil nagsinungaling ka! Hindi dahil nagpanggap ka!" seryosong-seryoso siya nun at nakatingin siya sa mata ko, "Galit ako sa iyo dahil hindi ko na alam kung sino ka!" habang sinasabi niya iyon eh lalong humihigpit yung paghawak niya sa akin.

"Ako pa rin yun! Ako pa rin si Riel na nakilala mo!"

"Yun na nga eh! Hindi ko alam kung sino ba yung nakilala ko.." iniwas niya yung tingin niya sa akin, "Dahil hindi ko alam kung alin yung totoo sa pagpapanggap."

Binitawan niya ako nun at lumayo siya ng kaunti sa akin.

"Hindi ko alam kung totoo ba yung taong minahal ko..."

Nakatayo lang ako doon at umiiyak. Yumuko ako nun at hindi na ako makakilos.

Teka lang...

Mahal niya ko?

*** *********

Hindi naman ako nakinig sa buong klase ko nung umaga na iyon. Ang ginawa ko eh nakasandal lang ako sa desk ko at nananahimik. Wala kasi ako sa mood. May quiz nga din kami sa Physics namin pero hindi ko ginawa. Bahala na kung lagyan man ako ng zero sa grade.

Si Jasper naman eh hindi nagpakita sa klase. Bakante yung upuan niya simula kanina pa. Alam ko naman na pumasok siya sa school kaninang umaga, pero hindi umattend sa room namin. Si Carlo naman eh medyo busy at panay ang labas ng classroom. Inuutusan nga rin siya nung mga teachers. Hindi ko tuloy siya matanong kung nasaan si Jasper.

Nung breaktime naman na namin, niyaya na ako ni Kay na kumain sa cafeteria. Nakisabay na lang ako sa kanya kahit wala naman akong gana. Ewan ko ba, parang ang gulu-gulo na naman ng utak ko. Kagabi lang naisip ko na kalimutan na lang, pero bumabalik at bumabalik sa isip ko yung mga nangyari.

Sa school naman eh hindi rin naman maganda ang kinalalabasan. Everyone loved A.L. Well, maybe almost everyone. But never Riel. Hindi ko rin alam kung ano ang kaibahan. From the most loved person sa school, I became the most hated in just a day.

"Huwag mo na silang pansinin, hindi nila alam mga pinagsasasabi nila." sabi ni Kay na hinihimas-himas pa ako sa likod, "naku talagang yung Mandee na yan baka mapatay ko siya!"

Wala naman talaga akong pakialam sa tingin ng ibang tao sa akin. Lagi ngang sinasabi sa akin ng Mommy ko na dapat kong tandaan, hindi mahalaga ang tingin ng ibang tao sa iyo. Ang mahalaga, ang tingin mo sa sarili mo.

Nung makarating na kami sa cafeteria, nag-order lang si Kay para sa akin at kumain na kami. Ni-hindi ko nga halos magalaw yun eh.

Napansin din ako ni Kay. Nag-comment ba naman..

"Naku huwag mo ngang iniisip yun! Mahal ka ng taong yun!" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

At that very moment, naisip k na may alam si Kay sa akin. Nagbago lang nung nakita ko siyang nakangiti. Madalas kasing sinasabi sa tao na mukhang malalim ang inisiip eh mahal ka ng isang tao.

Pinsan ko naman si Kay, kaya hindi masamang sabihin ko sa kanya kung ano ba yung problema ko.

Nakinig naman siya sa akin. Sinimulan ko doon sa magandang usapan namin ni Jasper bago yung araw na mag-uusap kami ng 12. Tapos ikinuwento ko rin sa kanya na sinamahan ako ni Ronnie doon sa meeting place dahil sobrang kabado na ako nun.

After that, dumating na ako doon sa point na kahit ako eh naguguluhan kung bakit.

"Sinubukan mo bang tanungin siya kung bakit?" sabi ni Kay sa akin na interesadong-interesado sa sinabi ko, "I mean, nanliligaw siya sa iyo 'di ba? Imposible namang liligawan ka niya tapos hindi ka niya mahal?" nagtataka rin siya, "That's really odd. Sa kinikilos talaga ni Jasper noon pa, alam ko naman na may gusto siya sa iyo pero anong nangyari?"

Yumuko na lang ako. Hindi ko rin alam ang sagit sa mga tanong ni Kay.

"Ewan ko ba.." tumingin uli ako sa kanya, "Sinabi niya na tanungin ko daw si Carlo. At kaht tanungin ko si Carlo, hindi ko rin naman maiintindihan dahil daw 'guy thing' yun." napakunut-noo ako, "Tapos sinabi niya sa akin ngayong umaga na galit siya sa akin hindi dahil nagpanggap ako o nagsinungaling.. kundi dahil hindi niya kilala yung taong minahal niya."

Nagsalubong na yung kilay ni Kay nun.

"The--what?" sabi niya na naguguluhan din, "Sinabi niya na hindi ka niya mahal tapos sinabi niya na mahal ka niya kanina lang?" umiling-iling siya, "Ano bang klaseng utak meron yung tao na iyon?"

Kahit si Kay eh hindi rin maintindihan yung takbo ng utak niya. Sino kayang may kaya?

Kumain na lang kami at hindi na namin pinag-usapan si Jasper. Si Mandee naman eh panay ang parinig ng 'Impostor' doon sa table niya kaya lang hindi na namin pinapatulan. Paano kaya niya nagagawa iyon? Paano niya nakukuhang lokohin yung sarili niya pati ang ibang tao?

"Tara na nga Riel.." hinila ako ni Kay nung matapos siyang kumain, "Ayoko na makarinig ng kahit ano galing sa babae na iyan dahil makakatikim sa akin yan!" galit na galit talaga siya, "Kaya parang walang gulo, tayo na ang umalis."

Dinaanan namin yung table ni Mandee one last time at narinig ko pang sinabi niya na 'Guilty kasi..'

Umarte naman si Kay na susuntukin niya si Mandee, kaya mukhang natakot. Hindi naman niya ginawa eh.

Isa kami sa mga naunang nakabalik sa room. Wala pang masyadong tao doon sa upuan namin sa bandang dulo pero naupo na kami. Hindi rin naman nagtagal, pumasok din si Carlo at ang bilis-bilis maglakad. Kinuha lang niya yung bag niya at lalabas na yata uli.

"Psssttt!" tinawag siya ni Kay kaya huminto siya nung nandun na siya sa upuan.

"Bakit?!"

"Tara nga dito.." nag-sign si Kay sa kanya na umupo doon sa upuan sa tapat naming dalawa.

"Bakit nga?" ayaw niyang lumapit.

"Sabi ko tara dito.."

Dahil ayaw naman sabihin ni Kay sa kanya kung bakit, lumapit na rin si Carlo nun at naupo doon sa upuan sa harap namin. Nakabukas pa yung polo niya kaya kita yung t-shirt niya sa loob.

"Ano bang meron?" nagtanong siya kaagad nung kauupo pa lang niya, "Hindi ako pwedeng magtagal.. aalis na rin ako--"

"Magtatanong lang sana ako.." tapos tumingin siya sa akin saglit, binalik niya kay Carlo, "Anong meron doon sa kaibigan mo?"

Halata mong hindi inaasahan ni Carlo yung tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hinampas ni Kay si Carlo sa braso niya.

"Come on Carlo! Alam ko mas marami ka pang alam sa akin!" himampas niya uli, "Huwag ka nang magkunwari! Anong problema nun?"

"You mean yung ngayon--?"

"Hindi, yung nangyari sa kanila.." tinuro ako ni Kay.

Nabaling naman yung tingin ni Carlo sa akin. Seryoso naman siya nun.

"Sorry Riel ah, di ako pwedeng magsabi sa iyo ng kahit ano. Baka kasi magalit si Jasper sa akin."

Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko. Alam ko may alam si Carlo. Hindi pwedeng wala.

"Siya nga ang nagsabi sa akin na tanungin kita." naiiyak na naman ako nun, "S-sinabi n-niya sa akin na... na hindi niya ko mahal."

"Sinabi niya yun?!?" parang nagulat siya sa sinabi ko.

"--sa iyo ko daw tanungin kung bakit.. at kung anong meron."

Humawak si Carlo sa kamay ko nun. At least kahit papaano, ramdam ko na parang dinadamayan niya rin ako.

"Riel sinabi ko naman sa iyo na hindi ako pwedeng magsabi sa iyo ng kahit ano," tapos tumingin siya sa bandang likuran niya, "Pero hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa iyo na.."

Huminto siya nun at hindi niya matuloy yung sasabihin niya. Hinampas uli siya ni Kay ng malakas.

"Aray ko naman Kay! Bakit mo ko hinampas?!" hinimas niya yung braso niya.

Kahit na lumuha na naman ako nun, nakuha ko pang tumawa.

"May pasuspense-suspense ka pa kasi.. sabihin mo na nga!"

"Okay okay.." tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Huwag mo akong hahampasin!" tapos lumayo siya ng kaunti kay Kay at sa akin nag-lean, "Riel, Jasper lied to you."

Lalo naman akong naiyak nun. Totoo nga. Totoo yung sinabi ni Jasper. Nagsinungaling siya sa akin na mahal niya ko.

"I know that. Sinabi niya sa akin."

"No.. no!" pinunasan niya yung luha ko, "Nagsinungaling siya pero hindi yung iniisip mo. Nagsinungaling siya na hindi ka niya mahal." umiling siya, "Mahal ka niya. Mahal na mahal."

Tumawa naman ng kaunti si Carlo.

"Pero bakit sinabi niya yun?"

"Oo nga!" nakiayon naman si Kay, "Gusto pa niya may brain teaser pa kami na iso-solve!"

"I told you hindi ako pwedeng magsabi ng kahit ano dahil nangako ako. Marami lang talagang problema si Jasper ngayon. Pero mahal ka niya." huminga siya ng malalim, "Ikaw nga yata ang unang babaeng niligawan nun eh. Torpe kasi." ngumiti siya sa akin, "Pero yun nga, nung gabi na nag-usap kayong dalawa.. nag-usap o nag-away.. hindi ko alam.." huminto siya saglit tapos tinuloy din niyay ung sasabihin niya, "Umiyak siya nun. Si Jasper hindi basta-basta umiiyak unless nasaktan siya talaga."

"Naguguluhan pa rin ako. Bakit imbis na mabawasan yung tanong sa utak ko sa pagsasabi mo sa akin niyan, parang lalong nadadagdagan? Bakit ba niya sinabi yun--"

"Sorry, hindi ko talaga masasabi. Gustuhin ko man. Ayaw ko lang makialam. Sa tingin ko kung mayron mang taong dapat magsabi sa iyo, si Jasper yun."

Tumayo naman ako doon sa upuan ko at parehas silang tumingin sa akin. Pinunasan ko uli yung luha ko at nagsimula na akong maglakad.

"Teka, cousin saan ka pupunta?" tinanong ako ni Kay nung paalis na ako.

Lumingon naman ako.

"Kay Jasper. Hahanapin ko siya. Gusto ko lang magkaliwanagan na. Ayoko ng ganito.."

Napatayo rin si Carlo nun. Tumakbo siya sa kinatatayuan ko.

"Wait!" humawak siya sa dalawang braso ko, "You can't do that!"

"Bakit naman?" pinipilit kong alisin yung kamay niya sa braso ko, "Kakausapin ko lang siya!"

"Hindi mo ba alam?!?" tinanong niya ako kaya lalo akong nalito.

"Alam na ano? Ano bang meron? Ang gulo na masyado. Anong hindi ko alam?!?"

Yumuko si Carlo nun at binitawan na niya ako.

"I'm so sorry Riel. I'm afraid you can't do that." tinignan ko siya na puzzled ako.

"Nag drop out na siya sa school..."

************

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nung mga oras na iyon, pakiramdam ko eh huli na ang lahat. Kung iniiwasan niya ako at ayaw niyang makipag-usap sa akin, then that's it. I respect his decision.

Wala akong karapatan para pigilan siya. Isa pa kung gawin ko man, wala na ring mangyayari dahil nagawa naman na niya. Ang tanging gumugulo lang sa isip ko, kung talagang iniiwasan niya ako eh hindi naman niya kailangang mag drop out. Ako na lang sana para mas maging ayos ang lahat.

Umiyak ako syempre. Hindi ko na maiiwasan yun. Yung iba nga sa school iniisip na siguro na crybaby ako. Maybe I am. Ganun pa rin, walang pagbabago sa school. I'm still the same Riel na impostor sa paningin ng iba.

After ilang days at hindi na nga pumapasok si Jasper sa school namin ng tuluyan, lumabas naman yung class rank namin. Siguro nga dapat akong maging masaya, lumabas na pang-1st ako.

"Congrats couz!" sabi sa akin ni Kay tapos tinapik ako sa balikat.

Ngumiti ako nun pero hindi ako masayang-masaya. As far as I know, wala akong pakialam sa class rank. Lalo pa nung sinabi nung teacher namin na...

"Riel, points lang ang pagitan niyo ni Jasper. Nag rank 1st siya by point zero five, pero since wala naman na siya sa school.. ikaw na ang 1st. Congratulations."

Noon nung unang beses na nakarating ako sa school na ito, masayang-masaya ako. Pakiramdam ko totoong teenager ako. Pero yung school spirit na iyon, matagal nang nawala sa akin.

Kinaumagahan nun, inasar pa rin ako ni Mandee. Ayun, hindi ko na pinapansin dahil katulad nga ng sabi nila, sanayan na lang din. Ang gusto ko lang ay matapos na yung school, may christmas vacation at makalayo sa lahat. Siguro sa ganun marerelax ako sa bahay namin at baka makalimot na rin. Dahil sa ngayon, walang nangyayari sa akin.

Carlo's still around. Pero syempre katulad ko, halata mong malungkot siya. Ilang buwan ko na rin siya kilala at kadalasan pa nung mga panahon eh kasama niya si Jasper. Pero ngayon kung titignan mo siya, parang may kulang. Pangiti-ngiti lang siya, kakaway o kaya naman babati. Pero kulang... kulang talaga.

Nung nag-iisa nga ako at nakatingin na naman sa kawalan, tumabi pa siya sa akin.

"He's doing alright.." sabi niya na parang tinanong ko siya kahit hindi naman, "Umuwi siya sa probinsiya nila. Sa uncle at auntie niya. Alam ko doon na niya balak magtapos ng high school."

Tinignan ko lang siya at hindi na ako sumagot. Hindi rin naman nagtagal, eto na naman si Mandee. Nagiging habit na nga niya yung pagpunta sa harapan ko at magsabi ng kung anu-ano. This time, cheer naman ang ginawa niya.

"A.L., A.L., we love you! Riel, Riel, we hate you!"

"Ano ka ba Mandee?!? Hindi mo ba alam kung kailan dapat tumigil? Hindi naman nagpapanggap si Riel alam mo?"

Hinawakan ko si Carlo sa braso niya.

"Hayaan mo na."

"Palibhasa totoo naman!" tapos tinuloy niya uli yung kanta niya. "---we hate you!"

Tanggap na lang ako ng tanggap. Wala na sa akin yang mga yan. Hindi na ako nasasaktan. Habang tumatagal, lalo na akong nagiging manhid.

Dahil paulit-ulit yung kanta ni Mandee, paulit-ulit ko din yung naririnig sa tenga ko. Nakaupo na lang ako doon, nanahimik at walang sinabi.

Nagulat na lang ako nung may narinig ako ng...

"Szarielle Lopez!" hindi ako lumingon.

Familiar yung boses. Parang galit na hindi mo maintindihan. Binuo pa yung pangalan ko.

"Arielle tinatawag kita!"

Nung inulit yung pangalan ko at Arielle na ang tawag sa akin, saka ko lang nakuhang lumingon. At hindi ko inaasahan kung sino ang huminto sa harapan ko. Kaya ayun, napatayo na lang ako ng de-oras.

"Arielle Lopez! What do you think you are doing?!?" napaka-lakas ng boses niya at marami nang nakatingin.

"Dad.. just calm down." pinipilit ko siyang hinaan yung Daddy niya.

Naka-tux pa siya nun at halata mong galing pa siya sa work niya. Ano namang ginagawa niya dito?

"Ano pong ginagawa niyo dito?" tinanong ko siya dahil nakuha na niya yung attention ng lahat.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?" sabi niya na parang galit pa, "Detentions? Referrals?" alam na niya? "At ano pa itong nalalaman ko na nag part time ka daw sa isang shop?"

"Dad just let me explain okay?!?" bakit kailangan pa niyang i-aanounce sa lahat?!?

"No young lady! You are going to listen to me!" nakakahiya na talaga yun, "Ang usapan natin ay papasok ka dito sa school pero wala sa usapan natin ang mga pinaggagagawa mo! And what is that filthy bed you're trying to sleep at doon sa boarding house?!"

"That filthy bed is the best bed I've ever slept on my entire life!" hindi ko na napigilan yung sarili ko, "Dad kung anong nangyayari sa akin dito ginusto ko yun! Dahil tao lang ako Dad! I'm a teenager! I'm not an adult yet! Gusto ko masubukan yung mga bagay-bagay sa mundo hindi lang limited kung anong gusto mo!"

Napatingin ako kay Mandee nun sa gilid. Si Carlo rin eh hindi na makapagsalita at halata mong nagulat din siya.

"You're grounded." sabi niya sa akin na medyo mahina, "And we're cutting off A.L.'s fund."

"I don't care Dad! I DON'T CARE! Lagi namang ikaw ang nasusunod! Do what you want!"

Hindi ako umiyak nun. Talagang nagmatigas ako. Magtinginan silang lahat, wala akong pakialam.

May isang teacher naman doon na lumabas sa classroom at nakikinig din sa amin.

Nakialam naman yung teacher sa usapan.

"Uhmm excuse me lang po sir.." sabi nung teacher, "Tinutukoy niyo po ba eh si Mandee? Si A.L.?" tapos tinuro niya si Mandee.

Namumutla na si Mandee nun. Napaatras naman siya at hindi na makapagsalita.

Yung Daddy ko eh parang napuno na.

"What are you talking about?!?" humarap siya kay Mandee tapos sa akin, "My daughter, Szarielle Lopez.." hinawakan niya ako, "Is no other than A.L." oh GOD!

"DAD STOP!"

"A.L. stands for Arielle Lopez." hinigpitan niya yung hawak niya sa akin.

"DAD STOP! I SAID STOP!!"

"And who do you think you are?" tumingin siya kay Mandee. "Ikaw pala yung bali-balita na sinasabi nilang nagpapanggap na anak ko? Alam mo ba kung anong pinaggagagawa mo?"

"DAD ANO BA! MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!"

Halata mong gulat na gulat yung iba at lahat eh nagtinginan kay Mandee. Nagsimula na siyang umiyak nun tapos tumakbo. I felt bad for her. But then I realized, deserve naman niyang makuha yung nangyari sa kanya.

As for my Dad, he couldn't care less. Basta ang ginawa niya, hinila na niya ako at pinilit niya akong isama sa kanya hanggang doon sa kotse.

"You are not going back to that school you hear me?!?" sinesermonan niya ako habang naglalakad kami. "I talked to Kay. Pinagsabihan ko siya na hindi niya ginawa yung binilin ko sa kanya."

"Dad walang kasalanan si Kay dito kaya huwag niyo siyang sisisihin! She's the best company I've ever had so don't blame her for my mistakes!"

"Best company? You've been in detention? Not once, not twice.. Arielle.. you've never been in any trouble so don't tell me she's the best company you've had! Anong problema mo?" hindi ko siya sinagot, "I knew this was a bad idea from the very start! Hindi ko alam kung anong meron sa Mommy mo at kinampihan ka pa!"

"Kasi naiintindihan niya ako! Ikaw hindi mo ko iniintindi! Puro gusto mo lang! Paano naman yung gusto ko?"

Umupo ako doon sa likod ng kotse. Hindi ko alam kung anong mangyayari doon sa mga gamit ko doon sa boarding house. Hindi kami dumaan doon at mukhang walang balak si Daddy. Hindi kami nag-usap buong biyahe namin. Parehas mainit ang ulo namin. Kahit anong pakikioagtalo ko sa kanya, alam kong hindi ako mananalo. Hindi naman kahit kailan.

Hindi rin nagtagal, nakita ko na yung village namin na matagal ko nang hindi nakikita. Sa labas pa lang ay nakita ko na si Tilly, at nakangit siya sa akin. Nung bumaba ako ng kotse, yumakap pa siya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Umakyat ako doon sa hagdan at inunahan ko si Daddy.

"Arielle!" sumigaw siya doon pero nagdire-diretso ako, "Don't you dare walk away from me! Tingnan mo kung anong natutunan mo doon?"

"WHAT?!?" alam kong masyado na akong rude sa Daddy ko, pero siya rin naman sa akin, "Ano na naman Daddy? Sabihin mo na? Aakyat na ako sa kwarto ko dahil pagod na akong makinig sa iyo!!!"

Kung malapit siguro si Daddy sa akin ay nasampal na niya ako. Mabuti na lang malayo kami sa isa't isa.

"You are not to leave this house. Mag-stay ka sa kwarto mo. Lalabas ka lang kapag kakain ka, and that's it."

"Hindi na kailangan Dad! Sasabihin ko na lang kay Tilly na dalhin yung pagkain sa kwarto ko! Para sa ganun, hindi mo na ko problema!"

Tinalikuran ko uli siya kaya lang tinawag niya uli ako. Kung hindi ko lang siya Daddy, ewan ko na!

"Fix that attitude!" sumigaw siya uli sa akin.

"It's genetic Dad. Now you know san ko nakuha."

"I can't believe you!" alam ko na nagugulat siya sa akin, "You are to fix yourself by tomorrow."

"Yeah right." pagkatapos nun nagsimula na akong palakad papasok.

"Darating si Mrs. Garcia dito bukas at ayusin mo yang ugali mo!"

Kahit na gusto kong dumiretso nun, huminto pa rin ako.

Mrs.. who?

"Sino?"

"Mrs. Garcia.." inulit niya pero mahina na.

"Yeah.. who is she?"

"Wesley's Mom.." sabi niya sa akin pero hindi ko maintindihan.

Wesley? The... guy before?

"Dad No.." umiling-iling ako nun.

"You will.." basta sinabi niya talaga.. sinabi niya.

"He's the guy I want you to go with."

******************

Asar na asar ako kay Daddy nun. I don't know Wesley. I don't even know who are the Garcias to start with. And now meet them?

Alam ko naman na ang takbo ng utak ng Daddy ko. Kung gusto niya sigurong magkaroon ako ng kaibigan at isang tao na magiging higit pa dun, tingin niya siguro mas makakabuti pa sa akin kung parehas namin ng social status. Well, he's wrong. Kasi may nakilala ako na talagang naging parte ng buhay ko at hinding-hindi ko makakalimutan na wala sa social status ko. At kung nasaan man siya ngayon, I wish him well.

Hindi na ako nakipagtalo sa Daddy ko dahil wala namang mangyayari. Ipipilit ko yung gusto ko at ipipilit niya yung gusto niya.. paikot-ikot lang kami.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Nakita na rin ako ng Mommy ko at nag-kiss lang ako sa kanya. Alam niyang may problema dahil ganito naman ako palagi kapag nag-aaway kami ng Daddy ko. Hindi na ako iimik kapag wala nang patutunguhan yung usapan, pagktapos ay magkukulong na lang ako sa kwarto ko.

Binilisan ko na lang yung pag-akyat ko. Nakita ko na naman yung familiar na pintuan. Syempre pumasok ako sa loob, at nahiga na lang ako doon sa kama ko.

Hindi ako lumabas buong gabi. Hindi rin ako kumain. Hindi ako gutom. Yung school ko? Hindi ko nga alam. Tiyak may paraan na naman si Daddy para kausapin yung school at para i drop out ako. Honorable dismissal kumbaga. At kung papasok ako sa private school ko dati? I have no idea. I'd rather be home schooled.

Ang gulu-gulo ng utak ko. Sa sobrang pagod ko siguro, nakatulog ako ng naka school uniform.

***

Nagising na lang ako nung may nagbukas nung may silaw naman ako. Parang may maliwanang na kung ano na tumama sa mata ko. Pagdilat ko ng mata ko, napatingla ako doon sa kisame. Kulay blue...

Teka nasaan nga ba ako? Oh yeah, sa bahay pala.

Umupo naman ako nun at nakita ko si Tilly na inaangat yung kurtina. Lagi namang ganyan yan at mahal na mahal ko yan.

"Rise and shine Princess!"

"Don't call me Princess!" sabi ko naman kay aga-aga, "Alam mo ayaw na ayaw ko nun."

"Oo na hindi na.." nakita kong may tray siya na nakalapag doon sa gilid, "Pinapagising ka ng Daddy mo. Gusto niyang mag-ready ka dahil darating daw si Mrs. Garcia."

NIlapag naman niya yung tray sa kandungan ko.

"Nasaan nga pala siya?"

"Kakaalis lang. Pumasok na sa opisina." naupo naman siya doon sa kama.

"Umalis siya? Akala ko ba darating si Mrs. Garcia? Iniwanan niya ko dito tapos darating yung bisita niya?" nakakainis naman talaga yung tao na iyon!

"Si Mrs. Garcia daw ang nagsabi na ayos lang sa kanya na kayong dalawa lang daw."

Bago pa ako makapag-isip tungkol kay Mrs. Garcia, may naisip naman akong itanong kay Tilly.

"What about my school? Babalik ba ako?" nalungkot tuloy ako bigla.

"Doon sa public school?" nagkunot-noo siya. "Tingin ko hindi ka na babalik doon eh. Alam mo namang galit na galit yung Daddy mo. Sorry anak."

Haay.. parang anak na talaga ako ni Tilly.

Pinakain niya ako ng pinakain nun. Sinabihan ko pa nga sya busog na busog na ako at hindi ko na kaya, kaya lang pinilit niya akong ubusin yung natitira. Grabe naman itong si Tilly! Nung natapos tuloy ako, pakiramdam ko nag-gain ako ng 20 pounds.

Ready na rin yung bubble bath ko nun. Kahit na nasanay na ako sa shower sa boarding house, na-miss ko pa ring magbabad sa banyo ko. Syempre, inabot yata ako ng matagal uli dahil narinig kong kinukulit niya ako na lumabas na at kanina pa raw ako doon.

Nag-shorts na lang ako. Tutal sa bahay lang naman ako mag-stay, hindi naman kailangang maganda-maganda pa ang isuot mo. Nag pink lang ako ng blouse at pink na clip. Yung usual lang na sinusuot ko.

Sa baba na ako nanood ng tv. Tiyak naman anong oras darating na yung babaeng pinapunta dito ni Daddy. Tinatamad naman talaga akong i-meet siya, at lalung-lalo na hindi ako interesado.

Hindi pa ako nagtatagal doon sa TV namin sa living room, tinawag naman ako ni Roland, yung isa sa men in black ni Daddy.

"Mam.." tapos nakita niya yung tingin ko sa kanya, "Ahh.. Arielle, may lalaki doon sa labas na naghahanap sa iyo. Gustong pumasok eh kaya lang sinabihan kami ng Daddy mo na huwag daw magpapapasok ng hindi kilala. Gusto ka daw niyang kausapin.."

Lalaki?

"Sino daw?!?" nagtaka naman ako.

"Ewan ko, ayaw ibigay yung pangalan eh."

Lumabas naman ako nun at tinignan ko kung sino yung tinutukoy ni Roland. Sinundan naman niya ako sa labas. Tinignan din niya, pero wala naman eh.

"Kanina lang meron eh.." sabi niya sa akin, "Mga ganito katangkad." tapos tinaas niya yung kamay niya na medyo matangkad at malapit sa height niya.

Bumalik na siya doon sa bandang likuran sa station niya kung saan siya madalas mag-stay. Ako naman eh lumabas ng gate at tinignan ko kung may tao pa. Wala naman pala talaga. Umalis na siguro kung sino man yung naghahanap sa akin.

Sumandal ako doon sa gate namin tapos nung maisipan ko nang pumasok uli, tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad. Kaya lang nakakaisang-hakbang pa lang ako eh bigla na lang may nagtakip ng bibig ko at dinala ako doon sa gilid.

Binuhat ako siyempre. Sinubukan kong sumipa-sipa at sumigaw, pero walang epekto. Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko. SI Roland nun eh walang silbi at sa kabilang side nakatingin.

NUng nandun na kami sa gilid, narinig kong may nagsalita.

"Tatanggalin ko yung kamay ko, huwag kang sisigaw."

Jasper?!?

Tinanggal naman niya yung kamay niya. Humarap naman ako at nakita ko siyang nakatayo doon. Medyo nakangiti pa siya.

Ako naman eh nainis. Tnakot pa ako. Kaya ang ginawa ko eh tinulak ko siya ng malakas sa dibdib niya.

"What's the matter with you?" tinulak ko siya uli, "Paano kung nagkaheart attack ako?" tinulak ko uli, "Siraulo ka natakot ako! Akala ko kidnapper na!"

"Don't worry dadalhin kita sa hospital..." tapos umiling siya, "But the point is, hindi ka nagkaheart attack at hindi rin ako kidnapper.." tumingin siya sa akin.

"Teka, akala ko na.. nasa probinsiya ka na ninyo?" tinuro ko siya.

"I was.. bumalik lang ako." medyo seryoso na siya, "Sinabi sa akin ni Carlo kahapon yung.. nangyari."

"Yeah, it was horrible."

Teka nga, bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya as if walang nangyari dati?

"So.." sabi niya sa at nakatingin pa siya sa akin mula ulo hanggang paa..

Tinaas ko nga yung kilay ko...

"Bakit mo ko tinitignan ng ganyan?" hinampas ko nga siya.

"Tinitignan ko yung suot mong damit!" hinawakan niya yung braso niya gaya ng ginawa ni Carlo nung hinampas siya ni Kay.

Tumingin siya doon sa gate namin.

"I was just about to ask you..." humawak siya sa kamay ko, "Are you coming with me?"

"HUH?!? SAAN?"

Ngumiti naman siya nun.

"I don't know. You pick."

***********

*************** Nakatingin lang ako sa kanya nun. Ang gulo niya. Dati-rati nagagalit siya sa akin tapos ngayon kung umarte siya parang hindi kami nag-away na dalawa.

Dahil siguro naguguluhan ako, imbis na sagutin ko yung tanong niya eh nagtanong na lang ako sa kanya in-return.

"Paano mo nalaman na dito yung bahay ko?" nakakapagtaka naman kasi dahil bigla na lang siyang susulpot.

Yung tingin niya sa akin nun eh yung 'ano-bang-klaseng-tanong-na-yan' look.

"Anong klaseng tanong ba yan?" tingnan mo sabi ko na nga ba?!? "Does that even matter?"

"For me.. it does."

"Ok." sabi niya tapos lumapit siya sa akin, "Your Dad owns a company. Madali lang para sa akin na hanapin yung information tungkol sa family mo. Newpapers?!?"

Nagsuspetsa naman ako lalo nun.

"Unlisted kami. Try again."

"Alright! Hindi ka papatalo eh.." sabi niya pero may halong biro, "Pinilit ko si Kay." nag cross arms siya, "Nakuha mo na yung sagot sa tanong mo, sasama ka na sa akin?"

Nag step back naman ako nung niyaya niya ako.

"Hindi pwede eh.." umiling-iling naman ako.

"Bakit hindi pwede?" tumingin siya doon sa gate namin, "Dahil ba doon? I promise you hindi nila mapapansin. Ibabalik kita dito sa inyo in no time."

"Hindi nga ako pwedeng umalis..." inulit ko pa yung sinabi ko kanina.

"Bakit nga? Dahil ba sa suot mo?"

"NO?!?" siraulong ito! "Eh kasi bawal ako.. saka..."

Natigil naman yung sinasabi ko nung may humintong kotse sa harap ng gate namin. Nagtago kami doon sa poste kaya I doubt na nakita pa kami nung nasa loob.

Tumayo naman si Roland doon sa inuupuan niya at tinignan kung sino yung dumating. May isang babae na bumaba doon sa kotse at pumasok doon sa loob ng bahay namin.

Ibinalik ko naman yung tingin ko kay Jasper nun. Nakatingin din siya doon sa babae.

"Sino yun?!?" tinuro niya yung nasa likod ko.

Napapikit-mata na lang ako. Parang gusto yatang sumakit ng ulo ko.

"She's the reason why I can't go." hininaan ko yung boses ko, "My dad told me yesteday that I have to meet her."

"Bakit? Sino sya?"

"Mrs. Garcia." tinulak ko naman si Jasper, "I have to go. Sa susunod ka na lang uli dumalaw ok!"

Bago pa ako pumasok uli doon sa gate namin, napansin ko pa yung expression ng mukha ni Jasper. Parang nalungkot siya na ewan ko ba. Ang bagal bagal pa niyang maglakad nun nung papalayo na siya. Alam ko naman na gusto ko rin sanag sumama sa kanya kanina para makapag-usap na rin, pero hindi talaga pwede.

Nakita ako ni Roland na naglalakad papunta doon sa pintuan namin. Tapos tinuro niya ako..

"Teka.. akala ko nandun ka sa loob?" tinuro niya yung pintuan namin.

"Naku Roland ah ang hina na ng memory mo!" napansin niya rin pala? "Kanina pa ko nandito sa garden ikaw talaga!"

Pagkatapos kong sinabi yun eh hindi ko na hinintay yung ire-react niya. Binilisan ko na lang yung pagtakbo doon sa loob. Nandun pa lang ako sa hagdan sa front door namin eh nakita ko na si Mrs. Garcia na diretsong-diretso kung makaupo doon sa upuan namin. Medyo kinabahan yata ako.

"*Ehem*" pineke ko lang yun para tumingin siya sa akin, "Hello po." sabi ko na lang, "Kayo po ba si Mrs. Garcia?"

"Oo ako nga." tinignan niya ako nun na parang sinusuri, "Ikaw ba si Szarielle?"

"Opo ako nga, at Arielle na lang po."

Bigla naman siyang tumayo doon sa pagkakaupo niya at bigla ba namang yumakap sa akin.

"Nice to meet you hija!" sabi niya sa akin taps nag-kiss pa sa pisngi ko, "Ang tagal na kitang gustong ma-meet kaya lang sinabi sa akin ng Daddy mo na nag boarding house ka raw."

The way she sounds right now, she's not that bad.

"Gusto niyo po ba ng maiinom or anything at all?"

"Naku hindi na!" umupo naman siya, "Hindi rin naman ako magtatagal eh. May trabaho pa kasi ako. Dumaan lang ako dito para makilala ka. Baka kasi hindi na tayo magkita sa susunod na araw."

Pinilit ko na lang ngumiti nun. May nilagay naman siya sa lap niya na parang malalaking libro na hindi mo maintindihan. Saka ko lang napansin na album pala. Hindi naman niya binuksan at ayoko namang maging rude, kaya tumingin na lang ako sa kanya.

"Magiging busy kasi ako at ang asawa ko. Sa susunod na magkikita tayo eh sa party mo na.."

Nagulat naman ako doon sa sinabi niya. Party? Party nino?

"Party po?!? Kailan?" party ko pero hindi ko alam?

Ain't that weird?

Natawa naman siya nun. Grabe, may nakakatawa ba?

"Naku hindi ko alam na ganito ka pala magaling magbiro!" sino bang maysabi na nagbibiro ako? "Yung party mo sa sabado para sa sweet 16 birthday mo. Escort mo ang anak ko di ba?"

Party? Sweet 16? Escort? Anak niya? What're we talking about here?

"Uhmmm yeah!" ngumiti na lang ako. "That one."

"Ang anak ko na si Wesley? Ayun, ganun pa rin walang pagbabago. Masipag pa rin at madalas wala sa bahay." sabi niya na parang tuwang-tuwa siya magkwento tungkol sa anak niya, "Isasama ko siya dapat dito kaya lang busy sa school eh."

Buti pa siya busy sa school samantalang ako hindi na yata mag-school.

"Good for him." sabi ko pero mahina lang, "Teka lang po, para saan po ba iyan?" tinuro ko yung mga album na nasa kandungan niya.

"Ahh ito ba? Pictures ng anak ko."

Sinimulan naman na niyang buksan yung black na album.

"Alam ko kasi hindi pa kayo nagkakakilala. Kaya eto, nagdala na ako ng pictures para naman makita mo siya."

Pinakita niya sa akin yung isang album doon na sobrang kapal. Panay baby pictures. Sa dinami-dami naman ng pictures na ipapakita sa akin, yung bata pa yung Wesley. Wala bang mas latest naman diyan?

Buklat siya ng buklat doon sa album at panay ang kwento niya. Medyo nabo-bored na nga ako dahil iisang mukha lang naman nung baby yung nandun. Pero unti-unti nun, lumalaki naman na. Umabot na nga kami sa two years old siya eh.

Tinabi niya yung album na pangatlo na yata sa tinignan namin. Kinuha naman niya yung red one na huli na yata sa lahat.

"Ito naman yung mga latest pictures niya.." tapos inilagay niya sa kandungan ko, "Ito na pala."

Nung binuksan niya yung album eh napatitig na lang ako doon sa letrato. Teenager nga yung lalaking nandun. For some reason, hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya.

"Ang gwapo ng anak ko no?"

No kidding.

"Ilang taon na po siya?" hindi ko na maiwasang magtanong.

"Wesley's already 16."

"Ooh.." tumango na lang ako at tingnan ko uli yung picture.

"Bakit nagkakilala na ba kayo? Kasi tinititigan mo yung picture niya."

Nilayo ko naman yung tingin ko at binalik ko sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Uhmmm.. akala ko po eh..." sabi ko sa kanya.

So he's Wesley Garcia. Siya pala yung matagal nang sinasabi ni Daddy sa akin.

"Nah.." umiling naman ako...

"I've never seen him before."

Chapter 7

 

Sigurado ako na hindi ko pa nakita sa Wesley. Nah. He kinda' looks familiar.. pero never in my life ko siyang nakita. Pero bakit ako parang nakakaramdam na parang kilala ko siya? Siguro ganun lang talaga.

Nung araw din na iyon eh panay pa rin ang kwento ni Mrs. Garcia sa akin. Umalis din naman siya kaagad dahil may trabaho pa nga siya. Pero parang regalo na rin daw, iniwan na niya yung isa sa picture ni Wesley. Pasaway din na Mommy ito! Kung hindi ko lang alam may ibig sabihin yung mga actions niya.

Since Saturday naman na yung 'Sweet 16' party ko, hindi naman papatalo ang Mommy ko sa mga pagbili ng mga kailangan. Ako naman kasi hindi ako interesado ng mga magagarang party. Bigyan na lang nila ako ng pera at mag-treat lang ako ng ilang kaibigan masaya na ako. Pero dahil nga Daddy ko at Mommy ko sila, hindi pwedeng walang party.

May mga kung anu-anong kulay ang tinapat sa akin kung anong gusto kong maging table cloth. Meron doong hot pink at baby pink na hinarap sa akin para pagpilian ko. Nakatingin lang ako doon at hindi naman ko pumipili.

In the end, Mommy ko rin ang pumili.

"Anak naman, pwede ka namang mag-pretend na interesado ka sa mga bagay-bagay 'di ba?"

Lahat ng tinanong nila sa akin eh wala ako sa mood na pumili. Kaya ayun, sinabihan ko na lang sila na sila na ang mag-decide para sa akin. That very same day din eh may sample cakes pa na titikman ko at pagpipilian din ng kulay. Sinabihan ko rin sila na sila na ang bahala kung anong masarap.

Dumating pa yung nananahi ng damit para daw sa gown na isusuot ko.

"Mom?!?" naisipan ko naman tanungin ang Mom ko, "Bakit ba ginagawa niyong big deal ito? Hindi pa ako 18." nakataas pa yung kamay ko nun dahil sinusukatan ako sa waist ko.

"Anak, dati-rati naman mahilig ka sa mga birthday parties.."

"Duh? When I was 9?!? Of course bata pa ako nun." sumimangot nama ako, "But then kapag tumatanda ka na, you'll get tired of it."

Sanay na si Mommy sa akin kapag nagrereklamo. Unlike ni Daddy na lagi akong hindi nananalo, si Mommy minsan eh kinukunsinti naman ako. Minsan din eh ginagawan niya ng paraan para makumbinsi yung Daddy ko sa gusto ko. Minsan nagwo-work, madalas naman hindi.

Totoo nga yung sinabi ni Daddy sa akin. Idinrop na niya ako doon sa school at ini-enroll niya uli ako doon sa dati kong school.

The day before ng birthday ko, tumawag naman si Kay sa akin. Sinabi niya na may sasabihin daw siya at pupunta raw siya sa birthday ko. Kaya lang ayun, sabi ko tumawag na lang siya uli dahil may dance lessons ako at that time. It was horrible.

Syempre, all big days sabi nga nila eh darating. No matter what. Nung morning ng saturday eh kagigising ko pa lang eh parang ang lahat eh gusto akong i-treat at ayaw na akong pagalawin. That bothered me alot. Actually, nairita nga ako dahil ayoko ng bini-baby ako. I'm 16 at this very day, and I'm not a small kid anymore.

Pagkababang-pagkababa ko doon sa hagdanan namin, may sumalubong naman sa akin na iba't ibang klaseng regalo na nasa living room. Inaayos pa nga nila doon sa table namin.

"Saan galing yan?" tinuro ko naman yung mga regalo na nandun.

Tumingin naman yung isang maid sa akin.

"Ahh ito po ba Mam?" tinignan niya yung hawak niya, "Dumating na lang po dito kanina eh."

"Call me Ri--" sasabihin ko sana eh Riel kaya lang naisip ko na Riel's long gone. Si Jasper pa ang nagbigay ng nickname na iyon sa akin, "Arielle. Call me Arielle."

Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy siyang mag-ayos. Ako naman kahit naka-Pj's pa eh pumunta ako doon at tinignan ko yun ilang cards doon sa regalo. And then.. nagulat lang ako doon sa mga card na nakasulat.

To: A.L.,. A.L.,. A.L., A.L., basta si A.L., lahat. Merong ibang Szarielle ang nakasulat, pero galing sa Daddy at Mommy ko yun. May ibang Arielle, pero galing sa mga kaibigan nila Mommy.

Dumaan naman yung Mommy ko nun at parang busy na busy na may kausap sa phone.

"Bakit may problema ba? May sakit ba siya o ano?" narinig kong sinabi niya, "Eh bakit ayaw daw niya? Sino si Arielle?" tumango-tangi siya, "Ok I'll ter her that. See you later. Bye."

Nakataas yung kilay ko sa kanya nung binaba niya yung phone.

"Bakit ganyan ka makatingin?" sabi niya nung napansin niya ako.

"Sino naman yung kausap mo?"

"Ahh.. si Mrs. Garcia." sabi niya tapos ngumiti, "Medyo stubborn daw si Wesley ngayon." tapos humawak siya sa balikat ko, "Pero maaga daw silang darating dito dahil nga escort mo siya, sabay kayong papasok."

I don't like the sound of it kaya naki-oo na lang ako.

Well, dahil nga sa preparation para sa party, kung sinu-sino na ang nakahalubilo ko nung sumunod na oras. Nung una, may nagmake-up sa akin. Tapos sumunod eh may nag-aayos na ng damit ko.. nails ko.. basta kung anu-ano. Pati nga buhok ko may gumawa na. Dahil nga medyo naiinip ako, panay na lang ang dala nila ng pagkain sa akin at yung ipod ko eh nandun na rin.

Unti-unti na rin naman nang dumilim na nun. Habang dumidilim eh lalo tuloy akong kinakabahan. Ayoko kasi ng ganito eh.

Nung natapos akong ayusan na inabot yata ng 5 horas, haharap pa sana ako sa salamin para tignan ko yung sarili ko kaya lang hinila na ako nung babae na hindi ko naman kilala kung sino.

"Dali na Miss Riel, next ka na tatawagin!"

Iniisip ko, grabe naman yung mga tao dito!!! Wala na ba akong break man lang?!?

Hindi ko na maintindihan yung ibang sinasabi niya sa akin dahil umiingay na nung lumalapit na kami doon sa garden ng bahay namin. Yep, sa bahay lang namin ginanap. It's weird though.

May hagdan kami doon na super duper taas at doon nila ako balak na bumaba. Asar na asar na talaga ako nun dahil ayoko ng mga paimportanteng entrance pa.

Sina Mommy at Daddy naman eh nasa likod ko. Syempre magka-partner sila. Sabay silang papasok doon.

After ilang minutes lang, tinawag na ang pamilya 'Lopez' doon sa loob. Nagsitayuan naman yung mga tao. Escort naman ni Mommy si Daddy.. at syempre.. ako eh...

AKO.

Pagdating mo kasi doon sa dance floor, maghaharap kayo ng partner mo at sasayaw kayo. Ako naman dahil wala akong partner, nakatayo lang ako doon at mukhang ewan. Wesley? Nasaan na ba yun?

Sinubukan kong umikot-ikot. Wala talaga. Sina Mommy sumasayaw na, ako nakatayo pa rin. For some moment naisip ko na umupo na lang dahil wala naman akong ginagawa doon, kaya lang lumapit sa akin si Mrs. Garcia at tumayo sa harapan ko.

"Hi Arielle!" nakatodo-ngiti pa siya, "Happy happy birthday." tapos nag-kiss siya sa pisngi ko, "You look very very pretty tonight."

"Thank you." ngumiti na lang ako in-return.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasaan ba yung anak niya at medyo naiinis na ako, kaya lang mukhang masama naman ang ugali ko kung ganun. Siguro nakahalata rin siya, kaya bigla na lang niyang sinabi...

"Sorry ha, medyo late lang yung anak ko. Wala kasi siya sa bahay buong araw, bumalik lang hapon na."

Iginilid niya ako ng kaunti para hindi naman nakakahiya doon sa ibang bisita. Hindi ko naman alam kung napansin nila na wala yung escort ko or what, pero tingin ko oo. Hindi naman ako makaupo dahil sa sobrang haba ng gown ko, hindi ko makita yung likuran ko kung may mauupuan ba ako o ano kaya nanatili akong nakatayo.

"Parating na siya hintayin mo lang.."

Nagsisimula na talagang mag-init yung ulo ko. Ano ba naman yang tao na yan? Feeling ba niya napaka-importante niyang tao at nagpapatagal?

"Uhmm Mrs. Garcia, hindi bale na po.. papasok muna ako sa loob at naiinitan kasi ako eh.."

Hindi ko na hinintay yung isasagot niya at tumalikod na ako. Binuhat ko yung gown ko para hindi ako matapilok or something tapos narinig ko siya ng..

"Nandito na ang anak ko!" hindi naman siya sumigaw, pero medyo malakad yung pagkakasabi niya.

Napahinto ako nun. Hindi ako tumingin sa likuran ko.

"Arielle nandito na siya.." nung sinabi niya yun, saka lang ako humarap.

Pinilit kong hanapin kung sino sa dumating yung tinutukoy niya. Tatlong lalaki yung nandun ah. Sino doon?

Wait...

"Arielle, I would like you to meet my son, Wesley."

Umalis siya sa harapan ko at nakita ko kung sino yung nakatayo malapit sa kanya.

Iniisip ko na yung itsura nung lalaki sa picture kaya lang iba yung humarap sa akin.

"Carlo?!?" napakunot-noo na talaga ako. "Ikaw si Wesley?"

Halata mong nagulat si Carlo nung tinanong ko siya. Umiling-iling siya sa akin pero wala namang sinabi. Kagaya ng ginawa ni Mrs. Garcia, tumabi rin siya nun.

Si Ronnie naman yung nandun.

"Not me.." ngumiti siya ng kaunti...

Nagulat na lang ako nung bigla na lang may nag-tap sa balikat ko sa bandang likuran. Pagharap ko..

"I need your right hand.." hinihila naman niya ako doon sa gitna.

Hindi ako makapagsalita nun. Hindi pwedeng siya si Wesley. Si Jasper?

"J-jasper.." nanginginig na yung boses ko, "I-ikaw si Wesley?"

Nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang. Naka-tuxedo siya nun.

"I said, I need your right hand."

Hindi ko talaga maiwasang magtaka nun kaya nilakasan ko yung boses ko..

"What are you doing?!? How did--"

"Dancing. Ngayon paano ako sasayaw kung hindi ko hawak yung kanang kamay mo.." napaka-seryoso ng mukha niya nun.

"Naguguluhan na ako. Paanong naging ikaw si Wesley--"

"Trust me... I'm not." sinabi niya ng medyo mahina at nilagay niya yung kamay niya sa waist ko, "I'm not who you think I am."

Tumingin ako kay Mrs. Garcia nun. Tuwang-tuwa siya sa aming dalawa at narinig ko pa nung sinabi niya..

"Bagay kayo ng anak ko!"

Napatingin lang ako kay Jasper nun ng medyo nakatingala. This isn't good.

"I'm not Wesley." inulit niya uli sa akin tapos medyo naguluhan siya, "J-just for now... Riel.."

"Take my word for it. Just for now."

**********************

Sumayaw naman kaming dalawa nun. Siguro nga dapat akong matuwa kaya lang parang ang daming pumasok sa utak ko. Naguluhan tuloy ako bigla.

Siya si Wesley? Ang gulo. Ayoko ng nag-iisip ako ng nag-iisip. Sumasakit yung ulo ko. Kailangan kong malaman yung tamang sagot. Kailangan ipaliwanag niya kung anong meron. Hindi pwedeng ganito na lang parati... nanghuhula sa mga nangyayari.

Nung natapos naman yung kanta, saka lang ako gumilid nun at medyo nawawala ako sa mood. Ewan ko ba, birthday ko tapos ganito na naman ako.

Sinundan ako ni Jasper nun sa gilid. Parang wala lang sa kanya ang lahat. At sa itsura rin niya, mukhang wala rin siyang balak mag-explain sa akin ng kahit na ano.

"Nauuhaw ka ba? Gusto mo ikuha kita n inumin?"

I can't believe him. Paano niya nakukuhang magpanggap?

"Pwede bang paki-explain kung anong meron ngayon?" naiinis na talaga ako, "Meron ka bang dapat sabihin sa akin."

"Mamaya na Riel pwede?" seryoso na siya nun, "I-enjoy mo muna yung gabi."

Hahawakan niya sana ako sa kamay ko kaya lang iniwas ko.

"Paano ko maeenjoy kung naguguluhan ako?" hindi ko na mapigilan yung sarili ko kaya nilakasan ko yung boses ko nung tinanong ko siya ng, "WHO ARE YOU?!?"

Nag-step siya papalapit sa akin at wala siyang sinasabi. Dahil nga nasa gilid kami, nagulat na lang ako nung sumigaw sya.

"RIEL! SINABI KO SA IYO MAMAYA IPAPALIWANAG KO!" iniwas niya yung tingin niya tapos naging mahinahon yung pagkakasabi niya ng, "Kung meron man akong dapat ipaliwanag."

Hindi ko alam kung galit ba sya nun sa akin o ano. Pero parang nagagalit siya.

"Si Jasper ka.. tapos ngayon si Wesley.. ano ba talaga?"

"Now you know how it feels.." tinitigan niya ako, "Right A.L.?"

Ewan ko ba, nasaktan ako doon sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot at bigla na lang siyang nagtanong sa akin.

"Ngayon anong gusto mong inumin?"

Tinignan ko lang siya. Mukhang totohanin naman niya yung sinabi niya sa akin na mamaya niya sasabihin.

"Juice. Juice na lang."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil tiyak naman na masisira lang ang gabi namin parehas. Instead ang ginawa ko, sinubukan ko ngang inenjoy ang lahat.

Wala naman palang masamang kalalabasan nung ginawa ko. Si Jasper, parang kinalimutan yung mga sinabi ko sa kanya. Nakikitawa na lang din siya doon sa mga bisita.

Ang gulo namin parehas no? Ako rin eh, naguguluha sa aming parehas.

Nakita ko rin si Carlo nun. Pero akala niya yata magtatanong ako sa kanya ng kung ano kaya medyo umiiwas. Bigla ko ngang niyakap kaya natawa rin siya. Si Ronnie.. uhmmm.. ayun kain na lang ng kain. Kapag titingin ako sa kanya, sabi niya puno daw ang bibig niya at hindi siya pwedeng magsalita.

Kung hindi ko lang alam, sinasadya na nila yun eh.

Si Kay?!? Busy. Simula kanina hindi ko pa sya nakikita. Ewan ko ba kung nasaan siya. Sbi niya kasi sa akin may sasabihin daw siya pero hindi naman na matuloy-tuloy.

Nung malapit na kaming magkainan, pinaupo ako ni Mommy doon sa gitna. Syempre kasama rin namin si Daddy. At sino pa bang kasama namin sa table? Si Mrs. Gacica na todo ngiti, si Mr. Garcia na ngayon ko lang nakita at syempre.. si Jasper. Si Carlo nga eh niyayaya rin sa table kaya lang ayaw niya. Doon na lang daw siya uupo sa gilid.

Kainan na nun ng lahat ng bisita. At syempre, ipinakilala na sa akin ng formal, si WESLEY. Or at least yun ang alam ko sa ngayon.

"Eto kasing si Wesley eh matalino yan.." nakangiti sya at humawak siya sa braso ni Jasper, "Matigas lang ang ulo paminsan-minsan pero mahal na mahal ko yan."

Halata mong ayaw ni Jasper na siya ang pinag-uusapan.

"Mom! Stop." hindi naman rude yung labas ng pagkakasabi ni Jasper. Normal na kasi yun na sinasabi ng mga teenagers kapag nakakahiya yung ginagawa ng parents sa iyo.

"Ipinakita ko nga sa kanya yung mga baby pictures niya kay Arielle eh.."

Bigla na lang tumingin ng mabilis sa akin si Jasper, then kay Mrs. Garcia.

"The blue one or the green one?" tinanong niya sa kanya.

This time, si Mr. Garcia naman ang sumagot.

"The blue one."

Nagsalubong yung kilay ni Jasper.

"MOM! What's wrong with you?" tumingin na naman siya uli sa akin, then yumuko, "Alam mo ba kung gaano nakakahiya yun?"

Ibig sabihin siya talaga yung mga nasa pictures na baby nun?

Well, naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung sino ba yung Wesley na nakita ko. Ang weird. I'm certain, yung nasa picture eh hindi si Jasper.

"Huwag kang mag-alala, ipapakita ko rin sa iyo yung mga pictures ni Arielle nung bata siya.." nakangiti naman yung Mommy ko.

"Really?" nakangiti naman si Jasper nun.

"No Mom." sumimangot ako.

"I'm looking forward to!" parang nang-asar pa si Jasper nun.

Buong pagkain namin nun, pinagtritripan kami ng mga parents namin. Ewan ko ba, nakikisakay na lang din kami. Dahil kung hindi, baka bata pa lang ako eh may puti na akong buhok.

Nandoon naman yung photographer na hinire nila Mommy. Nung una eh pinatayo kami doon ni Jasper malapit sa poste at kinuhanan kami ng picture. Naka-tux pa rin siya nun.

Mga 20 pictures siguro yun at medyo nangangawit na yung panga ko sa kakangiti.

"Hindi pa ba tayo matatapos?!?" ang tagal-tagal naman kasi!

"Malapit na po Mam.. last shot na then mamaya na uli."

Inalis ni Jasper yung tux niya dahil naiinitan yata siya. Kahit siya rin eh naiinip na sa sobrang tagal nung pagkuha ng pictures.

Pinatayo uli kami ng side by side. Medyo nagkakailangan kami kaya hindi kami magkalapit.

Tinapat nung lalaki yung camera sa mata niya then inalis niya uli.

"Closer.."

Nag one step kami parehas papalapit..

"Closer.."

Nag-step uli kami.

"Konti pa.." nag-sign siya na maglapit pa daw kami.

Niliitan ko na lang yung hakbang ko dahil sobrang lapit na namin.

"Warmer..."

What is wrong with this guy?

"Warmer ka diyan! We're barely an inch!" sinigawan ko nga.

"Sorry po!" mukhang natakot yata sa akin.

"Oo nga!" sumagot naman si Jasper, "Anong gusto mo buhatin ko pa siya?!?"

Hindi ko alam kung sinadya ba niya yun na i-suggest tapos biglang ngumiti yung photogpraher ng nakakaloko.

"Pwede niyo bang gawin yun?" Alam ko naman na biro yun kaya hindi ko na lang pinansin.

"Tapusin na nga ito." then tumayo ako uli sa gilid ni Jasper.

Hindi pa rin kami kinuhanan nun. Parang hinihintay niya talaga na buhatin ako ni Jasper.

"Are you serious?!?"

Tumango siya nun sa amin. Tinignan ko si Jasper nun. Tinaas niya yung dalawang balikat niya na parang sinasabing, 'Ewan ko..'

"Fine." sabi niya then ngumiti siya, "Let's get this over with."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh binuhat niya ako kaya nagulat ako. Hinampas ko nga siya ng hinampas kaya lang na-blind ako nung nag-flash yung camera.

Binaba rin niya ako nung tapos na.

"Done." then lumakad sa harapan ko.

Arrrggghhh! Sipain ko 'to eh! Bwisit!

Bumalik naman kami doon sa pinaka party. Panay sayawan naman yung nandun. Napansin ko nga na almost midnight na rin at hindi pa ako inaantok. Kailan nga ba matatapos yung party na ito at gusto ko nang magkulong sa kwarto.

Narinig ko naman yung Daddy ko. Kausap niya si Mr. Garcia.

"Oh yeah... yeah.. we can do that." may hawak pa siyang shot glass, "Doon na lang kayo mag-stay sa guest room. Kayo na ang bahalang pumili. Sasabihin ko sa maid na dalhin na lang kayo mamaya."

The heck why?!? Huwag mong sabihing dito sila sa amin mag-stay?

Nag-roll na lang ko ng mata ko.

Ayoko sila mag-stay sa bahay namin. Kahit anong mangyari, gagawin ko yung paraan para hidni sila mag-stay sa bahay.

Nung nandun na ako sa bandang garage namin... may narinig akong tumawag sa akin.

"Psst!" nanggaling kung saan.

Lumingon naman ako sa likuran ko. Wala naman.

"Hey! Dito!"

Tumingin ako doon sa gilid. Nakita kong nakayuko siya doon sa madilim na part na talagang hindi mo na siya makita. Medyo naaaninag ko naman yung mukha niya.

"Anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako dahil nag-iisa siya doon.

"Ewan ko rin eh.."

Lumapit naman ako at nakiyuko ako doon sa kinauupuan niya. Nung nakarating na ako, umupo na lang ako doon sa tabi niya.

Ang tahimik naming dalawa. Walang nagsasalita. Tapos ang init pa doon. Awward pa talaga.

"So... what do you wanna' do?"

Tinawag niya ako tapos ako tinatanong niya?

"Are you kidding me?"

"No." umiling siya sa akin.

Tinignan ko lang siya nun na para bang hindi ako makapaniwala.

Wala na namang nagsalita sa amin. Siguro nga naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ba ang magsisimula. Nagulat na lang ako nung may tumutugtog na sa labas.

Time... I've been passing time watching trains go by All of my life

Nakaupo lang kaming dalawa doon. Ang dilim-dilim. Mas ok na siguro ito.

Lying on the sand watching sea birds fly Wishing there would be someone waiting home for me

Dahil nakikinig ako doon sa labas, saka ko lang napansin na kumakanta siya ng mahina...

"Something's telling me it might be you" tinignan ko lang siya uli.

Tumingin din siya sa akin pabalik.

"Yes, it's telling me it might be you All of my life"

Tumayo naman siya at bigla ba namang ini-offer yung kamay niya sa akin. Kumakanta pa rin siya nun.

"Para saan yan?"

Hindi siya sumagot.

"Looking back as lovers go walking past All of my life Wondering how they met and what makes it last If I found the place would I recognize the face"

Dahil nakatayo lang siya doon at parang ayaw niyang umalis, tinanggap ko na lang.

Nag-slow dance kami doon. Pero ang naririnig ko, siya ang kumakanta. Ang dilim doon, kahit siya hindi ko masyadong makita.

Sumandal na lang ako doon sa dibdib niya. Yumakap naman siya sa akin.

"That night, 24th hour, yayayain sana kita na ma-meet mo yung aunt ko saka unlce ko.."

Something's telling me it might be you

"Kasi noon sinabi ko sa sarili ko, dadalhin ko sa kanila yung unang babaeng mamahalin ko..."

Yeah, it's telling me it might be you

"That's when they called me..." huh?!?

So many quiet walks to take So many dreams to make

"Kaya nagbago yung plano.." ang hinahon ng boses niya kaya nakikinig na lang ako, "I told you I don't love you... at all."

And with so much love to make

"Hindi ka dapat naniniwala sa akin." ewan ko ba kung matatawa ako doon sa sinabi niya, "That's a bunch of bull.."

I think we're gonna need some time

"I do love you.. and will always will.." tapos tumawa siya, "This time maniwala ka na sa akin."

Maybe all we need is time...

"I don't care if you are A.L. or Riel.. or Szarielle.."

And it's telling me it might be you

Humarap naman ako sa kanya nun. Nakatingin lang din sya sa akin.

"Since I'm telling you the truth right now, might as well tell you the rest.."

"Anong gusto mong isagot ko?"

"Wala kang dapat sabihin. Makinig ka muna.." huminga siya ng malalim, "I'll start with the biggest question you have all night.."

All of my life rinig pa rin yung kanta...

"Si Wesley..."

"He's my brother."

-------------------------------------------------------------------------------- Lumayo ako sa kanya nun. Hindi ko inaakala yung sinabi niya. Tama ba yung narinig ko o nasa isip ko lang yun? Si Wesley? Wesley Garcia? Kapatid niya?

Paanong--

"Kapatid mo siya? Paano? Kailan pa? Ang gulo.." hindi na ako mapakali nun.

Kahit na madilim doon sa garage namin eh nakikita ko pa rin siya. Napaka-seryoso na niya at alam kong hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya. Hinawakan niya ako sa braso ko at hinarap niya ako sa kanya para tumigil ako sa kakaikot ko.

Nung medyo ok na ako, huminto rin ako.

"Older brother ko si Wesley. Remember sinabi ko sa iyo dati na may brother ako? Siya yung tinutukoy ko." huminga siya ng malalim, "Siya rin yung brother na tinutukoy ko sa recollection nung nagkukuwento ako. And yes, he died. Leukemia."

Habang nakikinig ako sa kanya nun eh hindi ako makapaniwala.

"Pero Garcia siya 'di ba? Hindi Morales? Half brother mo ba siya? Bakit magkaiba kayo ng apelyido?" ang dami kong tanong nun at parang ang hirap isa-isahin lahat.

"Full blooded brother ko siya. His mom is my mom and his dad is my dad. At hindi siya Garcia. Wesley Morales ang totoo niyang pangalan."

Nakatingin lang siya sa akin nun at hindi pa rin niya ako binibitawan. Hindi naman ganun kahigpit yung pagkakahawak niya sa akin kaya hindi ako nasasaktan. Siguro nga, gusto lang niya akong maging kalmado at makinig sa kanya. Hindi talaga ako mapakali habang maraming nasa isip ko.

Habang nagsi-sink sa utak ko na naman yung mga bagay-bagay at nakakapag-isip ako nung tumahimik kami, may kung ano na namang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang inalis yung kamay niya at lumayo ako bigla.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at sinabi ko na lang...

"You mean to tell me... YOU LIED TO ME???"

Tinignan niya ako na parang gulat na gulat sa akin.

"Hindi ako ang issue dito Riel! Yung kapatid ko!" sinabi ko na nga ba sasagot siya ng kung ano na naman, "You're the one who lied to me to start with!"

"Ginawa ko lang yun dahil may reasons ako! I have a million reasons why I did that at baka hindi mo lang maintindihan isa-isa!!!" sumigaw ako nun kaya bigla na lang siyang lumapit sa akin at humawak sa kamay ko, "All my life I'm screaming right here..." tinuro ko yung dibdib ko, "but no one can hear me. NO ONE." nagsimula na akong umiyak nun, "Wesley's another reason why I left. You know why? Ayokong makasama siya. I don't know him. I don't want to have a friend na sinet-up sa akin. Gusto ko dahil nakilala ko! Naiintindihan mo ba yun? Ang kaibigan hindi pinipilit, dumarating!" hindi siya nagsasalita, "I didn't tell everyone that I'm A.L., for what? To earn their respect? I can earn their respect without that! Mas gusto kong tumutulong ng patago! Hindi na kailangang malaman pa!" nagtuluy-tuloy na yung luha ko, "Gusto ko ring maranasan yung mga bagay na kahit kailan eh hindi ko naranasan! Kasi pakiramdam ko nakakulong ako! Nagiging sunud-sunuran ako sa gusto ng Daddy ko! Ayoko nun!" umatras ako ng kaunti at hinawakan ko yuung pisngi ko, "At alam mo kung bakit pa? Kasi pakiramdam ko rin buong buhay ko lumaki ako sa paligid na lahat ng tao nagpapanggap! Hindi ko alam kung sino ang totoo! Napapagod na ko..." hindi na ako makapagsalita nun dahil sa sobrang iyak ko, "A-ang h-hirap hirap. Naging masaya naman ako. Masayang-masaya nung nandun ako. Natuto akong magmahal! Kaya lang yung taong minahal ko nagsinungaling sa akin. Yung taong minahal ko sinaktan ako... at yung taong minahal ko eh hindi ko rin kilala... dahil ayaw niyang sabihin sa akin yung totoong bagay tungkol sa kanya!"

Nung huminto na ako at hindi na ako makahinga, bigla na lang siyang yumakap sa akin ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Lalo tuloy akon naiyak nun. Hindi siya nagsalita. Wala siyang sinabi kahit isa sa akin. Nakinig lang siya nung sinabi ko kung ano yung nararamdaman ko... na matagal ko nang tinatago dito sa akin.

Sobrang tahimik naming dalawa. Narinig ko na lang siyang nagsalita..

"I didn't lie to you Riel." medyo mahina yung boses niya, "Lahat ng sinabi ko sa iyo eh totoo."

Nakayakap pa rin siya sa akin nun. This time, gustuhin ko mang sumagot eh hindi ko na magawa. Nahihirapan na akong huiminga nun.

"I told you my parents died when I was 3. Totoo yun. Not literally. They died emotionally.. mentally.. 13 years ago." hindi ko alam kung anong meron, pero parang ang lungkot ng boses niya, "Yung kilala mong Mrs. Garcia, she's my real mom. Yung real dad ko, naghiwalay sila nung 3 years old ako. Kagaya ng sinabi ko dati, a day before ng birthday ko. Masayang-masaya pa ako nun dhail umuwi yung Daddy ko. For the first time in my life aattend siya ng kahit isa lang sa birthday party ko. Nasa pintuan ako nun nung makita ko sila na nag-aaway ng Mommy ko. Bata pa ako nun, hindi ko na matandaan lahat. Ang naaalala ko lang eh ini-insist ng Mommy ko kami ni Wesley para hindi siya iwanan ni Daddy. My dad said he didn't care." huminto siya nung sinabi niya yun, "Nagalit ako sa Daddy ko. Dapat sa kanya lang, but then my Mom used us... para sa sarili niya lang. She didn't love us. Hindi niya alam ang mga bagay-bagay sa akin. Wala siya nung magsimula akong pumasok sa school, magkaroong ng kaibigan.. WALA SILA NUN! Uuwi siya, ki-kiss sa amin na parang wala lang..." saka ko lang napansin na umiiyak na rin siya nun, "Si Wesley lang ang kakampi ko. Naiintindihan na niya yung mga bagay-bagay. He was 12 when they separated." huminga siya ng malalim nun,"2 years later, na-diagnose siya na may leukemia siya. My mom tried the best she can. Na-cure naman si Wesley.. kaya lang bumabalik lang. He lasted for another two years. He even told me na pupunta siya sa recognition ko sa school. Well, he did. He tried to. He died an hour BEFORE ng recognition ko. Coincidence? Hindi ko alam."

I felt bad at that moment. All my life I felt bad for myself, but then, mas maswerte pa pala ako sa kanya. Mas marami na siyang napagdaan kumpara sa akin.

"Pagkatapos nun, I think it struck her. Na hindi siya naging mabuting mom para sa aming dalawa. She cried when Wesley died. Hindi niya matanggap na namatay na yung paborito niyang anak... smart.. mabait.. so up to now, she still thinks I'm him. Parang pakiramdam niya, simula nung naghiwalay sila ni Daddy at nawala si Wesley, gumuho na yung mundo niya. Hindi ako masaya... so I decided to live with my aunt and uncle. Totoo yun. Sa kanila ako lumaki. Sa kanila ko naranasan na para akong totoong anak."

Umiiyak na talaga si Jasper nun. Kahit anong pagpigil niya, hindi rin niya nakayanan.

"Minsan kapag tinatawag niya akong Wesley, I really wanted to yell at her. Gusto ko siyang sigawan na hindi pa gumuho yung mundo niya. Na hindi siya nag-iisa! Dahil nandito ako. Pero parang hindi niya ako nakikita. Hindi kailanman." huminga siya ng malalim uli at inayos niya yung sarili niya para humarap uli sa akin, "She got married. That's why Garcia na ang apelyido niya. As for me, you know the rest. Eversince I started high school, nag-boarding house na ako. Itatanong mo sa akin kung bakit nagsinungaling ako na anak mayaman ako? Hindi ako nagsinungaling. Hindi sa akin yun. Sa parents ko yun at mananatiling kanila. Bakit ayaw ko sa rich kids? Rich people in general? The same reason as you are. Their world doesn't exist."

Nakatingin lang ako sa kanya nun.

"I'm sorry.." humihikbi-hikbi pa rin ako nun. "Sorry talaga."

"Si Carlo, alam niya lahat. Nagkakilala kami sa probinsiya ng uncle ko. I did grow up in a province.. totoo rin yun." tinititigan niya ako at hindi niya inaalis yung mata niya sa akin, ako naman eh binalik ko na lang yung tingin na yun, "Nung gabi ng recollection, they called me. Sabi nila imi-meet ko daw yung girl na anak mayaman. I got mad. Dahil ayoko nga sa kanila, hindi na ako nag-abala na tanungin pa yung tungkol doon. They even mentioned it to me. Sabi nila papasok daw ako sa private school. I told them they can't control me... so sa public school pa rin ako nag-aral." nagtuluy-tuloy pa rin siya at parang hindi niya hinihintay yung sagot ko, "Nag drop out ako sa school para tumigil na sila. Sinabi nila sa akin na susunduin nila ako doon kapag hindi. Katulad mo, ayokong malaman nila yung tungkol sa akin kaya ako na yung nagkusang umalis. Ayaw rin kitang saktan kaya ko ginawa yun."

"But you did.." iniwas ko yung tingin.

"Sinabi sa akin ni Carlo na umalis ka na rin sa school. It scared me. Tinanong ko si Kay kung saan yung bahay niyo, yun yung araw na pumunta ako." yumuko naman na siya nun, "Nasaktan din ako nung ayaw mong sumama sa akin. Tanungin mo ko kung bakit kita tinanong kung sino yung dumating nun kahit alam kong Mommy ko yun? Kasi that time nagulat ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng Mommy ko sa bahay niyo. Then that very same day I realized na ikaw at yung babaeng sinasabi nila na imi-meet ko eh iisa."

Alam kong hindi tama yung ginawa ko, pero ngumiti ako nun at bigla na lang akong yumakap sa kanya.

"Whether you are Jasper or if they call you Wesley.. I don't care! Ikaw pa rin yun!"

"Whether A.L. or Riel.. it's still you." yumakap din siya nun.

Ang tagal naming ganun lang. Natawa rin siya nun kasi para kaming sirang dalawa. Siya ang unang humiwalay nun pero nakangiti siya.

"Tell me you didn't see my baby pictures?"

"Akala ko ba sa Kuya mo yun?"

"Yung baby pictures, sa akin yun. Yung 16 year old na hindi mo makilala, pictures ni Kuya." umakbay naman siya sa akin tapos nag-kiss siya sa ulo ko, "My mom's crazy. I hope she'll see me as me.. and not as my brother."

"Ano ka ba! Nakita ka na niya bilang ikaw!" hinampas ko siya sa balikat niya pero hindi malakas, "Kasi sinabi niya sa akin kanina, hinatayin daw kita dahil dadating ka. Hindi ba kahit anong mangyari darating ka?" tumawa naman ako at naisip ko na asarin siya, "But technically, you still lied to me. Hindi mo sinabi na mayaman ka.. kung ano pa yung pinakamahalagang bagay tungkol sa iyo."

"Oh come on Riel!" ngumiti din siya, "I broke a toe when I was 6 nung naglaro ako ng soccer at hindi ko sinabi sa iyo yun. It's still important as telling you that I'm rich even though I'm not. Does that make any difference?"

"WELL YEAH!!!" binatukan ko nga. "Paano kung hindi gumaling yung toe mo eh di hindi ka na nakakasayaw!"

Teka parang ang weird na yata ng usapan ngayon.

Alam kong mukhang ewan na kaming dalawa. Sa sobrang init doon sa loob at pawis na kami, idagdag mo pa na umiyak kami parehas.. mukha na siguro kaming mga basahan.

Naglakad na kami papalabas nun. Parang yung nasa dibdib ko na kung ano eh gumaan na. Kung tutuusin, parang nawala na nga eh.

Malapit na kami nun kaya lang nung nauna akong naglakad, naramdaman ko na lang na bigla na lang may humila sa kamay ko.

"Can I kiss you?" nagulat naman ako doon sa tanong niya.

Tinignan ko lang siya at tinaasan ko ng kilay ko. Inirapan ko nga tapos sinabi niyang...

"Fine next time I won't ask. I'll just do it."

"Ha-ha patawa ka!" sarcastic yung pagkakasabi ko.

Lalakad na sana ako uli nun kaya lang hindi pa rin niya binitawan yung kamay ko. Tinignan ko lang siya at nakatayo lang siya doon at nakatingin sa kamay niya. May relo kasi siya doon eh.

"Hey anong ginagawa mo?"

Narinig ko nun na nagbibilang naman siya. For what again?

"...6.. 7.. 8..." then tumingin siya sa akin ng nakakaloko... "Fine.." lumapit siya sa akin ng sobrang lapit..

"Dumating na yung next time..." after that, I..uh... if ya' figure it out, sabihin niyo sa akin.

****

"You're going back in that school you hear me?!?" dinire-diretso ko lang paglalakad ko, "You're going back to that school with that Wesley guy!"

Nung binanggit ng Daddy ko yun, napahinto na talaga ak ng tuluyan. Nasa pinakataas na ako ng hagdan nun.

"Who?!?"

Mommy ko naman ang sumagot.

"Wesley. Yung nag-iisang anak ng mga Garcia."

Nagalit talaga ako nun. Gusto nilang bumalik ako sa school na iyon para magkasama kami nung Wesley Garcia? I don't even know him. Alam ko na kung bakit. Dahil may kumpanya sila. Syempre yung Daddy ko, gusto lang na magkagusto ako doon din sa may pera na. Kaya nga niya ako inenroll sa private school na yun 'di ba?

>>>sa may last paragraph sa may line na.. 'magkasama kami nung Wesley Garcia?' Riel's the one who said that. NOBODY said that his last name was Garcia. Not even her dad. So Riel in short was assuming.

"Sus.. may nakakatawa ba sa buhay mo?"

"Wala." tumingin siya sa rubber shoes niya, "I uh.. my parents died when I was 3. Yung bro ko when I was 7. Then.. lumaki ako sa uncle ko. Bago ako mag high school, lumipat na ako sa boarding house para hindi malayo sa school." ngumiti naman siya.

>>>ito yung first time na sinabi ni Jasper yung info about his family. It stayed that way til nagkaalaman na. He said na namatay yung parents niya nung 3 siya (edad niya nung naghiwalay sila) and Wesley's (12) which makes him 9 years older than him... and 7 siya nung namatay si Wesley (16) na si Wesley nun... kaya yung last pictures niya, na pinakita ni Mrs. Garcia.. 16 na si Wesley nun. At kaya rin hindi nakilala ni Riel yung picture coz it't not Jasper.

Naglakad siya nun papunta sa direksiyon. Akala ko nga sa akin siya galit eh.

"Sinabi ko naman sa iyo ayoko!" sumigaw siya doon sa phone niya, "I gotta' go. Bye."

>>>ito yung recollection party dance nila. Jasper's arguing with somebody... may hula ba diyan kung sino? (his mom.)

"Pasensya ka na Riel ha.." sabi niya na parang nagpapaliwanag sa akin, "Pagpasensyahan mo na si Jasper. Talagang malaki lang problema niya ngayon." umiling-iling pa siya. "9 years since huli ko siyang nakitang ganyan.."

"9 years na ano?"

"7 years old siya nung huling umarte ng ganyan. Walang pakialam sa mundo. Wala sa sarili. Pati nga sa akin parang galit yan kagabi pa.."

"It's been 9 years the last time he cried. Ngayon lang uli nasundan."[/b]

>>>Carlo mentioned that na it's been nine years nung umiyak si Jasper. Jasper's 16, minus 9... 7 years old siya. What happened when he was 7? Namatay si Wesley!!!

"My parents died when I was three. One day before ng birthday ko." tumango-tango siya mag-isa nun at iba na yung pagtingin niya doon sa apoy na nasa harap niya. Tapos inalis na niya yung daliri niya sa puso niya, "May isa akong kapatid. He died when I was 7. Leukemia. An hour before kong na-receive yung award ko as first honor nung grade 1 ako. Galing siya sa hospital nun, pumunta lang sa recognition day ko."

>>>ito yung kwento ni Jasper sa camp nila. After he said 'my parents died when i was three' so on... may decription ako afterwards... na '--tapos inalis niya yung daliri niya sa puso niya.'

Which means? His body language tells us that his parents died... sa PUSO niya! Kaya tinuro niya yun.

Tumayo naman si Roland doon sa inuupuan niya at tinignan kung sino yung dumating. May isang babae na bumaba doon sa kotse at pumasok doon sa loob ng bahay namin.

Ibinalik ko naman yung tingin ko kay Jasper nun. Nakatingin din siya doon sa babae.

"Sino yun?!?" tinuro niya yung nasa likod ko.

Napapikit-mata na lang ako. Parang gusto yatang sumakit ng ulo ko.

"She's the reason why I can't go." hininaan ko yung boses ko, "My dad told me yesteday that I have to meet her."

"Bakit? Sino sya?"

"Mrs. Garcia." tinulak ko naman si Jasper, "I have to go. Sa susunod ka na lang uli dumalaw ok!"

>>>ito naman yung part na nakatingin si Jasper kay Mrs. Garcia. Bakit siya nakatingin ng ganun? Kasi nagulat siya. Ito yung day na nalaman niya na yung girl na imi-meet niya at si Riel eh iisa! A shocker to him.. so he didn't tell her.

Tinabi niya yung album na pangatlo na yata sa tinignan namin. Kinuha naman niya yung red one na huli na yata sa lahat.

"Ito naman yung mga latest pictures niya.." tapos inilagay niya sa kandungan ko, "Ito na pala."

Nung binuksan niya yung album eh napatitig na lang ako doon sa letrato. Teenager nga yung lalaking nandun. For some reason, hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya.

"Ang gwapo ng anak ko no?"

No kidding.

"Ilang taon na po siya?" hindi ko na maiwasang magtanong.

"Wesley's already 16."

"Ooh.." tumango na lang ako at tingnan ko uli yung picture.

"Bakit nagkakilala na ba kayo? Kasi tinititigan mo yung picture niya."

Nilayo ko naman yung tingin ko at binalik ko sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Uhmmm.. akala ko po eh..." sabi ko sa kanya.

So he's Wesley Garcia. Siya pala yung matagal nang sinasabi ni Daddy sa akin.

"Nah.." umiling naman ako...

"I've never seen him before."

>>>First meeting ni Riel at Mrs. Garcia. Pinakita ni Mrs. Garcia yung pictures at may line si Riel na.. 'For some reason hindi ko maalis yng tingin ko sa kanya' and 'Uhmm akala ko po eh..' sagot niya sa question ni MRs. Garcia (Bakit nagkakilala na ba kayo?.....').. bakit niya tinititigan? Kasi may resemblance si Jasper sa brother niya. So she thought.. at that very moment.. he looks familiar.

I'll assume that you got the Jasper's last name is Morales and not Garcia part. Simply because, his mom got married kaya iba apelyido niya. Morales eh galing sa dad niya dati.

***

A couple of days passed pagkatapos nung araw na iyon. Yes, 16 na ako, and yes, nagka-ayos na kami ni Jasper. Sinabi naman niya sa akin na nasabi naman na daw niya halos lahat ng gusto niyang sabihin sa akin. Gulo no? Well, ako na lang yata ang naguguluhan.

Hindi na ako inenroll ni Daddy sa public school. Unfortunately nakakalungkot talaga dahil nasanay na ako sa school na iyon. Sabi nga nila kapag nasanay ka daw sa kakaibang environment, mahirap daw mag-adopt sa bago. I found that hard to believe. Siguro nga nung bago pa lang ako sa school at maraming bagay na bago sa akin dahil hindi ko ginagawa dati, nakuha ko rin naman hindi rin nagtagal. At least naranasan ko na maging tunay na teenager.. at naranasan ko ang totoong high school life.

Kadalasan, against pa rin si Daddy sa mga ideas at plano ko. Isa sa plano ko eh magkaroon ng Charity for children. Sabi niya masyado daw matrabaho at baka ma-pressure daw ako. Pero ang pinakaayaw niya lang sa lahat ng ginagawa ko, eh yung pagtakas ko kay Roland at maglalakad ako mag-isa. Siguro nga may pagka-rebelde ako in some way. Bata pa kasi ako ayoko na ng mga men in black na sumusunod-sunod sa akin.

Bumalik na naman ako sa private school na pinapasukan ko dati. On the positive side, kasama ko na si Jasper. Anak mayaman nga siguro siya pero lumaki siya na hindi naman siya umaarte bilang isa. Una sa lahat, ayaw niya yung uniform ng school. Kailangan kasi eh naka-tie ka na pormal na pormal. Napaka-OA daw kaya ang ginagawa niya eh hinihila niya yung tie niya para mag-loose at yung polo niya eh madalas na hindi nakabutones kaya kita yung shirt niya sa loob. Slacker sheep look daw ang tawag niya doon. Dress code violator nga ba siya? Yeah. But he looks cool.

Dumadalaw na rin siya sa bahay. Madalas after school kapag naghahatid. One time nga siya pa nag-influence sa akin na takasan daw namin yung driver ko. Tumakbo nga kami, pero ayun.. kung saan-saan kami nakarating. Tuwang-tuwa nga ako nung sumakay kami ng pedicab. Sabi pa niya sa akin yung itsura ko raw eh parang first time ko raw nakasakay nun. And yeah.. he's right.

That very same day, gabi na kami nakauwi. Mabuti na lang eh wala pa si Daddy dahil tiyak patay na kami nun. Si Mommy ang nandun at alam ko na hindi rin pabor yun na tumatakas-takas lang kami. Pero dahil nga si Mommy yun, mas maluwag siya kaysa kay Daddy. Kinausap niya kaming dalawa nung nandun na kami sa living room.

"Kayo ngang dalawa halinga kayo dito.." sabi niya sa amin at naupo naman kami doon sa couch, "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?"

"Wala po... umuupo lang."

Tinignan ko ng masama si Jasper. Pasaway talaga eh.

"What do you mean Mom?" nagkunwari pa ako na hindi ko alam yung sinasabi niya, "Something wrong?"

Alam ko naman na yung gustong pag-uspan ni Mommy. Yung pagtakas namin at kalokohan naming dalawa. What can I say?!? Ganun talaga kami.

Nakatingin lang ako kay Mommy at si Mommy rin eh ganun sa akin. Nung nagsalita na siya eh yumuko na lang ako.

"Kayo bang dalawa eh..."

Hinihintay ko yung katuloy nung tanong yata ni Mommy kaya lang wala na. Nakatingin lang kasi ako paanan ko then narinig ko na lang si Jasper na sumagot ng..

"Opo." tinignan ko siya at nakangiti pa siya, "Opo. Hindi niyo po ba alam?" sabay tango-tango pa siya.

Dahil hindi ko alam yung sinasabi niya eh napataas na lang yung kilay ko. Binalik ko yung tingin ko kay Mommy.

"Really?" parang interesado si Mommy, "Totoo ba yun anak?"

Tinatanong niya ako pero hindi ko naman alam yung tinutukoy niya. Araw?

"Say what?!?" yun na lang ang naisagot ko dahil puzzled na talaga ako, "Am I missing something?"

Ngumiti lang si Mommy nun. Alam niya na hindi ko sila naiintindihan parehas. Kasi naman, bakit nga ba ako yumuko? Takot ba ako na masermonan ako?

"Tinatanong ko lang kayo kanina kung kayo bang dalawa eh.." bigla niya akong tinuro saka si Jasper, "You know what."

Nagtinginan kami ni Jasper nun at hindi ko naman inaasahan na sabay pa kaming sasagot.

"Opo./Hindi po."

Binigyan ko siya ng 'what-are-you-talking-about' look at parang wala lang sa kanya yun. Nag-nod siya sa akin na para bang sinasabi na.. 'sige na nga sasabihin ko na yung totoo..'

Humarap uli ako sa Mommy ko at sinabi ko sa kanya na..

"Hindi po Mommy.."

Napansin ko habang nakatingin ako kay Mommy eh natatawa-tawa siya. Kaya ako eh bigla-biglang lumingon sa likuran ko sa side ni Jasper kung anong ginagawa niya. Nakita ko siya na nagsa-sign sa Mommy ko at sinasabi niyang.. 'Wag ka maniwala sa kanya!' then umiiling siya at tinuturo ako.

Nung nakita niya ako, bigla siyang umayos ng upo na akala mo eh inosente at walang ginagawa.

Well, ganun lang talaga si Jasper. He loves to bug me alot, kasi daw ang cute ko minsan tignan kapag naiinis. Pero hindi rin nagtagal, magse-seryoso siya at sasabihin niyang 'Alam mong biro lang yun 'di ba?' kapag minsan na napapansin niya parang galit ako.. kahit hindi naman.

The real deal is, hindi kami ni Jasper. Maraming tao na iniisip na parang kami na daw dahil madalas kaming magkasama.. sa school.. out of school.. or even when it comes to family.

His mom? Tawag pa rin sa kanya eh Wesley. Para bang nabubuhay na nga siya na hindi niya alam na may isa pa pala siyang anak na Jasper naman ang pangalan. Unfair para kay Jasper, pero ano pa nga bang magagawa namin? Isa pa, tanggap naman na niya yun.

Nag-sorry na nga pala si Mandee sa akin. Sinabi niya na hindi naman niya sinasadyang saktan ako o manguha ng credit na hindi naman sa kanya. Para sa akin? Limot ko na iyon. Isa pa sabi nila, mas mabuti na magpatawad kaysa ang magtanim ka ng galit.

Yung family ni Jasper at family ko eh magkasama nag-spent ng Christmas. This time, sa bahay naman nila. Walang room si Jasper. Ewan ko ba kung bakit ganun. Oh well, the important thing is, we had a great time nung christmas. Walang party kaming pinuntahan kaya walang kaming ide-deal na rich people.

Short time after christmas, naalala ko na malapit na rin yung birthday niya. From recollection. Kasi sinulat niya nun sa board niya, Jan. 1 ang birthday niya. Sa dami ng dates... new year?

So ayun, vacation kasi nun. Ang hirap talagang magpalusot sa kanya. Kapag sinabi kong pupunta ako ng mall, baka mahalata niya na bibili lang ako ng regalo. Nung sinabi ko naman na bibisitahin ko yung friend ko, sabi niya sasamahan daw niya ako. The next day nung sinabi ko na bibili ako ng mga damit ko at sinabi kong matagal akong mag-shopping, sabi niya ayos lang daw at uupo na lang siya sa gilid.

Ang kulit niya no?

Dahil nga super kulit niya, naisip ko na sabihin sa kanya na may slumber party ang mga babae. Dahil nga PAMBABAE nga lang ang party na yun, parang nagdalawang-isip siya na sumama.

"Uhmmm.. aalis ka?"

Parang ayaw niya akong paalisin nun kaya ako naman eh...

"Yeah... obvious ba?"

Pinapakita ko lang sa kanya na hindi ko naalala yung birthday niya. Ang masama pa, sarcastic pa yung pagkakasabi ko.

Nagpunta nga ako sa mall mag-isa nun at wala akong kasama. Si Kay kasi eh hindi na makikipag-celebrate sa amin dahil may sarili silang celebration ng family niya.

Hindi ko alam ang ireregalo ko kay Jasper. Ni-hindi ko nga alam kung ano ba ang magugustuhan niya.

Unang-una kong pinuntahan eh National Book Store, kaya lang naisip ko eh hindi naman siguro bookworm si Jasper. Hello? Bihira yata sa lalaki yun. Sumunod kong pinuntahan eh accessory shop. Mag-iisang oras yata ako doon sa loob eh hindi ako makapag-decide doon kung brown ba o black ang kukunin ko, o kung yung mas mahal ba o mas mura. In the end, naisip ko na baka hindi niya magustuhan yung accessories dahil maarte din ang lalaki sa ganun.

Nakita ko rin yung Hardware. Malabong doon ako makakuha ng regalo para sa kanya dahil hindi naman siya carpenter.. technician.. or anything in that field. Sa RRJ din eh super duper tagal ko.

NAMAN OH!

Sumakit sobra yung paa ko kaya kahit na maglilimang oras na ako doon sa mall, naupo ako at kumain ako ng ice cream. Parang yung agenda ko eh naiiba dahil wala talagang pumapasok sa utak ko. Pati nga sa Bench eh pumasok rin ako.. Penshoppe.. basta halos lahat na from the genre of little kids to a rocker stuff.

Bakit ba ang hirap regaluhan ng mga lalaki?

Siguro nga sobrang desperate na ako makabali ng regalo kahit isa dahil gumagabi na nun. Isa pa, Dec. 31 ngayon. Pumikit na lang ako na parang bata at umikoy-ikot at yung unang maituro ko na shop eh doon ako bibili ng ireregalo ko sa kanya.

Nung nahihilo na ako eh huminto na ako. Sports Store. NOT BAD RIEL!

Nanginginig na yung mga binti ko nung makapasoka ko doon. Nakita ko yung mga diving gear. Siguro naman hindi marunong mag-scuba si Jasper. Basketball? Yeah... typical.. but yeah.. a guy thing. Soccer? Cool... lots of running... and kicking of course.. pretty much guy thing. Bowling? Definitely not. Baka tignan niya lang ako ng masama at sabihing... 'You think I bowl?!?'

Umikot pa ako doon sa loob. May nakita pa nga akong aquarium doon eh. Hindi ko tuloy alam anong connection nun. May mga rollerblades din doon, saka ice skating stuff. Jasper's definitely not a twirl girl.

Sumasakit na yung ulo ko nun. Kaya ayun, nag-lean ako doon sa may glass na may lamang kung ano sa loob.

"Hi Miss, you need anything?" tanong nung lalaki na nagulat pa ako at para yata akong magkakasakit sa puso, "Sorry kung nagulat kita."

May edad na yung lalaki na nakatayo doon. Napansin niya yata na kanina pa ko ikot ng ikot doon sa shop niya pero hindi naman ako bumili.

"Yes.. please." sobrang kailangan ko na talaga ng tulong! "Actually, may reregaluhan ako. It happens to be a guy."

"New Year gift?"

"Uhmm.. sort of." tapos tumingin ako sa kanya, "Ok. Birthday niya kasi. Kaya lang nahihirapan ako mag-isip ng ireregalo sa kanya. He's a very very open guy when it comes to experiences. With Jasper, it could be anything."

"Ahh.. Jasper pala ang pangalan ng boyfriend mo.. I see.."

Tinignan ko yung lalaki doon. Intrigerong ito?!?

"Nah.. he's not.. really.... he's my.." napaisip naman ako bigla...

Nanahimik ako nun. Jasper's my--- what?!?

"I don't know." naguluhan din ako, "Friend?"

"So close friends kayong dalawa?" nagtanong siya uli sa akin.

"Uhmm.. more than that?"

Ngumiti na naman yung lalaki sa akin as if alam na alam niya yung mga bagay-bagay.

"You're confuse." una niyang sinabi sa akin, "Iniisip mo na kaibigan mo siya, pero tanungin mo ang sarili mo.. mahal mo ba siya higit pa sa isang kaibigan?"

Nung sinabi niya yun.. nakiramdam naman ako. In fact... I do. Hindi ko lang inaamin. Bakit nga ba?

Teka nga teka nga.. sports store ba ito o love doctor? Eh naghahanap lang ako ng regalo bakit napunta yata sa lovelife ko?

"Sports store po ba ito o advice column?" dinaan ko na lang sa biro kaya natawa siya.

"Ikaw na rin ang nagsabi na si.. Jasper.. eh all around guy. Open for anything. So maybe, he's actually looking for something na hindi nabibili." a ng lalim naman nun nalulunod yata ako!

"What do you mean?"

"Ang best gift na pwede mong ibigay sa kanya eh wala dito sa mall na ito.. wala sa sports shop na ito.. at lalung-lalo na wala sa kahit saang parte ng mundo." tapos tinuro niya ako, "Nasa iyo."

Parang Greek ang language niya ah! Hindi ko yata maintindihan.

"You need to go look for him... and you'll know the rest."

"Seriously.. I don't know the rest." puzzled na naman ako.

Ang EWAN ko talaga!

"Hey hija.. ever heard of the term... '25th hour'?"

Napaatras naman ako. Parang lang...

"You mean.. 24th hour?"

"Hindi. 25th hour." seryoso naman niya masyado. Natatawa na siya sa akin dahil hindi ko talaga maintindihan yung mga sinasabi niya. "The best gift you'll give him is 25th hour.."

"Ahhh!" nakangiti pa ako nun at napalakas yung boses ko, "Gets ko na!"

"See? Nakuha mo pala.."

"Yun pala ang best gift kay Jasper.." tumango-tango naman ako, "Why didn't I think of that?"

Tumingin naman ako doon sa gilid ko. Yun daw ang best gift ko?

"25th hour pala ah!" biniro-biro ko pa siya tapos lalo akong nag-lean doon sa glass table.

"Say WHAT again?!?" Riel naman!!!

-------------------------------------------------------------------------------- Puzzled talaga ako nun. Yung lalaki kasi sa Sports Shop eh lalong ginulo yung utak ko. Kanina lang nag-decide na ako na bibili na lang ako ng kahit anong sports gear para kay Jasper sa birthday niya kaya lang ngayon nag-aalangan tuloy ako. Kasi naman eh! Ano ba yung 25th hour na yun na sinasabi niya? eh kung pinapaliwanag na lang din niya eh di hindi ko na siguro kailangang mag-isip eh no?

At alam niyo ba ang sinagot nung sinabi ko yan? Sabi niya ako lang daw ang makakasagot nun at hindi na kailangang sabihin pa sa kanya. Ang weird niya no? Hindi ko nga masagot tapos ngayon ako ang makakasagot? Parang lalo lang yata akong naguluhan... oh well...

Dahil napagod na ako sa kakaisip at kakaikot sa mall, wala na akong magawa kundi ang umuwi na lang. Anong regalo ko? Bumili na lang ako ng sumbrero. Kasi naman wala na akong maisip. Hindi naman siguro mapili si Jasper. Isa pa, hindi ko pa siya nakikitang magsuot nun kaya pwede na yan!

Pagdating na pagdating ko sa bahay eh si Mommy kaagad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya doon sa couch namin at may binabasang magazine. Bihis na bihis pa siya at tumingin siya sa akin nung pumasok ako sa loob. Hinawakan ko pa yung ulo ko at medyo masakit yata.

Paakyat na ako sa hagdan namin at hindi pa ako nakakailang hakbang eh bigla ba naman niya akong tinawag...

"Anak!" sabi niya kaya nagulat ako, "Bakit hindi ka pa bihis?"

Tinignan ko naman yung suot ko nun. Ano bang problema? Saka may pupuntahan ba kami?

"Bihis? Para saan?" tinanong ko naman siya pero wala naman ako sa mood.

"Eh di ba kina-Jasper tayo magce-celebrate ng New Year?" inulit pa niya sa akin yun, "Gabi na nandito pa tayo. Tapos magbi-birthday pa siya.."

"Yeah I know that.." pinikit ko pa yung mata ko at medyo inaantok na ako, "Jan.1 ang birthday niya Mommy at hindi Dec. 31."

"Exactly." sabi niya na parang wala akong alam, "Ilang oras na lang birthday na niya. So move it!"

Tinatamad-tamad pa akong kumilos nun pero dahil nga sina Mommy eh kukulitin lang ako, umakyat na rin ako pero mabagal pa rin. Hindi nga rin nagtagal eh nainip na rin sila sa akin at sinabi ko sa kanila na mauna na lang sila at ako eh magpapahatid na lang sa driver. Grabe pala talaga kapag maghapon kang umiikot sa mall at panay pa ang isip mo. Nakaka-drain ng energy!

Naligo lang naman ako nun at lumaba na rin ako kaagad ng bathroom. Wala na nga sila Mommy at hindi na nila ako hinintay. HInanap ko lang yung driver namin na naghatid sa akin kanina, kaya lang napansin ko na nakikisaya siya doon sa ibang maid namin kaya hindi ko na lang tinawag. Kaya ko naman sigurong sumakay ng jeep at pumunta sa bahay nila Jasper ng walang driver 'di ba?

"Pero Mam, baka po pagalitan ako ng Daddy mo.." yun ang sinabi niya sa akin na medyo worried pa sa naging desisyon ko, "Kabilin-bilinan niya kasi huwag ka daw paalisin ng walang kasama kahit sino eh."

Ako naman eh hindi basta-basta nakikinig sa mga sabi-sabi lang kaya tinapik ko siya sa balikat niya.

"Kuya, don't worry. Hindi ka matatanggal sa trabaho mo. Akong bahala sa Daddy ko. Ano ka ba! Kaya ko na pumunta doon." tinignan ko silang lahat na nakatingin sa akin, "Happy New Year nga pala sa inyong lahat. Yung mga pagkain sa kusina, kayo nang bahala doon! Sasabihin ko kay Daddy na ako nagpasabi na lutuin niyo para sa inyo!"

Umalis na ako nun at hindi naman na nila ako pinigilan. Sus yan pang mga yan, kampi naman sila sa akin noon pa! Yun nga lang minsan takot sila kay Daddy kaya minsan mas sinusunod nila si Daddy kaysa sa akin.

Naglakad lang ako ng kaunti at medyo nakakatakot dahil may mga nagpapaputok pa doon sa labas. Baka kasi bigla na lang may bumagsak na kung ano sa ulo ko. Sa awa ng Diyos, nakasakay naman ako ng jeep at pakiramdam ko mas safe ako doon dahil may bubong na.

Medyo malayu-layo rin ang bahay ng mga Garcia sa bahay namin kaya inabot din siguro ng 25-30 minutes nung nakarating ako. Nag-invite naman yata sila ng mga kasama nila at marami naman nang tao doon. Ang ingay ingay pa doon sa labas dahil may malaki silang sound system sa may garden nila.

Umikot ako ng umikot sa loob at marami pa ngang nakakakilala sa akin na hindi ko naman matandaan kung sino at kilala nila ako. Nakiki-Hi na lang din ako kaya nahirapan pa akong makadaan dahil sa sobrang dami ng binabati.

Nakita ko rin naman si Mrs. Garcia at nakatayo siya doon sa gitna at nangunguha yata ng juice niya. Napansin niya lang ako nung mapansin niyang nilalaro-laro ko yung susi ng sasakuyan namin na nadala ko ng wala namang reason.

"Arielle nandito ka na pala!" tuwang-tuwa na naman siya nung makita niya ako, "Gusto mo bang kumain ng kahit ano? Maraming pagkain doon!" tinuro niya yung kabilang side, "Sabihin mo lang at uutusan ko si Manang na kumuha ng pagkain.."

"Naku hindi po.." umiling naman ako sa kanya, "Hindi naman po ako gutom eh. Si Jas--," natigilan naman ako, "Si Wesley po?"

Ginala naman nia yung tingin niya pero sa sobrang dami ng bisita doon at madilim na, malabong makita pa niya si Jasper.

"Hindi ko pa nga nakikita yung anak ko na yun simula kaninang umaga. Nasa kwarto niya lang yun kanina pa, pero hindi ko na napansin." humawak siya sa buhok ko, "Magkakaroon ng fireworks display mamayang 12.. so kailangan nandito na kayo ha.."

Sinasabihan niya ako na kailangang nandun na kami mamayang 12 eh samantalang hindi ko alam kung nasaan ang anak niya. Malaki rin naman yung buong bahay niya at sa sobrang dami ng tao dito eh mahihirapan talaga akong maghanap. Isa pa, past 11 na rin naman na.

Nung nakaakyat ako doon sa hagdan nila papunta sa main door eh tinignan ko yung mga bisita. Nag-overview muna ako in-case na makita ko siya pero ang daming nag-uusap, kumakain, sumasayaw at kung anu-anong business. This is also one reason why I hate being... one of them. Marami ngang parties, panay hindi naman totoo yung mga tao.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at ganun din. Sobrang dsami ring tao doon eh medyo maingay din. Siguro nga nasa taas yun sa may kwarto niya. Tama ba yun? Birthday celebrant mamaya tapos siya pa yung mahirap hanapin?

Nakita ko naman yung isang nagse-serve doon na babae at naisipan ko naman itanong.

"Excuse me.." kinalabit ko siya doon sa likod niya, "Have you seen Jasper Morales?"

Tinignan niya lang ako at halata mong hindi niya alam yung pinagsasasabi ko.

"I'm sorry Mam.." sabi niya na medyo friendly naman ang dating, "Tinawagan lang po kami ngayong gabi para sa party pero hindi po kami permanent worker dito. Hindi ko po kilala kung sino si Mr. Jasper Morales."

"Oohh.. uhmm.. thank you anyways.."

Aaakyat na naman uli sana ako doon sa hagdan papunta doon sa mga kwarto nila kaya lang na narinig ko naman yung kasama nung babae na pinagtanungan ko na may sinabi.

"Hindi ba yun yung anak nung may-ari nung bahay? Yung guwapo kanina na bumaba?"

Napatingin naman ako doon sa babae.

"Miss, yung matangkad ba yung tinutukoy mo?"

Napansin naman niya ako doon.

"Opo. Pabalik-balik nga po yun kanina sa taas at baba pero hindi po nag-stay dito. Bumababa lang kapag tinatawag siya at may ipapakilala daw sa kanya."

Ngumiti lang ako at tumango naman ako kanya. Syempre, binilisan ko naman na yung pag-akyat ko.

Ganun na naman sa taas at nagtanong-tanong uli ako dahil hindi ko naman alam kung saan yung naging kwarto niya. TInuro lang sa akin nung lalaki na hindi ko naman kilala na doon daw siya sa kwarto sa may bandang dulo madalas niyang nakikita si Jasper. Kumatok naman ako doon sa kwarto pero wala man lang sumagot. Ayoko namang buksan na lang kaagad dahil masamang habit yun. Tinignan ko yung butas doon sa gilid at mukhang madilim naman. Nah.. wala si Jasper dito tiyak.

Tumabi naman ako doon sa may bathroom in case na siya yung nandun. Nagtataka na nga yung mga tao dahil nakabantay ako doon at hindi naman ako gumagamit. LUmabas pa nga yung matandang lalaki at tinitignan ba naman ako ng masama. That is definitely not Jasper.

Naikutan ko yata eh limang bathroom pa at nag give up na ako dahil sari-saring amoy lang ang nalalanghap ko at panay flush lang naman ang naririnig ko. Mukhang wala siya dito. Siguro ng kumakain na yun sa baba.

Nung malapit na ako doon sa spot kung saan ako nagsimula, bigla ba naman akong naging masaya dahil nakita ko si...

"CARLO!!!" sumigaw ako doon pero wala akong pakialam kung magtinginan sila. "HOY CARLO!"

Lumapit naman siya sa akin at yumakap naman siya. Nakatodo-ngiti din siya nun. ANg higpit-higpit pa nga ng yakap niya at humiwalay din naman siya kaagad.

"Riel!" hinawakan niya ako sa kamay ko at inikot ako as if sumasayaw ako, "Ang ganda natin ah!"

"Thank you!" ini-return ko na lang din yung compliment, "Ikaw din gawapo natin ngayon ah!"

"Hindi naman.." hinawakan pa niya yung buhok niya.

"Sinong kasama mo?"

"Ahh.. parents ko." lumingon siya sa likuran niya, "Somewhere. Baka kumakain na yung mga yun." then binalik niya yung tingin niya uli sa akin, "So kumusta na? Kumusta na kayo ni Jasper?"

"Nakakainis naman yung tanong mo eh!" hinampas ko nga sa balikat niya, "Saka yan din ang tanong ko sa iyo, nakita mo ba siya?"

"Hindi eh. Hindi ko pa siya nakita whole day. Akala ko nga magkasama kayo eh.." seryoso sya at alam kong totoo yung sinabi niya, "Ibibigay ko pa man din yung regalo ko sa kanya."

Nakita ko naman yung regalo niya at may hawak siyang kung ano na korteng box.

"Ano namang laman niyan?"

"Goggles. Mahilig kasi mag-swimming yun si Jasper dati. Sumali sa competitive swimming. Eh ganito yung gusto niyang bilhin dati pa..."

Well, not bad! Goggles pala yung kanya. Mine's better I guess. Kasi naman, ball cap yata yun! Worth P400 na bili ko. At pera ko pa!

"---P1200 nga bili ko kasi orginal eh."

Na-choke naman ako nun. Ang mahal naman yata nun para sa goggles! I mean...

"Ok ka lang?" humawak siya sa likod ko, "Ikaw ano namang dala mo para sa kanya?"

TInago ko naman yung ball cap na hawak-hawak ko.

"Uhmm.. it's uhmm... a.." tumingin ako sa gilid, "A clock. Yeah." ano ba yan!

"A clock?"

Dahil mukhang nagsususpetsa rin si Carlo, umamin na ako.

"Ok alright!" sabi ko dahil naggive-up naman na kao, "I was at the mall this morning. Yun nga, naghahanap ako ng regalo para sa kanya. Gusto ko pera ko yug pinambili ko at hindi galing kay Daddy.. P500 na lang pera ko, yung P100 nakain ko pa ng kung ano.." sumimangot ako, "Hindi ko talaga alam kung ano ireregalo ko sa kanya. GUsto ko magugustuhan niya. Then I bought this.." nilabas ko na yung regalo ko, "Ball cap. Hindi naman siya nagsusumbrero di ba? Tapos ngayon ikaw pinakita mo yung regalo mo.. kay ayun nahiya tuloy ako.."

Tumawa naman ng tumawa ng malakas si Carlo. Grabe naman, nahiya na talaga ako lalo!

"Tignan po pati ikaw natawa!"

"Hindi ikaw tinatawanan ko.. at lalong hindi yung regalo mo..." pinilit niyang pigilan yung tawa niya, "I can really imagine you going here and there para maghanap ng regalo niya. Alam mo, hindi mapili na tao si Jasper. Kaya kung ako sa iyo kahit ano pa yan basta galing sa iyo.. matutuwa yun!"

Hindi pa rin ako sigurado nun.

"Talaga?" para na akong bata nun, "Totoo ba yung sinasabi mo?"

"Oo no!" yumakap uli siya sa akin, "Naku alam ko na kung anong nagustuhan sa iyo ni Jasper!" tatanungin ko pa sana kaya lang nagbago isip ko, "Ngayon, hanapin mo na siya dahil 10 minutes before 12 na."

"10 minutes?!?"

"O sige ganito na lang.." nataranta na rin siya, "Hahanapin ko siya dito sa baba, mag-stay ka na lang doon sa taas. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko na puntahan ka doon. Ok ba yun?"

"But it's almost 12. I wanted to... gusto ko sana siyang ksama--"

"Riel, alam ko yun pero kung hindi ko siya hahanapin ngayon hindi mangyayari yun..."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh tumakbo nama na na siya kung saan. AKo naman eh ginawa ko na lang yung sinabi niya at umakyat na lang ako uli doon sa taas. Syempre bumalik ako doon sa tinuturo nilang kwarto niya. Sarado pa rin.

Binuksan ko na lang at pumasok ako doon sa loob. Iniwan ko na lang na bukas yung pinto para naman kung may pumasok eh alam ko kung sino.

Napansin ko na may labasan pala doon sa kwarto niya papunta ng terrace nila. Dito pala magandang umupo dahil sabi nila may fireworks display mamaya. Tinignan ko yung wall clock, 5 minutes before twelve na.

Naupo na lang ako doon sa terrace at ang lamig doon. Yng mga bisita eh pinagsama-sama nila sa labas at sabay-sabay yata sila magka count down para nga sa New Year. Nandun na ngayon sila sa gutna at dikit-dikit sila. I bet my parents are there.

Anyways... nakatingin lang ako doon sa langit, then sa baba uli. Wala na ring sign ni Carlo. Tingin ko nahihirapan din siyang hanapin si Jasper.

Hindi rin naman nagtagal... nagsimula na silang magbilang for the last 10 seconds ng taong ito.

10... Nasaan ka na Jasper?

9... Darating ka naman 'di ba?

8... Hindi bale may 7 seconds pa..

7... 'Di pa naman huli lahat..

6... Siguro tumatakbo na yun sa hallway ngayon..

5... Konting tiis pa..

4... JASPER NAGAGALIT NA KO!

3... MAGPAKITA KA NA!

2... Ano ba yan wala na...

1... NAKAKAINIS KA NAMAN EH!

And then.. BOOM. May fireworks na nga. At sobrang ganda. Yep.. walang Jasper.

"Wow.." nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakaupo ako doon, "Happy New Year Jasper.."

Huminga na lang ako ng malalim at tinignan ko na lang yung fireworks na pinagkagastusan nila para dito. Bakit ba nakakamangha tumingin sa ganun no?

Narinig ko namang may nagsara ng pintuan at may huminga rin ng malalim.

"Happy New Year Riel.."

Napalingon naman ako. Teka, pangalan ko yun ah!

Dahil hindi bukas yung ilaw doon sa kwarto, nahirapan pa akong tignan kung sino yung nasa loob. Sumilip ako doon sa glass door at nakita ko si Jasper na nakahiga doon sa kama at nakaalis na yung coat niya. Naka-polo na lang siya. Nakatingin siya doon sa kisame.

"And Happy birthday to me.."

Naku kung hindi ko lang kilala itong tao na ito eh iisipin kong baliw ito. Tama bang mag-senti siya mag-isa?

Ewan ko ba, hindi pa rin ako pumasok sa loob at pinapanood ko pa rin siya. Ang tagal niyang ganun. Bigla na lang siyang tumayo at nilapag yung mga hawak-hawak niya sa kama at nagsimula naman na niyang hilahin yung polo niya at tanggalin yung butones.

Nung nakita ko siya na unti-unting inaalis yung pantaas niya, hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya pumasok na ako doon sa loob.

"Hey hey hey!" sabi ko na nakapikit pa yung mata, "Don't you dare remove your shirt in front of me!"

Narinig kong kumilos siya at siguro eh nagbihis na rin. Sinabi niya eh..

"Ok safe na.." sabi niya kaya inalis ko na yung kamay ko sa mata ko, "What're you doing here? A-akala ko ba eh..."

"Nasa slumber party ako? Nah."

"Pero sabi mo sa akin na hindi ka makakauwi..."

"Para sa birthday mo?" binatukan ko nga, "Syempre pupunta ako no!"

"Hindi ka tumuloy sa slumber party?" tanong niya na nagtataka pa sa sinasabi ko.

"Ibig mong sabihin hindi natuloy yung slumber party.." then parang naguluhan din ako sa sinabi ko, "I meant... I just made that up. Walang slumber party." tapos naisip ko na umamin na, "Sinabi ko lang yun para makapunta ako sa mall mag-isa."

"You're trying to get rid of me?" tinuro niya yung sarili niya.

"DUH? Of course." nung sinabi ko yun eh parang nasaktan naman siya doon, "Kasi naman.. paano ako bibili ng regalo mo kung kasama ka? Sabihin mo nga?"

Nung sinabi ko yun, parang nabuhayan na naman siya.

"Binilihan mo ako ng regalo?"

Nahiya naman ako nung oras na iyon. Inilabas ko na lang yung binili ko sa mall.

Binubuksan na niya at mukhang gusto niya nang malaman yung nasa loob. Ako naman eh hindi na makapagpigil eh bigla ko na lang sinabi.

"Ball cap." taops umupo ako doon sa kama, "KASI NAMAN EH!" nilakasan ko yung boses ko kaya nagulat din siya, "Maghapon na ako doon sa mall pero hindi ko alam kung anong ireregalo ko! Ang hirap-hirap naman kasi ng regalong talagang magugustuhan mo!"

Nung sinabi ko yun eh bigla na lang siyang lumuhod at yumakap sa akin ng sobrang higpit. Hindi ko naman inaasahan yun kaya nakiyakap na lang din ako.

"Para saan ito?"

"Just listen." sabi niya na medyo mahina, "Hindi mo naman kailangan akong bilihan ng kahit na anong regalo. Ang mahalaga, dumating ka! That's all I'm asking for."

Humiwalay na rin siya nun at tinignan ko lang siya. Halata kong masaya na siya dahil nakangiti siya sa akin.

"Oh men!" natwa siya lalo sa akin, "I've spent a whole day at the mall tapos hindi ka naman pala mapili sa regalo?" tapos naalala ko yung lalaki kanina sa Sports Shop, "And I talked to this guy from the Sports Store... parang Greek yung language! Ang lalim ng mga sinasabi."

Nahalata ko namang naging interesado siya sa sinabi ko.

"He said something like..." pinilit ko namang alalahanin yung sinabi nung lalaki kanina, "The best gift is---"

"25th hour. Yun ba yung sinabi niya?"

Tinignan ko siya ng at hindi ko alam kung paano niya nalaman yung sasabihin ko. Teka, manghuhula ba siya?

"How did you know that?"

Yumuko siya nun at umupo naman siya ngayon sa tabi ko. Napaka-seryoso naman na nya at hindi siya tumingin sa akin.

"Alam ko dahil yan din ang sinabi niya sa akin dati..." hindi ako makapagsalita nun kaya tinuloy niya yung pagkukuwento niya, "He's my dad. My real dad."

"HE'S YOUR WHAT?!?" hindi ko naman inaasahan yun, "Real dad?" tumango lang siya sa akin, "He works at the Sports Store?"

"He owns the Sports Store." sabi ko nga eh.. whatta' question Riel! "So.. siguro nga tama siya. 25th hour nga siguro ang best gift." ang bagal ng pagsasalita niya, "Galit lang ako sa kanya nun, kaya hindi ko siya pinaniniwalaan. Ayokong makarinig ng kahit anong galing sa kanya."

Hindi ko masundan yung mga sinasabi niya dahil hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng 25th hour. Daddy nga niya yun. Parehas silang Greek ang pagsasalita.

"I'm sorry Jas.." sumandal ako sa balikat niya, "Hindi ko alam ang meaning ng 25th hour."

At that time na sinabi ko yun, tumawa siya ng malakas at at umakbay sa akin.

"Hindi mo alam ang meaning ng 25th hour... pero iniregalo mo sa akin? How weird is that!" tumawa pa rin siya ng tumawa.

Siniko ko nga siya sa tiyan niya pero hindi malakas. Kunwari eh hinawakan niya na para bang nasaktan siya kahit hindi naman.

Humawak siya nun sa kamay ko at hinila niya ako doon papunta sa terrace niya. Tuloy pa rin yung fireworks nila at kitang-kit a doon. Walang nagsasalita sa amin at parehas lang kaming tumahimik. Ganun lang, nakatingin lang kaming dalawa doon.

Ang sarap sa pakiramdam. Nakatayo ka lang doon at parang relax na relax yung buong katawan po pati yung utak mo eh kakaiba talaga sa pakiramdam. Umakbay siya sa akin tapos tumingin uli siya.

"Riel.." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya..

"Yeah?"

"Anong inisip mo nung hindi ako dumating at exactly 12 nung counting? Late ako. Anong naramdaman mo?"

Hinampas ko nga. Ewan ko ba. Ang sadista ko no?

"I got mad. Naiinis ako sa iyo kasi kung kailan pa naman eksartong 12 wala ka!"

Hinarap niya ako sa kanya. Hindi naman siya galit, pero hindi siya nagbibiro.

"Yun ang gusto kong ma-realize mo. Ang mga numbers na nakikita mo sa orasan.. they're all just figures. They don't mean a thing." tapos tinuro niya yung puso niya, "Tayo ang dapat nagbibigay buhay sa kanila... hindi sila sa atin." umiling-iling naman siya, "What I'm trying to say is... hindi naman mag-eexist ang so called "time" kung hindi naman natin ginawa." nahihirapan naman siyang sabihin kung ano yung gusto niyang sabihin. "You know what I mean?"

Nakatingin lang ako sa kanya nun. At that very moment, hindi ko iniwas yung tingin ko sa kanya at nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung aoong meron nung mga oras na iyon pero parang may nagbukas sa isip ko na kung ano.. at bigla ko na lang sinabi na...

"YES...." napakunut-noo siya, "Yes Jasper."

"Yes naiintindihan mo?"

"Yes... they're just figures. And yes..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, "Fairytales don't end at twelve."

Napaatras siya sa akin nun at hindi ko alam kung ako naman ngayon ang nagpapagulo sa isip niya.

"Are you trying to tell me that you and me..." tinuro niya ako then sarili niya... hindi na niya naituloy yung sasabihin niya.

"YES!!"

"Geez Riel huwag mong babawiin yan dahil masaya ako ngayon!" then yumakap talaga siya sa akin at binuhat pa niya ako.

I didn't know I was doing it that time. But 25th hour... did happen.

Epilogue

 

The phrase that 25th hour will not learn is...

Marami nga sigurong nangyari sa amin. At marami pa rin namang mangyayari. Pero kung yung mga bagay na iyon eh haharapin namin magkasama, mas magiging ayos siguro ang lahat.

Sinabi kaagad ni Jasper kay Carlo yung nangyari nung New Year. Si Carlo naman eh hindi makapagpigil eh sinigaw kaagd na: "BRO KAYO NA?" kaya muntik-muntik ko na talaga syang nasuntok. Ayoko pa sanang ipaalam. Pero ayun, mabilis kumalat yung balita na sinagot ko na nga si Jasper Morales.

Dumalaw si Kay sa bahay namin after New Year. May dala-dala siyang newspaper at pinabasa niya sa akin. May picture doon si Mr. and MRs. Garcia at may isang lalaki na nakaside view lang at parang ayaw na masama sa picture. Nung binasa ko yung caption... something Garcia... something Morales.. and something business. Oh well! Masyado naman na yatang late para doon sa balita na yun!

Remember Mang Ramon? Yung pinagtrabahuhan namin? Nalaman ko na mas marami pa palang alam siya sa akin dati pa. He knows that Jasper's rich at ayaw ipaalam kahit kanino.. and he knows that I'm rich na ayaw din ipaalam kahit kanino. Ain't that cool? At least nagkaalaman na.

Sinabi ko na rin kay Jasper na phone ko talaga yung kay RAZR na gamit ni Kay. In the end, both of us bought new phones para identical. Ang masama nga lang, pera ni Daddy ang ginamit namin.

Bumalik na rin pala kami sa public school. Pumayag na rin si Daddy as long as Jasper would look after me. He said he will... ewan ko lang kung totoo. Everyone calls me A.L., at si Mandee rin eh ka-close na namin. This time.. as Mandee, and not as another person.

Awarded nga pala si Jasper na first honor dahil nga bumalik siya. Salutatorian lang ako. Close fight nga masyado.. pero ok lang naman sa akin kung ano ang kalabasan.

His mom? She's... fine. Wesley pa rin ang tawag sa kanya pero ganun talaga eh. She's sick. Kaya nga sabi ni Mr. Garcia.. a.k.a, Papa daw, eh dadalhin daw niya sa psychiatrist. There's nothing wrong with that.

His dad? A.k.a.. Daddy? He's great. Binalikan namin siya sa Sports store at masaya siya para sa amin. Ang kabilin-bilinan niya eh huwag daw munang magpakasal dahil bata pa raw kami para doon. Nakitawa na lang din kami. And guess what? May stepsiblings pala si Jasper sa dad's side niya. Hindi ko nga alam yun eh.

Kung tatanungin naman niyo ako about Carlo? Hindi sila ni Kay. I don't know why. Pero nakikita mo naman na they would actually end up together. Si Carlo kasi eh nagiging si Jasper. Ang mga kilos pagdating sa babae,... parang hindi iniisip! Yayain ba naman si Kay sa date nila at dalhin sa chicken poultry? Ayun... hindi ko alam anong kinalabasan. Hindi ko alam kung ok ba. But I guess, it went well. BInabanggit kasi sa akin ni Kay na cute daw si Carlo.

One of the best thing that happened to me lately eh nung dumalaw kami sa memorial park para bisitahin ang puntod ni Wesley. Jasper's... still Jasper pero alam mo na emotional siya kung may kinalaman ang bro nya. Nakaupo lang kami doon at nabasa ko yung mahabang engraved writing doon.

...... ..... ... We create our moments. It's not actually what the material world has to offer that will make things change. It's us. And will always be us. Time is a great thing if we use it wisely.. or should I say... emotionally.

Things didn't just exist until somebody created it. Or so, I believe. It's the same thing on how we believed on how we live our life. To become happy? Figures are just figures. Don't be blinded by it.

MOMENTS exists if we believe it will exist. If we are willing to create it. We have 24 hours a day 7 days a week... and still... we will not realize what we are doing. We can create a world where we can say we have 30 days a week... and we have a million seconds in a minute. I made it. It exists when I said it. It's like saying I created 25th hour. It doesnt exist, but now it does when I said so.

25th hour are moments that we think are out of this world. It's not ruled by any figure or any material things that we see. It's only with our hearts. We create these things.. and it will not be here unless WE BELIEVE IN IT. It goes on and on...

25th hour is a powerful thing. It lies in each and every one of us.

"Riel.. tara na?" tinanong ako ni Jasper pagkatapos na pagkatapos kong basahin yung nakasulat.

Hindi ko maalis yung tingin ko doon.

"Who made that?" tinuro ko yung mahabang nakasulat doon.

"Wesley." sabi niya sa akin, "He made that before he died. Just like that, He believes in 25th hour."

"Bakit ikaw hindi ba?"

Ngumiti naman siya sa akin nun.

"Are you kidding me? My 25th hour started when I almost tripped at the hallway..."

Napaisip naman ako nun.

"First day of school. I met Szarielle Lopez?!?" tapos lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Ooh..." sabi ko naman nung sinabi niya yun, "Mine started when I heard the name... Wesley."

"Bakit?"

"They're talking about you that time."

Lumuhod na naman si Jasper nun sa harapan ng puntod ni Wesley.

"Hey bro..." tumingin siya sa akin, "She's the one I'm talking about."

Tumingin naman ako sa kanya nun.

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Wala. Kinukuwento kita sa kanya." tumayo siya uli.

Papaalis na kami nun. Tumingin lang uli ako sa likuran ko. Nakilala ko na rin ang nag-iisang Wesley Garcia. How I wish he was here.

"San nga tayo pupunta?" naisipan kong magtanong dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Wala lang. Naisip ko lang na mag-cruise tayo."

"Cruise?!? are you crazy?"

"No." nilabas niya yung dalawang ticket, "Ticket for two. 2 weeks vacation?!?"

"Oh my God! Bakit?"

"Dahil--" sabi niya na nakangiti pa, "Gusto kitang kasama doon!" bigla siyang nainis, "Kailangan ba talaga ng reason?"

"Of course!"

"Fine!" sumigaw din siya, "COZ I WANNA' SPEND A GREAT DEAL OF MY LIFE WITH YOU! You hear that?" tapos tumingin uli siya sa akin, "--and, I'm planning to go to college with you."

Napatingin lang ako sa kanya nun pero hindi ko na sinagot.

Kapatid nga niya si Wesley. He's creating a moment. At magtutuloy-tuloy lang yun hanggat gusto niya.

At ngayon, habang sinusubukan kong taousing isulat ito at magsimula ng bagong chapter para sa cruise namin... may na-realize na naman ako...

There is one phrase that 25th hour will never learn...

and I'm delighted to tell you... that phrase was the first line I wrote when I started this story.

 

Impressum

Tag der Veröffentlichung: 11.09.2015

Alle Rechte vorbehalten

Widmung:
Fairytales. Yeah right! As if it's true. Siguro nga yung fairytales eh hindi maganda sa simula, then pagdating ng dulo eh happy ending parati. Lagi na lang napapataas yung kilay ko. My mom told me I used to like reading those kind of books. But right now... wala siya sa interest ko. Paano nga ba sinisimulan yung story sa mga fairytale? Ano nga bang phrase yun? Ooh.. ok. I remember. Let's start my story with that phrase too.

Nächste Seite
Seite 1 /